May nakapanuod na ba sa inyo ng isang episode ni "Pareng Hayb" tungkol dun sa isang transaction nya at ang tinanggap nyang payment method is crypto which is USDT, not sure if tumatanggap sya ng ibang crypto like BTC in general. Also, simula nung sumikat sya, nagrelease sya ng podcast nila at doon nya nga nabanggit na nagkaroon rin sya ng malawak na ventures sa crypto before going luxury watch business.
Baka may willing na magtry magpurchase ng luxury watch using crypto sa kanila kung ano yung mga tinatanggap nila hehe
Crypto users din kasi sila before at malawak din kaalaman nila dito. Nag invest narin sila sa iba't ibang axie at may nabanggit sila na kumikita sila sa legal at illegal na gawain.
Actually may nakita akong video podcast nila na tinatalakay nila ang bagay nato https://web.facebook.com/share/r/aM3TLvGPh4Z9yzmu/
Kaya good din na tumatanggap sila kahit na stable coin pa ito dahil dagdag usage to na may isang luxury watch store na tumatanggap nyan.
Napanuood ko rin yung mga podcast nila kaya nung nakita yung isang episode nila na tumanggap sila ng USDT as payment, napaisip ako if nag-aaccept ba sila ng hindi stablecoin tulad ng bitcoin lalo't may background naman sila sa crypto.
One of these days, kung sakaling makaipon susubukan kong alamin kung ano anong crypto yung tinatanggap nila.
Business minded lang talaga sila at sadyang napakalawak ng kanilang kaalaman patungkol sa mga bagay-bagay na pwede nilang pagkakakitaan. Nakakabilib nga mag kasundo silang tatlo at pareho ang takbo ng kanilang utak kaya ayan napunta sila sa watch business na kung saan mas nakilala pa sila.
Yung USDT lang din ang narinig ko pero ewan kung bitcoin tatanggapin din naman nila siguro yun lalo na pag sure buyer talaga ang pumunta sa shop nila at makipag negotiate.
I think kung hindi ako nagkakamali nasa greenhills located ang shop nila baka maisipan mo bumili ng Rolex at matanong yang mga bagay na yan.