Ang SOFT CAP naman ay ang pinakamababang goal ng ICO, at masasabi na nilang successful ito kapag naabot na nila ang kanilang SOFT CAP, may mga ICO na ang HARD CAP nila ay imposibleng maabot, kaya kung makaabot na sila sa kanilang SOFT CAP ay masasabing nagsuccess ang kanila ICO.
Ang ICO mga kabayan ay INITIAL COIN OFFERING.
Ating palawigin pa ang ating mga kaalaman sa crypto world gamit ang pagshare ng ating nalalaman, Malugod kong hinihintay ang inyong maidagdag upang lumawak ang ating kaalaman.
Ito pala ang ibig sabihin , salamat sa pag share ng kaalaman mo kabayan at kahit papano naliwanagan ako kung ano ang hardcap at softcap ng isang ico na sinasalihan ko . Isa kasi ako sa mga bounty hunters na mahina pa ang kaalaman tungkol sa mga gantong bagay. Alam kung marami pang may mas alam dito sa ating komunidad , kaya sana share lang kayo para naman mas madagdagan yung mga kaalaman namin mga mahina pa sa crypto world.