Author

Topic: Ano sa palagay nyo ang pinakamalakas na market narrative para sa bullrun? (Read 67 times)

hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
May hinohold akong konting AI token, actually isa lang siya pero parang tiwala ako na papalo siya kapag nag alt season na dahil hindi pa siya pumapalo masyado pataas. Nasa top rank naman siya pero wala masyadong galaw at in fact, mas bumaba siya nitong nagkaroon ng correction. Sa RWA at gaming naman, parang mas magiging trend ang RWA pero sa gaming? parang tapos na karamihan ng mga investors diyan pero hindi natin alam di ba? baka may load ng pera ang mga gaming projects na yan na panghihikayat nila sa mga investors at traders para magkaroon ng magandang volume nitong paparating na bull run. Meron ba dito na nasa mga BRC20 tokens? nakakainis sila pero parang nakakahikayat din kung gusto mo lang din sumakay at pagkakitaan kasi may napanood ako na makes sense yung sinasabi niya lalo na ngayon na malaki influence nila sa fees ng Bitcoin na kung ikukumpara natin, parang sa panahon ng ETH.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Bukod sa AI at gaming na matunog na matunog na narrative ngayon sa crypto market ano pa ang pwede ko tignan. Iniisip ko yung mga bagong Layer 1 blockchain pwedeng bumili ng pakonti konti pero palagay baka medyo late na para sa ganun kumbaga maliit lang posibilidad na lumipad price-wise. AI at Gaming pa lang binabantayan ko sa ngayon pero baka lang merong malakas na narrative kayo ma i-reco na ma DYOR ko din. RWA mukhang lumalakas din eh. Ano pa kaya?

Seasonal lang ang AI at gaming while mga Blockchain project na Layer 1 at Layer 2 ay long term ang price growth at laging trend every bull run kaya sigurado ka na laging pump ang investment mo.

Isa sa mga nagpatrending ngayon sa mga Layer 1 at 2 project ay ang airdrop na sobrang laki ng kitaan kung makakasali ka sa mga promising na project. Madami na kasing mga angel investors ang naglalagay ng pera sa mga blockchain project para pondohan ang development na hindi na kailangan pa dumaan sa token sale kaya sobrang laki ng profit potential sa L1 at L2 dahil pure community engagement at may real assets na backed ang project.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 323
Nakalimutan mo banggitin yung approval ng Bitcoin ETF, yun na siguro yung pinakamalaking narrative sa paparating o nakarating ng bullrun, mantakin mong mas marami ng tao ang nakakaalam ng bitcoin at sa pagdami na din ng mga taong nakakarecognize sa bitcoin, mas dadami na din ang mga potential investors at sa pagdami nito ay mas tataas ang demand at kapag mataas ang demand ay tiyak ang pag-angat ng presyo ng bitcoin at kapag umaangat ang presyo ng bitcoin ay karamihan ng mga alternate cryptocurrencies ay nagsisiangatan din sila kaya tingin ko ay yung ETF approval ang pinakamalakas na narrative sa market ngayong taon.
member
Activity: 231
Merit: 19
Bukod sa AI at gaming na matunog na matunog na narrative ngayon sa crypto market ano pa ang pwede ko tignan. Iniisip ko yung mga bagong Layer 1 blockchain pwedeng bumili ng pakonti konti pero palagay baka medyo late na para sa ganun kumbaga maliit lang posibilidad na lumipad price-wise. AI at Gaming pa lang binabantayan ko sa ngayon pero baka lang merong malakas na narrative kayo ma i-reco na ma DYOR ko din. RWA mukhang lumalakas din eh. Ano pa kaya?
Jump to: