Paano nga ba nasusukat ang ekonomiya ng Pilipinas? Marami akong nakikitang posts patungkol sa naging epekto ng COVID-19 saating bansa. Masusukat ang ating ekonomiya sa papamagitan ng pagtingin sa PSEI o ang Philippines Stock Exchange Index. Para saan nga ba at ano nga ba ang PSEI? Ang PSEI ay binubuo ng 30 companies na kung saan ang mga kompanya ito ay mayroong pinakamalaking market capitalization pati na rin volume sa market. Ang mga sikat na companies na nabibilang sa PSEI ay: ang Jollibee Foods Corporation (JFC), SM Investments Corporation (SM), Ayala Corporation (AC), Puregold (PGOLD) at marami pang iba.
List ng mga companya na kabilang sa PSEI:
Ayala Corp. (AC)
Aboitiz Equity Ventures, Inc. (AEV)
Alliance Global Group, Inc. (AGI)
Ayala Land, Inc. (ALI)
Aboitiz Power Corp. (AP)
BDO Unibank, Inc. (BDO)
Bloomberry Resorts Corp. (BLOOM)
Bank of the Philippine Islands (BPI)
DMCI Holdings, Inc. (DMC)
First Gen Corp. (FGEN)
Globe Telecom, Inc. (GLO)
GT Capital Holdings, Inc. (GTCAP)
International container Terminal Services, Inc. (ICT)
Jollibee Foods Corp. (JFC)
JG Summit Holdings, Inc. (JGS)
LT Group, Inc. (LTG)
Metropolitan Bank & Trust Company (MBT)
Megaworld Corp. (MEG)
Manila Electric Company (MER)
Metro Pacific Investments Corp. (MPI)
Puregold Price Club Inc. (PGOLD)
Robinsons Land Corp. (RLC)
Robinsons Retail Holdings, Inc. (RRHI)
Semirara Mining and Power Corp. (SCC)
Security Bank Corp. (SECB)
SM Investments Corp. (SM)
San Miguel Corp. (SMC)
SM Prime Holdings, Inc. (SMPH)
PLDT (TEL)
Universal Robina Corp. (URC)
Ginawa ko tong thread na ito para malaman niyo yung mga latest updates patungkol sa ating ekonomiya.
Sunod sunod po kasi ang pagbagsak ng PSEI at sa katunayan na 3 na beses ng nag cicircuit breaker ngayong crisis.
Ano nga ba ang circuit breaker? Ang circuit breaket ay ang trading suspension sa Philippine Stock Exchange kung saan na reach na ang prescribed threshold ng merkado. -10% kasi yung pinaka threshold tas kapag ang PSEI ay bumagsak ng -10%, ang trading ay halted ang trading for 15 minutes pero matutuloy pa rin naman to pag katapos ng 15 minutes break.
Sa ngayon po kasi may panic na nagaganap, hinde ito katulad ng last financial crisis na nangyare noong 2008 na kung saan madaming nawalan ng tahanan at pensions, ngayon kasi ang pinaguusapan ay buhay!!!!! kaya naman napakalaki talaga ng epekto ng COVID-19 sa buong mundo.
As of today March 19, 2020. Ang chart ng PSEI ay nag close ng 4623.42 php (-13.34%) Dito niyo makikita kung gaano ba kalaki ang binagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Derederetso po yung pag bagsak at makikita niyo na may mga bunge na kung saan madaming gap down ang naganap.
Eto naman ang chart ng JFC o ng Jollibee Foods Corporation. Makikita na naapektuhan talaga ng todo yung presyo. 91 pesos na lang per shares pero dati umabot yan ng 300 pesos per share.
Ang SM din ay naapektuhan na kung saan ang price ay nagrarange lang dati ng 900-1100 php pero ngayon yung price nasa 667 na lang per share.
PS: Hinde lang stock market ang naapektuhan ng COVID-19. Pati na din ang cryptocurrency market na kung saan madaming breakdown ang nagaganap. Happy hunting mga kababayan! Salamat sa oras niyo!