Sakto lang din ang pagannounce ng Moneybees tungkol sa pagparner nila sa mga pawnshop. Since ang service ng Binance ay binlock na ng SEC, pwedeng gawing alternatibo ang service ng Moneybees para makapagcash out gamit ang mga pawnshop.
Hindi ko pa nasusubukan ang service ng moneybess, para rin lang ba itong coins.ph na magcashout through remittance center?
Salamat sa ganitong info na ibinahagi niyo dito, since wala akong idea kung paano ito nagwowork, akala ko din nung una ay didirect na sa pawnshop hehe. Masubukusan nga ito sa susunod, nakakatuwa naman na paunti unti ay naaadopt na ng mga local shops ang crypto kasi kung tutuusin magiging malaking help ito lalo na sa iba na biglaang kakailangin ng pera.
Kung sakaling kapareho lang din ito ng coins.ph service, hindi na ito bago pero tama ka, malaking tulong nga ito sa atin lalo na at naghihigpit ang SEC sa mga ginagamit nating exchanges na hindi rehistrado sa kanila.
Kung tutuusin mas maganda pa ito sa coinsph, dahil sa coinsph app napakataas ng spread talaga samantalang dito sa moneybees hindi napakalayo sa totoo lang. Literallly speaking, magandang ang pagestablished na ginawa ng Moneybees, at napapanahon din dahil yun nga wala na yung binance dahil sa ban isyu dito sa bansa natin.
Ang moneybees ay regulated din naman wala tayong problema dun, so Ibig sabihin kahit magpadala tayo ng bitcoin sa moneybees ay pwedeng from electrum direkta na agad sa moneybees, hindi na kailangan pang dumaan ng exchange, hindi ko akalain na darating sa puntong gagamitin ko itong moneybees, matagal ko na itong nakikita sa facebook, sobrang dami na nitong partner na mga remitances outlet at may iba pa.