Author

Topic: AliExpress and Alibaba.com (Read 137 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
August 21, 2020, 08:18:30 AM
#4
Another option itong MCO Visa Card https://crypto.com/en/cards.html

Quote
Cardholders cannot load cryptocurrency onto their MCO Visa Card. All cryptocurrency will be converted to US Dollars and the US Dollars can be loaded onto the MCO Visa Card for use in purchase and ATM withdrawals.

Nakita ko amazon doon kaya malamang pwede din sa AliExpress.

Binasa ko ulit sa telegram chat, supported daw ang Pinas.

hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
August 21, 2020, 07:21:47 AM
#3
Thank you Bttzed03, napa ka informative ng sagot mo. Try ko san yung debit card kaso lang wala sa listahan ang GCASH, yan lang kasi ang pinupunduhan ko now, meron akong BPI ATM na pwede rin debit card, don't know kung pwede.

Sana may mag share pa, baka makatulong makatipid tayo or baka pwede na rin akong maging seller sa lazada. haha.

Try ko rin i research tong gift cards, baka madali lang siyang pundohan ng crypto..

or pwede rin kaya Paypal? meron namang mga seller ng paypal sa forum, baka pwede magamit, madali lang bumili.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
August 21, 2020, 06:25:59 AM
#2
Guys tanong ko lang, about sa online store sites na AliExpress and Alibaba.com, isa lang ba may ari nyan,
Yes, pagmamay-ari ng Alibaba Group ang AliExpress https://en.wikipedia.org/wiki/AliExpress

at pwede bang bumili diyan gamit ang bitcoin or any cryptocurrency?
No.

Hindi sila tumatanggap directly ng bitcoin pero alam ko may known workarounds naman kagaya ng paggamit ng gift cards. Bale bili ka muna gift card gamit ang btc tapos yun ipambili mo sa AliExpress.

Pwede din gumamit ng bitcoin debit cards. Pondohan mo card ng btc tapos yung card issuer na bahala mag-convert to fiat kapag bibili ka. Tingin ka dito sa listahan https://coinfunda.com/bitcoin-debit-card/


Madalas kasi akong bumibili sa online, lalo na sa lazada at shopee, at sa nabas ko mas mura daw mismo kung direct diyan dahil ang mga sellers sa lazada at shoppe ay diyan bumibili. Kung sino man ang may experience sana makatulong, mas maganda kasi crypto nalang para instant ang bayad.
Wala pa ako experience at nag-search lang ako ng sagot sa mga tanong mo. Parang pamilyar sa mga crypto online transactions si @Yatsan or kung sino man yung nagbanggit dati nga debit card sa TG chat.

Mas mura nga naman talaga kapag direct ka bumili sa mga main suppliers/retailers. Mas konti ang middle man, mas konti ang patong sa produkto.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
August 21, 2020, 03:05:11 AM
#1
Guys tanong ko lang, about sa online store sites na AliExpress and Alibaba.com, isa lang ba may ari nyan, at pwede bang bumili diyan gamit ang bitcoin or any cryptocurrency?

Madalas kasi akong bumibili sa online, lalo na sa lazada at shopee, at sa nabas ko mas mura daw mismo kung direct diyan dahil ang mga sellers sa lazada at shoppe ay diyan bumibili. Kung sino man ang may experience sana makatulong, mas maganda kasi crypto nalang para instant ang bayad.
Jump to: