Kami ay isang organisasyon mula sa Australia na gumagamit ng teknolohiyang blockchain na ang layunin ay desentralisahan ang proseso ng intelektwal na ari-arian. Mula sa aming plataporma kami'y nagpopondo, bumubuo at nangangalakal ng ari-ariang pang intelektwal, nagsusuporta sa mga innovators at nag binibigyan ang mga may hawak ng tokens ng malaking pagkakataon para lumago.
Ang USAT Inc. ay may garantisadong pipeline ng produkto na bumubuo ng kita. Ang USAT Inc. bilang isang non-profit na organisasyon, legal na ang lahat ng kita na nabuo ay maaari lamang magamit upang ma-reinvest sa organisasyon. Ang mga pondong nalikom sa kahabaan ng ICO ay gagamitin para sa pagpondo, pag-unlad at pangkalakalang implementasyon ng mga proyektong plataporma ng USAT at itaas ang demand sa mga token.
Ang aming pangunahing proyekto na magsisimula ngayong 2018 ay ang Solar-Wind farm. Etong makabagong teknolohiya ay mas may kakayahan kaysa sa mga kasalukuyang teknolohiyang may renewable energy at ito ay base sa dalawang patents na hawak natin sa USAT Inc. IP repository. Ang mga una nitong pasilidad at kasalukuyang ginagawa sa lupaing malapit sa Brisbane, Australia.
Ito ay angkop sa malawak na hanay ng aplikasyon lalo na sa mga sitwasyon kung saan ang malaking bilang ng carbon fuelled electricity ay natutupok ng mga pasilidad ng cryptocurrency mining o di kaya'y mga plantang nag mamanupaktura ng pang-industriya. Sa mga kasong ito ang mga mamimili ay may kakayanang magtatag ng sariling mapagkukunan ng kuryente at makabuluhang mabawasan ang kanilang carbon footprint pati na rin ang gastos sa kuryente.
Isa pang magandang aplikasyon ay ang mabigyan ng sariling mapagkukunan ng kuryente ang mga nasa malayong mga komunidad sa mga paunlad na mga bansa. Bilang karagdagan sa mahusay na mapagkukuhanan ng kuryente, isa pang ginhawang maidudulot ng solar-wind farm ay ang water condensate na pwedeng kolektahin at gamitin sa mga layunin ng agrikultura at patubig sa lupa.