Author

Topic: Ang tawag para kay Julian Assange || Ang Pagmanipesto ng WikiLeaks - Basahin (Read 82 times)

sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Akda ni: GazetaBitcoin
Orihinal na paksa: The call for Julian Assange || The WikiLeaks Manifesto - We all should read it




Siguro marami ang nakarinig tungkol sa pangalan ni Julian Assange, ngunit iilan lamang ang talagang nakakaalam kung sino siya, kung ano ang kanyang nagawa o kung ano ang kanyang ginagawa ngayon. Mula sa mga ito, mas kaunti ang nakakaalam kung bakit siya isang emblematikong pigura sa crypto space.

Ang paksang ito ay isang tawag para sa tulong, kaya naman nai-post ko ito sa Mga Nasisimula & Tulong na board. Ito ay isang tawag para tulungan si Julian!

Pinlano kong isulat ang paksang ito kamakailan, ngunit sa iba't ibang kadahilanan (ang pinakamahalaga ay ang kakulangan sa oras) naantala ko ito. Gayunpaman, ang isa pang kamakailang pagdiskredito ng press (sa isang paraan o iba pa) ay nagpasiya sa akin na isulat ang thread na ito. Ang dahilan sa likod nito ay hindi gaanong mahalaga. Ang mahalaga ay nangangailangan si Julian ng tulong.



Isang babala ang huling pangungusap ng paksang ito : "Lahat tayo ay dapat magpatuloy sa gawain ng Cypherpunks at lumaban para sa kalayaan!".

Unang lumitaw ang grupong Cypherpunks noong 1992 mula kay Eric Hughes, ang may-akda ng "Ang Pagmanipesto ng Cypherpunk", John Gilmore, at Timothy May, ang may-akda ng "Ang Pagmanipesto sa Anarkista ng Crypto'. Mula sa isang dating pagpupulong sa opisina ni Gilmore, isang listahan ng email ang isinilang, sa ilalim ng pangalan ng Cypherpunks.

Sa panahong iyon, sumama ang iba sa paglaban ng Cypherpunks laban sa Estado na sumusubaybay sa mga mamamayan. Sa kalaunan ay umabot ng higit sa 1000 na mag-aambag.

Si Julian Assange ay bahagi ng grupo sa pagitan ng 1995 at 2002. Ang kanyang makinang na pag-iisip ay madaling naobserbahan ng iba. Kung si May, Hughes o Gilmore ay higit na nakatuon sa "mga algorithm para sa mga tao", sa digital na pera at sa access ng publiko sa kryptograpiya (sa isang panahon kung saan ang NSA ay nakikipaglaban sa lahat ng kanyang makakaya laban doon), si Assange ay may ibang prinsipyo: "Ang Kalayaan ng impormasyon ay isang iginagalang na liberal na halaga”.

Ang Pagmanipesto ng WikiLeaks, hindi gaanong kilalang dokumento, sa kasamaang-palad, ay naglalaman ng iba pang mga salita ng karunungan mula kay Julian: "Ang inihayag na kawalang-katarungan lamang ang masasagot; para sa tao na gumawa ng anumang bagay na matalino ay kailangan niyang malaman kung ano talaga ang nangyayari".

Mula nung lumabas ang palimbagan ni Gutenberg noong 1448, na humantong sa Rebolusyon ng Pag-imprenta, ang kapangyarihan ng mga elite sa mga klasipikadong dokumento ay patuloy na nabubulok. Isa ito sa mga unang anyo ng desentralisasyon ng impormasyon. Idinala ito ni Julian Assange sa isang bagong antas.

At ito ay nangyari pagkatapos ng paglulunsad ng WikiLeaks, noong 2006.

"Lumaki ako na may pag-unawa na ang mundong aking ginagalawan ay iisa kung saan ang mga tao ay masaya sa isang uri ng kalayaan na makipag-usap sa isa't isa sa lihim na paraan, nang hindi sinusubaybayan, hindi sinusukat o sinusuri o uri ng panghuhusga ng mga malabong pigura o sistema na ito, sa anumang oras na bumanggit sila ng anumang bagay na naglalakbay sa mga pampublikong linya." - Edward Snowden

Pagbabahagi ng kaparehong kaisipan ni Snowden; at higit pa: sinusubukang tulungan siya sa pamamagitan ng pagrekomenda kung saan manirahan at kung saan hindi manirahan ang kanyang bagong buhay pagkatapos traydorin ang pamahalaan; Inilathala ni Assange ang libu-libong klasipikadong impormasyon mula sa lahat ng bahagi ng mundo.


Ang koneksyon niya sa Bitcoin?, maaaring tanong ng ilan.

Matapos simulan ng pamhalaan ng US ang isang pagharang sa pananalapi sa mga account ng WikiLeaks, napagtanto ni Julian ang potensyal ng Bitcoin at nilayon niyang tanggapin ang bagong cryptocurrency bilang isang anyo para sa mga donasyon. Ang ideya ay naglagay sa BitcoinTalk sa apoy sa oras na iyon:

"Dalhin ito", diin ni RHorning.

Gayunpaman, patuloy ni Assange, ""Satoshi Nakamoto," ang pseudonymous imbentor ng Bitcoin, ay tumugon: "Hindi, huwag "itong dalhin". Ang proyekto ay kailangang lumago nang paunti-unti upang ang software ay mapalakas. Ginagawa ko itong apela sa WikiLeaks na huwag subukang gumamit ng Bitcoin. Ang Bitcoin ay isang maliit na beta'ng komunidad  sa kanyang kamusmusan. Hindi ka tatayo upang kumuha ng higit sa sukli sa bulsa, at ang init na dinadala mo ay maaaring makasira sa atin sa yugtong ito." [...] Pagkalipas ng anim na araw, sa ika-12 ng Disyembre  noong2010, patanyag na nawala si Satoshi sa komunidad ng Bitcoin, ngunit hindi bago pa i-post ang mensaheng ito: “Masarap na makuha ang atensyong ito sa anumang iba pang konteksto. Sinipa ng WikiLeaks ang pugad ng hornet, at ang kuyog ay patungo sa amin.”".

Bilang malalim na tanda ng paggalang kay Satoshi at sa kanyang trabaho, gaya ng sinabi rin ni Assange (sa naunang nabanggit na link), "Ang WikiLeaks ay nagbasa at sumang-ayon sa pagsusuri ni Satoshi, at nagpasya na ipagpaliban ang paglulunsad ng isang channel ng donasyon ng bitcoin hanggang sa maging mas matatag ito. Inilunsad ang address ng donasyon ng bitcoin ng WikiLeaks pagkatapos ng unang malaking pagtaas ng presyo, noong ika-14 ng Hunyo 2011.".
 
Isang tanda ng paggalang na isang rara avis sa mga panahong ito. Ngunit ang pagrelay ni Julian sa Bitcoin ay tiyak na hindi lamang nakatulong sa WikiLeaks: nakatulong din ito sa Bitcoin na maging mas popular; ang kamalayan tungkol sa paglikha ni Satoshi ay pinalaki nito; dinala nito ang mas maraming tao sa landas na binuksan ni Satoshi.

Ang sumunod na nangyari ay mas kilala kaysa sa nabanggit sa itaas na kasaysayan. Sinimulan ng pamahalaan ng US ang panghuhuli kay Assange noong 2011, at bilang tugon, nagawang tulungan ni Julian ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghingi ng asylum sa embahada ng Ecuadorian mula sa London. Ang kanyang kahilingan ay ipinagkaloob noong 2012. Gayunpaman, ang kanyang pananatili sa embahada ay hindi madali - bukod sa iba, hindi siya kailanman humakbang sa labas ng embahada hanggang 2019(!), na nabubuhay na parang isang bilanggo. Sa pagitan ng isang gawa-gawang akusasyon ng sekswal na panliligalig, na ibinaba pagkatapos ng ilang mga taon ng pamahalaan ng Sweden, at ang kanyang patuloy na pagtrabaho para sa WikiLeaks, sinubukan din ni Assange na panatilihin ang kanyang moral at gawin ang kanyang makakaya upang maiwasan ang ekstradisyon sa US, dahil alam nito na ito ay nangangahulugan na kung hindi isang parusang kamatayan, ay siguradong hindi bababa sa 175 na mga taon sa likod ng mga rehas.


Sa kasamaang palad, ang kanyang asylum ay tinapos ng Ecuador noong 2019, sa mga kadahilanang higit pa o hindi gaanong katawa-tawa, ngunit ang desisyon kahit papaano ay halos malinaw na pinilit ng iba pang mga lihim na ahensya o ng ibang mga pamahalaan.

Sa mga panahong isinusulat ang thread na ito, ang paglilitis kay Julian para sa extradition ay nagsimula na. Sa panahon ng paglilitis, siya ay nananatili sa bilangguan.

Ang paglaban para sa kalayaan sa pagsasalita, sa privasiya at sa pag-render ng namamahala bilang walang katuturan ay nagsimula matagal na panahon na ang nakalipas. Ngayon ay nasa ating mga kamay na.

Ang pagtulong kay Julian ay nasa mga kamay din natin. At ang pagtulong sa kanya ay nangangahulugan ng pagtulong sa kalayaan ng impormasyon!

Hindi ko sasabihin kung paano ialok ang tulong na ito. Sigurado akong alam ng lahat, o, ng iba, na may intuwisyon tungkol doon..

Mayroong oras para sa mga debate at oras para sa pagkilos. Patay na ang debate ngayon.



Mga isyu ng tala:

Inirerekomenda ko rin na basahin ang mga sumusunod:
- Ang Paglilitis kay Julian Assange ni Nils Melzer: Isang Kwento ng Pag-uusig - Ang nakakagulat na kwento ng legal na pag-uusig ng tagapagtatag ng Wikileaks na si Julian Assange at ang mga mapanganib na implikasyon para sa mga whistleblower sa hinaharap.
- Ang piraso ng sining ni Robert Manne na The Cypherpunk Revolutionary Julian Assange
- Ang Pinaka Delikadong Tao Sa Mundo: Ang Panloob Na Kuwento Ni Julian Assange At WikiLeaks, na isinulat ni Andrew Fowler
- Cypherpunks: Kalayaan at ang Kinabukasan ng Internet, ni Julian Assange. Ang libro ay isang talakayan sa pagitan nina Julian, Jacob Appelbaum (Tor developer), at Jérémie Zimmermann (co-founder ng La Quadrature du Net)
- Underground, nina Suelette Dreyfus at Julian Assange. Ito ay isang kamangha-manghang libro tungkol sa pag-usbong ng mga hacker at phreaker ng Australia mula 1980s, kabilang ang maagang aktibidad ni Julian Assange na, noong panahong iyon, ay kilala sa ilalim ng nym Mendax
- Nang Makilala Ng Google Ang WikiLeaks, ni Julian Assange
- Ang Di-awtorisadong Sariling Talambuhay, ni Julian Assange

Bukod rito, ang mga sumusunod na pelikula ay bahagi ng kategoryang dapat panoorin:

Ithaka - isang dokumentaryo na nagpapakita ng pakikibaka ni Julian upang ang extradition sa US ay maiwasan
Mediastan: Isang Pelikula Sa Kalsada Ng Wikileak - sariling dokumentaryo ng WikiLeak - isang buong pelikula
Panganib - isang dokumentaryo ng WikiLeaks, sa direksyon ni Laura Poitras (isang kaibigan ni Julian Assange) - buong pelikula
Ang Ikalimang Istado - isang napakagandang pelikula tungkol sa WikiLeaks
Nagnakaw Kami ng mga Lihim: Ang Kwento ng WikiLeaks - isa pang dokumentaryo tungkol sa WikiLeaks
Underground: Ang Kwento ni Julian Assange - isa pang pelikula tungkol kay Julian, na naglalarawan sa kanyang maagang karera.
Jump to: