Author

Topic: Ano nga ba ang Vishing? (Read 151 times)

full member
Activity: 2086
Merit: 193
August 12, 2023, 04:36:37 PM
#18
I think na cover ko to vishing sa mga post ko dati, hanapin ko na lang.

At sa tin sa Pinas, ang daming ganito talaga, lalo na banko ang ginagamit nitong mga scammer nato.

Katulad nitong report na to last year: https://www.youtube.com/watch?v=80tOoThymcE
Super dami, lalo na kung exposed na yung personal number mo sa mga ganito panigurado ang daming phone calls ang marereceive mo. Dapat dito ay masigurado ng NTC na safe ang mga numbers especially now na register na dapat ang lahat ng simcard pero I think mahihirapan paren sila patungkol dito, not unless kung talagang responsible yung mga sin owners and hinde ibebenta yung mga information nila just to get paid with sims.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
August 11, 2023, 10:19:31 AM
#17
Totoo ito, sobrang dami ko rin natanggap na text about sa pang sscam. Like nanalo sa raffle, hihingin details mo. Meron din nagpapanggap na taga bank sila. Dami na nabiktama ng ganitong scam lately, lalo na kung related sa crypto wag na lang pansinin at block na lang agad. ingat ingat
Ayun nga alam kasi nila na marami pa rin ang vulnerable sa ganito, lalo na yung mga matatanda. Syempre akala nila totoo na may napanalunan sila o kaya may need i-verify sa bank account nila kaya madaling nakukuha yung mga impormasyon na kailangan ng mga scammer na 'to. Sunod nalang malalaman nila wala na silang pera sa accounts nila o kaya ginagamit na identity nila para mangloko ng ibang tao. Ang hirap ng ganito lalo na sa mga hindi gaanong maalam sa technology.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
August 11, 2023, 07:31:45 AM
#16
I think na cover ko to vishing sa mga post ko dati, hanapin ko na lang.

At sa tin sa Pinas, ang daming ganito talaga, lalo na banko ang ginagamit nitong mga scammer nato.

Katulad nitong report na to last year: https://www.youtube.com/watch?v=80tOoThymcE
member
Activity: 2044
Merit: 16
August 11, 2023, 07:16:33 AM
#15
Sugapa talaga mga scammer na yan sa telegram. Magtatanong ka lang problema sa mga telegram group, tatawagan ka agad nila, kapal talaga ng mga yan. Mostly nasa exchanges telegram sila nakatambay talaga, ewan ko ba daming oras ng mga yan inuubos sa telegram para makapang gago ng tao. Kaya ingat tayo sa mga ganyan, pag may mag chat or tawag block agad para iwas scam.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
August 10, 2023, 11:35:27 PM
#14
Marami talagang paraan ang mga scammer isa na nga itong vishing. Karamihan sa mga ito ay nagoffer kunyari ng promo o kaya naman ay humihingi ng impormasyon gaya ng health card number , atm , at marami pang iba. Meron pa nga na kunyari nanalo ka sa kanilang promo event at kailangan lang daw iverify yung ID card mo kung ito ba iyun. Kaya kung gusto natin makaiwas ay maging mapag-isip at magdalawang isip muna kung safe ba talaga o mas mainam na iverify muna kung totoo nga ba ito.

Yung mga payo ni OP ay napakasimple at madali lang matutunan at intindihin , isa pa ay siguradong magiging ligtas tayo kung sakali man na may Vishing na mangyari.
jr. member
Activity: 73
Merit: 7
July 31, 2023, 11:58:41 AM
#13
Totoo ito, sobrang dami ko rin natanggap na text about sa pang sscam. Like nanalo sa raffle, hihingin details mo. Meron din nagpapanggap na taga bank sila. Dami na nabiktama ng ganitong scam lately, lalo na kung related sa crypto wag na lang pansinin at block na lang agad. ingat ingat
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
July 31, 2023, 09:40:34 AM
#12
Na experience ko na yung ganitong modus. May tumawag sakin na taga bank daw sya at nanghihingi ng detalye ng aking account for confirmation at security lang daw. Magaling sila makipag usap at kung hindi ka pamilyar sa mga ganitong klaseng pang i scam eh mapapaniwala ka talaga. Yung isa naman nagsabi na nanalo daw ako sa raffle at para ma claim ang premyo eh may mga fees akong kailangang bayaran para daw ma process.

Sa ngayon wala ng natawag, kalimitan na lang eh mga text. Akala ko sim registration na ang sagot sa ganitong modus pero mukhang hindi pa rin talaga.

Akala ko rin mababawasan na ang pag receive ko sa mga text na ganito nung na register ko na yung sim ko. Pero ganun pa rin, pati iilang mga tawag nandun pa rin. Para bang wala talagang makakapigil sa mga ganyang klase na scam. Ang kawawa lang talaga sa mga ganito ay yung mga matatanda na walang kaalam alam sa ganitong klase ng scam at madaling napapaniwala.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
July 30, 2023, 09:16:54 PM
#11
Na experience ko na yung ganitong modus. May tumawag sakin na taga bank daw sya at nanghihingi ng detalye ng aking account for confirmation at security lang daw. Magaling sila makipag usap at kung hindi ka pamilyar sa mga ganitong klaseng pang i scam eh mapapaniwala ka talaga. Yung isa naman nagsabi na nanalo daw ako sa raffle at para ma claim ang premyo eh may mga fees akong kailangang bayaran para daw ma process.

Sa ngayon wala ng natawag, kalimitan na lang eh mga text. Akala ko sim registration na ang sagot sa ganitong modus pero mukhang hindi pa rin talaga.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
July 30, 2023, 06:50:47 PM
#10
Marami ring narereceive na txt messages ang mga phone namin na nanalo raw kami ng raffle at pinapakontak ang number,   Noon una medyo naeexcite nanay ko dahil kasi nagsabi pa taga government office daw sila at nagpapakilala pang abogado ang nagtxt.  At since aware naman tayo sa ganyang modus, sinasabi ko sa nanay ko na iignore na lang at wag na wag kokontakin ang number na binigay.  Mabuti na lang din at may napanood ang nanay ko na balita tungkol sa ganoong modus,  na ang biktima ay irerequire na magdeposit ng certain amount para makuha ang premyo.  Kaya ayun natatawa na lang nanay ko kapag nakakreceive ng ganong mga messages.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
Notify wallet transaction @txnNotifierBot
July 30, 2023, 06:49:05 PM
#9
Through phone calls? Just never entertain sa mga random calls or sa mga caller na ang linyahan ay nag offer ng kahit anung financial related offers, lalo na credit card. Ang worst lang sa atin ay ang damidaming phone numbers ang ginagamit ng mga agent kahit na galing sa legit companies, like home credit, internet services, etc. Kaya nag papakamalan mong scammers. Pucha daming tumatawag sakin ninyan lalo na pag singilan ng bill, ibaibang number gamit nila lagi naman akong bumabayad on time. Pero may iba ding tumatawag sakin na totally random, like related sa crypto, binababa ko agad yan tapus sabay block, na experience ako nyan twice.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
July 30, 2023, 05:24:52 PM
#8
Naalala ko tuloy dati noong buhay pa lola ko. May tumatawag lagi sa kanya na mga ganitong scammer tungkol sa nanalo daw lola ko sa raffle ng isang mayaman na tao tapos ng hihingi ng load at nagpapadala ng pera para dw masend yung premyo.

Nagsimula yung consistent attack simula nung sinagot ng lola ko yung isang message nila dahil naexcite sya at hindi nya alam yung mga ganitong scam attempt. Sobrang persistent nila kaya nireport namin sa police at doon sila tumigil kakatawag. Ito siguro yung old school na vishing since hindi masyadong uso ang online bank account noon kaya load lang ang pinapatos ng mga scammer at saka pera padala.

Yung mga old age at yung mga nasa probinsya na malayo sa teknolohiya(na kakakuha plang ng mga online account) ang typical na madaling mabiktima ng ganitong scam.

Mga ganyan talaga target nila since madali sila malinlang lalo na kapag palanood ng gameshow sa tv yung mga lola or oldies natin may mga ganyang scenario na encounter parents ko kaya sinabihan ko talaga sila na wag e entertain ang ganitonh tawag since scam ito. At wag na mahumaling sa mga tawag or text na nanalo ka ng malaking halaga lalo na kapag hindi ka sumali dahil ito talaga ang modus ng mga scammer para makakuha ng pera sayo. Kaya kausapin talaga natin ng masinsinan ang vulnerable nating kapamilya at kamaganak ukol dito para di sila mabiktima.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
July 30, 2023, 05:23:47 PM
#7
Tama yung article ng Kucoin kung nasaan ang pera naroron ang mga scammers kaya nga napakaraming scammers ang nagkalat sa telegram naglalagay ng mga magagandang babae bilang profile para sila ay maka enganyo na maka engage ng conversation, yung mga ginagawa nila ay scripted napabalita na ito na ilan sa ating mga kababayan ay nabiktima ng illegal recruiter at ang trabaho nila ay mang scam sa telegram at sa iba pang social media at meron sila script at meron silang mga targeted client.
Kaya kung hindi ka aware sa ganitong scheme ay baka mahulog ka dahil sanay sila mag strike ng conversation para ma engganyo ka na i connect ang iyong wallet sa kanilang platform.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
July 30, 2023, 04:21:44 PM
#6
Sobrang dami na ang nabibiktima ng ganitong scam. Kahit ngayon ang daming tumatawag saken at kung ano ano ang mga sinasabi na either verification daw o nanalo sa kung saang raffle na alam kong hindi ko naman sinalihan. Minsan naman ay magpapanggap pa silang taga banko na kailangan mag update daw ng system.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
July 30, 2023, 11:26:09 AM
#5
Naalala ko tuloy dati noong buhay pa lola ko. May tumatawag lagi sa kanya na mga ganitong scammer tungkol sa nanalo daw lola ko sa raffle ng isang mayaman na tao tapos ng hihingi ng load at nagpapadala ng pera para dw masend yung premyo.

Nagsimula yung consistent attack simula nung sinagot ng lola ko yung isang message nila dahil naexcite sya at hindi nya alam yung mga ganitong scam attempt. Sobrang persistent nila kaya nireport namin sa police at doon sila tumigil kakatawag. Ito siguro yung old school na vishing since hindi masyadong uso ang online bank account noon kaya load lang ang pinapatos ng mga scammer at saka pera padala.

Yung mga old age at yung mga nasa probinsya na malayo sa teknolohiya(na kakakuha plang ng mga online account) ang typical na madaling mabiktima ng ganitong scam.


Oo, halos milyong mga pilipino din ata ang pinadalhan ng mga scamner na ganyan ang kanilang diskarte sa panloloko dumating pa mga sa pagkakataon na nung naranasan ko yan at tinawagan din ako, tapos para daw marilis yung winning price ko kailangan daw muna na lodan ko siya ng worth 200 at magpadala daw ako ng 500 pesos para sa processing ng release.

Pagkatapos nung ganung statement sa akin,  sinabi ko siya na muna magabono, at kahit 40/60 nalang kami ayos lang sa akin, sinabi ko pa na sa akin na yung 40% sa kanya na yung 60%  ng napanalunan ko.. ayun nagalit pa sa akin at sinabi na pinagiisipan ko paraw siya ng masama ang sabi ko naman hindi ako may sabi nyan kundi ikaw may sabi nyan hahaha...😅

Pero seryoso tayo siyempre, yung ganyang bagay dapat talaga maging maingat sa galaw at kilos ng mga mapagsamantalang tao.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
July 30, 2023, 04:29:07 AM
#4
Naalala ko tuloy dati noong buhay pa lola ko. May tumatawag lagi sa kanya na mga ganitong scammer tungkol sa nanalo daw lola ko sa raffle ng isang mayaman na tao tapos ng hihingi ng load at nagpapadala ng pera para dw masend yung premyo.

Nagsimula yung consistent attack simula nung sinagot ng lola ko yung isang message nila dahil naexcite sya at hindi nya alam yung mga ganitong scam attempt. Sobrang persistent nila kaya nireport namin sa police at doon sila tumigil kakatawag. Ito siguro yung old school na vishing since hindi masyadong uso ang online bank account noon kaya load lang ang pinapatos ng mga scammer at saka pera padala.

Yung mga old age at yung mga nasa probinsya na malayo sa teknolohiya(na kakakuha plang ng mga online account) ang typical na madaling mabiktima ng ganitong scam.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
July 30, 2023, 04:18:53 AM
#3
Yung ganyang mga istilo ng mga scammer ay nakikita ko at talagang talamak yan sa telegram. Lalo na kung halimbawa mag-iinquire ka na interesado kang bumili ng isang crypto coin. Naku, segundo palang ang lumilipas sa pagpost meron na agad magpapadala ng private message sayo. Ilang beses ng ngyari sa akin yan, yung iba tumatawag pa. Kaya ako ang ginagawa ko hindi ko sinasagot kahit reply wala hindi ko ginagawa. Kasi alam ko at aware sa istilo nila. Kaya salamat parin sa paalala mo na ito op.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
July 30, 2023, 02:59:28 AM
#2
Usong uso ito sa atin pero kapag aware ka naman sa mga ganyang calls, hindi ka mabibiktima ng mga yan. Uso sa mga may bank accounts at madaling maniwala na yung tumatawag sa kanila ay mismong representative ng banko tapos manghihing ng CVV ng credit cards o ng debit cards ng mga users. Ito yung hirap kapag masyado kang masocial media, na yung tipong halos lahat ng details mo nilalagay mo sa social media kaya yung mga important details, real name, birthday, telephone number, etc. madaling manakaw at magamit laban sayo ng scammer.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
July 30, 2023, 01:36:52 AM
#1
Ang vishing ay isang uri ng fraudulent activity na kung saan ay lilinlangin nila ang mga biktima sa pamamagitan ng phone calls.

Para sakin, hindi ito masyadong effective sa crypto dahil kadalasan ay minimessage nila yung potential na maging biktima o (smishing). Wala silang pinipiling biktima kaya baka ikaw ay namessage na rin nila. Kadalasan ko itong nakikita sa Telegram.

Mas better na alam natin ito at dapat na aware tayo dito dahil baka sa susunod ay maging epektibo itong paraan ng mga scammers.

Paano ito maiiwasan:

1. Maging mapagmatyag at dapat iwasan mag entertain lalong-lalo na kung hindi kilala ang kausap sa telepono.

2. Iwasang magbigay ng iyong personal na mga detalye kahit kilala mo pa ito lalong-lalo na kung hindi mo alam ang pinagsasabi nya.

3. Mayroon ding iba na magpapanggap na kakilala. Kaya mas maganda na suriing mabuti kung totoo bang kakilala mo ito.


https://www.kucoin.com/blog/how-to-protect-your-crypto-from-vishing-and-smishing
Jump to: