Author

Topic: Ang aking personalized na Merit and Rank Calculator (Read 226 times)

hero member
Activity: 1834
Merit: 523
It student ako kabayan at maganda yung ginawa mo bukod sa natututo kana ay nakakatulong ka pa sa iba na gustong malaman kung ilang activities at merit pa ang kailangan para magrank up sila kahit na andito na yung mga details good pa rin dahil gumawa ka ng program para mas madali itong macompute ng mga naghahanap ng katanungan.
full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Bago lang ako sa programming at kailangan kong mag practice para mag improve ako, kaya sa tingin kong habang nag ccrypto, maigi din na isabay na din ang practice. Ang ginamit ko ay C# using visual studio WPF tapos nag dagdag nalang ako ng feature at UI

Try mo ding lagyan ng return or reset button. Nung dinownload ko, napansin ko na need pang iclose para lang mareset yung count. Paano kung gusto kong malaman kung ilan pa yung necessary posts/activities at merit ng kaibigan ko or kahit na sinong user? Basically for single use lang yung nagawa mo but still maganda padin siya. Also, suggest ko na try mo ding ilevel up pa yan, imean yung pwede na yung via link malalaman. Alam kong madaming webclients ngayon  na kayang maiimport yan. Simpleng logic lang yun or PM mo ko kung gusto mo pa ito idevelop.

Overall, maganda ang program na ginawa mo. Keep it up kababayan!
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Magandang Umaga sa Inyong Lahat!

Nag iisip lang ako ng mga paraan para makatulong sa mga newbies na mag calculate ng merits at required activities para mag rank up sila, dahil narin siguro na naging katulad rin nila ako noon. Kaya naisipan kong gumawa ng merit and rank calculator galing sa idea ni hilariousandco batay sa merit at ranking system. Bilang karagdagan, nainspire ako ni DireWolfM14 sa ginawa niyang topic.

Bago lang ako sa programming at kailangan kong mag practice para mag improve ako, kaya sa tingin kong habang nag ccrypto, maigi din na isabay na din ang practice. Ang ginamit ko ay C# using visual studio WPF tapos nag dagdag nalang ako ng feature at UI


Makikita nyo dito na kailangan nyo lang mag lagay ng bilang ng acitivity at merit nyo tapos pindutin nyo yung start button.


Yung mga information katulad ng 'Next rank', 'Activities Required', at 'Merits Required' ay makikita, kapag negative naman yung number, ibig sabihin naabot nyo na yung kailangan na bilang ng merit or activity.

Kung marami kayong oras, maaari nyong subukan yung app sa PC: here

At kung gusto nyo namang mas matuto ayon sa sistema ng rank at merit: https://bitcointalksearch.org/topic/faq-everything-you-need-to-know-about-forum-activity-account-ranks-and-merit-2766177
Jump to: