Author

Topic: Anong nangyari? (Read 589 times)

hero member
Activity: 2114
Merit: 562
October 31, 2020, 11:49:05 AM
#37
Tingin ko dahil na rin ito sa mga bounty program na sinasalihan ng karamihan sa atin dito, kadalasan kasi sa mga bounty lalo higit sa signature eh di counted ang post sa mga local section, kaya tingin ko isa din ito kung bakit bumaba ang activities ng local section natin.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
October 31, 2020, 05:02:04 AM
#36

Chillax ka lang,  it is not right na husgahan mo ang isang tao just because na hindi mo nagustuhan yung reason nya why he is hoarding the merit.  Marami kasing nagigign issue lalo na sa meta kung nakikitang iyon at iyon lang ang binibigyan ng merit and merit source, possibly he is looking to find someone who needed it more than those na marami ng nareceive na merit.  Instead of flaming others, why not create a helpful thread para naman makareceive ka ng merit at makatulong na rin sa merit circulation ng local board natin.



Well, I can say, we can't force anyone na magpost dito sa local board.  Karamihan kasi sa discussion is from other board, then ang cryptocurrency news naman sa ating bansa ay medyo matamlay, ang karamihan kasi puro mga scam company which is covered na ng maraming topic discussion dito.  Namamatay din ang topic kapag too technical ang usapan dahil bihira lang din ang nakakasabay, kapag too ordinary naman nagiging spam ang kinakalabasan.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
October 30, 2020, 10:53:09 PM
#35
Dapat talaga dito muna masanay ang mga kababayan natin bago tayo lumabas ng ibang board.

Ang problema kasi is ang mga main topics talaga na patungkol sa Bitcoin ay nasa labas ng board natin kaya hindi talaga maiiwasan na most of the time ay tambay ang mga pinoy outside Pilipinas board kaya wala din masyadong magagawa kahit na masanay tayo dito sa local board. Tyaka mapapansin mo na mailap ang mga bagong topic dito kaya onti ng activities which kaya sinasabi nila na onti ang merit.
hero member
Activity: 1722
Merit: 528
October 30, 2020, 08:17:14 PM
#34
Dahil ito sa signature campaign.

May mga signature campaign padin naman na pumapayag sa mga local board posts, at maganda itong i take advantage unang una, mas madali mag post sa lokal dahil sariling lenggwahe natin ang gamit, pangalawa, mas mabilis natin maipapahatid ang ating mensahe dahil malaya tayo at ppuwedeng mag taglish. Pangatlo, mas marami tayong experience na nararanasan dahil nasa iisang bansa tayo at aware tayo sa mga balita.

Totoo yun kabayan.

Pero karamihan sa kanila ay yung mga bounty signature campaigns at hindi yung mga campaigns wherein they will be paid using Bitcoin. Most of the campaigns I knew ay hindi counted or counted as half lang ang post in local boards tulad ng sinasalihan ko. Dapat talaga dito muna masanay ang mga kababayan natin bago tayo lumabas ng ibang board.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
October 30, 2020, 10:40:39 AM
#33
Dahil ito sa signature campaign.

May mga signature campaign padin naman na pumapayag sa mga local board posts, at maganda itong i take advantage unang una, mas madali mag post sa lokal dahil sariling lenggwahe natin ang gamit, pangalawa, mas mabilis natin maipapahatid ang ating mensahe dahil malaya tayo at ppuwedeng mag taglish. Pangatlo, mas marami tayong experience na nararanasan dahil nasa iisang bansa tayo at aware tayo sa mga balita.

Hindi naman natin mapagkakaila na may mga gusto talaga kumita through this forum. Most of them gusto talagang makakuha ng merit but sana naman wag nating itake for granted na kababayan natin yung nagbibigay ng merit. Pakita din natin na worthy tayo bigyan, di ba? Alam kong mahirap but that is the reason kung bakit nagkaroon ng ganitong sistema.

One of the reasons why I stopped posting here is dahil I've been used to visit other English threads than our local thread and most of the threads here ay Tagalog translation of those posts I've already seen kaya hindi na ako nagrereply hanggang sa ayun nga, nasanay na ako sa ganung sistema. So yeah, I will start posting here again kasi mali din naman tlaga ako kung tutuusin.

Dapat siguro ay masanay tayo na imbis na mag translate ng maraming topic, gumawa tayo ng sarili na tayo ang tutuklas at mag cocompile. Kailangan lang nito ng mas maraming oras pero worth it ito lalo na kung nakakatulong tayo sa kapwa natin. Believe it or not naman, halos mas naiintindihan pa natin ang mga foreign post kung technical ang usapan kaysa itranslate ito sa wika natin.
hero member
Activity: 1722
Merit: 528
October 30, 2020, 12:24:14 AM
#32
Dahil ito sa signature campaign.

Hindi naman natin mapagkakaila na may mga gusto talaga kumita through this forum. Most of them gusto talagang makakuha ng merit but sana naman wag nating itake for granted na kababayan natin yung nagbibigay ng merit. Pakita din natin na worthy tayo bigyan, di ba? Alam kong mahirap but that is the reason kung bakit nagkaroon ng ganitong sistema.

One of the reasons why I stopped posting here is dahil I've been used to visit other English threads than our local thread and most of the threads here ay Tagalog translation of those posts I've already seen kaya hindi na ako nagrereply hanggang sa ayun nga, nasanay na ako sa ganung sistema. So yeah, I will start posting here again kasi mali din naman tlaga ako kung tutuusin.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
October 29, 2020, 07:49:18 PM
#31
I know that this/our country has a merit source, but who?
-snip
if you read the first page you'll see that cabalism listed the merit sources on our local board. here's a quote from cabalism's post.
3 lang ang Source sa pagkakaalam ko,

Ako na nag apply,
Dabs na Dating Mod
Mr. Big Global Mod

I just noticed some pinoy applied to become a merit source most of them where denied.
as far as I know other than cabalism, crwth is the only other Filipino member who applied as a merit source for our local board.

Our prior problem here is not the "merit source" but the topic/post we made. As what I haved observe most topics of our local board is a self-moderated topic and sometimes an Off-Topic so, How can we give some merit to a post? (I don't have those smerit)
I have been an active reader of our local board but as far as I can tell the majority of the thread here are not self-moderated.
legendary
Activity: 3248
Merit: 1055
October 29, 2020, 01:54:02 PM
#30


off topic section ang wala sa local natin. yan ata ang kulang.
member
Activity: 85
Merit: 24
Help the victim scammed by ColdKey
October 29, 2020, 01:45:06 PM
#29
I know that this/our country has a merit source, but who? I just noticed some pinoy applied to become a merit source most of them where denied. As a newbie I would like to become an example of every Filipino here maybe it's not my time yet but I will. It is a matter of fact that our local thread is lacking of informative topics unlike other's local board.

Our prior problem here is not the "merit source" but the topic/post we made. As what I haved observe most topics of our local board is a self-moderated topic and sometimes an Off-Topic so, How can we give some merit to a post? (I don't have those smerit)
full member
Activity: 1232
Merit: 186
October 29, 2020, 08:30:54 AM
#28
sa tingin ko ang ilan sa kanila ay hindi natin masisisi dahil sa mga currenctly campaign nila ay hindi counted ang lokal post, gayun paman sana sikapin padin nating maging active sa ating lokal dahil dito ay mas madali tayo makipag usap sa ibang member patungkol sa paksang nais natin malaman at alamin.
I can strongly sense that a huge part of the reason why our local forum becoming less active falls in this one. Miski ako guilty dito and I will not be hypocrite to deny it. Kung tutuusin madali lang naman magpost dito sa local board natin since Filipino nga ang gamitbna language. It makes everything a no-brainer kasi parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kanto. However, it still takes time at yun ang dahilan kung bakit ang karamihan ay di na bumibisita dito. Mas pinipili nila na wag na umubos ng 10 to 15 min. dito dahil sayang din yun. Magagamit na nila yun to post on accepted boards. Nakakalungkot isipin pero that's the reality Sad.

Anyway, my other personal reason why I am not sctive here is because of less topics available. Gusto ko man gumawa ng new thread pero di ko magawa kasi feel ko agad na unnecessary yun. Kumbaga eh "sala sa init, sala sa lamig" ako. Sorry, my bad.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
October 28, 2020, 05:20:49 PM
#27
Agree ako jan malaking factor ang counted ang lokal post sa current campaign mo, good thing na counted ang lokal post sa campaign ko kaya kahit papano ay nakakapagpost ako dito sa Local Section.
Isa yan sa dahilan kung bakit iilan lang ang aktibo dito sa lokal. Karamihan sa atin ay kasali sa signature campaign at majority dito may rules na hindi counted ang post sa local section. Isa pa kalimitan ng naglalabasan na campaign ngayon eh mga gambling sites, kaya mas prefer ng manager na ang post o posting history mo ay more on sa gambling board.

Wala na kasi masyadong active topic dito satin unlike before na maraming member ang sumasali sa discussion. Yung iba naman nasagot na o mahirap sumali sa pinaguusapan kaya better na magbasa na lang kesa may masabing mali. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit bumaba ang merit circulation dito sa lokal kasi konti lang ang active at parehong mga member lang.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
October 28, 2020, 01:40:51 PM
#26
Wala kaso dun sa merit source for me, ang pinaka makakahelp talaga dito is campaigns na nagaccept ng local board posts. Karamihan kasi sa campaigns/bounty ngayon is more on gambling/altcoin,bitcoin discussion thread. Madaming active sa forum na pinoy konti ang active sa local board gawa ng siguro feel nila na sayang yung post nila dito kasi nga di naman nacount sa sinalihan nila. Yung merit source natin andyan lang yan kita niyo namang nagbibigay padin naman. Mas madaming post sa ibang sections ang mga pinoy kaya dun nakecredit ang merit circulation.

Agree ako jan malaking factor ang counted ang lokal post sa current campaign mo, good thing na counted ang lokal post sa campaign ko kaya kahit papano ay nakakapagpost ako dito sa Local Section.

Mahirap gumawa ng topics or post dito sa Pilipinas lalo na kung hindi counted dahil na rin madodoble ang trabaho mo kapag ganun, mahirap ang magmanage ng time lalo na ngayon pandemic kaaya marami siguro sa atin ang time sa posting ipopost nalang sa ibang posting kasya naman maspam pa dahil pinipilit magpost sa Lokal, hindi rin naman makakapagbigay ng merit kung mababa ang quality ng post naten dahil na rin tira tirang time nalang ang napupunta sa Lokal.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
October 28, 2020, 12:23:48 PM
#25
crab mentality kasi ang mga Pinoy, hindi na maiiwasan ang mga pagka inggit, kaya ayan tayo walang asenso. Puro pansariling interes kasi lagi nauuna. Nakakalungkot isipin pero tayo mismo nag aaway away.
Tama ka jan, isa yan sa di matatanggal n ugali ng mga pinoy ung pagka inggit sa mga bagay bagay. Pag nakikita ka nilang umaasenso  hihilain ka pababa hanggang sa maging pantay n kayo.
sr. member
Activity: 1162
Merit: 450
October 28, 2020, 06:07:05 AM
#24
Wala kaso dun sa merit source for me, ang pinaka makakahelp talaga dito is campaigns na nagaccept ng local board posts. Karamihan kasi sa campaigns/bounty ngayon is more on gambling/altcoin,bitcoin discussion thread. Madaming active sa forum na pinoy konti ang active sa local board gawa ng siguro feel nila na sayang yung post nila dito kasi nga di naman nacount sa sinalihan nila. Yung merit source natin andyan lang yan kita niyo namang nagbibigay padin naman. Mas madaming post sa ibang sections ang mga pinoy kaya dun nakecredit ang merit circulation.

Actually nakadepende yung post designation and board requirement sa may mismong campaign manager eh. May mga campaign manager na ayaw sa local boards kasi hindi sila aware sa kung ano yung pinaguusapan (basically ang madalas na reason is madaming local board poster dito kaya prinoprohibit ng iba), meanwhile yung ibang CM is ok lang sa kanila, whether the campaign is for gambling platform or in a mixing platform, all they want is the campaign participants na versatile sa maraming boards. Try being so active in the local and post often in local alone, mapapansin mo na baka less yung tumanggap na managers sa'yo (or even baka matanggal ka pa) kasi yung posting and merit should actually be on the forum-wide not on the local wide.

May rebuttal si Mr. Big patungkol sa paglalagay ng Off-topic board sa Pinas, ang sabi niya is magiging pandagdag ng post count which makes sense kasi mahirap iregulate kapag off-topic discussion kasi mas niche ang mga topic which results in low quality posts. In the end, it is far from our control kung wala talagang interesting na crypto-related events sa bansa edi wala. Pinaka angkop na solusyon for now is dumami yung translators natin sa local board.

Indeed, mahirap nga na magka off-topic section rito. Pero sa totoo lang, if the campaign manager is really working hard to verify each and every post's validity, hindi problema magka off-topic board eh. Yes dagdag post count, pero kung post history ang titignan ng manager, therefore hindi siya counted. Also, sobrang rare na din kasi ng translations ngayon. Karamihang threads hindi na kailangang itranslate and sa totoo lang goods naman na yung comprehension ng mga users dito eh. Diba pinasok naman ang forum na ito ng mga users na aware silang english ang base language nito, kaya somehow expected na magegets naman nila yung english threads.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
October 28, 2020, 04:55:22 AM
#23
Wala kaso dun sa merit source for me, ang pinaka makakahelp talaga dito is campaigns na nagaccept ng local board posts. Karamihan kasi sa campaigns/bounty ngayon is more on gambling/altcoin,bitcoin discussion thread. Madaming active sa forum na pinoy konti ang active sa local board gawa ng siguro feel nila na sayang yung post nila dito kasi nga di naman nacount sa sinalihan nila. Yung merit source natin andyan lang yan kita niyo namang nagbibigay padin naman. Mas madaming post sa ibang sections ang mga pinoy kaya dun nakecredit ang merit circulation.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 28, 2020, 04:42:53 AM
#22
For example, sa phcorner (Pwede ba sabihin yung name nito?) andaming Pinoy dun kasi ang daming benefits. Ang mga topics nila is free internet, tips and tricks, computer related stuff na makakatulong nga naman talaga sa pang araw-araw na buhay ng mga Pinoy. Nako lalo't sikat na sikat ang free internet dito sa bansa. Kumpara natin ito sa Bitcointalk na puro cryptocurrency lang ang pinag-uusapan.
May rebuttal si Mr. Big patungkol sa paglalagay ng Off-topic board sa Pinas, ang sabi niya is magiging pandagdag ng post count which makes sense kasi mahirap iregulate kapag off-topic discussion kasi mas niche ang mga topic which results in low quality posts. In the end, it is far from our control kung wala talagang interesting na crypto-related events sa bansa edi wala. Pinaka angkop na solusyon for now is dumami yung translators natin sa local board.
Sana nga ay magkaroon ng off-topic dito ulit sa board natin. Ang daming nangyayaring balita sa bansa natin ngayon na masarap pag-usapan.
Mayroon daw dating thread na sinimulan si cabalism13 ang problema is mahirap imonitor yung thread gawa nga na thread lang ito at hindi board. Kung sa tingin nila at ng nakakarami is walang benefit ang pagdadagdag ng child board na off-topic then so be it. Mas matagal na sila sa platform kesa sa akin, I am still learning something new.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
October 28, 2020, 03:50:12 AM
#21
At hindi na talaga Source ang problem kung bakit mababa ang activity, naexplain na din yan dito noon kung bakit.
Kahit dumami pa ang source dito, hnd magbabago yan, sa ibang board din mapupunta yan kahit mamipag pustahan pa kayo.
Campaign lang ulit ang lunas dyan.
Yun din ang paniniwala ko na hindi talaga source kasi may cycling naman kahit papaano dito sa Lokal board. Tsaka hindi naman kasalanan ng mga Filipino members na kaunti lang ang post sa board kasi mismong Pilipinas walang gaanong progress pagdating sa cryptocurrency kaya wala din gaanong topic and discussion na nagegenerate. Di ko alam kung pwede tong solusyong naiisip ko para mapasigla ung cycling dito sa Lokal is mag-aapply yung mga members ng mga candidate posts nila na pwedeng imerit ng mga MS, may mga nakikita kasi ako sa ibang board na iyon ang ginagawa.

Agree, baka dahil narin sa hindi masyadong sikat ang Bitcoin at ang forum na ito sa mga Pilipino. Alam mo na, hindi masyadong educated sa technology ang mga Pilipino lalo na sa cryptocurrency. Nasa topic na din siguro kaya bakit walang masyadong Pinoy dito.

For example, sa phcorner (Pwede ba sabihin yung name nito?) andaming Pinoy dun kasi ang daming benefits. Ang mga topics nila is free internet, tips and tricks, computer related stuff na makakatulong nga naman talaga sa pang araw-araw na buhay ng mga Pinoy. Nako lalo't sikat na sikat ang free internet dito sa bansa. Kumpara natin ito sa Bitcointalk na puro cryptocurrency lang ang pinag-uusapan.

Sana nga ay magkaroon ng off-topic dito ulit sa board natin. Ang daming nangyayaring balita sa bansa natin ngayon na masarap pag-usapan.

Di ko alam kung pwede tong solusyong naiisip ko para mapasigla ung cycling dito sa Lokal is mag-aapply yung mga members ng mga candidate posts nila na pwedeng imerit ng mga MS, may mga nakikita kasi ako sa ibang board na iyon ang ginagawa.

Kung ganoon nga ay sana may mag organize.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 28, 2020, 03:22:15 AM
#20
At hindi na talaga Source ang problem kung bakit mababa ang activity, naexplain na din yan dito noon kung bakit.
Kahit dumami pa ang source dito, hnd magbabago yan, sa ibang board din mapupunta yan kahit mamipag pustahan pa kayo.
Campaign lang ulit ang lunas dyan.
Yun din ang paniniwala ko na hindi talaga source kasi may cycling naman kahit papaano dito sa Lokal board. Tsaka hindi naman kasalanan ng mga Filipino members na kaunti lang ang post sa board kasi mismong Pilipinas walang gaanong progress pagdating sa cryptocurrency kaya wala din gaanong topic and discussion na nagegenerate. Di ko alam kung pwede tong solusyong naiisip ko para mapasigla ung cycling dito sa Lokal is mag-aapply yung mga members ng mga candidate posts nila na pwedeng imerit ng mga MS, may mga nakikita kasi ako sa ibang board na iyon ang ginagawa.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
October 28, 2020, 01:58:40 AM
#19

Campaign lang ulit ang lunas dyan.

During these times na nasa campaign ako ay madalas din akong tambay sa ating lokal board kung mag re-reply man ako sa ilang thread ay bilang lang dahil ang priority ko padin ay ang campaign post, but if I have some extra time pa naman ay continously padin ako ng post sa ating lokal. Is this possbile ba na magkaroon tayo ng event para maging active na ulit ang ating lokal? (just suggestion lamang).
There are a lot of thread na nakikita ko about sa campaigns na peek season every time na tumataas ang bitcoin and I think sana mayroon pang mga campaign ang allowed mag post sa lokal threads (like my active camp right now)


Ang nakikita ko na lamang na active merit source natin ay si cabalishm13, I hope may mag apply din na iba sa atin.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
October 28, 2020, 12:43:58 AM
#18
wala tayong off-topic gaya ng Politics and Society...
Nagkaroon tayo dati ng Off Topic megathread kaso parang maging useless din gawa ng mahirap imonitor and as a thread starter hnd ko din namoderate ng maayos, kata nilock ng Mod.
At hindi na talaga Source ang problem kung bakit mababa ang activity, naexplain na din yan dito noon kung bakit.
Kahit dumami pa ang source dito, hnd magbabago yan, sa ibang board din mapupunta yan kahit mamipag pustahan pa kayo.
Campaign lang ulit ang lunas dyan.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 28, 2020, 12:33:21 AM
#17
3 lang ang Source sa pagkakaalam ko,

Ako na nag apply,
Dabs na Dating Mod
Mr. Big Global Mod

ang Mod kasi alam ko automatic na Source sila, pero as local MS ako lang talaga, actually hindi ako makapag bigay dito katulad ng dati dahil iilan n lang ulit ang activity. Muntik ko ng maipon ung 183 na allocation ko,ngayon nasa 100+ na ulit,...
Much better kasi na dumami ulit ang activity para yung iba eh mag post din dito, halos pare parehong users na lang kasi ang nakikita ko, kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan.
Tingin ko ang problema sa local boards is hindi yung Merit Source kundi yung mga boards na pwede kang mag post. May mga members na hindi lang naman bitcoin ang gusto pag-usapan, syempre may mga gustong mag discuss ng mga off-topic na bagay. Katulad dito sa Pilipinas board, wala tayong off-topic gaya ng Politics and Society. Ang nangyayari tuloy is sa English boards sila nag popost, hindi naman nakakarelate sa mga nangyayari sa Pilipinas yung ibang members na hindi Pilipino unless Politics in the US ang usapan or Global scale yung incident na mangyayari sa Pilipinas.
jr. member
Activity: 37
Merit: 2
October 28, 2020, 12:31:23 AM
#16
crab mentality kasi ang mga Pinoy, hindi na maiiwasan ang mga pagka inggit, kaya ayan tayo walang asenso. Puro pansariling interes kasi lagi nauuna. Nakakalungkot isipin pero tayo mismo nag aaway away.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
October 28, 2020, 12:27:30 AM
#15
...
Tawa ka 🤪

research ka muna bago ka manghusga, payo ko lang.
jr. member
Activity: 168
Merit: 4
October 27, 2020, 11:38:55 PM
#14
3 lang ang Source sa pagkakaalam ko,

Ako na nag apply,
Dabs na Dating Mod
Mr. Big Global Mod

ang Mod kasi alam ko automatic na Source sila, pero as local MS ako lang talaga, actually hindi ako makapag bigay dito katulad ng dati dahil iilan n lang ulit ang activity. Muntik ko ng maipon ung 183 na allocation ko,ngayon nasa 100+ na ulit,...
Much better kasi na dumami ulit ang activity para yung iba eh mag post din dito, halos pare parehong users na lang kasi ang nakikita ko, kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan.

So basically, hindi ka mag bibigay kahit na may worthy of merit dito sa forum? Tanong mo sa sarili mo, magandang mentality ba yan? so what kung pare pareho lang ang quality poster dito? eh deserve nila yun, eh may magagawa ba sila? merit source ka, hindi mo dapat pinagdadamot ang bagay na deserve ng isang tao. nandyan ka sa position nayan kasi alam mo ang dapat bigyan at hindi dapat bigyan. Hindi ka nalang sana nag apply kung hohoard mo lang din yang merit mo. kaya hindi umiikot yong merit eh kasi dahil sa

"kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan."

Naisip mo ba na dahil sa ginagawa mo ay tinatamad ang ibang local members na talaga mag post dito? hindi no? as a merit source, try mo ding isipin ang iba hindi lang ang sarili mo. So what kung sinasabi nilang bias ka? totoo ba? bakit ka magiging affected kung hindi naman totoo? Kung nag bibigay ka ng merit, lalo pa sanang gaganahan ang ibang members dito na pagandahin pa ang mga post nila.

Alam mo, kung nag bibigay ka ng merit, mabibigyan ng smerit yung mga binibigyan mo, meaning pwede sila mag merit ng ibang tao at in the end, magkakaroon ng merit circulation at masaya ang lahat.

kaso wala eh. sige wag ka muna mag merit kahit na may deserving ng merits dito. masaya yan. pagpatuloy mo.

"halos pare parehong users na lang kasi ang nakikita ko, kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan."

Patawa ka. masyado lang talaga mataas ang standard mo.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
October 27, 2020, 11:04:00 PM
#13
PS: Just want to ask, may merit source ba tayo dito? kung meron, sino iyon? Medyo late nako sa balita.
as far as I know, cabalism13 is a merit source and I am pretty sure na may iba pang merit source dito sa local board.

EDIT: check this thread UPDATED : List of Merit Source (Local version) .. it might help you identify which user is our local merit source. members who posted also provided links to make it easier looking for merit sources.
3 lang ang Source sa pagkakaalam ko,

Ako na nag apply,
Dabs na Dating Mod
Mr. Big Global Mod
-snip
I see I thought there would be more. I remember seeing crwth merit application para dito sa local board so I assumed na merit source na rin sya pero di ko sya minention kasi di ako sigurado. too bad na hindi pa rin na aapprove yung application nya for a merit source but I think the lack of activity dito sa local board ay isa sa dahilan kaya di pa naapprove yun application nya.

Much better kasi na dumami ulit ang activity para yung iba eh mag post din dito, halos pare parehong users na lang kasi ang nakikita ko, kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan.
a pretty good reason since there have been cases that someone has said that in the reputation board.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
October 27, 2020, 09:54:17 PM
#12
PS: Just want to ask, may merit source ba tayo dito? kung meron, sino iyon? Medyo late nako sa balita.
as far as I know, cabalism13 is a merit source and I am pretty sure na may iba pang merit source dito sa local board.

EDIT: check this thread UPDATED : List of Merit Source (Local version) .. it might help you identify which user is our local merit source. members who posted also provided links to make it easier looking for merit sources.
3 lang ang Source sa pagkakaalam ko,

Ako na nag apply,
Dabs na Dating Mod
Mr. Big Global Mod

ang Mod kasi alam ko automatic na Source sila, pero as local MS ako lang talaga, actually hindi ako makapag bigay dito katulad ng dati dahil iilan n lang ulit ang activity. Muntik ko ng maipon ung 183 na allocation ko,ngayon nasa 100+ na ulit,...
Much better kasi na dumami ulit ang activity para yung iba eh mag post din dito, halos pare parehong users na lang kasi ang nakikita ko, kaya hindi muna ako nagbibigay baka kasi mapansin at masabi na bias, na kesyo sila sila lang nabibigyan.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
October 27, 2020, 08:54:16 PM
#11
PS: Just want to ask, may merit source ba tayo dito? kung meron, sino iyon? Medyo late nako sa balita.
as far as I know, cabalism13 is a merit source and I am pretty sure na may iba pang merit source dito sa local board.

EDIT: check this thread UPDATED : List of Merit Source (Local version) .. it might help you identify which user is our local merit source. members who posted also provided links to make it easier looking for merit sources.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
October 27, 2020, 08:24:57 AM
#10
Oo, tama ka kabayan medyo madalang bumisita sa ating lokal board yong iba nating kababayan sa kadahilan na hindi counted sa post count ang lokal post. Noong buhay pa ang Yobit campaign, napakabibo ng lokal natin dahil may bayad ang post sa lokal, correct me if i'm wrong.
ramdam ko to mate,kasi nung panahon na yon eh nakikita ko andaming Posters dito sa lokal suot ang Yobit signature and then naging ibang sig na other site
 na pag aari ng Yobit din kaso di kona matandaan yong controversial campaign na yon.
Quote
Medyo hindi magandang tingnan pero ganon talaga, sino ba ang magsakripisyong mag-post ng walang bayad pero sa tingin ko naman ay nagbabasa sila sa mga thread pero hindi lang nagko-comment.

Sana lang ay dumami yong mga thread starters na tulad mo para naman marami tayong topic na ma-discuss dito. Isa rin siguro sa mga dahilan bakit tumamlay yong lokal natin, medyo nauubusan na tayo ng topic kasi halos lahat ay na-discuss na.
Sana nga dumami ang threads na interesante kabayan,so ng sa ganon kahit hindi paid post eh magawang tumambay ng mga  kababayan natin dito.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
October 26, 2020, 09:16:43 PM
#9
Considerable na ang post sa locals sa mga campaigns kaya di basehan na malalaki ang tyansa sa pagsali sa campaigns. Pero ang nakikita ko Lang talaga na reason is pagbaba ng bigiyan ng merit kasi minsan sayang din ang post pag walang magbigay ng merit kaya pinili ng iba na sa english thread mag post dahil dun malaki ang tyansa na makakuha at mag rank up.

Yup. Merit source talaga din talaga ang nakikita kong main reason kung bakit karamihan sa mga tao ay tinatamad maging active dito. Kung mapapansin mo sa ibang lokal, sagana sila mag bigay ng mga merit sa kung kani-kanino lang na parang like sa facebook. But of course yung may mga sense.

But, feeling ko sa arabic section is talagang tulungan sila para makaangat sa rank. Kahit mga discussions na hindi masyadong nakakatulong sa karamihan ay binibigyan nila ng merit. Napansin ko din na sobrang active ng local moderator nila na nakakasagana nga naman talaga sa mga local members.

السلام عليكم اخواني الاعزاء

انا عايز اعرف كيف انشي محفظة
لا اقصد اني اعمل اكونت ع محفظة
فقط اريد ان اعمل محفظة مثل بلوكشين
بالطبع لن تكون مثلها ولكن هذا ما اقصده
هل مكلفة ام ماذا

ولو استطعت ذلك كيف سوف اربح منها؟؟؟؟
هل سوف اخذ عمولة عن التحويلات ام ماذا؟؟؟

Ito nga ay nag tatanong lang pero binigyan parin siya ng merit. Bihira mo lang ito makita sa ibang lugar.





PS: Just want to ask, may merit source ba tayo dito? kung meron, sino iyon? Medyo late nako sa balita.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
October 26, 2020, 06:39:49 PM
#8
Sa tingin ko medyo mababang dahilan ang post counts na hindi nabibilang sa lokal board para sa mga campaign ang rason kung bakit ganito ang nagyayari. Kasi kung totoo man ito diba dapat mababa din ang activity at merit circulation para sa ibang lokal board dahil hindi din naman counted ang kanilang mga posts dito? Sa tingin ko baka merit source ang kulang sa board natin at hindi na rin nahihikayat ang mga tao mag post dito dahil sa tingin nila walang nakakapag appreciate or walang makakapag approve ng kanilang posts at effort dahil wala ring merit source na magbabantay.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
October 26, 2020, 04:37:39 PM
#7
Not just about local post not being counted but iyong iba rin ay natuto na ring magfocus ng pure english post sa kanila posting history to increase the chance of joining other campaign. Sa ngayon kasi talagang aside from merit, dapat maganda rin ang makitang post history ng mga campaign managers (example mostly gambling).

And mostly kasi, tingin ko nung Yobit campaign days, I doubt different users ang mga may-ari ng accounts na kasali nun na active dito sa local. Mostly, nag take advantage ang iba at sinali ang kanilang mga minions kaya mukha lang active ang local community natin.

Considerable na ang post sa locals sa mga campaigns kaya di basehan na malalaki ang tyansa sa pagsali sa campaigns. Pero ang nakikita ko Lang talaga na reason is pagbaba ng bigiyan ng merit kasi minsan sayang din ang post pag walang magbigay ng merit kaya pinili ng iba na sa english thread mag post dahil dun malaki ang tyansa na makakuha at mag rank up.

legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
October 26, 2020, 04:22:29 PM
#6
Not just about local post not being counted but iyong iba rin ay natuto na ring magfocus ng pure english post sa kanila posting history to increase the chance of joining other campaign. Sa ngayon kasi talagang aside from merit, dapat maganda rin ang makitang post history ng mga campaign managers (example mostly gambling).

And mostly kasi, tingin ko nung Yobit campaign days, I doubt different users ang mga may-ari ng accounts na kasali nun na active dito sa local. Mostly, nag take advantage ang iba at sinali ang kanilang mga minions kaya mukha lang active ang local community natin.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
October 26, 2020, 10:07:01 AM
#5
Kapag nagbibisita ako sa local, unti lang threads na bago and some of it are common topics kaya mahirap makisawsaw sa discussions. Isa na rin sa dahilan kung bakit bihira ang tao sa local kasi bihira lang ang campaigns na tumatanggap ng post sa local. Pero hindi din kasi madami rin namang kasali sa campaigns pero namamamanage nila ang local posts, siguro sa atin na ang problema?

Or maybe mataas na ang standards in posting kaya yung iba, hindi na rin nag-stay dito sa ating local section. Tho, forbidden naman talaga ang shitposting and such dito at hindi rin naman natin pwedeng gawing excuse yung campaign dahil lang hindi counted.

Nahihirapan na rin siguro makakuha yung mga bago dito ng merits kaya bihira nalang ang mga baguhan dito. Diba expected na every month, dumadami ang users ng forum na ito especially these days na mainstream ang online job.
member
Activity: 1120
Merit: 68
October 26, 2020, 08:43:55 AM
#4
Oo, tama ka kabayan medyo madalang bumisita sa ating lokal board yong iba nating kababayan sa kadahilan na hindi counted sa post count ang lokal post. Noong buhay pa ang Yobit campaign, napakabibo ng lokal natin dahil may bayad ang post sa lokal, correct me if i'm wrong.

Medyo hindi magandang tingnan pero ganon talaga, sino ba ang magsakripisyong mag-post ng walang bayad pero sa tingin ko naman ay nagbabasa sila sa mga thread pero hindi lang nagko-comment.

Sana lang ay dumami yong mga thread starters na tulad mo para naman marami tayong topic na ma-discuss dito. Isa rin siguro sa mga dahilan bakit tumamlay yong lokal natin, medyo nauubusan na tayo ng topic kasi halos lahat ay na-discuss na.
Isa talaga sa mga dahilan kung bakit wala nang masyadong active sa ating Local board ay ang hindi binibilang ng iilang signature campaign ang mga post galing sa Local Board. Kaya wala na din masyadong active dito dahil sayang nga naman ang post kung wala naman itong bayad. Naging mahigpit din kasi dito sa ating Local board na minsan ay nagdedelete ang ating moderator ng mga off topic posts galing sa mga low rank members, kaya wala na rin siguro gumagawa masyado ng topic dito.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
October 26, 2020, 08:23:49 AM
#3
Last time na nakakita ako ng graph about sa Merit/Post ratio ay nasa between top 1-5 tayo (If I recall it correctly) at nag aaverage na 3 digits merit circulation per week, 3-4 digits merit circulation per month tayo at that time. Sadly, nasa hulihan tayo ngayon na bilang at nag average na lamang ng 2 digits merit circulation per week, 2-3 digits merit circulation per month.

Sobrang baba ng post avg. natin per day at topic creation kaya ganun na din yung merit ratio dahil wala masyadong constructive na post na nagagawa.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
October 26, 2020, 06:37:13 AM
#2
Oo, tama ka kabayan medyo madalang bumisita sa ating lokal board yong iba nating kababayan sa kadahilan na hindi counted sa post count ang lokal post. Noong buhay pa ang Yobit campaign, napakabibo ng lokal natin dahil may bayad ang post sa lokal, correct me if i'm wrong.

Medyo hindi magandang tingnan pero ganon talaga, sino ba ang magsakripisyong mag-post ng walang bayad pero sa tingin ko naman ay nagbabasa sila sa mga thread pero hindi lang nagko-comment.

Sana lang ay dumami yong mga thread starters na tulad mo para naman marami tayong topic na ma-discuss dito. Isa rin siguro sa mga dahilan bakit tumamlay yong lokal natin, medyo nauubusan na tayo ng topic kasi halos lahat ay na-discuss na.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
October 25, 2020, 10:35:27 PM
#1
Habang ako ay nag lilibot sa ating Meta ay pumukaw sa pansin ko ang isang Merit source application ni dkbit98 at nakita ko ang isang reply sa thread na ito.



Isa tayo sa may pinaka mababang merit circulation at active post sa ating forum, hindi ba ito nakaka pangamba?. Tinignan ko time frame sa bawat page halos isang buwan ang pagitan kada page hindi tulad sa ibang board.

Nag hanap din ako ng ibang thread sa ating board kung saan helpful at nais nila gawing active ang acting lokal.

Listahan ng mga kapakipakinabang na mga pagsusulit patungkol sa Forum!
Paano natin i angat ang local at makatulong.
[Filipino] Trust Flags
[STATS] Local Board Pilipinas - Statistics Center (Updated 10/04/2019)

Ngayon tinignan ko ang destribution merit sa ating lokal
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5169636.100 by asu

(08/28/2020 - 09/03/2020)

Per Week
Code:
Week 137: 42 Merit
Per Month
Code:
August: 103 Merit

(09/04/2020 - 09/10/2020)
Per Week
Code:
Week 138: 9 Merit


(09/11/2020 - 09/17/2020)
Per Week
Code:
Week 139: 18 Merit

(09/18/2020 - 09/24/2020)
Per Week
Code:
Week 140: 20 Merit

(09/25/2020 - 10/01/2020)
Per Week
Code:
Week 141: 17 Merit
Per Month
Code:
September: 73 Merit

(10/02/2020 - 10/08/2020)
Per Week
Code:
Week 142: 17 Merit

(10/09/2020 - 10/15/2020)
Per Week
Code:
Week 143: 28 Merit

Kahit ganito pa man ay may ilang mga member sa ating lokal na bumibisita padin dahil gusto nila maging updated sa mga nangyayari, sa tingin ko ang ilan sa kanila ay hindi natin masisisi dahil sa mga currenctly campaign nila ay hindi counted ang lokal post, gayun paman sana sikapin padin nating maging active sa ating lokal dahil dito ay mas madali tayo makipag usap sa ibang member patungkol sa paksang nais natin malaman at alamin.

Jump to: