- Ano nga po ba ung BCC?
- Ano magiging epekto neto sa BTC?
- Mag iinvest ba kayo sa BCC?
Salamat sa sasagot ng mga katanungan.
1. Ano nga ba yung BCC?
Bale base na din po sa ibinigay na definition sa project website ng Bitcoin Cash (BCC), ito daw ay isang
Sa madaling salita, yamang nabanggit diyan ang "peer-to-peer electronic cash" system, lumalabas na ang focus daw po nito ay sa transaction capacity. Ayon po kay HostFat, ang gagawin daw po ng BCC ay isasaayos iyong on-chain capacity sa pamamagitan ng pagkakaroon ng protocol upgrade. Parang itataas ng BCC yung blocksize limit na dating nasa 1 at gagawin itong 8 mb. Kapag kasi mataas daw ang blocksize limit, magreresulta daw yan sa mababang fees at maging sa mabilis na confirmation ng mga transactions.
2. Ano magiging epekto neto sa BTC?
Medyo mahirap pa pong sagutin ito sa kasalukuyan pero pwede po natin tignang halimbawa iyong nangyaring split sa Ethereum (ETH) at Ethereum Classic (ETC). Sa pagitan po ng dalawang yan, mas marami po ang sumusuporta sa ETH kaysa sa ETC kaya mas mataas ang naging value nito kumpara sa huli. Pero kahit magpaganun, mapapansin pa rin po natin na kapag bumababa ang ETH ay tumataas naman po ang ETC o vice versa. Posibleng ganyan po ang makita natin sa pagitan ng BTC at BCC pagkatapos ng split, pero hindi pa po yan sigurado.
3. Mag iinvest ba kayo sa BCC?
Sa ngayon, medyo stable pa naman po ang tinatakbo ng presyo ng BCC at wala pa naman pong ganun itong problema. Pwedeng sabihin na ayos pa din po ang presyo nito kahit nagre-range na siya sa $350 pababa. Pati kung titignan po natin, marami din naman pong exchanges ang nagsabi na ie-enlist nila o susuportahan nila ang BCC, kabilang na diyan ang HitBTC, Kraken, Bitfinex, at BitGrail. Kung maganda ang itatakbo ng BCC sa mga exchanges po na yan, wala po akong nakikitang dahilan para hindi mag-invest sa kanya.
Ayun, eto ung sagot na hinahanap ko salamat bossing! medyo naintindihan ko na din nagkaroon na ko ng idea kung ano mang yayare sa BCC salamat din po sa mga links na binigay nyo binabasa ko pa ung iba! salamat po ng madami!!!