Author

Topic: ANN [PTOY] Patientory Pagkalinga ng Kalusugan sa Blockchain (Read 251 times)

hero member
Activity: 910
Merit: 1000
Mula sa orihinal na post: https://bitcointalksearch.org/topic/ann-ptoy-patientory-healthcare-on-the-blockchain-1886446




Patientory : Ang Electronic Medical Record Storage Network base sa Blockchain


Ikinagagalak ng Patientory ipakilala ang PTOY, ang token na magbibigay buhay sa Patientory network!

Makakakuha kayo ng PTOY sa tulong ng crowdsale na bukas sa publiko.

Magsisimula : Mayo 31 2017 09:00 AM PST

Magtatapos : Hunyo 28 2017 11:59 PM PST.


Ang Patientory ang syang nangunguna sa pagbibigay solusyon gamit ang blockchain para sa larangan ng kalusugan. Matinding panganib ang naidudulot ng Cyber security sa pagpapalipat ng mga impormasyon tungkol sa pasyente mula sa isang tanggapan tungo sa iba pang tanggapan.Ang misyon ng Patientory ay para paigtingin ang pangangasiwa sa populasyon ng kalusugan sa pamamagitan ng siguradong pagtutulong  maitago at maipadala ang mga impormasyon gamit ang blockchain, cybersecurity at mga smart contracts. Sa tulong nito ay puede nang magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng mga pakikipag-ugnayan sa mga pasyente para sa mas mabuting kinalalabasan ng kalusugan.






Ang Patientory ay isang Delaware C-Corporation na naka base sa Atlanta, Georgia na may mga opisina  na nabigyan sa tulong ng TechSquare Labs sa Georgia at Founders Base sa San Francisco, California. Ang pagsisimula ng kompanya ay naugnay sa 2016 inaugural class ng Boomtown Health-Tech Accelerator sa Boulder, Colorado. Ito ay nagbigay daan sa isang collaborative exchange kasama ng Colorado Permanente Medical Group na base sa Denver, parte ito ng Kaiser Permanente consortium na base sa Oakland, California.


Sa paggamit ng mobile apps ng kumpanya, makakagawa ng mga kani kanilang profiles ang bawat Patientory users. Maitatago nila ang kanilang medical record sa isang ligtas, HIPAA-compliant blockchain platform, na pinapayagan silang magkaroon na mas may karapatang makontral ang kanilang pangkalahatang kalusugan sa kamay ng mga karamihang nangangasiwa sa kalusugan, sa labas man o sa loob ng ospital.


Mula sa lihim na electronic na impormasyon ng kalusugan hanggang sa mga pagbabanta sa seguridad ng pagpapakilala sa pagbibigay ng proteksyon, ang pagpapatupad ng Patientory ng teknolohiyang blockchain ay tumutulong sa eco-system ng kalusugan, nababawasan nito ang pagkakataong makakasira sa mga datos. Di gaya ng mga electronic health records, na mahina sa pagdepensa pag dating sa mga hacks, maaring maging mas ligtas ang paggamit ng teknolohiyang blockchain sa mga tulad na mga permanenteng record sa palitan ng online information.


Naniniwala ang mga bumubuo na sa hinaharap na may imprastrakturang decentralized para sa kalusugan at market network, kung saan ang Big Data, HPC, IoT at mga AI applications, matataas na halaga ng mga data-sets at mga computing resources (storage, CPU, GPU at kung ano pa) ay puedeng pagkakitaan sa Blockchain na may kaakibat na mataas na antas ng transparency, agresibo at seguridad. Ang Patientory ay magiging masusing plataporma na syang magbibigay puersa sa kinabukasan ng larangan ng kalusugan.


kaakibat ng:


   



Sa pagsisimula ng kumpanya ay nakasama ito sa 2016 inaugural class ng Boomtown Health-Tech Accelerator sa Boulder, Colorado sa pagsasanib sa Colorado Permanente Medical Group na base sa Denver, parte ng 65 billion dolyares na kita mila sa Kaiser Permanente consortium na base sa Oakland, California. Kasama rin sila sa Startup Health portfolio, isang pandaigdigang organisasyon na namumuno para sa pagbabago sa pangagasiwa ng impormasyong may kinalaman sa kalusugan.

Sa mga developers, mga nagpapalaganap ng cryptos, halina at makipag-ugnayan sa amin tungkol sa proyektong ito:

Sumali sa aming Slack / Telegram





Ang crowdsale ay magsisimula na sa Mayo 31,2017 09:00 AM. Magtatapos ito ng Hunyo 28 2017 11:59 PM PST.

  • Ang presyo ng PTOY na walang bonus ay maikukumpirma pa sa ika 31 ng Mayo
  • Bonus : 20% bonus para sa unang 10 araw / 10% bonus para sa susunod na 10 araw / 0% pagkatapos
  • Pinakamababang dapat malikom : 5.000 ETH (limang libo)
  • Pinakamataas na total na supply : 100.000.000 PTY (isang daang milyon)
  • Pinakamataas na benta ng crowdsale : 70.000.000 PTY (pitompung milyon)
  • Pinakamababang benta ng crowdsale : 2.295.000 PTY (mga dalawang milyon)
  • Website : Dito

    Lahat ng hindi naibentang token ay ibabasura.
-----------------------------------

Ang kampanya para sa pabuya sa Bitcoin Talk kasama ang Kampanya sa Lagda

Kung kayo ay isang may antas na Junior Member o pataas sa Bitcoin Talk, maari kayong sumali sa aming kampanya sa lagda.
Tingnan ang mga detalye tungkol sa aming kampanya para sa pabuya pati na ang kampanya sa lagda DITO

-----------------------------------
Mga kadalasang naitatanong o FAQ:

Ano ang binubuo ng Patientory at paano?


Ang Patientory ay isang platapormang nakabahaging electronic medical record storage na base sa teknolohiyang blockchain. Ang mga nasa likod ng larangang kalusugan ang syang makakakuha ng mga pribadong impormasyong pangkalusugan, ipinapaabang ang computing power, mga servers at mga data  centers at para gamiting mga bakanteng kasangkapan mula sa isang pambirang pribadong imprastraktura sa blockchain ng Ethereum. Mula sa plataporma ay  maipapatupad nito ang mga smart contracts kaugnay sa patuloy na pamamalasakit sa pasyente.

Sino ang gumagamit ng Patientory at bakit?

Mayroong isang matinding pangangailangan para sa healthcare cybersecurity solutions at computing power mula sa kalusugan at scientific community para mapagana ang mga malalaking applicationsat nagpoproseso ng bulto bultong datos.  Ang mga sankatutak na impormasyong kalusugan ay sinusuportahan na maaring gamitan pa ng Artificial Intelligence para sa tamang paggagamot sa mga pasyente.


  • Mga Healthcare Dapps (mga applications base sa blockchain) na nangangailangan ng pribadong off-chain computation.
  • Mga High-performance na Computing, Malalaking Datos, machine learning para sa pagpapagamot, (mas maiksing panahon sa pagsusuri, mababawasan pa ang mga babayarin).
  • Mga makabagong distributed applications angkop sa larangan ng kalusugan na mangangailangan  ng panibagong imprastrakturang decentralized  masdan ang Edge/Fog computing, ambient AI, IoT + Big Data, mga malalimang pag-aaral , parallel stream process atbp..

Ano ang ligal na istraktura ng Patientory?

Ang Patientory ay isang kumpanya na nabuo sa Delaware, Estados Unidos sa ilalim ng pangalan na PATIENTORY, INC. (Company Number, 5921117).

Kasalukuyan saan matatagpuan ang Patientory?

Ang kanilang headquarters ay matatagpuan sa lungsod ng Atlanta, Georgia. Nagtutulungan ang Patientory at mga tagapayo na matatagpuan sa prestihiyosong Georgia Institute of Technology.

Anu-ano nga ba ang tungkol sa karanasan ng bumubuo?

Ang mga miyembro nito ay mayroong 40 taong pinagsamang karanasang bumubuo at umaangat na technolohiyang pang kalusugan na mga kumpanya.  Tumanggap sila ng mga parangal mula sa pandaigdigang  bumubuo at sumasaliksik para kapakanan ng kalusugan at mga platapormang para VC (venture capitalists) na suportado ng mga digital health companies gayun din ang isang Fintech blockchain company. Nakatanggap rin sila sa parehong pambansa at pandaigdig na pagsasangayon sa merkado at kamakailan ay hinirang mapabilang sa Top 11 company Disrupting Healthcare sa  2017.

Mayroon din silang malawak na base sa board ng tagapayo na muling lumawak ito sa parehong eksperto sa kalusugan at negosyo, na may kinalaman sa mga mabubuting kumpanya gaya ng Blackberry.

Mula Setyembre, lumaki ang bilang ng miyembro kasama na rito ang mga bagong blockchain developers, PR, mga ispesyalista sa marketing, at mga business developers.

Bakit mahalaga ang iyong teknolohiya?

Sa loob ng 2 taon, naikumpleto namin ang mga extensive validation at proof of concept testing . Sa mahigit na 2000-customer validation interviews sa tulong ng Kaiser Permanente at Startup Health, nagbigay sa amin ito ng abilidad para ipagpatuloy sa pag-aaral, pagbubuo at iangat ang aming produkto sa pandaidigang antas, handa na po kami para magbigay ng halaga sa aming mga users.

Para saan ang mga PTOY tokens?

Ang PTOY ay mga tokens na gagamitin sa platapormang Patientory.  Sa palitan ng mga PTOY tokens, maaring gamitin itoy ng mga users para sa pag-abang ng mga storage space sa network at maipatupad ang mga babayaran sa mga smart contracts.

Bakit crowdfunding at di iyung nakasanayang pagpopondo?

Kailangan namin ipamahagi ang mga PTOY tokens upang makalikha ng “market network” . Gusto namin ito'y maging isang pampublikong proyekto kaya importante na maikalat ang aming mga tokens saan man posibleng dumating para magka-interes kayo, ang publiko at mga nakikinabang.

Anong uri ng pera ang tinatanggap nyo?


Ang platapormang crowdsale ay angkop lamang tumanggap ng ETH.

Paano kung wala akong ETH?

Kailangan nyo ng ETH para makasama sa crowdsale. Kapag meron kayong ibang hawak na cryptocurrencies ay maari ninyo itong palitan sa ETH  gamit ang Shapeshift.

Para naman mapalitan ng ETH gamit ang inyong pera, may mga ilang bilang ng palitan na puedeng gamitin para makakuha ng ETH tulad ng Kraken, Bitfinex at Coinable ngunit pakiusap na siguraduhing ipadala ang mga ETH sa isang ligtas na wallet gaya ng MyEtherWallet bago sumali sa crowdsale. Huwag magpadala ng ETH mula sa palitan at baka maging sanhi ito ng pagkawala ng inyong mga tokens.

Puede ba akong sumali kahit wala akong Ethereum address?

Hindi puede, dahil kailangan ng Ethereum wallet para tanggapin ang mga tokens. Kung wala ka pang ETH wallet ay maaring gumawa gamit ang MyEtherWallet o kahit ibang ligtas na wallet. Mahalaga rin dapat na siguraduhing husto ang pagbaback up ng inyong account. Laging tandaan, huwag magpadala ng ETH mula sa palitan at baka maging sanhi ito ng pagkawala ng inyong mga tokens.

Ano ang gagawin sa mga nailikom na pondo?

Gagamitin ito sa pambayad sa mga gastusin mula sa pagbubuo hanggang sa paglulunsad ng platapormang Patientory. Silipin ang aming roadmap (Abangan).

Anong klaseng escrow ang gagamitin na serbisyo?

Gumagamit kami ng mga multisig wallets. Ipapahayag namin ang aming Ethereum smart contract code bago magkaroon ng crowdsale.

--------------------------------

Mga Artikulo at Press Release

English:


Chinese

--------------------------
Sundan kami:

Jump to: