Author

Topic: **[ANN]KarmaToken-Counterparty Based Assets Holders (Read 479 times)

legendary
Activity: 1764
Merit: 1000
You want more Free Karma Tokens? Here is How!

https://bitcointalksearch.org/topic/m.16932025

And Help KTN get listed on poloniex.com
sr. member
Activity: 980
Merit: 294
wow! salamat dito at sa detailed na way kung papaano ang gagawin. ikaw na nga ang #1 Filipino translator ng Bitcointalk.
i participated on the polo listing request.
nice OP, nice project, good translation, pinoy talaga ang nag-translate hindi si Mr. Google.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
DETALYADONG MGA HAKBANG KUNG PAANO GAGAWIN ANG KAHILINGAN SA PAGLILIPAT NG KARMA SA KARMATOKEN


HAKBANG  01 – Gumawa ng Counterparty wallet, kopyahin ang iyong 12 words passphrase, ilagay ito sa notepad at i-e-mail ito sa  iyong siguradong may 2FA email tulad ng gmail account. Panatilihing nakabukas ang iyong notepad para sa mga sumusunod pang mga hakbang. LAKTAWAN ANG QUICK ACCESS URL PARA MAS SIGURADO.

https://counterwallet.io/ (mas mabuting gumamit ng CHROME browser)



HAKBANG 02 -Mag- Log in sa iyong Counterparty wallet upang Makita ang iyong address kung saan mo matatanggap ang iyong KarmaToken. Kopyahin ang address at ilagay ito sa notepad upang madali mo itong makita kapag kailangan. Nasa ibaba ang sunud-sunod na hakbang kung paano gagawa ng bagong Counterparty wallet at kung saan makikita ang iyong address.

      Piliin ang Counterparty wallet server mula sa https://counterwallet.io/ gamit ang Chrome browser
    

      i-Click ang CREATE NEW WALLET
    

      Ingatan ang 12-words-passphrase na makikita,i- save ito at ipadala sa iyong secured na email
    

       LAKTAWAN ANG QUICK ACCESS URL PARA MAS SIGURADO.
    

      Ilagay ang iyong 12-words-passphrase para maka- log in sa iyong bagong Counterparty wallet
    

      Sa loob ng iyong bagong Counterparty wallet
    

      Kung saan matatagpuan ang iyong Counterparty wallet address(unang address ng marami pang iba)
    


HAKBANG 03 – Bisitahin ang KARMA migration page at kopyahin ang KARMA address kung saan mo kailangang ipadala ang iyong KARMA para sa paglilipat.

http://www.karmatoken.net/karma-to-karmatoken



HAKBANG 04 – Ipadala ang lahat ng iyong KARMA sa address na iyong kinopya mula sa  migration address, kung nakapagpadala ka ng higit sa isang beses dahil sa 99,999,999 hardcoded wallet send limit, kailangan mong bilangin ang bilang ng iyong pagpapadala. Ang KARMA wallets ay makikita dito: http://easteagle13.wixsite.com/karma/wallets
NOTA* Kung ang iyong wallet ay hindi nag-si- synching, i-click ang HELP menu >> i-click ang DEBUG WINDOW at doon sa DEBUG WINDOW ay i-click ang CONSOLE tab. Kopyahin at ilagay ang mga sumusunod na nodes sa ibaba, paisa-isang linya sa bawat pagkakataon.

Sa inyong  wallet, magpunta sa help | debug window | console at isulat ang:
addnode 54.234.181.73:9432 add
addnode 204.246.67.106:9432 add
addnode 188.165.2.147:9432 add
addnode 23.254.97.16:9432 add

      I-Click ang HELP sa iyong KARMA wallet Menu
    

      I-Click ang DEBUG >> CONSOLE
    

      Ilagay ang mga node na nakalista sa itaas, isa sa bawat pagkakataon, pindutin ang ENTER
    

Hintaying habang ang iyong wallet ay nagsi- sync.

    


HAKBANG 05 – Kapag nagawa mo na ang huling pagpapadala, kopyahin ang transaction ID (TX ID) ng huling naipadala at ilagay itong muli sa notepad document para sa madaliang paghanap kapag kailangan.


HAKBANG 06 – Ngayon ay mag-sign ka ng mensahe gamit ang iyong KARMA wallet. I-Click ang FILE piliin ang SIGN MESSAGE at i- click ito. Sa window na magpa- pop up, isulat ang iyong Counterparty address, siguraduhing walang anumang WHITE SPACE bago ang iyong address. Tapos ay i-click ang button na matatagpuan sa ibabang bahagi ng window na may "SIGN MESSAGE". Magkakaroon doon ng iba-ibang mga karakter sa kahon na may nakasulat"SIGNATURE", kopyahin ang  signature na iyon sa notepad document, para madaling Makita kung kakailanganin.

      I-Click ang FILE mula sa iyong KARMA wallet's menu, i-clikc SIGN MESSAGE
    

      Idagdag ang iyong KARMA wallet address sa tamang lugar gaya ng makikita:
    

    

    

      Isulat ang iyong Counterparty address, kung saan mo gustong ipadala ang iyong KarmaToken
    

      I-Click ang "SIGN MESSAGE" button para makuha ang iyong SIGNATURE
    
      Kopyahin ang signature at ilagay ito sa iyong  notepad para madaling makuha kung kakailanganin.
    



HAKBANG 07 – Siyasatin ang petsa ng pagpapadala mo ng iyong KARMA, ihambing ang nasabing petsa sa RATE SCHEDULES sa ibaba. Kwentahin ang bilang ng KarmaToken na iyong matatanggap sa pamamagitan ng PAGBABAHAGI NG KABUUANG BILANG NG NAIPADALANG KARMA SA 10,000, pagkatapos ay i- MULTIPLY ANG RESULTA SA RATE. Kopyahin at isulat ang resulta sa notepad document para sa madaling makita kung kakailanganin.




HAKBANG 08 – Ngayon ay handa ka nang gumawa ng migration form request na matatagpuan sa migration page. Punan ang lahat ng hinihinging impormasyon, i-double check ang kawastuhan ng mga detalye upang maiwasan ang anumang magiging problema.
http://www.karmatoken.net/karma-to-karmatoken


Congratulations! Pagkatapos mong magawa ang mga hakbang sa itaas, maghihintay ka na lamang ng 3-5 araw at ang iyong KarmaToken ay ipadadala sa Counterparty address na iyong ibinigay, pagkatapos na ito ay ma-beripika. SALAMAT SA IYO SA PAKIKILAHOK SA ATING BAGONG KOMUNIDAD NG MABUTING KARMA.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Ang orihinal na thread ay naririto:   https://bitcointalksearch.org/topic/annkarmatoken-the-currency-of-sustainable-kindness-gks-powered-by-ethereum-1667865

PAGPAPAHAYAG: LUMAHOK SA INYONG SARILING PAGPAPASYA NA MAY KAALAMAN SA MAAARING MASAMANG MAIBUBUNGA, TIYAKING MATAMANG NAPAG-ARALAN BAGO SUMALI SA KOMUNIDAD NA ITO NA NAGPAPATAKBO SA MGA TOKEN, KABILANG NGUNIT DI-LIMITADO SA, PAGSISIYASAT KUNG ANG PAGLAHOK AY NAAYON SA BATAS NG INYONG SARILING BANSA, ANG PAGLAHOK AY NANGANGAHULUGANG NAUUNAWAAN NINYO ANG LAHAT NG PANGANIB NA MAAARING IBUNGA AT KAYO AY NAKAHANDANG SUMUNOD SA KAAYUSAN SA IBABA AT SA ANUMANG PAGSASAAYOS SA HINAHARAP.


Ito ay naka-post din sa ibang wika:
   
 


MALIGAYANG PAGDATING SA KOMUNIDAD NG MABUTING KARMA
Ang lipunang nakabase sa crypto, nagigiyahan upang gawin ang mga tamang bagay sa tamang panahon.







Ang misyon ng KarmaToken ay upang lumikha ng isang komunidad na nakabase sa salaping-crypto ng mga taong magkakapareho ng kaisipan na nagigiyahan ng pag-ibig upang lumikha ng mabuting mundo, kapwa sa teknolohiya at pag-uugali. Kami ay taimtim na naniniwala na ang teknolohiyang walang kalakip na mabuting pag-uugali, ay hindi siyang daan sa pag-unlad kundi ang hadlang sa pagtatamo nito.
Kung kaya ang KarmaToken ay naghahangad na lumikha ng kinakailangang alternatibo para sa mga kasalukuyang mga tagasuporta ng crypto na pagod nang makitang ang teknolohiya ng Blockchain ay nagagamit upang dayain at paglalangan ang maraming mga tao ng mga masasamang aktor sa crypto-space. Hinahangad rin naming lalo pang palaganapin ang kaalaman sa crypto ng mga nakababatang henerasyon, paunlarin ang mga ito upang maging mabubuting tagatangkilik ng crypto at mga miyembro ng komunidad ng papaunlad na ekonomiya ng mga bagay na ito. Lahat ay sa natutustusang pamamaraan.
Ang KarmaToken ang magsisilbing bukal ng mabuting Karma sa gitna ng masungit na disyerto ng crypro space. Kung saan ang kahalagahan ng bawat isang miyembro ng komunidad ang laging ipinagpapauna bago ang kahalagahan ng teknolohiya, ang kahalagahan ng mga tao at higit sa lahat ang kahalagahan ng barya, kahalagahan ng aktwal na paggawa ng mabuti kaysa sa magmukhang mabuti.
Ang mga pinuno ng komunidad ng KarmaToken ay kabibilangan ng mga taong dedikado sa mga naipahayag ng pananaw. Ang mga aktibidad ng komunidad ay ipanghihikayat upang magawa sa isang napaka-organisadong pamamaraang maaaring gawin sa isang desentralisadong komunidad, gagawin ang mga ito na may kasiglahan para sa ikabubuti ng lahat at nakikitang malinaw.

Ang komunidad ng KarmaToken ay magiging pangunahin sa mga pagkilos na nauukol sa crypto, magsasakatuparan ng mga proyektong naghahangad na mabigyang-pansin ang partikular na mga pangangailangan ng mga tao. Dala ng kaalamang ang ating tunay na kayamanan, ay nakasalalay hindi sa kung gaano karami ang ating tinatangkilik o kinikita, kundi sa kung gaano tayo nagbibigay at nagbabahagi sa iba. Dala ng kaalamang habang ang masama ay nag-aani ng masama, hindi rin maitatangging tunay na ang kabutihan ay nag-aani ng kabutihan.

Sa madaling salita, ano ang KarmaToken?
Ang KarmaToken ay magbibigay ng oportunidad para sa mabubuting mahihilig sa crypto na maging bahagi ng lumalagong aktibong komunidad, na hindi lamang nagkakamit ng kayamanan kundi tumutulong sa isa’t-isa at sa ibang taong nangangailangan din naman. Ang lahat ng ito, habang ginagamit ang teknolohiya ng Blockchain.

Bilang isang mamumuhunan, bakit kailangan kong ikonsidera ang KarmaToken?
Ang KarmaToken ay papasok sa ilang magkakaibang mga proyektong mapagkakakitaan, kung saan maghahandog sa lahat ng mga may KarmaToken ng posibilidad na makatanggap ng quarterly bonus na ibabahagi sa pamamagitan ng Counterparty blockchain.
Ang lahat ng mga aktibidad ng komunidad ay hindi maiiwasang itulak pataas ang halaga ng bawat token. Ang pangangailangan ay tataas habang parami ng parami ang mga taong makakaunawa na habang paparami ang token na nakukuha mo, parami rin ang insentibong matatanggap. Ang mga token ding ito ang magiging basehan upang pangunahing mag-anyaya para sa pagsusumikap sa hinaharap at sa karapatan sa pagboto.

Bilang isang gumagamit ng salaping-crypto , bakit kailangan kong ikonsidera ang KarmaToken?
Ang teknolohiya ng Blockchain ay binuo upang tumulong sa mga tao sa tunay na buhay, ang pagiging una sa teknolohiya na nagawa sa ngayon ay nilikhang lahat upang pagaanin ang ating TUNAY NA BUHAY, sa pamamagitan ng ibinibigay ng Blockchain at ng kanyang mga relatibong teknolohiya. Sa pamamagitan ng KarmaToken at ng pakikilahok sa mga aktibidad ng komunidad ang bawat isa ay mabibigyan ng AKTUWAL na kahulugan ng paggawa ng mga bagay na yaon, at magagawang masaksihan kung paanong ang mga teknolohiyang ito ay magagamit para sa kabutihan ng ating sariling mga buhay at ng sa ibang mga tao.


Bilang isang non-crypto user, bakit kailangan kong ikonsidera ang KarmaToken?
Isa sa pangunahing layunin ng komunidad ng KarmaToken ay upang makapasok sa kalawakan ng crypto ang mga baguhan sa madaling paraan, nakatutuwa at sa pinakaposibleng maayos na paraan. Mas maraming taong makagusto sa aming proyekto, mas maraming lalahok sa komunidad ng Karmatoken, mas maraming tao ang matututunan ang teknolohiya ng Blockchain. Bawat isa ay panalo.


Bilang isang may hawak na KARMA, bakit kailangan kong ipagpalit ang aking KARMA sa KarmaToken?
Ang KarmaToken ay ang bagong KARMA, wala ang mga isyung nasa likod nito. Ito ang marapat na hakbang pasulong kapwa ng teknolohiya at komunidad. Ang KarmaToken ang magsasakatuparan ng mga mithiin at mga magagandang ideyang nakapaloob sa komunidad ng KARMA noon na hindi nabigyang katuparan. Samantalang walang sinumang may-hawak ng KARMA ang obligadong makipagpalit, ang isang simpleng paghahambing sa umiiral na sitwasyon ng KARMA at KarmaToken ay magpapakitang malinaw kung bakit ang hakbang na ito ay sa ikabubuti. Ang KARMA sa kasalukuyan ay walang software developer at walang sinumang aktibo na gawin itong kapakipakinabang.
Nakaprograma ito na lumikha ng 10,000 na barya kada minuto ng walang tigil, walang hanggang lumilikha ng di-matutustusang pagtaas para sa isang walang-paggagamitang barya. Ito ay lubhang napakaraming barya. Dahil sa kakulangan sa mga mahalagang crypto components, ay naging napakahirap ng paggawa ng mga proyektong may kaugnayan sa crypto. Ang Karma ay walang mobile  wallet, na napakahalaga sa mabilisang pagpapaunlad ng mobile market. Sa katotohanan ay wala ng sinumang interesado sa KARMA na naabot ang pinakamababang halagang 0.00000003 LTC(ang pagpapalit lamang na ito ang nagdala ng pansamantalang interes dito na matatapos pagkaraan ng panahon ng pagpapalitan). Lahat ng ito ay pinagtuunan ng pansin ng KarmaToken. Kaalinsabay nito, ang kasalukuyang mga plano ay bibigyang-diin hindi ang token lamang kundi ang komunidad na pinalakas ng KarmaToken. Kami kung gayon ay hinihikayat ang lahat ng may KARMA na makilahok sa amin, gusto naming magtrabahong kasama ninyo tungo sa isang “Komunidad ng Mabuting Karma”.




Paano ka magkakaroon ng KarmaToken?

Una, kapag nagkaroon ka ng KARMA na isang X11-based, maaari mo itong ipagpalit batay sa umiiral na antas ng palitan.
Maari kang makabili sa mga online vending machine, gayundin sa swapbot at sa Counterparty decentralized exchange.
Magkakamit ng ilang KarmaToken
Sa pamamagitan ng pagkumpleto sa isang gawaing magbibigay-pabuya, gaya ng pagsasalin wika ng OP ANN at marami pang ibang mga aktibidad na ipababatid dito sa hinaharap.

Magkakaroon din ng airdrop sa ilang napiling Counterparty asset holders.



Mga Pangyayaring Magaganap sa pansamantalang mga petsa

Paglilipat mula KARMA patungong KarmaToken - Nob. 02, 2016 hanggang Enero 25, 2017
Pagbubukas ng aming bagong Websites http://www.karmatoken.net/ Para sa KarmaToken at sa aming non-profit foundation  - Nob. 02, 2016
Patimpalak para sa Opisyal na Logo ng KarmaToken - Nob. 14, 2016 - Nob. 28, 2016
Signature/Tweet/Share/Like/Post Ads bounty campaign..
Airdrop na pagbabahagi ng KarmaToken sa mga napiling Counterparty asset holders - Dis. 03, 2016 hanggang Dis. 09, 2016
Patimpalak para sa Opisyal na HD Video ng Pagpapakilala ng KarmaToken - Dis. 10, 2016 hanggang Enero 10, 2017.
Paglulunsad ng Non Profit Foundation - Enero 2017
Opisyal na Fund Raising Campaign para sa Humanitarian Activities ng KarmaToken Community-Enero 15, 2017
Pagpapahayag ng KarmaToken Income Generating Mobile App - Enero 26, 2017
Paggawa ng KarmaToken Community bylaws - Enero 2017
Eleksyon ng mga Unang  KarmaToken Community Directors - Enero 2017
Pagpapahayag ng Unang proyektong pangsangkatauhan ng KarmaToken  - Pebrero 07, 2017
Pagpapahayag ng ikalawang Nagbibigay-kitang Mobile App - Pebrero 15, 2017
Distribusyon ng Unang KarmaToken Community's Quarterly Bonus - Marso 31, 2017 (Kabilang ang lahat ng mga bonuses mula sa nangakalipas na buwan)

Ilan sa mga aktibidad ng komunidad na nakatakda batay sa paunang nabanggit na panahon sa itaas.







PANAHON NG PAGLILIPAT NG KARMA

SIMULA Noyembre 02, 2016 ganap na ika 09.00 CET; Matatapos sa Enero 25, 2017 09.00 CET


Teknikal na mga Detalye
• Pangalan: KARMATOKEN
• Kabuuang Dami: 18,400,000
• Simbulo ng Tiker: KTN
• Platform: Counterparty
• Paraan ng Pamamahagi: Karma Swap, Mga Pabuya, Giveaways, Airdrop
• Wallets: Counterparty Servers (https://counterwallet.io/), Indiesquare Server (https://wallet.indiesquare.me/) for mobile.
• Pondo para sa Sustanableng Pagpapaunlad: 12.5% ng Token
• Website: http://www.karmatoken.net/
• Dako ng Komunidad: https://karmasociety.slack.com/messages/general/


Plano sa Pamamahagi ng KarmaToken
• Para sa mga may Karma  (1)                                      : 9,200,000 tokens- 172,774 para sa nhzKARM holders
•Pondo para sa Distribusyon ng Airdrop  (2)                             : 4,600,000 tokens- 25% ng kabuuang dami na ibibigay sa ilang piling Counterparty assets holders gaya ng nakatakda sa itaas
• Pagpapatalastas/PR drive/Kompensasyon (3)                : 2,300,000 tokens- 12.5% ng kabuuang dami para sa lahat ng impormasyon at gawaing pagtuturo na isasagawa ng komunidad
• Negosyo at Pagpapaunlad/Pondo para sa kompensasyon (4) : 2,300,000 tokens- 12.5% ng kabuuang dami dagdag ang iba pang balanse



Ang pondong ilalaan ay limitado sa 1% ng kabuuang pang-araw-araw na balanse na hinahawakan ng mga lider ng komunidad. Bilang halimbawa, kung ang kabuuang balanse pagkatapos ng lahat ng aktibidad ay 4, 600,000, ang pang-araw-araw na pondo ay hindi dapat humigit sa benta ng 46,000 KarmaToken. Ito ay ilalaan upang mapangalagaan ang pondo at ang paggastos sa pamilihan. Sa pamamagitan ng alokasyon ng pagpopondo sa itaas, ang pagtutustos sa mga proyekto ng komunidad ay maisisiguro sa loob ng pinakamababang 2 taon mula ngayon, ang pansariling pagtutustos ay magagawa sa tulong ng mga mapagkakikitaang mga proyekto..


Para sa alok na Pagsasalin wika, makipag-ugnayan sa amin sa [email protected], ang pabuya sa Salin wika ay 500 KarmaTokens.

Reserbadong OP at Ikalawang Post na Pagsasalin wika:
Indonesian(May-akda: moroseneng)
Greek(May-akda: kostas)
Russian(May-akda: knobson)
French(May-akda: krazyx)






PAGPAPAHAYAG: LUMAHOK SA INYONG SARILING PAGPAPASYA NA MAY KAALAMAN SA MAAARING MASAMANG MAIBUBUNGA, TIYAKING MATAMANG NAPAG-ARALAN BAGO SUMALI SA KOMUNIDAD NA ITO NA NAGPAPATAKBO SA MGA TOKEN, KABILANG NGUNIT DI-LIMITADO SA, PAGSISIYASAT KUNG ANG PAGLAHOK AY NAAYON SA BATAS NG INYONG SARILING BANSA, ANG PAGLAHOK AY NANGANGAHULUGANG NAUUNAWAAN NINYO ANG LAHAT NG PANGANIB NA MAAARING IBUNGA AT KAYO AY NAKAHANDANG SUMUNOD SA KAAYUSAN SA IBABA AT SA ANUMANG PAGSASAAYOS SA HINAHARAP.
Jump to: