Siguro kunteng ingat na lang talaga lalo na kapag mayroong tumawag sayo na hindi mo alam ang number and then galing sa companies na connected ka magtaka kana agad dahil hindi naman madalas dumatawag manually ang mga companies, so magingat ka sa mga information na ibibigay mo sa kanya, as much as possible tangihan mo ang mga offer na ibibigay sayo, dahil madalas kapag nasilaw ka sa ibibigay sayo ay hindi mo mamamalayan ay nagbibigay kana pala ng mga information para mahack ang account mo. Sobrang common na rin ung cases sa gcash kung saan tatawag sayo then lilibangin ka lang na ibigay ang MPIN mo sasabihin na maroong magtetext sayo na code then ayun na mahahack na nila ang account mo sa GCASH.
- Marahil ganun na nga lang talaga ang ating magagawa sa ngayon, dahil nung isang araw lang ay may pumasok na message sa akin sa spam location ng aking simcard, pero hindi ko sinisilip. Dahil alam kung suspicious link ang nakalagay dun. Siguro dn meron lang loopholes na kailangan din irepaso ng mabuti.
Tutal sa nakikita ko naman, ay nasa early development parin naman tayo ng naging bagong batas sa sim card registration. Though, talagang nakakabahala nga yan, pero sana maagapan din nila agad yang ng maaga hanggat maari. Para naman hindi matakot yung mga users ng mga simcard dito sa ating bansa.
Basta huwag iclick ang anumang link, kahit ano pa sinasabi sa message na papasok sa simcard natin para iwas disgrasya o problema.