pahingi po ng advice mga boss. anu maganda if iphone ba o android?
pwede po ba humingi ng advantages at disadvantages ng dalawa?
need ko lang ng kumparison sa dalawa eh, gusto ko sana bumili ng phone.
plan ko android pero sabi ng pinsan ko iphone daw para maiba.
kaya gusto ko malaman anu pinagkaiba ata anu mas maganda.
thank you in advance sa mga insights nyo.
Paano mo ba gagamitin ang phone? For gaming? For porma? For customization? For angas na masabi lang na ganito phone ko? Depende kasi sa taste mo yan.
Specifications ang tingnan mo. Biased naman kasi kung sabihin na ito or iyan ang piliin mo. Ako kasi more on kalikot ako e which is possible sa Android after getting root access. Mahilig akong mangalikot ng SystemUI, Framework, Tweaks at kahit ano pa na di possible sa Iphone. Marami ring free net tricks na possible lang sa Android. Ayoko ng close source system ng Apple. In terms of security sinasabi ng karamihan na lamang ang IoS
pero nasa tao naman kung paano nila iingatan mga gadget nila. Kahit anong security pa yan kung manakaw IoS device mo wala rin. Oo di na magagamit nung nagnakaw pero ang bottom line dito, nawalan ka pa rin. Marami ring useful application ang Android compare sa Iphone. In terms of camera, may mga High End Android Device naman na kaya tapatan ang camera enhancement ng Iphone.
Nasa sa iyo yan. Sana tinanong mo friend mo kung bakit niya na para maiba naman pag Iphone ang bilhin mo.