Author

Topic: [ANN-PH][ICO] All-In Coin - Ang Aking "All In" low cap Crypto Hedge Fund (Read 100 times)

full member
Activity: 532
Merit: 103
Fast, Smart, Trustworthy
Links
Whitepaper: https://allincoin.io/whitepaper.pdf
Website: Coming soon..
Bounty Program: https://bitcointalksearch.org/topic/bounty-all-in-coin-05-eth-to-15-eth-bounty-pool-in-tokens-for-only-20-people-2957870

All-In Coin

Naniniwala ako na nakalikha ako ng stratehiya nang pamumuhunan sa Crypto na mas magagamit ng husto at mas mababawasan ang posibilidad ng pagkalugi. Ito ang aking pinaghirapang "one man team" na mgbibigay ng kakayahan sa iba, lalo na sa mga baguhan at wala pang masyadong kaalaman sa crypto, ang pagkakataon na makibahagi sa isang simpleng pamumuhunan sa crypto na ako mismo ang mamamahala. Ako mismo ang tatawag sa mga makikibahagi sa kakailanganing pondo para sa paggawa ng mag desisyon, at ang mga kabahagi na may mas malaking pondong inilaan ay bibigyan ko ng nararapat na pagpapahalaga at atensyon, subalit ang mga pangunahing pagpapasya ay mananatili padin sa akin.

Ano ang All-In Coin?
Sa simpleng salita, ang "All-IN Coin" (AIC) ay ibinase sa isang simpleng stratehiya na magagamit sa anumang pgkakataon sa cryptocurrencies kung saan ang isang bagong proyekto ay posibleng magbigay nang sobrang mataas na paunang kita bago ang pagkalugi. Ang tanging layunin ng Proyektong AIC ay magamit ang mga pagaari nitong ETH sa ibat ibang pamumuhunan tulad ng pribadong bentahan, Pre-ICO, ICO's, at sa mga cryptocurrencies na kasalukuyan ng nasa sirkulasyon. Ang pondo ng AIC ay ilalagak lamang or ilalagay bilang puhunan sa iisang coin o ICO sa isang pgkakataon na katumbas ng kalahati ng kabuuang pondo nito (kaya ginamit ang salitang "All-In").

Kung ang pamumuhunan na napili ng AIC ay naging maayos at nakamit ang layunin nito, aalisin at ililipat namin ang puhunan sa iba na katumbas naman ng kalahati nang bagong kabuuang pondo nito at kung hindi nmn ito maging matagumpay ay aalisin nadin ang puhunang inilagak upang maiwasan ang karagdagang pagkalugi at ililipat na lang itong muli sa ibang pamumuhunan. Ang aming pangunahing tungkulin bilang mamumuhunan sa AIC fund ay alamin ang mga bagong paparating na proyekto at mga coins na mababa ang halaga sa sirkulasyon na may posibilidad na magdala ng malaking kita sa pamamagitan ng ETH.

Ang tanging layunin ng Proyektong AIC ay makalikom ng maliit na halaga sa kanilang ICO na siyang magiging paunang pondo sa marketcap. Nais ko lamang patunayan ang aking kakayahan ganun din ang kakayahan ng mga namumuhunan dito na magkaisa sa desisyon nang pagpili ng paglalagakan ng puhunan bago palaguin ang pondo nito.

Sa pagitan ng mga pamumuhunan,ang mga namuhunanan ay maaring ipagpalit ang kanilang AIC tokens sa ETH (Etherium) sa halaga na katumbas ng AIC fund na hinati sa kabuuang AIC sa sirkulasyon, ibawas ang 10 porsyentong kabayaran sa pagpoproseso.
Eg: 1 AIC Token (In ETH) = Total Fund Value (In ETH) / Total Circulating AIC
Ang Direktang paglalabas ng Pondo ay lilimitahan sa 1 ETH bilang pinakamaliit na halaga subalit ang AIC Tokens ay maaring ipagpalit sa pamilihan sa kahit na ganung bilang.

Ang lagakan ng pondo ng AIC kung ito ay wala sa pamumuhunan ay mananatili sa ETH. Ang layunin nang proyektong ito ay magamit ng mainam ang mga hawak nitong ETH.

Maaring basahin lamang ang Whitepaper para sa kabuuang detalye.

Tinatamad akong basahin ang whitepaper, maaring magbigay ng halimbawa
(Ito ay kinopya mula sa Whitepaper)

Sabihin nating nakalikom tayo ng kabuuang Limampung ETH sa ating ICO at ginamit ang stratehiyang " halving investment" at inilagak natin ito sa mga proyekto/ICO's, ngtitiwala kame na tayo ay magiging matagumpay. Tandaan ang "All-In" na pamumuhunan ay laging katumbas lamang ng kalahating halaga ng kabuuang pondo ng AIC, sa pamamagitan nito ay maiiwasan natin ang pagkalugi ng kabuuang pondo.

Sa pinakamalalang pwedeng mangyari kung saan naubos ang isandaang porsyento ng ating puhunan
sa limang magkakasunod na proyekto matapos ang pagsisimula ng ICO-

Bago ang Unang Proyekto: Ang aming pondo ay may 50 ETH.
Matapos ang pagkalugi sa Unang Proyekto: 25 ETH na Pondo ang nalalabi, at 12.5 ETH ay itatabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang pagkalugi sa Pangalawang Proyekto: 12.5 ETH na Pondo ang nalalabi, at 6.5 ETH ay itatabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang pagkalugi sa Pangatlong Proyekto: 6.5 ETH na Pondo ang nalalabi, at 3.125 ETH ay itatabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang pagkalugi sa Pang-apat Proyekto: 3.125 ETH na Pondo ang nalalabi, at 1.562 ETH ay itatabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang pagkalugi sa Pang-limang Proyekto: 1.562 ETH na Pondo ang nalalabi, at 0.781 ETH ay itatabi para sa susunod na pamumuhunan.

Sa magandang pangyayari kung saan nadoble ang ating kita sa limang magkakasunod na proyekto matapos ang pagsisimula ng ICO-
Bago ang Unang Proyekto: Ang aming pondo ay may 50 ETH.
Matapos ang Unang Proyekto: 75 ETH na Pondo ang natitira, kung saan 37.5 ETH ay itinabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang Pangalawang Proyekto: 112.5 ETH na Pondo ang natitira, kung saan 56.25 ETH ay itinabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang Pangatlong Proyekto: 168.75 ETH na Pondo ang natitira, kung saan 84.37 ETH ay itinabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang Pang-apat Proyekto: 253.1 ETH na Pondo ang natitira, kung saan 126.5 ETH ay itinabi para sa susunod na pamumuhunan.
Matapos ang Pang-limang Proyekto: 379.6 ETH na Pondo ang natitira, kung saan 189.7 ETH ay itinabi para sa susunod na pamumuhunan.

Ang mga halimbawang unang binaggit ay ang pinakaposibleng mangyari. Sa katotohonan mas may posibilidad na makaranas tayo ng magkahalong tagumpay at pagkabigo (isa-isip natin ang tamang aksyon upang mapigilan ang malalang kabiguan/pagkalugi sa ating pamumuhunan) pero umaasa tayo na hindi tayo aabot sa pagkawala ng isandaang porsyento ng ating puhunan sa panahon ng kabiguan, at dapat natin laging hangarin na kumita ng higit pa sa doble sa mga kumikitang proyekto na nilagakan natin ng puhunan.

Sa pagkakaroon ng AIC tokens, isa ka sa nagmamayari ng pondo sa pamamagitan ng ETH at ito ay maari mong makuha sa anumang pagkakataon sa pagitan ng panahon ng ating pamumuhunan.

Tungkol sa Akin
Hindi naman ako kwalipikadong tagapayo sa larangan ng pamumuhunan o namamahala ng anumang Pondo ng Pananalapi, kundi isa lamang sa mga kumikitang mamumuhunan sa cyrpto na ngaun ay nagnanais lamang na pormal na patunayan ang aking sarili sa kabila ng hindi ko lubusang pagkakilala sa aking sarili.Ang layunin ko sa proyekto ito ay bumuo ng sariling reputasyon bilang isang mahusay na mamumuhunan or namamahala ng anumang pondo ng pananalapi.At dahil ako ay kasalukuyang naninirahan sa labas ng Amerika na hindi sumasangayon sa anumang Gawang Internet Tokens, basta pananatilihin ko lamang ang pondo at kita ng proyektong ito sa ETH, ay wala akong batas na nilalabag. Sapagkat ang ETH sa puso ng lahat ay walang masyadong halaga na Internet Token. Ang pondo ay hindi magtatangka na mgsauli ng kita sa pamamagitan ng mga nakasanayang salapi kundi sa pamamagitan lamang ng ETH. At dahil itinuturing ng Amerika ang mga ginawang Internet Tokens ay mahahalagang bagay, ikinalulugkot kong hindi tumaggap ng anumang pamumuhunan dito sa ating Pondo.  

Paglalaanan ng AIC Token
70% -> Para sa mga mamumuhunan sa ICO
20% -> Ang isang beses na bayad sa akin bilang namamahala, dahil sa mahigpit na mga pinagbabawal bago ang tuluyang paglabas nito ( Maaring basahin ang Whitepaper upang makita ang mga pinagbabawal- Hindi ko magagamit maliban kung isasauli ko ang kita s pmamagitan ng ETH)
5% -> Programa para magkamit ng Pabuya
5% -> Puhunan sa mga gastusin.

ICO Details
HINDI MO KAILANGANG MAKILAHOK S ICO NA ITO KUNG IKAW AY NANINIRAHAN SA AMERIKA

ICO na nakasalalay sa mapagkakatiwalang platform ng poa.network. Ang MetaMask ay kinakailangan upang makalahok. Ang lahat ng AIC tokens ay mabilisang ipinagkakaloob sa oras na sila ay namuhunan sa ICO Smart Contract.

Wala nang KYC.

Halaga: 1 ETH = 1000 AIC

Panimula ng ICO: 15 February 2018 (oras ng pagkakalabas)
Petsa ng pagkatapos ng ICO: 18th March 2018 (30 araw sa kabuuan)
Soft Cap: 10 ETH (Ibabalik ang ETH kung hindi maabot ang soft cap)
Hard Cap: 300 ETH (Ang crowdsale ay maagang tatapusin kung maaabot ang hard cap)
Pinakamababang Kontribusyon: 0.01 ETH
Pinakamataas na Kontribusyon: Wala

Crowdsale Page: https://wizard.poa.network/crowdsale/?addr=0xAC5Ac59d49DeB17427c6D33B506D4eee1b9e825c&networkID=1
Investment Page: https://wizard.poa.network/invest?addr=0xAC5Ac59d49DeB17427c6D33B506D4eee1b9e825c&networkID=1

Huwag ipadala ng diretso sa Contract Address ang ETH. Ipadala lamang ito sa "Investment Page" link sa itaas gamit ang "Contribute" button kasama ang MetaMask.

Huwag magpapadala ng ETH sa akin or sa kahit na sino gamit ang Discord sa kahit anu pa mang dahilan. Ang tanging paraan upang makatanggap ng AIC tokens ay sa pamamagitan ng Investment Page link sa itaas.

WALANG MGA bonuses, maaagap, pre-sales, diskwento, o anumang natatagong kasunduan. Ang tanging paraan upang makatanggap ng AIC tokens ay sa pamamagitan lamang ng link sa Investment Page sa itaas.

Kabuuang Suplay: Natutukoy sa itinaas ng ETH * 1000 * 1.3 (Anumang AIC tokens na nasa labas ng pormulang ito ay ipapawalang bisa)
Posibleng Kabuuang Suplay kapag naabot ang hard cap: 390,000 AIC (batay sa 300 ETH na itinaas sa hard cap)
Posibleng Kabuuang Suplay kapag ang naabot lamang ay ang soft cap: 13,000 AIC (batay sa 10 ETH na itinaas sa hard cap)

Sa anumang pagkakataon na maglabas ng puhunan ng AIC ang sinumang namuhunan gamit ang pondo sa ETH, ang kanilang AIC ay ipapawalang bisa na upang mapanatili ang halaga ng mga naiiwang AIC tokens.

Paalala: Pakiusap basahin ang "Risks" na bahagi sa whitepaper.Sa pakikibahagi sa Smart Contract, ikaw ay sumasangayon na nabasa mo at naintindihan ang anumang posibilidad na kaakibat nito.

Roadmap
Q1 2018: Ito ay isang simpleng pamumuhunan sa ETH. Sa oras na magwakas ang ICO, tayo ay magsisimula nang maghanap ng unang proyekto na maaari nating paglaanan ng puhunan na may posibilidad na makalikom ng ating nais na kita.
Q2 2018: Paglabas ng ating Site

Paraan ng Komunikasyon
Discord: https://discord.gg/r8yKKYV




Jump to: