Author

Topic: Apat na paraan sa kung paano sumulat ng epektibong blog post (Read 103 times)

legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Nakalimutan mo rin isama ang pagproof read ng iyong natapos na blog article. Minsan di natin naiiwasan na magkamali kaya kailangang iproof read ang article bago ito ipublish.  Dapat meron din kaaya-aya at nakakatawag na pansing lead paragraph na susuporta sa iyong attractive headline.  Dapat interesante rin ang iyong mga main point sa loob ng katawan ng iyong blog.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
(paumanhin kung medyo magulo ang format ng aking sulat baguhan palang po sa pagsulat dito sa forum)
Importante din yata sa blogging na alamin mo muna kung paano gamitin ang mga formatting tools ng isang platform bago ka mag-post. Tingin ko naman magtatagal ka din dito sa forum at marami pang ipo-post kaya tignan mo yung gabay na ginawa ng isang member - [LEARN] BBCode Lessons & Tutorials [+tutorial videos!]

Saan ka madalas magsulat? Medium? Steemit?

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
How about yung spelling or grammar natin? Siguro ito ang isa sa pinaka importante na dapat rin nating tandaan sa pagsusulat. Para mas maiparating natin ng maayos ang gusto natin, dapat tama rin ang grammar at siyempre ang spelling. Critical na dapat gumamit tayo ng spelling software at least para pag nabasa naman ng audience mo/natin ay mapapabilib sila.  Wink
jr. member
Activity: 218
Merit: 1
I like Strawberry Milk
Nahihirapan ka ba gumawa ng mga blog entry para sa mga sinasalihan mong bounty? Nandito tayo ngayon upang alamin kung paano magiging epektibo at makabuluhan ang iyong mga sulat.

#1: Pagsusulat ng natatangi at kaakit-akit na pamagat
    Ika nga nila bilang mga tao tayo ay paminsan mababaw, parang ganito lang iyan "We judge a book by it’s cover and a blog post by it’s title." kung kaya't para sakin napakahalaga ng pamagat para sa tagumpay ng isang
    blog.

 - Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga salitang pinaka angkop sa iyong paksang isusulat.
 - Maging mapili sa mga salita na gagamitin sa iyong pamagat upang mapanatili itong natatangi at kaakit-akit sa mata ng mambabasa.
 - Hangga't maaari ay gumamit lamang ng maikling pamagat. (depende parin ito sa iyong blog na isusulat)


#2: Paggamit ng Bullet Points
    Dahil ilan sa mga mambabasa ay sinisilip muna ang mga mahahalagang impormasyon sa loob ng isang blog ay kailangang tiyaking i-highlight ang pinaka mahahalagang impormasyon sa
    blog.

 - Iwasan ang kalat-kalat na pag gamit ng Bullet Points.
 - Huwag sumulat ng talata sa loob ng mga bullet.
 - Tandaan ang mga bullet ay hindi mga pangungusap. para lamang itong mga headlines.
 - panatilihin simetriko ang bawat bullet.


#3: Paglalagay ng mga imahe
    Ayon sa pag-aaral mas mabilis na poproseso ng ating utak ang mga visual content kaysa sa text based content.

 - Gumamit ng angkop na imahe base sa iyong isinulat.
 - huwag kalimutang ilagay ang source o pinagmulan (maaari na isa itong link o iba pang pinagmulan ng ginamit na imahe) ng mga imahe na iyong ginamit sa dulo ng iyong blog kung kinakailangan.
 - Gumamit ng mga malilinaw at kung kaya ay ilinya o ipagpantay-pantay ang mga imahe.


#4: pagdagdag ng malinaw na call-to-action
    Isa ito sa pinaka importante na bahagi sa pagsusulat ng blog, Dahil dito mo puwedeng makausap ang iyong mga mambabasa at mabisa itong paraan upang humakot ng mambabasa.

 - hilingin sa iyong mga mambabasa na mag-iwan ng komento at patungkol sa nilalaman ng nabasang blog.
 - hilingin na i-share o ibahagi ang iyong blog ika nga nila upang kumalat ito ng mabilis sa komunidad.
 - siguraduhing malinaw na sinasabi mo kung ano ang gusto mong gawin nila patungkol sa iyong blog.
 - Magpasalamat sa iyong mga mambabasa

   Halimbawa:
       "if you like this post, then I’d really love it if you can share it with your friends on social media."
       "feel free to comment your questions or suggestions in the comment section and we'll have a discussion about it"

 Sana ay nagustuhan ninyo ang aking "Apat na paraan sa kung paano sumulat ng epektibong blog posts" at sana ay makatulong din ito sa ating journey sa pagccrypto. Kung mayroon din kayong ibang paraan at istilo sa pagsulat ng blog huwag kayo mahiyang ibahagi ito sa comment section.

(paumanhin kung medyo magulo ang format ng aking sulat baguhan palang po sa pagsulat dito sa forum)

~molder BTC
happy to help!  Smiley

        
      



Jump to: