Author

Topic: Ano nga ba ang Rodarmor Rarity Index sa Bitcoin? (Read 114 times)

hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ngayon ko lang ata narinig ito pero parang wala namang pagkakaiba. Parang yung context ng NFT at rarity inaapply lang sa satoshis.

Wala naman ito dati pero ng nagkaroon ng minting ng satoshi ay lumabas itong rarity index.  More or less ginawa ito to justify iyong value ng satoshi na ginamit for minting.  Parang propaganda para paniwalain ang mga tao na ang rarity value ng satoshi ay dependent dun sa mga sinasabi nila and at the same time ay magbigay hype sa mga ordinals.
Tama ka, parang hype nga lang din yan pero kung may mga kababayan tayong kikita diyan dahil maaga aga, mas maganda. Pero ako, wala akong interes para sa mga ganyang bagay. Nadala na ako sa hype ng NFT kaya sa mga ganitong panibagong trend na ginagawa nila, kung kikita sila, mas maganda. Ang kalaban lang diyan ay kapag tumagal na at nawala na ang hype, parang magiging sayang lang yung pinanggastos diyan at baka ito pa maging dahilan ng panibagong network spam.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Ngayon ko lang ata narinig ito pero parang wala namang pagkakaiba. Parang yung context ng NFT at rarity inaapply lang sa satoshis.

Wala naman ito dati pero ng nagkaroon ng minting ng satoshi ay lumabas itong rarity index.  More or less ginawa ito to justify iyong value ng satoshi na ginamit for minting.  Parang propaganda para paniwalain ang mga tao na ang rarity value ng satoshi ay dependent dun sa mga sinasabi nila and at the same time ay magbigay hype sa mga ordinals.


Ano sa tingin niyo ito? Tingin niyo mananatili ito at may future dahil ito ay under sa Bitcoin or wala lang?

Hindi natin marerepute iyong mga sinabi nilang katangian ng satoshi since factual naman ang sinasabi nila, pero when it comes dun sa rarity concern, wala naman iyan ng hindi pa nagkakaroon ng ordinals, kaya para sa akin pare-pareho lang ang rarity at value ng satoshi.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
Matagal ko na itong alam pero ang hirap kasi mahanap ng satoshi classification since hindi ito available sa mga wallet kagaya ng Electrum. Magiging game changer siguro ito kung makaka develop ang mga Bitcoin devs ng way para maclassify sa Bitcoin wallet ang rarity ng bawat sa Satoshi at magkaroon ng way para makapili ng Satoshi na maisesend.

Dito siguro papasok yung useful ng Ordinals since binibigyan ng ordinals ng identity ang bawat Satoshi natin.

Nice thread kabayan!

      -      Matagal na pala ito, ngayon ko nga lang ito nalaman  honestly speaking. Hindi ko pa siya naintindihan ng malinaw pero mukhang okay naman siya, tignan ko nga at aralin.

Kung makakatulong naman bakit hindi natin subukan, pero gaya nga ng sinabi mo kung maiimprove pa nila ng mas maayos at okay ay mas lalong maganda.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ngayon ko lang ata narinig ito pero parang wala namang pagkakaiba. Parang yung context ng NFT at rarity inaapply lang sa satoshis.

Ano sa tingin niyo ito? Tingin niyo mananatili ito at may future dahil ito ay under sa Bitcoin or wala lang?
Para sa akin, ang isang satoshi ay palaging katumbas ng isang satoshi pero unfortunately, may small group of collectors na willing sila magbayad ng malaki for these so-called rare satoshis [SMH].
Parehas tayo kabayan. Ganyan lang din ang tingin ko at parang walang pinagkaiba pero interesting na i-check kung may rare ba sa mga sats ko.  Tongue
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Ano sa tingin niyo ito? Tingin niyo mananatili ito at may future dahil ito ay under sa Bitcoin or wala lang?
Para sa akin, ang isang satoshi ay palaging katumbas ng isang satoshi pero unfortunately, may small group of collectors na willing sila magbayad ng malaki for these so-called rare satoshis [SMH].

Magiging game changer siguro ito kung makaka develop ang mga Bitcoin devs ng way para
...
makapili ng Satoshi na maisesend.
Halos lahat ng mga popular wallets may coin control feature na [e.g. steps sa Electrum: View tab > Check Coins > Go to Coins tab > Choose the UTXO of your choice]!
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Matagal ko na itong alam pero ang hirap kasi mahanap ng satoshi classification since hindi ito available sa mga wallet kagaya ng Electrum. Magiging game changer siguro ito kung makaka develop ang mga Bitcoin devs ng way para maclassify sa Bitcoin wallet ang rarity ng bawat sa Satoshi at magkaroon ng way para makapili ng Satoshi na maisesend.

Dito siguro papasok yung useful ng Ordinals since binibigyan ng ordinals ng identity ang bawat Satoshi natin.

Nice thread kabayan!
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397


Narinig niyo na ba itong Rodarmor Rarity Index sa Bitcoin?

Ang pinakamadaling ekplanasyon dito ay, kada isang Satoshi ay may katangian. Naka depende ito kung kelan na mine ang Satoshi sa loob ng isang block (Block ay naglalaman ng madaming Satoshi). Ibig sabihin, kada Satoshi na namimina ay may katangian - gaano ka RARE (madalang or bihira) ang satoshi na namina.
Ito din ay under sa Bitcoin Ordinal - ibig sabihin ay kada satoshi na meron tayo ay may kanya kanyang naiiba na pagkakilanlan (unique identifier).

Bakit ito sa iba ay mahalaga?
Dahil pwede mong ebenta ang satoshi na hawak mo o pwede ka ring bumili, ang presyo nila ay nakadepende kung gaano ito ka rare.

May mga platform din na pwede mo e check ang Bitcoin wallet mo if meron kang hawak na rare na mga satoshis, isa dito ay itong: sating.io

Ano sa tingin niyo ito? Tingin niyo mananatili ito at may future dahil ito ay under sa Bitcoin or wala lang?
Jump to: