Author

Topic: Antminer S7 (Read 620 times)

hero member
Activity: 812
Merit: 1000
December 11, 2016, 03:11:24 AM
#13
hello po sa lahat. nagbasa po ako sa threads nyo at nay katanungan po ako kasi newbie pa lang po ako eh. tanong ko po sana kung anong ibig sabihin nyo sa mining? totoong mining ba talaga yan? nabasa ko po kasi na malaking luge ang antminerS7. at mag mining na lang sa altcoins at mag invest sa trading ano po yung altcoins at trading? sana may makapag reply. thank you.

altcoin = alternative coin = crypto currency din katulad ni bitcoin
kumbaga sa pera, USD is bitcoin pero nandyan sila YEN, DIRHAM, POUND, PESO etc (prang alt coin)

trading naman po ay bibili ka ng alt coin sa murang halaga at ibebenta sa mas mataas na presyo, hindi sya madali kasi hindi lahat ay umaakyat ang presyo kya may chance din na maluge ka
member
Activity: 83
Merit: 10
December 10, 2016, 10:09:45 AM
#12
mas upgraded po ung s9 mas tipid sa kuryente pero hindi po advisable n mag mining sa pinas kasi nga po mahal ang kuryente buti sana kung nasa dubai ka mababa lang singil sa kuryente tsaka isipin mo din po ung cooling system nya baka mag overheat may nkita aq nagpost sa fb sabi nya libre daw yung kuryente nya my antminer rig xa ewan lang kung totoong libre kuryente kasi kung solar panel gagamitin i think di rin kakayanin
newbie
Activity: 71
Merit: 0
December 10, 2016, 09:38:02 AM
#11
hello po sa lahat. nagbasa po ako sa threads nyo at nay katanungan po ako kasi newbie pa lang po ako eh. tanong ko po sana kung anong ibig sabihin nyo sa mining? totoong mining ba talaga yan? nabasa ko po kasi na malaking luge ang antminerS7. at mag mining na lang sa altcoins at mag invest sa trading ano po yung altcoins at trading? sana may makapag reply. thank you.
hero member
Activity: 686
Merit: 508
December 08, 2016, 08:20:20 PM
#10
Mag hashnest.com ka na lang, medyo matagal nga lang ang roi pero hindi mo na problema ang maintenance. Pero kung gsto mo mag try ng s7 sa inyo for educational purposes pag isipan mo mabuti dahil luge ka talaga dyan.
full member
Activity: 126
Merit: 100
December 08, 2016, 05:48:47 AM
#9
Pag isipan mo muna mabuti sir bago ka sumalang. Isipin mo lahat ng possible mo magagastos for the year, at gaano kalaki kikitain mo if ever. Then, iconsider mo din po mga suggestions ng ibang tao, kasi sa totoo lang sobrang malaki ng gastos. Pero ikaw po magdecisyon if kaya mo mag take ng risk dito. Pero yong return ng investment mo hindi madalian.
hero member
Activity: 812
Merit: 1000
December 08, 2016, 04:54:57 AM
#8
wag ka na po mag mine ng bitcoins kapag hindi libre ang kuryente mo dahil sure na luge ang aabutin mo, kung sakali naman na libre tanong mo muna sa sarili mo kung ok lang sayo 1year bago ka mag ROI
hero member
Activity: 1232
Merit: 503
December 08, 2016, 04:51:07 AM
#7
wag ka mag invest sa antminer s7 hindi worth it yun dahil mahal ang electricity dito sa pilipinas sa ibang miner ka nalang mag invest gaya ng antminer s9 o sa ibang mga miner na may mas malaking TH.
sr. member
Activity: 770
Merit: 253
December 08, 2016, 04:31:06 AM
#6
Maganda yang naisip mo pare pero medyo costly siya. Kung may malaki ka naman puhunan why not invest ka sa trading mas sure pa yon. Sobrang mahal ng kuryente dito sa pinas kaya sabi ng iba hindi talaga 'to advisable dito lalo parating na ang summer lalo tataas ang cost ng kuryente.
hero member
Activity: 560
Merit: 500
December 08, 2016, 04:19:41 AM
#5
Tulad ng sinasabi nila mahirap talagang magmina ng bitcoin at sa tingin ko di profitable. Sa kuryente pa lang luging lugi ka na dahil mahal kuryente dito sa Pilipinas. Mainit din dito kaya mangangailangan yan ng maraming cooling fan, at maaari pang magdulot ng sunog yan so maaari ka pang mawalan ng bahay. Kung investment lang naman marami pang ibang magandang pag investan dyan like altcoin trading o kaya magmina na lang ng altcoins dahil pwedeng mamina ang ibang altcoin ng walang binibiling miner. PC lang ang gamit.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
December 08, 2016, 03:44:52 AM
#4
Tama ung cnsabi nila na mahirap mag mine ng bitcoin dito sa pilipinas,kc sa.kuryente p lng talo ka at isa pa pag maiinit ang panahon baka masira p antminer mo,sa.kuryente p lng kukulangin p pambayad ung namine mo.
hero member
Activity: 1274
Merit: 513
December 08, 2016, 03:41:25 AM
#3
Base on my research about mining in the Philippines before I started the topic like mining in the Philippines but the people said if you want to mine here don't  do this. because the electricity is very expensive . and you need more exosfan because the heat can cause fire . I think if you want to mine try to mine an altcoin the price is very low because if the altcoin you mine is increasing you are very lucky. But if you want Bitcoin its your choice sir if your income is good go and mine now!
sr. member
Activity: 644
Merit: 251
December 08, 2016, 02:49:15 AM
#2
kung hobby ang tingin mo sa pag mimina ng bitcoin ituloy mo pero kung profit ang habol mo mas maganda sa ibang venture ang pag invest mo chief.

Malulugi ka sa kuryente at maintenance ng miners dahil habang tumatagal magiging walang kwenta na rin ang hashing powers nila dahil tumataas ang mining difficulty

maingay din hehe
newbie
Activity: 1
Merit: 0
December 08, 2016, 02:39:59 AM
#1
Mga sir/madam Good Day po sa inyong lahat, nais ko lang naman po ng kaunting kaalaman regarding sa mga miner, balak ko po kasing mag invest ng Antminer s7 or kahit anong miner.

Nakakapag mine na ako sa PC using minergate mga 20 PC pro i found out na medyo gapang sa pag mmine kaya po naisipan kong mag invest tulad ng Antminer S7 na nakita ko sa review na ok naman po.

Gusto ko lang po sana malaman kung ano po yung mga PRO and CONS when it comes mining tulad ng ganitong Miner (AntMiner S7).

Salamat po!



Jump to: