Author

Topic: Ano ang Node, Full Node, MasterNode at Pano kumita dito? (Read 223 times)

hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen

Pano kumita sa Proof of Stake (Pos) gamit ang iyong Computer? Ano ang mga Node, Full Node, at MasterNode?
Anong kagamitan ang kinakailangan para sa pagmimina at kumita sa PoS sa Nodes?

Ang Proof of stake (PoS) - ay isang uri ng algorithm kung saan ang isang cryptocurrency blockchain network ay nagnanais makamit ang distributed consensus. Sa PoS-based cryptocurrencies, ang creator ng Next Block ay pinili sa pamamagitan ng iba't ibang mga kumbinasyon ng random Selection at wealth o Age (i.e, the stake). In short, ang algorithm of proof-of-work-based cryptocurrencies tulad ng Bitcoin ay gumagamit ng pagmimina; iyon ay, ang paglutas ng mga computationally intensive puzzle upang ma validate ang mga transaksyon at lumikha ng mga bagong blocks.


Ano ang mga Node, Full Node, at MasterNode?
Una sa lahat, dahil alam na natin, Ang pag PoS Mining ay makakakuha ka ng coins sa Pagtatrabaho lamang ng iyong Wallet, Kahit hindi kana gumamit ng Computer. Ipapaliwanag din ito.


Node - Kung mag dodownload ka ng wallet sa kahit na anong coins, magsisimula ka sa pag synchronize sa Network. Ang ibig sabihin ng pag Synchronize ay idodownload mo ang lahat ng history ng Transfer ng coins na ito sa Network. kaya naman, idodownload nito ang lahat ng transaction history upang patuloy na ini store nito bilang isang decentralized server. Hangga't patuloy ang synchronization nito, ang iyong computer ay magiging isang node.


Full node - fully synchronized wallet. Kung na Download mo na lahat ng Transaction, Nagsisimula ka ng Mag Imbak nito, Tapos may algorithm na nakasulat sa buong node na nagbibigay-daan sa iyo upang suriin ang mga bagong transaksyon para sa pagsunod sa mga tuntunin ng network bago isama ng mga miners ang mga ito sa blocks. Dito, nagsisimula ka nang kumita.  lagyang mo lang ang wallet mo na may konting halaga yung kaya lang ng bulsa mo, at habang bukas ito at hindi naka-encrypt kumikita ka. ito ay tinatawag na PoS mining in the classic sense. kung marami kang coins marami din ang iyong kikitain, tignan mo lang kung kailan ibibigay ang reward madali lang naman ito. Sa kanang ibaba ng wallet maraming klase ng Icons Tingnan ang mga ito, at hanapin ang Nagsasabi na kung ikaw ay nakasama na sa Share, at kung gaano katagal maghintay para sa reward. Kung wala kang panahon upang makatanggap ng reward, subukan maghintay ng ilang oras (isang araw) o suriin ang pag-encrypt ng wallet. Kung nais mong kumita ng pera bilang isang node, dapat kang maging bukas ka sa mundo, at ang wallet mo ay hindi dapat naka encrypt.


Masternode - Ang isang Node na naka include sa transactions sa Block. kung mag seset up ka ng Masternode, magiging isa kang Full-Fledged Miner. Ang gawain ng Masternodes ay hindi lamang upang mapanatili ang History ng network at i check ang mga transaksyon kundi pati na rin isama ang mga transaksyon sa block at tiyakin ang Anonymity of transfer, halos magkapareho ito sa trabaho na ginagawa ng mga traditional na miners sa pagmimina ng PoW sa mga video card at asics. Gayunpaman, mayroong mga espesyal na pangangailangan para sa masternodes.


Narito ang kailangan mong gawin:

E Download mo ang wallet ng napili mong Coins, Hintayin na ma full synchronization. minsan umaabot ito ng isang araw kung ang coins ay Famous o Popular, at marami itong transaction simula ng lumabas ito.
Mag order ka ng dedicated IP sa iyong Internet Provider, na gagamitin ng ibang tao sa buong mundo upang kumonekta sa iyong photo shoot. Ang Regular local IP, na kung saan ay madalas na dynamic, ito ay hindi suitable.
Ang halaga ng serbisyo na ito ay nakadipende pero kadalasan mura lang ito kada buwan. Bukasn ang Master Port para sa Router, sya nga pala, kung tatawag ka sa Internet Provider itanong mo kung nagboblock sila ng port o hindi, kung hindi, buksan mo ito sa router Kung Oo, hilingin sa provider na buksan para sa iyo ang isang certain port.
Alin dito? at kung paano buksan ang mga port sa router? E download mo ang Instruction sa pag set up ng MasterNodes sa Official website cryptocurrency. Doon maaari kang makakuha ng sagot sa kung gaano karaming mga coins na kailangan mo upang ilunsad ang masternode. Ang bawat currency ay may iba't ibang bilang ng mga coins, ayon sa dito, iba't ibang mga initial investments at payback period.
Bumili ng kinakailangang bilang ng mga Coins, sa simula maaari kang mag invest ng maliit na halaga. Ilipat ang mga ito sa iyong wallet.Gawin ang lahat ng mga kinakailangang setting sa mga file system ng wallet.
Sa kauna-unahang pagkakataon inabot ako nang halos isang oras. Kasunod ay nag-set up ako sa loob ng 15 minuto. Sa developer's manual, ang lahat ng ito ay naroon.


Run masternode. Tiyaking bukas ang wallet. Tiyakin ang tuluy-tuloy na gawain ng wallet 24/7. para maka receive ng Payout.

Sa Unang tingin, Ang Pag Set up ng Masternode ay napaka complikado, pero maniwala ka sa akin, hindi ganon. Ang mahirap lamang ay kung first time ka Mag Set Up, Napakadali lang nito mas madali kaysa sa pag-order ng mga piraso ng bakal mula sa isang lugar, at pagkatapos ay ihahaplos sila, sa pagmamaneho sa kanila, pagkonekta sa mga ito sa mga pool, ichecheck ang mga ito kung sobrang init na, at iba pa. Kung off ang masternode (naka-off ang mga ilaw, walang Internet, o nagpasya lamang na bigyan ang computer ng pahinga, nagpunta sa bakasyon, atbp.) - walang masamang mangyayari dito. Hindi ka kikita hanggang sa muling buksan mo ang iyong Wallet. Upang ilunsad ang mga master nodes, kailangan mo lamang pindutin ang Start button tapos ok na.


Bakit ang Pagmimina sa Masternode POS ay mas maganda kaysa sa Pagmimina gamit ang equipment POW?

Dahil hindi nangangailangan ng malalaking pamumuhunan. Hindi mo kailangang mag-invest sa mga kagamitan, maaari kang magmina sa iyong lumang computer sa bahay. Hindi na kailangang magdagdag ng karagdagang espasyo o kahit na magrenta ng kuwarto. Ang halaga ng kuryente, ayon sa pagkakabanggit, ay minimal din.

Ang Mga Kikitain?

I check mo lang dito: http://mnrank.com/






Source:
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-masternode-node-full-node-masternode-setup-with-screens-5120117
Jump to: