Hello guys yung mga mahilig sa airdrop and bounty nung kasagsagan ng 2017 bullrun alam ko ang pinakagamit na wallet ay ang imToken app version 1 dahil karamihan sa mga proyekto ay under ng eth network at puro erc20 tokens. Kung kayo ay hindi pa nag uupgrade mula sa version 1 papunta sa bagong version nito ay sobrang laki ng kaibahan at talaga namang maganda ang mga naging improvements. Sa mga hindi pa ay basahin lamang ang mga detalye sa baba at sigurado magugustuhan ninyo ang mga bagong dagdag na serbisyo nito.
Mga advantage ng imToken version 2Noong una ethereum wallet lang talaga siya and ang supported niya lang is yung mga erc20 tokens. Pero ngayon talaga naman nakakamaangha dahil simula nung nilabas siya last 2018 ay ang dami ng supported na cryptocurrency katulad ng btc, bch, ltc, tron, atom, eos, nervos at marami pang iba.
Sa imtoken 2.0 mayroon kang default wallet na mayroon ng eth, eos, btc and cosmos na iisa ang identity at isang mnemonic para sa lahat ng ito. Hindi ba all in one na siya. Di katulad ng ibang wallet na need mo magkaroon ng bawat isa para sa mga wallet na iyon.
Gamit ang imToken 2.0, ay maaari ka din gumamit ng mga advance na functions, katulad ng pag pabilis ng transaksyon sa normal na transaksyons speed, pag synchronise ng mga address ng bawat coins, at pag manage ng mga transaksyons.
Kalimitan maghihintay ka pa namamina ito para maprocess ang inyong kaukulang transaksyon ngunit sa imtoken 2.0 kayang kaya talaga pabilisin ito.
Ito ang pinakagusto kosa lahat dahil hindi mo na kailangan isend sa merkado ang inyong tokens dahil maaari na ninyong direktang ibenta kapalit ang mga supported na tokens ng imToken app. Kumbaga instant exchange talaga siya. Since ang tether ay nagtransfer na sa eth network at erc20 token na siya, mas mabilis ninyo ng mattrade ang inyong eth or ibang token diretso sa USDT. Diba ayos!
Ang kagandahan ng imToken 2.0 ay dati puro mga updates lang sa unang version or news ang nakikita natin ngayon ay maaari na natin iexplore ang mga supported na dApp ng bawat blockchain ng eth, eos, tron at iba pa. Puwedeng puwede ninyong subukan gamitin ang mga token ninyo para magamit ang mga dApp na ito. Sa ngayon hindi ko pa sinusubukan ito, pero kung may suggestion kayo na okay na dApp at supported nila baka pag trip ko subukan ko din! Comment below lang sa suggestion if ever fan kayo ng dApp at maaari din kayong magbigay ng suggestion.
Ang huling advantage niya ay maaari ninyo rin siyang ipair sa mga hardware wallet ninyo katulad ng imKey, Ledger, CoolWallet. Sa ngayon parang imKey palang ang supported at maaari ng magamit baka sa susunod na mga update ay gumana na sa iba pang mga hardware wallets.
Para sa mga hindi pa naguupgrade from version 1 to version 2 ito just watch this video for easy tutorial.
Steps to update your imToken version 1 to new improved imToken version 2 Reference