Author

Topic: Ano ang tingin ninyo dito sa forum? Ano ang opinyon ninyo dito? (Read 611 times)

full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Tanong ko lang sa mga kabayan kong Pinoy dito. Ano ang opinion ninyo sa sinabi ng isang member natin dito sa forum? Kasi napa-isip lang ako.
Sa aking palagay ay mayroon syang punto kahit papaano. May mga pinoy naman talaga dito sa forum na hindi gaano kagandahan ang mga content na ipinopost. Pero hindi naman lamang iyon mga Pinoy, meron ding taga ibang bayan na umaabuso sa mga campaigns dito sa bitcointalk.
Doon naman sa maghanap ng "real job", pinatutukuyan nya doong yung nga pinoy na umaabuso sa campaigns dito. Ang masasabi ko pa ay maari namang maituring na "real job" ang pagsali sa iba't ibang campaign dito sa forum. Hindi porket sa forum ang nasalihan hindi na ito totoong trabaho. Trabaho parin ito, ang pinagkaiba lang ay nagtatrabaho ka online para magbahagi ng opinyon at kaalaman na tutugma sa hinahanap sa mga campaigns. Smiley
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Di ko masisi din ung iba. Sa isang sinalihan ko na-ban ang Philippines dahil sa spam and copy-paste. Aminin natin may mga greedy talaga. Kahit anong effort ng ibang matitino ay nahihila pababa dahil mas marami ang di matitino. Para sa iyong tanong, kung ano ba ang job, i guess tama sila na somehow source of income lang tlaga to, mas maganda pa rin may real life work tau at di umasa sa bitcoin (or other cryptos) dahil di stable ang presyuhan nito.
at sa dami ng kalokohang kinasangkutan ng mga Pinoy eh hindi malabong mangyari ang mga ganyang Banning .eto ang mga pinaka malalaking Cases ng cheating ng mga pinoy ayon kay @coinlocket.
https://bitcointalksearch.org/topic/m.38185053
https://bitcointalksearch.org/topic/m.39323752
https://bitcointalksearch.org/topic/m.39247053
https://bitcointalksearch.org/topic/m.39099684

makikita sa mga thread na yan kung gaano kalaki ang mga nakaraang busting sa mga cheaters na kinasangkutan ng mga Kapwa nating pinoy
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
malaki po ba talaga kinikita sa signature campaign?
depende sa signature campaign campaign na nasalihan mo since magkakaiba ang paying rate ng bawat signature campaign

ako kasi bilang newbie wala pa ako alam or idea about sa signature campaign meron ako nabasa mahirap din daw pag newbie ka lang di basta basta nakakakuha ng merits.
as long as helpful ka at mataas ang quality ng post mo di ka mahihirapan mag ka merits pero don't expect na makakauha ka ng merit sa bawat post mo kahit mataas ang quality. yung mga madalas mag reklamo na mahirap makakuha ng merits are usualy ay yung low quality poster na atat na atat na mag rank up.

if I were you di ko muna iisipin ang signature campaign or kung pano mabilis makakuha ng merit since madidisapoint ka lang kapag halos lahat ng post mo ay di nabigyan ng merit. explore mo muna yung forum. basahin mo yung rules para maiwasan mo kung ano yung mga bawal and try to engage sa mga conversation ng mga members at wag ka mahiya mag tanong since maraming members dito sa forum ang willing sumagot sa mga tanong mo.
newbie
Activity: 11
Merit: 0
malaki po ba talaga kinikita sa signature campaign? ako kasi bilang newbie wala pa ako alam or idea about sa signature campaign meron ako nabasa mahirap din daw pag newbie ka lang di basta basta nakakakuha ng merits.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
I don't see signature campaigns as a job honestly, pero marahil sa iba eh ganun na nga dahil may nakukuha silang pera mula rito. Pero to be fair, noong kasali pa ako sa chipmixer back then, aaminin kong mas malaki pa ang nakukuha ko every week kumpara sa nakukuha ko every month sa trabaho ko. Then again, hindi ko pa rin pinrioritize ang signature campaign dahil gusto kong mag-excel sa trabaho at field na binunuan ko ng ilang taon sa bachelor's at ilang taon sa master's. I like to lurk here dahil marami akong natututunan re: coding and innovative systems and at the same time, I am potentially paid to do so. I would not waste the opportunity siyempre at hindi na rin sa pagiging hypocrite, but I can definitely go on my own way and still post kahit walang signature campaigns.

Sooner or later, mawawala rin itong mga signature campaigns na ito sa forum. They are not here to stay forever, kaya look for things na mag-eexcel kayo, hone it and use it para kumita ng pera.
sr. member
Activity: 644
Merit: 252
Tanong ko lang sa mga kabayan kong Pinoy dito. Ano ang opinion ninyo sa sinabi ng isang member natin dito sa forum? Kasi napa-isip lang ako.
I remember Polar91 as a participant , as a  Filipino Translator, on one of the campaigns that i managed. This is so sad. I also remember there is a thread na pinipaint na shitposter ang mga Filipino and they are not well versed in English language to communicate and post constructively, hindi ako nag react doon kasi karamihan talaga is ganun, The hate is understandable because some campaigns were abused by mostly alt accounts by Filipino users, Whatever Reasons ang mayroon si Polar91, he can't use that as a license to abuse campaigns. Imagine, may tao na pwede kumita ng extra sa campaigns sana pero yung slot nakuha ng isang alt ni Polar91. Taking opportunities from other people because of greed is an evil thing to do.
Sa Mga pinoy na ang tingin sa bitcointalk ay isang business platform para abusuhin para kumita, Please Stop. Look for a Real Job. Bitcointalk will not always be here for the purpose of bringing money to your own pockets, Sana maintindihan ng kapwa Pinoy natin na there is a possibility that the possible Banning of Philippine Users is in sight. Please reflect and Look for a real Job. Bitcointalk is not a Job. Campaigns are not a job. It is not a JOB. Look for a REAL JOB.
Ano ang opinion ninyo dito?
Para sa akin , masasabi kong part tine job ko ang pagsali ko sa mga signature campaigns.
 Bakit part time?
Sa isang araw, naglalaan lamang ako ng mga 2 hanggang 4 na oras sa bitcoin.
 Bakit 2 hanggang 4 lang pwede namang maghapon diba?
Kailangan ko kasing magtrabaho sa opisina. Ang trabaho ko kasing iyon ay ang mas inline sa kung anong kurso ako grumaduate. Gusto kong maging maganda ang career ko pagdating sa field ko, mawitness nila ang galing ko para mapromote at tumaas ang sweldo para bawat kinsenas may maganda at sigurado akong sahod.
 Bakit hindi na lang sa pagbibitcoin ako magfocus ?
Hindi ko din kasi alam hanggang kailan ang forum na ito. Alam kong may trading at investement na pwede kong pagkakitaan ngunit hindi ako maging magaling pagdating doon. Lagi lamang ako natatalo ng malaki kaya naman sumasali na lang ako sa signature campaign. At dahil nga maaaring maBan ang site na ito, hindi ako dapat masyadong magdepende dito. Alam ko din na mas mataas ang magiging kita ko kapag mas tinutukan ko ang crpyto kaysa ang trabaho ko sa opisina pero possible ding mawala ang signature campaign.

Pero inuulit ko tinuturing ko itong part time job.
Madami na akong kinita na nakatulong sa akin pinansiyal gaya ng sa pag-aaral ko, ang magsimulang mabuhay sa siyudad habang naghahanap pa lamang ng trabaho at iba pa.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Define "Job" muna tayo para hindi tayo magkaroon ng sari-sariling interpretasyon.

1. a piece of work, especially a specific task done as part of the routine of one's occupation or for an agreed price:
2. a post of employment; full-time or part-time position:

Kung pagbabasehan natin ang first definition, pasok dyan ang mga bounty at signature campaigns. It's a job kung saan pwede mo din magamit ang mga skills na natutunan mo (i.e. language skills para sa translations at blogging; technical skills para sa mga meaningful posts sa signature campaigns). Pero itama lang natin yung maling notion dito, it's not the forum that is giving you the job kundi yung mga companies na ginagamit din ang forum na ito to market their products.

I see bounty/signature campaigns as similar to other jobs offered in the gig economy.



Nakuha mo ang tamang definition. Ang problema kasi marami sa atin ay tumatangan sa sariling kaalaman without doing any proper research.  It is debatble yes but kung pagaaplyan ng mga standard definition kung ano ba talaga ang trabaho or "job"  doon natin maiintindihan na ang mga bounty campaigns na ito at mga signature campaign ay maituturing na isa ring trabaho or "job" dahil we are doing  the task in "real world" kahit na ang ating activity ay nasa cyber space.



About the forum, I believe it was intended for information dissemination, para may pupuntahan ang mga taong interesadong malaman ang tungkol sa techinicality ni bitcoin.  But later  naging source of announcement and ads ng mga naglalaunch an mga new coins dahil na rin sa dami ng users ng forum.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Quote from: google


Kay google palang alam mo na ang sagot. So basically, hindi ito maituturing na Job dahil nga wala namang regular employment.
Ipalagay nating sumasahod ang ibang miyembro sa weekly campaigns, pero hindi mo alam kung bukas o sa sunod na araw tapos na ang campaign.

Iba kasi para sa akin ang Job sa Work, ang job ay paid position samantalang ang work ay isang task na dapat gawin kasama ang ating pisikal o mental na lakas pero kahit walang bayad ay pwede.

Kaya work ang tingin ko sa forum kasi pwede kang bayaran sa ginagawa mo o pwede namang trabaho lang (walang bayad). Lalo na kung mag-apply ka sa mga altcoins bounties.

Bale ang iba ay gusto ng dagdag kita kagaya ko at ako ay nasa forum na ito. Kaya maituturing ko na sideline lamang ang forum at pinagkukuhaan ng impormasyon o balita kay cryptocurrency.
Eh pano sa mga ginawa na itong trabaho, real jon na pala? Stake to the definition guys. It will remains the same kahit pa ito talaga ang dahilan kung bakit kayo yumaman.

Anyway, hindi naman mismo ang forum ang nagbibigay sahod sa atin. Yung mga ads and campaign na nagpapapromote ng projects in different platforms kasama na ang sig sa btt.

Kaya para sa akin, this forum is only for interaction of people, sharing their different beliefs, knowledges and opinions to conclude a better outcome to a certain issue and trends in cryptocurrency. Wherein, all of us remain anonymous. Naging makabuluhan ito talaga dahil sa merit system kung saan kahit sino ay nag-iisip na talaga ng topic at comment na hindi lang basta-basta. Kundi kaaya-aya sa mga nagbabasa.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Basic lang naman ang sagot dito. Kung gusto mo kumita ng pang-malakasan, you should've created a business that will fulfill those profit you wanted to gain or maghanap ng trabaho outside the internet world o kaya ang tinawag nilang real job. Kasi if you're just earning money in the internet, di naman considered as a job talaga yon kasi hindi constant ang pay-day and especially the pay rate.

Actually merong factors na dapat mong alamin bago i-define ang real job.

In terms of pay-rate, ang trabaho mo ba dito ay laging malaki at constant ang kinikita? Hindi, kaya hindi mo siya matatawag na real job. Ang mga may services dito sa forum lang ang pwedeng tawagin na may real job kasi constant ang kita nila daily or monthly. Pwede naman nating i-consider na real job ang pagkuha ng pera dito if you're a person na affiliated sa isang company na kumikita rin dito.

Lagi ka bang kasali sa campaign? Hindi din. Kasi nakadepende pa sa application mo kung karapat-dapat kang makasali sa isang campaign. So probably, we should call it a side-line kasi hindi araw-araw may raket at malayo sa katotohanan na ang ginagawa natin dito sa real job.

Hindi rin ito nalalayo sa bounty hunting, the only difference of it is BTC ang reward, not altcoins and they have the same process, promoting the project through posting. So do you still consider this as a real job?

Real jobs ay may career path na tinatawag like starting from the botton and climbing up until you reach your desired position.
legendary
Activity: 3374
Merit: 1922
Shuffle.com
Para sa akin, masasabi kong ang mga may real job lamang sa forum na ito ay ang mga campaign managers, dahil minsan kung marami silang hawak na campaign, it takes a day to manage it.
Hindi ba parehas lang din ito sa mga ibang services kapag maraming customers aabutin talaga sila ng ilang oras o buong araw kaso hindi naman lahat ng campaign ay tumatagal kaya may mga buwan or linggo na matumal para sa kanila. Swerte na lang kung ang mga campaign na mahawakan nila ay tatagal ng ilang taon.


Part time pa din ang tingin ko signature campaign kahit may mga signature campaigns na sobrang tagal na mahirap umasa kasi baka biglang magsara katulad nung nangyari sa bitsler.

Wala naman akong magagawa kung tingin ng iba dito ay full time dahil grabe yung bayad sa mga campaigns ngayon kumpara dati at may iilang services na napakaraming regular customer daig pa mga tindahan.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Base sa pagkakaintindi ko, ginawa itong forum na ito hindi para sa profit, kundi para matuto at pagusapan kung ano ang mga bagay bagay na may kinalaman sa bitcoin. Naging profitable lang ang forum nung dumating ang ads at campaigns, which is in the first place, bonus lang kung sasali ka at gusto mo kumita.
Yes, as you will see from the first threads in our history, about blocks, trades lang makikita mo, walang memes, walang masyadong dramas and about dun sa technicalities sa blockchain. The ads were allowed to help the forum survive, it helps the forum to pay its monthly expenses, at hindi talaga sya para sa mga users and companies. Sa malamang, kung hindi nawala si satoshi baka hindi na kinailangan ito noon at baka naging literal na forum lang ito parang ph corner (parang lang, yung oh corner kasi maraming alam nyo na...)
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Base sa pagkakaintindi ko, ginawa itong forum na ito hindi para sa profit, kundi para matuto at pagusapan kung ano ang mga bagay bagay na may kinalaman sa bitcoin.

Ito talaga ang totoong rason kung bakit nabuo ang forum na ito. Sa pangalan pa lang makikita mo na kung ano ang pakay, yong ang pag-uusap ang tungkol sa Bitcoin  Smiley.


People has it's own opinion about being here. Yong iba kumikita rito ng malaki so timuturing na nila itong trabaho at iniingatan ang kanilang mga account while yong iba na hindi masyadong malaki kinikita ay gumagawa ng paraan para palakihin ito thus resulting in violating some the rules of this forum.

Para sa akin, as long as kumita ka rito, it is a job. May mga campaign pa nga dito na malaki pa ang kinikita kay sa mga minimum wage earners sa mga kompanya. Everything has it's pro's and cons, earning in this forum has also it's own advantages and disadvantages.

Advantages:
>>Work From Home - di mo na kailangan lumabas pa ng bahay which is the new norm in the future.
>>You can do multi-task - kung tapos ka na sa posting job mo pwede ka pang humanap ng ibang online jobs.

Disavantages:
>>Unstable - pwede mawala ang campaign anytime of the day.


As i've said we all have different opinions about being here and what i have written above is just my two satoshis. Point of view from a person who have a day job.

Bottomline, if you consider this a job, don't break forum rules as it will haunt you in the future and also give your best as if it is your best job ever.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Base sa pagkakaintindi ko, ginawa itong forum na ito hindi para sa profit, kundi para matuto at pagusapan kung ano ang mga bagay bagay na may kinalaman sa bitcoin. Naging profitable lang ang forum nung dumating ang ads at campaigns, which is in the first place, bonus lang kung sasali ka at gusto mo kumita. Malamang sa malamang may ilan na wala naman masyadong ginagawa, or nag aaral pa lamang at nakitang malaking opportunity ang forum na ito dahil anonymous at safe kumita. Well, nasa tao kung itatake nila as real job ito dahil nasa kanila naman kung pano nila ihahandle ang oras nila, depende kung ang forum lang ang source of income nila, job na din yung kung ituturing. And sideline kung mayroon ka talagang pinagkakaabalahan.

Para sa akin, masasabi kong ang mga may real job lamang sa forum na ito ay ang mga campaign managers, dahil minsan kung marami silang hawak na campaign, it takes a day to manage it.
member
Activity: 67
Merit: 10
Sa tinging ko, naka depende sa tao kung masasabi ba nilang "Fulltime/Partime Job" lang nila ito, maaari kasing kumikita na sila ng malaking halaga dito sa forum na ito kaya't masasabi nilang "Fulltime Job" na nila to, maraming pwedeng pag kakitaan dito at di natin ito maitatanggi, meron din namang mga tao na kumikita ng hindi kalakihan dito at kaya sila nandito ay para mag karoon ng "Extra Income" na maituturing natin na ito ay "Parttime Job" lang nila.

Pero kahit ano pang sabihin ng mga tao, ang pag popost dito sa forum na ito, o ang pag trade ng cryptocurrency, maituturing natin itong trabaho dahil kumikita tayo ng pera dito.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
Para sakin pag kumikita ka at nag eeffort ka at gumagawa ka ng mga task para masweldohan is trabaho na din yan. Di ko kilala si Polar91, pero para sakin normal lang talaga yan na may racism kahit anong lahi naman maski tayong mha pinoy. Mas igi nalang siguro na ireport nalang ang mga kagaya niyang user para di makag spread ng toxicity.

Mali lang ni Polar91 naging abusado siya dito sa forum kung saan against sa forum rules at sa dami nang account niya hindi ko lubos maisip kung paano niya i-manage yun lahat.
Sa opinion tungkol sa topic, syempre magkaiba nang opinyon base sa sitwasyon. Ito matuturing ko lang na part-time job kasi may current job din ako. May kakilala ako naging primary na niya dito sa forum ngayon kasi currently wala pa syang trabaho and kaya i-provide ung pangangailangan nila. Real job sya kasi kumikita tayo sa pamamagitan ng signature and other related campaigns na pwede tayo kumita. Sigurado din ako hindi naman lahat dito sa forum dahil lang sa impormasyon na matutunan kundi dahil gusto din nila kumita. Naging bless tayo kasi alam natin tong forum at natutulungan tayo hindi lang dito sa forum kundi narerelate natin to sa real world.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
Para sakin pag kumikita ka at nag eeffort ka at gumagawa ka ng mga task para masweldohan is trabaho na din yan. Di ko kilala si Polar91, pero para sakin normal lang talaga yan na may racism kahit anong lahi naman maski tayong mha pinoy. Mas igi nalang siguro na ireport nalang ang mga kagaya niyang user para di makag spread ng toxicity.
newbie
Activity: 38
Merit: 0
Di ko masisi din ung iba. Sa isang sinalihan ko na-ban ang Philippines dahil sa spam and copy-paste. Aminin natin may mga greedy talaga. Kahit anong effort ng ibang matitino ay nahihila pababa dahil mas marami ang di matitino. Para sa iyong tanong, kung ano ba ang job, i guess tama sila na somehow source of income lang tlaga to, mas maganda pa rin may real life work tau at di umasa sa bitcoin (or other cryptos) dahil di stable ang presyuhan nito.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Tanong ko lang po sir @Theb at sir @julerz12. Ano ang opinion ninyo sa signature/managing/translating or anything related, real job po ba ito or hindi?
Just to answer this:

It is real, it is a job.
Therefore it is a real job.  The fact na binabayaran ka para sa serbisyo na ginagawa mo ito ay matuturing isang job

Ang pinupunto lang dito ng karamihan ay ang stable income: Real Job vs Part-Time Job

REAL/Full-Time JOB
-whatever means kung ano ang ginagawa mo o pinatatrabahuhan mo as long as na stable ang income at may pangmatagalan na kontrata.
Example: Office works.

Part-Time Job
-tulad ng nasabi ng karamihan wala itong definite na kita, lulubog lilitaw ang income. Kahit pa sabihin mo na madaming projects tuloy tuloy ang kita, but still hindi madedeny na pwede itong mawala ng parang bula.
Examples:
Advertising
Service Crew (maliban kung regular ka na)
Translation
Any Other Online Works (Not All I Guess, but still in Majority)



For me, lahat ng pwedeng pagkakitaan sa Online ay isang SIDELINE o Part-Time Job. So I think, na dapat ganito din ang karamihan, skills at diskarte pa din naman ang solusyon.

Pag may nagtanong,Pano yung mga tinatawag na Full-Time Online Sellers kung ikaw ay may sariling negosyo considered sya as Real Job, why? Dahil hindi ka mawawalan ng customer, pwede ka pa din magbenta In reality.

Isa pang tanong.... Pano naman makokonsidera na Full-Time yun, eh di ba anytime pwede malugi?
Well ang sagot dyan, if kung ang mindset ng tao ay ang kumita ng tuloy tuloy makakagawa at makakagawa yan ng paraan, walang pumapasok sa business para lang mag palugi, sadyang malaki lang din talaga ang risks.

Makokonsidera lang silang part Time Seller if:
-Hindi tuloy tuloy ang pagnenegosyo
-Walang Fix na Schedule
-at higit sa lahat ang tunay na negosyante bumabangon kahit bumabagsak.



So I hope, etong mga nabanggit ay makatulong para matapos na yung kalabuan pagdating sa Online Jobs katulad ng meron dito sa Forum. Once again, ito ay LITERAL na Trabaho pero hindi ito Praktikal at Literal na Pangkabuhayan.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Tanong ko lang po sir @Theb at sir @julerz12. Ano ang opinion ninyo sa signature/managing/translating or anything related, real job po ba ito or hindi?
full member
Activity: 1624
Merit: 163
-snip

-snip

Hindi ko po intention na mag out of context. Kitang-kita naman po sa post niya ang sinasabi niyang "Real Job". Siya na din nag-sabi na hindi real job ang pagsali sa Bitcointalk kaya na curious lang ako sa opinion ng iba kung ano ang opinion nila kung ano ba ang "Real Job" sa kanila, kung ang pag-sali/manage/translate ba ay masasabi mong "Real Job" or hindi dito sa Forum.

Masyado naman tayong hypocrite kung sasabihin nating ayaw nating kumita ng pera kahit na sa forum lang, kita naman sa signature ng karamihan ng mga pinoy dito.
Sure, whoever said that is a hypocrite, pero ang tanong meron ba nagsabi nyan? O nasa isip mo 'lang din?

Nasa Isip ko lang po ito at walang nag-sabi. Hindi ko din sinasabi na Hypocrite si Tagamungkahi.
Tapos ko na ding basahin ang thread na iyon at nag-comment din ako dahil sa ginawa ni Polar.

Basically po, ang point ng Thread na ito ay para malaman kung ano ang opinion nila kung real job ba talaga ang signature/managing/translating or anything related sa forum.

Wala naman akong sinasabi patungkol sa point ng sinabi niya, ang point ko is ano ang opinion nila sa signature/managing/translating. Kitang-kita naman po sa post ko kung ano ba talaga ang tanong ko.

Kung ano ang opinion mo, wala ako masasabi doon kasi opinion mo iyon. Kung gusto nila ng context about the post, maaari naman nilang tignan ang post. Actually. Ilalagay ko na ang Buong post niya para hindi na out of context kahit na wala naman talagang kinalaman ito tungkol kay Polar at ito lamang ay onting discussion tungkol sa opinion ng iba kung ano nga ba ang real job sa kanila, kung ang signature/managing/translating or anything related sa forum nga ba ay real job.

Sorry for the out of context. I-lilink ko na din ang Post mo @julerz12 para sa mga taong gusto ng context at nakulangan sa post ko. Pasensya ulit. https://bitcointalksearch.org/topic/the-elephant-in-the-room-5240442
legendary
Activity: 2576
Merit: 1183
Telegram: @julerz12
Tanong ko lang sa mga kabayan kong Pinoy dito. Ano ang opinion ninyo sa sinabi ng isang member natin dito sa forum? Kasi napa-isip lang ako.
Out of context 'tong post mo. Nabasa mo ba ng buo yung thread wherein he made such post?
Pino-point out lang naman ni TagaMungkahi (in that thread) na hindi permanent ang Bitcointalk; and anytime, pupwede ito magsara, mawala; which would mean na yung mga 100% dependent sa forum na ito like BM's, Translators, Bounty Hunters, Designers, and even Alt-account farmers ay mawawalan ng source of income if ever that happens .
He's only suggesting na maghanap ng "permanent" job in "real" life at hindi lamang maging dependent dito sa forum for a means of financial security.
Wala na dapat kung anu-ano pang opinyon ang ibigay about his post. It's just a simple suggestion.  Roll Eyes

Masyado naman tayong hypocrite kung sasabihin nating ayaw nating kumita ng pera kahit na sa forum lang, kita naman sa signature ng karamihan ng mga pinoy dito.
Sure, whoever said that is a hypocrite, pero ang tanong meron ba nagsabi nyan? O nasa isip mo 'lang din?
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
As far as I know, maraming forums sa internet, hindi lang about cryptocurrency, at maraming tao ang nag-hahanap ng iba't-ibang helpers sa mga iba't-ibang forums. I've been part of a small project na nanggaling sa computer language forum. Hindi ko paba ito masasabing trabaho/job/part-time job?

Masyado naman tayong hypocrite kung sasabihin nating ayaw nating kumita ng pera kahit na sa forum lang, kita naman sa signature ng karamihan ng mga pinoy dito.

Ano ang opinion ninyo dito?

@meanwords hindi ito patas na paraan ng pagbibigay opinyon sa qinuote mo na message ni TagaMungkahi, simply what you are doing right now is taking his statement out of context dahil yung post na yan galing sa thread na ito tungkol sa recently na nahuli na alt accounts ng mga pinoy. If gagamitin lang basehan yung statement na yan purely masasabi kong mali sya at hypokrito dahil kahit sya nag-susuot ng signature para sa kanyang campaign management service. Pero if gagamitin mong basehan yung buong thread and kung paano niya ini-reply ito alam mo naman kung anong ibig sabihin nya na wag tratuhin na parang job/income source itong forum na ito, and isa na din ako sa nagbigay ng similar na opinyon tungkol dito. Nais lang nya (baka) and ako na sabihin na dapat ibahin natin yung pag-tingin sa forum kasi pag inin-troduce mo ito sa kaibigan mo na income source lang ang Bitcointalk diba sa unang impresyon palang nila ang forum na ito para lang kumita yung tao? Yung forum na ito tinatawag na Bitcointalk at hindi Signaturetalk, kaya dapat mas focus tayo sa topics about Bitcoin at sa mga related dito. Di naman hyprokito si Tagamungkahi dito sinasabi lang nya na baguhin yung pananaw niyo sa Bitcointalk para di din ma-abuso ang forum na ito.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Sir Okay lang po marami kang source of income.Tama po yun , pero mali po na ang primary source of income mo is pagsali sa campaigns kasi maabuso mo talaga yun. The fact hindi naman palagi ma aaccept sa campaigns means hindi po ito stable na trabaho. Joining Campaigns is not a real job.
napapansin ko naman sa lokal eh either mga merong sariling real life jobs at meron ding mga studyante in which reasonable na ginagamit nila ang forum para kumita ng kahit paano but not in the sense na dito mona i aasa lahat ng pangangailangan mo dahil tama ang sinabi mo kabayan na Hindi ito permanente at maaring mawala sa mga susunod na araw.

kaya hanggat maari magpundar ng pwede ipampuhunan sa tunay na negosyo at paghahanda sa kinabukasan.

i make sure na sa bawat kinikita ko dito sa forum ay nailalaan ko sa adoption kaya halos di ko nababawasan ang mga kinita ko dito sa forum maniban na lang dun sa mga nagamit ko ipangsugal noon pero di na ngayon.
full member
Activity: 2128
Merit: 180
This forum is here to create awareness, to create opportunities and job to those who want it, so for me macoconsider na job ang signature campaign because you'll getting paid for that just follow the rules. Kung nakadipende kana sa cryptoworld make sure lang na kaya talaga nitong supportahan ang mga pangangailangan mo, pero kung hinde naman then mag part time ka nalang muna hanggang sa makaipon ka ng pera para sa iba mo pang goal, like having your own business.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Para sakin ang main purpose ng forum ay para magkaroon ng malawak na kaalaman kung ikaw ay isang crypto enthusiast. Halos lahat ng dapat malaman ay nandito na pero ibang usapan naman ang tungkol sa opportunity na pwede maging dahilan para kumita dito.

IMO, ang real job yun yung trabaho natin outside crypto at kumikita tayo ng stable. Pero ang mga task na ino offer dito sa forum gaya ng signature campaign extra income lang, trabaho pa rin pero hindi sya reliable way para dun iasa yung pangangailangan natin sa araw-araw kasi nga hindi permanente.

Ang point lang wag gawing kumikitang kabuhayan yung mga opportunity dito sa forum kasi nga yung iba umaabuso. Maghanap din tayo ng stable na trabaho para incase may mangyari man na hindi inaasahan eh ayos lang kasi sideline lang natin ito.
member
Activity: 378
Merit: 11
I will share my opinion on both side. Kung ang mga ginagawa natin rito sa forum ay considered na nga na "JOB" or hindi.

Forum as a job - maging makatotohanan tayo. Maraming high ranked members dito na may stable na income from signature campaign lalo na ang mga bitcoin based ay posibleng hindi na pumapasok sa kanilang mga trabaho at nakafocus na lang dito sa forum. Yung mga legendary members, hero members or even Sr. Member na may stable income galing sa forum (Bitcoin based since un ang stable at sure na may bayad), mag share kayo rito if pumapasok pa rin kayo sa work or hindi Smiley. Maybe you see forum as a way to earn money and you considered the campaigns as your "JOB" already. Hindi ko kayo sisisihin kung yan ang tingin nyo dito since marami namang ganun din ang tingin.

Forum is not a job - at first place, ano ba ang main purpose ng forum na ito?? Di ba para magshare ng mga important information para sa atin? Ang mga campaigns ay isang feature lang ng forum na kung saan pwede taung kumita sa pamamagitan ng pag advertise sa kanilang mga project sa ibat ibang paraan. Wag nyo gawing "UPWORK" tong forum na parang isang freelancing site na kung saan pwede kang makakita ng mga projects at pwede kang kumita.

Saan ako papanig??
Hmmm I can say that I'm at somewhere between the two. I will share a bit of my story and I have posted it here too but deleted unfortunately.

Nung nakasali ako sa yolodice sobrang saya ko noon as a full member pero that was 2018 and alam naman natin ang price ng BTC at that time (sobrang baba). Habang nagwowork ako as a government employee, nakakaipon ako paunti unti galing sa yolodice and at the same time sa real time job ko pero TBH di ako masaya sa work ko noon sa government. Why? Di ko nakikita ang sarili ko na magtatagal dun at kahit Civil Service passer ako, di ok nakikita ang sarili ko na maging utusan ng mga boss jan.

Cut the story short, nasa bahay na lang ako ngayon kahit nung hindi pa naka lockdown ang buong Luzon taong bahay na ako. Anong ginagawa ko?? Naglalaro ng online games, nasa forum at may freelance jobs ako sa kasalukuyan. Pinakamalaking kita ko monthly ay galing dito sa forum at nagpapasalamat ako sa Yolodice para sa opportunity na binigay sa akin gayunpaman, kahit napakatagal na ng campaign nila ay nakahanda ako sa anumang mangyari if dumating ang worst case scenario na bigla silang mag end dahil ganun naman kadalasan ang mga campaigns.

Anong ginagawa ko ngayon sa mga kita ko?? Nakainvest lahat sa stock market, emergency Funds, crypto MP2 at nagsasave ako ng para sa business.

Sir Okay lang po marami kang source of income.Tama po yun , pero mali po na ang primary source of income mo is pagsali sa campaigns kasi maabuso mo talaga yun. The fact hindi naman palagi ma aaccept sa campaigns means hindi po ito stable na trabaho. Joining Campaigns is not a real job.
Pwede ko bang sabihin na ito ang pagsali ko sa campaign ang primary source of income ko kasi dun ko nakukuha ang malaking portion ng monthly income ko? Sabihin na lang natin na maswerte ako dahil nasali ako sa isang long term campaigns kagaya ng yolodice. Si mk4 kasali sa Chipmixer which is nagbabayad ng pinakamalaki sa mga participants (75k sats), si dothebeats kasali sa crypto-games at ako sa yolodice. Pwede ko bang iconsider na primary source of income ko ang campaigns?

Ano ba ang ibig sabihin ng "primary source of income" para sayo??

But i will not change my statement. Joining Campaigns = Not a Real Job.
No need to change your statement and just stand with it Smiley. I also agree with what you said anyway. Or nasa gitna ako pero suportado pa rin kita Cheesy.

Overall, nasa gitna lang ako. I see forum as a way to earn some bucks (sideline) and at the same time I see forum as a way to earn some information (knowledge). Either way, very thankful ako na nabigyan tau ng chance na kumita at the same time matuto. Wag na lang nating abusuhin gaya nang ginawa ng isa nating kasama na si..... My Heart went OOOPS.. Dumulas ung kamay ko  Grin Grin

Sana all katulad mo sir!
Kaya nahahati sa dalawang option ang forum na ito kasi may iba-ibang pakay ang mga tao kung bakit andito. Yung iba dati para tumingin ng legit ICO at scam, yung iba tips sa pagtetrading, gambling and mining.

Pero madalas, trabaho or sideline. Kaso nga lang, dahil sa pinahigpit na ang ranking system kaya medyo mahirap na din makasali sa mga weekly paying campaigns. Maswerte yung mga katulad nila polar, arwin at ikaw sir na nagtranslate at kumita na ng malaki sa forum. Kumbaga, hindi nyo na kailangan talaga magtrabaho at paeasy easy na lang kayo sa bahay. Lalo na at kasali pa kayo sa weekly campaign.

Kumbaga ang forum na ito ay para sa lahat, nakadepende na lang sa purpose mo at kung paano ka natutulungan ng forum na ito.
full member
Activity: 821
Merit: 101
ang pagsali sa mga campaign dito ay maituturing din na trabaho sense na sumasahod ka at kumikita ka ay maituturing yun na trabaho lalo pat pinaghihirapan mo din. ang kay polar91 lang ay inaabuso niya yung furom para sa sarili lang nya na kapakanan. lumalabas na wala syang paki sa mga kasama dito hindi naman natin masisisi kasi nga yun yung trabaho nya at dito sya naka fucos..
para sa akin parang pampalipas oras lng ang pagsali sa sig bounty , kasi may trabaho nman sa umaga, at dagdag income n din at pagdating nman kay polar19 ang masasabi ko lng sa kanya ay masyado syang nasilaw sa laki ng kitaan dito sa forum kaya siguro ginawa niya un.
sr. member
Activity: 658
Merit: 274
Wish for the rain? Then deal with the mud too.
Much has been said by sir @Bttzed03 and sir @LogitechMouse. Forum is more like a place wherein several companies are going in para makahanap ng space to endorse their product. So it is more like a job na rin to join a signature campaign, and beside IRL, particular jobs doesn't give you a decent salary lalo na pag-common ka. So may mangilan-ngilan na nag-eend up mag-full time na rito like sir @LogitechMouse though unstable pero it could save you more than your salary IRL job, it is just you have to be wise on saving money lang to secure your future stuff. Lucky enough ka na if you've been able to get in sa mga may high payrates na signature campaign here like Chipmixer, and FJ. So, I think the problem here is, the more the chances na mag open up may magpa-pop up talaga na lawbreaker and since anonymity promotes here some others think what is there to lose?

Anyway, if you'll enjoy your stay here thinking aside 'yong signature campaign everything would be wonderful kahit wala ka campaign siyempre 'yong learnings, discussions and such. Mas enjoy lang siguro if may campaign since you're doing your normal routine here while being paid, o diba? Who would've deny such opportunity rin naman.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
Tama naman sya sa sinabi nya. Siguro ang tinutukoy nya na din sa ibig sabihin ng real job, ito yung stable na trabaho. Unlike dito sa forum, part time and extra lang ito kasi kung eto lang ang magiging sources of income mo, hindi ka magiging stable pati ang future mo. Para sakin, ang real job ay yung trabahong pwede mong gawin nang pangmatagalan. Yung bubuhay sayo. Mostly like ngayon, eto yung profession or future profession natin.

Etong forum, malaki ang naitutulong nito satin, pero when saying real job, hindi naman pwedeng dito nalang tayo dumepende kasi hindi masesecure ng pagsali sa mga campaigns ang future natin. Let's be real, hindi naman enough ang kinikita natin sa campaign kung pag-uusapan ang living expenses. Pero habang nakikinabang tayo dito sa forum, dapat ay sumunod tayo sa rules at wag abusuhin ito.

Sa mga Pinoy users dito, it's either estudyante sila tulad ko na naghahanap ng sources ng income pang support sa pag aaral, or doon sa may iba talagang profession, it doesn't mean na hindi na nila pwedeng dagdagan ang sources of income nila. Kaya sa mga users dito na may trabaho na, itong mga campaign ay parang extra job nalang nila. Kahit naman kasi kumikita tayo dito sa forum, iba pa rin talaga ang real job sa outside world.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
Balik po tayo sa konteksto ng post ko sa OP.  If ang tingin ninyo business platform ang bitcointalk para abusuhin mali po yun. Joining Campaigns is not a real Job because it is not stable. If we maintain the idea of Joining Campaigns as Job, we are enabling the abusers.

I support joining campaigns if hindi ito yung primary job mo. Hindi po kasi pwede na ang tingin natin sa forum is lugar kung saan ka pwede makahanap ng trabaho dahil hindi lang po yun yung purpose ng forum. It is not a real job because it is not stable. Find a real job that matches your skills. Ang isa pa na sinasabi ko is yung mga nagjojoin ng campaigns para kumita eh mga clutter posts lang at mga walang sense na post lang sa forum ang ginagawa which is not a good.

I said to look for a real job para maiwasan ang clutter posts at ang abuse specially pinagiisipan ng ibang campaign manager na iban ang filipino users sa pagsali ng campaign dahil sa ginawa ni Polar91. Hindi ko po dinedemonize yung pagsali niyo ng campaign. Ang sinasabi ko is yung mga taong nagjoin lang sa bitcointalk para makahanap ng trabaho ay maghanap ng totoong trabaho dahil hindi naman trabaho ang magpost ng walang sense dito sa forum. at tsaka sana suportahan natin yung pagpapaganda ng reputation natin dito sa forum.

Yeah, ang signature campaign para saken ay isang job or isang part time job. Pero hindi ito like real job talaga dahil hindi nga ito stable parang part time lang dahil mostly ng mga campaign dito sa forum ay 1-2months siguro ang average na tagal ng campaign pero mayroong din namang  mga long term na campaigns. Ang pinakapurpose lang naman talaga ng isang forum ay for discussion kung saan makakapagpalitan ang mga users ng information sa isat isa  para matuto. Swerte nalang tayo dito sa forum natin dahil mayroon tayong previllage na kumita kasabay ng posting sa forum, ang mali lamang ng iba ay nagiging motivation na lamang ang kita sa forum which is hindi naman talaga ang pinaka goal ng forum. Sa nakaraang issue dito sa forum ni Polar91 which is sobrang daming alts account wala naman tayong problema dun pero maraming besis  na siya lumabag sa rules. Morelikely parang ginagawa niya nang business ang forum dahil lumalabag siya sa rules para sa pera.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
I will share my opinion on both side. Kung ang mga ginagawa natin rito sa forum ay considered na nga na "JOB" or hindi.

Forum as a job - maging makatotohanan tayo. Maraming high ranked members dito na may stable na income from signature campaign lalo na ang mga bitcoin based ay posibleng hindi na pumapasok sa kanilang mga trabaho at nakafocus na lang dito sa forum. Yung mga legendary members, hero members or even Sr. Member na may stable income galing sa forum (Bitcoin based since un ang stable at sure na may bayad), mag share kayo rito if pumapasok pa rin kayo sa work or hindi Smiley. Maybe you see forum as a way to earn money and you considered the campaigns as your "JOB" already. Hindi ko kayo sisisihin kung yan ang tingin nyo dito since marami namang ganun din ang tingin.

Forum is not a job - at first place, ano ba ang main purpose ng forum na ito?? Di ba para magshare ng mga important information para sa atin? Ang mga campaigns ay isang feature lang ng forum na kung saan pwede taung kumita sa pamamagitan ng pag advertise sa kanilang mga project sa ibat ibang paraan. Wag nyo gawing "UPWORK" tong forum na parang isang freelancing site na kung saan pwede kang makakita ng mga projects at pwede kang kumita.

Saan ako papanig??
Hmmm I can say that I'm at somewhere between the two. I will share a bit of my story and I have posted it here too but deleted unfortunately.

Nung nakasali ako sa yolodice sobrang saya ko noon as a full member pero that was 2018 and alam naman natin ang price ng BTC at that time (sobrang baba). Habang nagwowork ako as a government employee, nakakaipon ako paunti unti galing sa yolodice and at the same time sa real time job ko pero TBH di ako masaya sa work ko noon sa government. Why? Di ko nakikita ang sarili ko na magtatagal dun at kahit Civil Service passer ako, di ok nakikita ang sarili ko na maging utusan ng mga boss jan.

Cut the story short, nasa bahay na lang ako ngayon kahit nung hindi pa naka lockdown ang buong Luzon taong bahay na ako. Anong ginagawa ko?? Naglalaro ng online games, nasa forum at may freelance jobs ako sa kasalukuyan. Pinakamalaking kita ko monthly ay galing dito sa forum at nagpapasalamat ako sa Yolodice para sa opportunity na binigay sa akin gayunpaman, kahit napakatagal na ng campaign nila ay nakahanda ako sa anumang mangyari if dumating ang worst case scenario na bigla silang mag end dahil ganun naman kadalasan ang mga campaigns.

Anong ginagawa ko ngayon sa mga kita ko?? Nakainvest lahat sa stock market, emergency Funds, crypto MP2 at nagsasave ako ng para sa business.

Sir Okay lang po marami kang source of income.Tama po yun , pero mali po na ang primary source of income mo is pagsali sa campaigns kasi maabuso mo talaga yun. The fact hindi naman palagi ma aaccept sa campaigns means hindi po ito stable na trabaho. Joining Campaigns is not a real job.
Pwede ko bang sabihin na ito ang pagsali ko sa campaign ang primary source of income ko kasi dun ko nakukuha ang malaking portion ng monthly income ko? Sabihin na lang natin na maswerte ako dahil nasali ako sa isang long term campaigns kagaya ng yolodice. Si mk4 kasali sa Chipmixer which is nagbabayad ng pinakamalaki sa mga participants (75k sats), si dothebeats kasali sa crypto-games at ako sa yolodice. Pwede ko bang iconsider na primary source of income ko ang campaigns?

Ano ba ang ibig sabihin ng "primary source of income" para sayo??

But i will not change my statement. Joining Campaigns = Not a Real Job.
No need to change your statement and just stand with it Smiley. I also agree with what you said anyway. Or nasa gitna ako pero suportado pa rin kita Cheesy.

Overall, nasa gitna lang ako. I see forum as a way to earn some bucks (sideline) and at the same time I see forum as a way to earn some information (knowledge). Either way, very thankful ako na nabigyan tau ng chance na kumita at the same time matuto. Wag na lang nating abusuhin gaya nang ginawa ng isa nating kasama na si..... My Heart went OOOPS.. Dumulas ung kamay ko  Grin Grin
full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
Balik po tayo sa konteksto ng post ko sa OP.  If ang tingin ninyo business platform ang bitcointalk para abusuhin mali po yun. Joining Campaigns is not a real Job because it is not stable. If we maintain the idea of Joining Campaigns as Job, we are enabling the abusers.

I support joining campaigns if hindi ito yung primary job mo. Hindi po kasi pwede na ang tingin natin sa forum is lugar kung saan ka pwede makahanap ng trabaho dahil hindi lang po yun yung purpose ng forum. It is not a real job because it is not stable. Find a real job that matches your skills. Ang isa pa na sinasabi ko is yung mga nagjojoin ng campaigns para kumita eh mga clutter posts lang at mga walang sense na post lang sa forum ang ginagawa which is not a good.

I said to look for a real job para maiwasan ang clutter posts at ang abuse specially pinagiisipan ng ibang campaign manager na iban ang filipino users sa pagsali ng campaign dahil sa ginawa ni Polar91. Hindi ko po dinedemonize yung pagsali niyo ng campaign. Ang sinasabi ko is yung mga taong nagjoin lang sa bitcointalk para makahanap ng trabaho ay maghanap ng totoong trabaho dahil hindi naman trabaho ang magpost ng walang sense dito sa forum. at tsaka sana suportahan natin yung pagpapaganda ng reputation natin dito sa forum.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Sir Okay lang po marami kang source of income.Tama po yun , pero mali po na ang primary source of income mo is pagsali sa campaigns kasi maabuso mo talaga yun. The fact hindi naman palagi ma aaccept sa campaigns means hindi po ito stable na trabaho. Joining Campaigns is not a real job.

Primary is the word. We can say naman na bounty hunting could be a job pero maaari ring hindi pwede ito yung "Primary job" mo which you'd use to feed yourself and your family, "Primarily".

Bounty hunting is a part time job for me so it is a job according to my own description of it. Anyways, the forum itself is used by many bounty managers to earn money consistently so it's two different things, siguro mag base ka nalang sa skills mo to consider if it's a job or not. If magaling talaga ang isang member, he'd get paid consistently whatever the weather and it's a job for him.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
ang pagsali sa mga campaign dito ay maituturing din na trabaho sense na sumasahod ka at kumikita ka ay maituturing yun na trabaho lalo pat pinaghihirapan mo din. ang kay polar91 lang ay inaabuso niya yung furom para sa sarili lang nya na kapakanan. lumalabas na wala syang paki sa mga kasama dito hindi naman natin masisisi kasi nga yun yung trabaho nya at dito sya naka fucos..
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Define "Job" muna tayo para hindi tayo magkaroon ng sari-sariling interpretasyon.

1. a piece of work, especially a specific task done as part of the routine of one's occupation or for an agreed price:
2. a post of employment; full-time or part-time position:

Kung pagbabasehan natin ang first definition, pasok dyan ang mga bounty at signature campaigns. It's a job kung saan pwede mo din magamit ang mga skills na natutunan mo (i.e. language skills para sa translations at blogging; technical skills para sa mga meaningful posts sa signature campaigns). Pero itama lang natin yung maling notion dito, it's not the forum that is giving you the job kundi yung mga companies na ginagamit din ang forum na ito to market their products.

I see bounty/signature campaigns as similar to other jobs offered in the gig economy.

full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
For Healthy Discussion naman ito. Ang lagi ko lang naaalala kapag ka may sumasali kasi ng campaigns parang nagmamakaawa sila na wala silang source ng income pati yung mga nahuhuli na may alts, para matanggal yung ban, Ang palaging sinasabi ng mga Campaign Managers, Find a Real Job. Tingin ko rin dati sa bitcointalk is trabaho, but i am wrong. Mas okay na may day time job muna bago mag engage sa activities dito depende talaga kung may stable source of income ka. Ang akin lang let's be proactive para gumanda reputation ng Filipino Users sa Bitcointalk Forum.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
-snip

Nice points kabayan. Hindi ako nang-aatake or anything ha. Napa-isip lang talaga ako nung nakita ko yang post mo tungkol kay Polar91.

Lalo tuloy akong na curious kung ano ang opinion ng mga campaign managers, translators at mga traders dito sa forums since alam naman natin na managing is one of the hardest thing na gawin lalo't hundred users ang minamanage ng campaign managers. At ang mga bounty hunters.
full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
Sir Okay lang po marami kang source of income.Tama po yun , pero mali po na ang primary source of income mo is pagsali sa campaigns kasi maabuso mo talaga yun. The fact hindi naman palagi ma aaccept sa campaigns means hindi po ito stable na trabaho. Joining Campaigns is not a real job.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Marami kase ang abusado dito at alam naman naten yung recent issues sa isa nating kababayan na maraming account and tama naman na maaari tayo maapektuhan dito.

Para sa akin ang real job is having a stable income, yung tipong kahit natutulog ka ay kumikita ka at syempre macoconsider naman naten na real job ang cryptomarket at ang forum na ito lalo na kung naka focus ka dito.

But i will not change my statement. Joining Campaigns = Not a Real Job.
It depends on how you see the situation and we all know na maraming student ang kumikita sa trading at forum, then that can be consider as a real job for the mean time. Pero mas ok paren talaga kapag marami tayong source of income.
full member
Activity: 364
Merit: 118
Bounty Campaign Manager? --> https://goo.gl/YRVVt3
Real Job means Job in Real World. Using your real identity and Real Skills. Ang sinasabi ko po, Pinoy na tingin sa Bitcointalk ay Business. example nung kay Polar91 na merong sandamakmak na Alt Accounts dahil nakakakita ng opportunity because of greediness nag abuse ng signature campaigns.

Let's get into the context of Bitcointalk as a forum, Ano po ba yung Purpose ng Forum? Para magbigay ng trabaho? NOPE.
Part lang siya nun, May opportunity pero sana hindi ito dapat tignan na totoong trabaho dahil hindi habang buhay merong bitcointalk at Signature Campaigns, Kaya nga sinasabi palagi ng mga Legendary , Mga Campaign Managers at mga against sa Signature Campaign. Look for a real job, the purpose of bitcointalk is to discuss bitcoin, cryptocurrency and other things that revolves within the Cryptoworld.

The Community may gain $ for their services but that is not the purpose of bitcointalk. Sinasabi ko po ito dahil tingin ng ibang tao sa Filipino Users ay nag join lang sa bitcointalk para sumali sa campaigns para kumita para magpost ng clutter at non constructive posts para lang makapasa sa quota.

Wala po sa statement ko nag dedenounce na hindi extra job kung hobby mo sumali ng campaigns. It's about your purpose of joining Bitcointalk, How you see Bitcointalk as an effective Forum and most importantly, Let's be proactive to change the reputation of Filipinos here on bitcointalk, Let's change our mindset. Sana lahat ng Filipino users may ambag sa community at sa forum, hindi lang po sa pagsali ng campaigns.

But i will not change my statement. Joining Campaigns = Not a Real Job.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Tanong ko lang sa mga kabayan kong Pinoy dito. Ano ang opinion ninyo sa sinabi ng isang member natin dito sa forum? Kasi napa-isip lang ako.

I remember Polar91 as a participant , as a  Filipino Translator, on one of the campaigns that i managed. This is so sad. I also remember there is a thread na pinipaint na shitposter ang mga Filipino and they are not well versed in English language to communicate and post constructively, hindi ako nag react doon kasi karamihan talaga is ganun, The hate is understandable because some campaigns were abused by mostly alt accounts by Filipino users, Whatever Reasons ang mayroon si Polar91, he can't use that as a license to abuse campaigns. Imagine, may tao na pwede kumita ng extra sa campaigns sana pero yung slot nakuha ng isang alt ni Polar91. Taking opportunities from other people because of greed is an evil thing to do.

Sa Mga pinoy na ang tingin sa bitcointalk ay isang business platform para abusuhin para kumita, Please Stop. Look for a Real Job. Bitcointalk will not always be here for the purpose of bringing money to your own pockets, Sana maintindihan ng kapwa Pinoy natin na there is a possibility that the possible Banning of Philippine Users is in sight. Please reflect and Look for a real Job. Bitcointalk is not a Job. Campaigns are not a job. It is not a JOB. Look for a REAL JOB.

Lahat naman ng bagay ay nawawala. Pero may tanong ako, ano nga ba ang real job?

Ang pag-sali natin sa signature campaigns, hindi paba ito job/part-time job?

Ang translation na ginagawa ng ibang mga pinoy dito, hindi paba ito job/part-time job?
 
Ang mga managers na nag-mamanage ng campaigns nila, hindi paba ito job/part-time job?

Porket kumikita tayo sa "forum", hindi paba ito job/part-time job?

Porket most of the time hobby lang natin ito na ginagawa kung kailan natin gusto or aka part-time job, hindi paba ito job?

Mayroon tayong pang gastos sa mga gusto natin, may pang extra tayong kinikita for emergency or for anything, hindi paba ito job/part-time job?

Porket may opportunity sa harap natin at dahil dito kumikita tayo ng malinis na pera, hindi pa ba ito job?

Porket ba forum ito, hindi na ito job/part-time job kung kumikita naman tayo dito ng malaki and at the same time nagkakaroon tayo ng mga valuable knowledge sa ibang bagay?

Ang part-time job, hindi paba ito real job?

Ano ba talaga ang meaning ng real job?

As far as I know, maraming forums sa internet, hindi lang about cryptocurrency, at maraming tao ang nag-hahanap ng iba't-ibang helpers sa mga iba't-ibang forums. I've been part of a small project na nanggaling sa computer language forum. Hindi ko paba ito masasabing trabaho/job/part-time job?

Masyado naman tayong hypocrite kung sasabihin nating ayaw nating kumita ng pera kahit na sa forum lang, kita naman sa signature ng karamihan ng mga pinoy dito (Not saying si TagaMungkahi to para malinawan ang iba).

Ano ang opinion ninyo dito?
Jump to: