Parang nangyari sa Ethereum dati nung na-hack yung DAO. Ang result ay nagkaroon ng Ethereum and Ethereum Classic.
Ngayon ang reason naman ng Bitcoin Hardfork ay di magkasundo ang dalawang panig ng community (Bitcoin Core and Bitcoin Unlimited) sa gagawing scaling ng bitcoin na super needed for mass adoption. Kasi sa ngayon mabagal ang transactions at mahal pa.
So sabi ni Bitcoin Core magkaroon tayo ng Segwit2x or Segregated Witness, imbes na ilalagay yung mga confirmations sa loob ng block ay gagawa ng lang ng isang place sa labas ng block to place yung mga confirmation data para maging mas magaan yung per block ng bitcoin blockchain. tapos 2.3MB lang per block ang increase sa size. Kasi mas mahirap kung bibiglain natin yung pag-increase ng block ng bitcoin. baka daw magkaproblem.
Yung sa Bitcoin Unlimited naman ang gusto nila itaas na yung blocksize from 1mb to 8mb tulad daw ng original design ni Satoshi Nakamoto. wag na daw segwit kasi wala naman daw itong masyadong impact sa pagpapabilis ng mga transactions.
So dahil di sangaayon yung grupong Bitcoin Unlimited sa Segwit, gagawa na lang sila ng version nila ng Bitcoin na tinawag nilang Bitcoin Cash.
Now, sa tingin nyo? Ano kaya ang magiging future implications nito sa price ng Bitcoin at sa Price ng Bitcoin Cash?
Magtatagumpay kaya ang Bitcoin Cash? Kung magtagumpay sya sa mas maraming adoption, masama ba ito para kay Bitcoin?
At saka anong plano mong gawin? Bibili ka ba ng Bitcoin Cash? o idudump mo lang yung mga free Bitcoin Cash mo?
I think yung mga insights ng bawat isa sa atin dito ay makakatulong para mas maintindihan natin yung situation.
Ang masasabi ko lang sa bitcoin at sa forum na to. Maraming salamat napakalaki ng naitulong nito para saakin. Sobrang nagpapasalamat ako sa bitcoin. Dahil sakanya nabili ko na yung mga gusto kong bilhin at dahil dito nakakatilong na ako sa magilang ko kahit na minsan matagal ang sahod sa mga bounty. Ngayon nag try nanaman ako sumali sa linghohan para mas mabilis makakuha ng pera. Iba talaga si bitcoin. Ang laki ng naitutulong sa mga nangangailangan lalo na ang forum na to.