Author

Topic: Account ni satoshi Nakamoto nagtweet? (Read 120 times)

sr. member
Activity: 1932
Merit: 370
October 04, 2023, 01:27:50 PM
#8
Parang ang awkward naman kung yung gumawa ng decentralized cryptocurrency, actually the root of cryptocurrency is mag sign up at ilagay yung kanyang information through registration then mag tweet. It's a big big no para sa mga katulad nya, especially with anonymity na meron sya. And honestly, I believe Satoshi is dead, there is a story in this forum na nagkaroon sya ng malubhang sakit. Besides, kahit sabihin nating totoo na si Satoshi yung nagtweet, ipagpalagay na natin na totoo, useless din kung walang movement sa old wallet nya diba. Mas maniniwala pa siguro ako kung nanggaling sa encrypted message yung kay Satoshi, then followed up by support evidences.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
October 04, 2023, 05:56:06 AM
#7
Si Satoshi nagquit ng Bitcointalk dahil baka macompromise ung privacy niya, kahit na malayong mas madaling maging anonymous sa Bitcointalk. Tapos sasama siya sa Twitter? Kung saan ung platform e maraming trackers na potentially ma demask siya? Doesn’t make any sense so obviously hindi siya yan.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
October 03, 2023, 12:25:05 PM
#6
Nope, not the real satoshi nakamoto. Since 2018 lang dormant yung account kaya hindi talaga ako maniniwala given na for sure alam ni satoshi how easy twitter backend can locate him/her. Matalino si satoshi at alam ko na hindi siya gagawa ng ganyan ka reckless na gawain. Maniniwala lang ako na active si satoshi if maging active ulit siya dito sa forum at mag post siya. Almost lahat naman tayo alam na this is the only platform na possible tayo mag ka connection sakanya and I hope na sometime in the future is bisitahin tayo ulit ni satoshi.
legendary
Activity: 2268
Merit: 1379
Fully Regulated Crypto Casino
October 03, 2023, 12:20:58 PM
#5
Yes agree its fake. Alam naman natin yun guys na masyadong maingat si Satoshi and its the least na gagawin niya na magtweet gamit ang social platform na twitter. Maintindihan ko pa if sa forum siya nagpost and nagupdate about sa mga ganyan pero hindi naman so its definitely an impostor.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
October 03, 2023, 11:40:36 AM
#4
Gusto kong i empasize ito at tama ang author ng article

Quote
Most of the users have stated that this is not the real account as Satoshi would never use such platforms that compromises his anonymity.

Kasi kung nagkataon na si Satoshi Nakamoto talaga ito,  traceable na sya kasi kita ng mga back end developers ng Xtwitter kung saan ang exact location nya at ano device na ginamit nya mula doon kukunin lang yung model at pwedeng lumabas pati yung exact datos ng device at mate trace nila sa manufacturer kung sino ang may ari noon, hindi naman mang mang si Nakamoto at alam nya ito.
Hindi pa rin tumitigil ang mga impostors na kunin ang credits na para lang kay Satoshi Nakamoto.
hero member
Activity: 1932
Merit: 546
October 03, 2023, 10:55:11 AM
#3
Well, obviously kitang-kita na Fake news, saka yang twitter karamihan dyan puro fake news mga sinasabi dyan dahil madami ding mga sinungaling na taong mapag gawa ng kwento. yang si craig wright kasi parang pang-gulo oang yan dito sa crypto, ginugulo nya isipan ng community, as if naman karamihan na mga bitcoin enthusiast ay maniniwala naman sa kanya.

Saka twitter yan, kahit ako pwede kung gawin na gumawa ng account na ako si Satoshi Nakamoto, napakadali lang gawin sa totoo lang. Kaya hindi na dapat pang pagaksayahan ng panahon yung ganyang mga balitang wala namang kwenta lalo na kung may bakas ng kasinungalingan pinagsasabi.
hero member
Activity: 1484
Merit: 597
Bitcoin makes the world go 🔃
October 03, 2023, 10:03:35 AM
#2
Hindi talaga si Satoshi yan since 2018 last tweet nya coincides ng pagpapansin ni craig sa crypto siguro dahil na dn sa future plan nya na iprove na sya si Satoshi Nakamoto. Sobrang odd naman kung active sya sa twitter while hindi nya gagalawin yung billion dollar funds nya na Bitcoin. Saka maaari syang matrack kung sakali man maglologin sya sa account nya.

Ginawa nya ang Bitcoin na may feature na decentralized which means hindi naka center sa kanya ang development at binibigay nya sa public ang development kaya sobrang non-sense kung maglologin sya sa social media para lang magbigay ng advice while maayos naman ang Bitcoin blockchain.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
October 03, 2023, 09:56:36 AM
#1
So after years ng pananahimik ay ngtweet ang account ni satoshi nakamoto, kung saan sinabi nya na manaliksik pa ng hindi lang basta matali or matuck nalang sa kung anu ang naklagay sa whitepaper neto.
Sa tweet na ito marami ang nabuhayan, pero madami din ang nagsasabi na hindi ito ang account ne satoshi, kundi ne craig ang tao na pinipilit na sya daw si Satoshi, anu man ang dahilan kung bakit nabuhay or lumabas ulit ito ay hindi natin sure maaring magdulot ito ng positive outcome sa bitcoin or negtive dahil sa mga speculations narin ng madami.
anu sa tingin ninyo? narito ang source sana makatulong ito:
https://www.cryptotimes.io/satoshi-nakamotos-twitter-account-activated-after-five-years/
Jump to: