Author

Topic: Ano ang SSL? (Read 231 times)

jr. member
Activity: 143
Merit: 2
September 23, 2018, 07:55:28 AM
#7
Salamat sa info mo about sa ssl bro maganda yung pagkaka deliver mo napaka clear, ngayon alam ko na kung bakit nag wawarning at nag rered yung lock icon ng browser ko kapag pumapasok ako sa mga delikadong websites,  yun pala ang dahilan kasi hindi pala sya secure at maari palang manakaw yung mga sensetive information sa mga walang ssl certificate na website. Matanong lang boss about sa mga phishing sites, meron din bang phishing sites na mayroong ssl certificate or lahat ng mga phishing sites na yan ay wala talaga silang ssl certificate as in elligal lahat ng mga web sites na yun? Sensya na sa pagtatanong di kasi talaga ako expert  Grin.

Yes boss, kadalasan ng mga phishing sites ngayon ay may SSL certificates na para magmukang legit ang kanilang website. Tip lang boss, kapag may nanghingi ng credentials mo online (example: gustong kunin credit card info at etc.) eh magdalawang isip kana. Sketchy na kapag ganun at kailangan siguraduhin mo muna na legit ba talaga yung site na yun or yung taong nanghihingi ng mga credentials mo. At kapag nagclick ka sa isang link ng babayaran or may login lagi mong ichecheck muna ang email add nila dahil dun mo mahuhuli kung legit ba yun or hindi. Kasi kalimitan ng email nila ay mahahalata mo na gawa gawa lang.
full member
Activity: 680
Merit: 103
September 22, 2018, 11:03:20 PM
#6
Salamat sa info mo about sa ssl bro maganda yung pagkaka deliver mo napaka clear, ngayon alam ko na kung bakit nag wawarning at nag rered yung lock icon ng browser ko kapag pumapasok ako sa mga delikadong websites,  yun pala ang dahilan kasi hindi pala sya secure at maari palang manakaw yung mga sensetive information sa mga walang ssl certificate na website. Matanong lang boss about sa mga phishing sites, meron din bang phishing sites na mayroong ssl certificate or lahat ng mga phishing sites na yan ay wala talaga silang ssl certificate as in elligal lahat ng mga web sites na yun? Sensya na sa pagtatanong di kasi talaga ako expert  Grin.
newbie
Activity: 65
Merit: 0
July 29, 2018, 07:44:10 AM
#5
Yun pala ibigsabihin ng ssl at Napag ka halaga pala ng ssl. lalo ngayon lahat online na transakyon kaya dapat may knowledge tau sa ganito at maprotektahan ang mahahalagang bagay na gumagamit ng online kaya thank you po sa pag share at pag post nito malaki ang maitutulong nito.
jr. member
Activity: 155
Merit: 1
July 16, 2018, 11:41:17 AM
#4
Napakahalaga ng SSL kaya up ako sa topic na lalo ngayon lahat online na transakyon kaya dapat may knowledge tau sa ganito at maprotektahan ang mahahalagang bagay na gumagamit ng online
jr. member
Activity: 143
Merit: 2
July 16, 2018, 10:10:09 AM
#3
Boss maganda ang iyong pagkakagawa ng topic pero paki dadag mo dyan ang Level and Category of SSL yung mga Domain Validated, Organization Validated, Extended Validation at ipaliwanag mo yang tatlo tapos sama mo narin meaning ng SSL, tapos ano pag walang SSL yung isang website ano meaning nun kung scam ba tapos sama ka na rin ng how to check SSL of the site kasi alam ko may ganung website na ichecheck nya yung validation nung isang website kagaya ng https://www.ssllabs.com/ssltest/ tapos yun na gamit ka rin ng BBcodes para mas gumanda tapos gawa ka english version post mo sa Beginners & Help.

Sige po boss. Maraming salamat po.
full member
Activity: 680
Merit: 173
Giggity
July 16, 2018, 10:05:41 AM
#2
Boss maganda ang iyong pagkakagawa ng topic pero paki dadag mo dyan ang Level and Category of SSL yung mga Domain Validated, Organization Validated, Extended Validation at ipaliwanag mo yang tatlo tapos sama mo narin meaning ng SSL, tapos ano pag walang SSL yung isang website ano meaning nun kung scam ba tapos sama ka na rin ng how to check SSL of the site kasi alam ko may ganung website na ichecheck nya yung validation nung isang website kagaya ng https://www.ssllabs.com/ssltest/ tapos yun na gamit ka rin ng BBcodes para mas gumanda tapos gawa ka english version post mo sa Beginners & Help.
jr. member
Activity: 143
Merit: 2
July 16, 2018, 09:55:16 AM
#1
    Ano ang
SSL?

Ang SSL ay "Secure Socket Layers" meaning ay isa siyang standard technology na nagiging safe ang pagsesend ng data between two systems. In short may encrypted link between server and client for example browser and website or server to server for example e yung mga payroll information.

Ang SSL Certificate naman ay yung nakikita niyong green na lock sa browser niyo meaning non secured yung site na pinuntahan niyo.

ADVANTAGES
-Encrypts Information
-Guards against Phishing attacks
-Better search engine rankings

DISADVANTAGES
-Cost
-Expired Certificate

Mayroong tatlong uri ng SSL Certificate

Extended Validation
Ang Certificate Authority (CA) ay ang nagchecheck ng applicant kung pwede ba niyang gamiting and specific na domain at nagsasagawa sila ng critical examination sa organization na nagapply. Mayroong EV Guidelines na kailangang sundin bago aprubahan ng CA ang certificate. Available ang EV SSL Certificate sa lahat ng uri ng businesses.

EV Guidelines


Organization Validation
Parang katulad lang ito ng Extended Validation pero walang guidlines na sinusunod naman katulad ng EV. Dito maari mong makita ang impormasyon ng isang company kapag clinick mo ang Secure Site Seal, pinapakita nito kung sino ang nasa likod ng site at para magtiwala ang mga tao dito.

Domain Validation
Dito chinecheck ng CA ang karapatan ng aplikante na gamitin ang specific domain name na nais nito. Walang identity ng company dito at impormasyon na nakadisplay maliban ang encryption information na nasa Secure Site Seal.

Secure Site Seal
Ito ay para makita ng mga bumibisita sa website mo na naginvest ka sa safety at iniindicate dito na secure ang transaction at ng mga data.

Kapag walang SSL ang isang website ay maaring maprone sa hacking ang account information mo or credit card information mo. Mas maganda na lagi kang maglologin sa mga SSL approved sites upang maiwasan ang pagkahack ng mga accounts or credit card infos kung may binibili ka online.

Kailangan ba ang SSL sa isang website? OO. Upang mapanatag ang loob ng mga website visitors na hindi makukuha ang kanilang personal information.

Ito ang ilang site na nagccheck ng SSL for free

- https://www.ssllabs.com/ssltest/
- https://www.1and1.com/ssl-checker


Disclaimer: Ito lamang ay aking mga naresearch at aking pinaikli lamang upang ito ay mas lalong maintindihan, kung alam niyo ito ay maaring magdadagdag kayo ng mga impormasyong tungkol dito. Maraming Salamat!

PS: Ang topic na ito ay suggestion mula kay AdoboCandies
Quote
  • What is SSL

Sources:
https://www.websecurity.symantec.com/security-topics/what-is-ssl-tls-https
https://www.slideshare.net/JohnWard23/ssl-certificate-advantages-and-disadvantages[/list]
https://www.godaddy.com/garage/do-you-need-ssl-encryption-if-you-dont-sell-anything-on-your-website/
https://www.nutsandboltsmedia.com/does-your-website-really-need-ssl/
https://www.globalsign.com/en-ph/ssl-information-center/types-of-ssl-certificate/
Jump to: