Ang blockchain technology ay bukas para sa lahat at dahil ito ay hindi patented (should be taken as the biggest gift that Nakamoto left behind as his legacy) kahit sino at ano ay pwedeng gumamit at kahit gumawa ng mga sariling bersyon sa blockchain technology...sa katunayan nga marami na tayong ginagamit na mga bersyon ng blockchain technoplogy sa ngayon. Pati nga ang mga gobyerno ay interesado din na magamit ang blockchain para maibsan ang korupsyon at mas maka serbisyo sa kanilang mga mamamayan. Darating ang panahon na hindi na balita kung ang isang malaking organisasyon kahit saang sektor ng lipunan ay gagamit ng blockchain technology as it can be applied to almost any industry and sector of the society.