Author

Topic: ASJ Global Legit or Scam? (Read 291 times)

hero member
Activity: 2912
Merit: 674
July 16, 2022, 07:30:59 AM
#19
It's an obvious scam kabayan, basta may word na recruit, parang networking lang yan.

Mabuti pang lumaya nalang sa ganyan kaysa magsisi sa bandang huli, ang hirap kasi sa atin mahilig tayo sa easy money, kaya madali tayong naloloko.
Sana mag trading nalang, kahit konte ang kita at least alam natin na legit, basta too good to be true and return, scam yan.
hero member
Activity: 2660
Merit: 608
Vave.com - Crypto Casino
July 15, 2022, 08:28:58 AM
#18
Nag pop sa wall ko yang post ng ASJ at nakita ko rin itong thread. Yung panibago naman nilang post dyan ay meme nalang. Sana lang talaga mas maraming mga kababayan natin ang matuto financially para maiwasan na din itong mga ganitong uri ng scheme. Yung crypto na legit *although may mga scam din* sinasabi nilang literal scam pero sila, direkta silang nagpapaloko at nagpapascam sa mga ganitong scheme. Paulit ulit nalang talaga at marami pa ring nagogoyo dahil sa kasakiman tungkol sa easy money.
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
July 14, 2022, 03:08:24 PM
#17
Ngayon ko lang to nakita sa newsfeed ko. Bakit pa kaya sila mag lalagay ng ganyang terms na if mamatay ang ASJ members eh saka lang nila makukuha ang refund nila. Pwede nito ma bigyan ng idea yung mga ASJ investors para makuha refund nila, Especially if yung ASJ investor is gipit na or nag kalubog-lubog na utang or depressed dahil sa scam na yan. This is really alarming!!!

Credits to PH Metaverse Facebook
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
July 14, 2022, 11:04:07 AM
#16
May thread ba tayo ng mga possible scam projects?
Hindi ako sure, pero sa pagkakaalam ko wala pa tayong general na thread para sa mga scams.

Pinakita lang sa akin yong website nila kabayan at sabi ng kasamahan ko dito sa trabaho ay parehas daw ng interface pero yan yong website na nilagay mo sa taas.

May nakita ako sa youtube kung saan ni-review niya yong pagkagawa ng website ng ASJ at BGI, ayon sa kanya ay posibli raw na isang tao lang ang gumawa ng kanilang mga website.
Salamat Smiley Nareport ko na ang BGI [sa registrar nila (GoDaddy)] kahit alam ko na kaunti palang ang red flags nito at hindi halata na may mga similarities with ASJ.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
Undeads.com - P2E Runner Game
July 14, 2022, 08:11:28 AM
#15
May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment),
Paki post yung website nila, para makapag report tayo sa registrar nila... Isa lang ang nakita kong "BGI" na website, pero hindi magkapareho ang interface niya kay ASJ. Yan ba ang tinutukoy mo kabayan or iba?

Pinakita lang sa akin yong website nila kabayan at sabi ng kasamahan ko dito sa trabaho ay parehas daw ng interface pero yan yong website na nilagay mo sa taas.

May nakita ako sa youtube kung saan ni-review niya yong pagkagawa ng website ng ASJ at BGI, ayon sa kanya ay posibli raw na isang tao lang ang gumawa ng kanilang mga website.

Code:
https://www.youtube.com/watch?v=5_zEZrg3Msc&ab_channel=TsadaniSolution

Sana lang ma-aware yong SEC natin sa ganitong mga investment scam para sila na yong magbabala sa mga tao na huwag tong patulan kasi pag tayo-tayo lang ang nagwa-warning ay hindi tayo paniwalaan sa umpisa.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
July 13, 2022, 05:53:55 PM
#14
May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment),
Paki post yung website nila, para makapag report tayo sa registrar nila... Isa lang ang nakita kong "BGI" na website, pero hindi magkapareho ang interface niya kay ASJ. Yan ba ang tinutukoy mo kabayan or iba?
May thread ba tayo ng mga possible scam projects? Siguro malaking tulong ito if andun lang lahat ng mga scam projects para makaiwas naren ang nakakarami. Paulit ulit nalang ang ganitong scheme sa Pinas at mukang marame paren talaga ang mabibiktima, sana natuto na ang nakakarami sa atin at sana wag na padalos dalo sa pagiinvest. Ugaliin mag aral kung paano tatakbo ang iyong investment, at wag sasali sa mga suspicious scheme.
Oo paulit ulit nalang talaga, kaya ito ren ang dahilan kung bakit naghihigpit si SEC at pati yung mga legit na project ay nadadamay. Agree ako sa wag magiinvest basta basta pero alam naman naten ang nga Pinoy, gusto ng easy profit kaya mabilis magtiwala. Anyway, di ako pamilyar sa BGI na ito pero upon searching mukang marame ren ang naakit nito, magingat sa paglalabas ng pera mga kababayan.
sr. member
Activity: 2310
Merit: 355
July 13, 2022, 05:49:23 PM
#13
May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment),
Paki post yung website nila, para makapag report tayo sa registrar nila... Isa lang ang nakita kong "BGI" na website, pero hindi magkapareho ang interface niya kay ASJ. Yan ba ang tinutukoy mo kabayan or iba?
May thread ba tayo ng mga possible scam projects? Siguro malaking tulong ito if andun lang lahat ng mga scam projects para makaiwas naren ang nakakarami. Paulit ulit nalang ang ganitong scheme sa Pinas at mukang marame paren talaga ang mabibiktima, sana natuto na ang nakakarami sa atin at sana wag na padalos dalo sa pagiinvest. Ugaliin mag aral kung paano tatakbo ang iyong investment, at wag sasali sa mga suspicious scheme.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
July 13, 2022, 10:03:17 AM
#12
May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment),
Paki post yung website nila, para makapag report tayo sa registrar nila... Isa lang ang nakita kong "BGI" na website, pero hindi magkapareho ang interface niya kay ASJ. Yan ba ang tinutukoy mo kabayan or iba?
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
July 13, 2022, 03:21:48 AM
#11
Just for the closure of this thread, scam talaga yong ASJ Global, ang daming kasamahan ko sa trabaho ang na-biktima hahay, halatang-halata naman na scam pero tigas talaga ng ulo nila at may iba pang nagdag-dag ng kailangan investment.

May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment), ingat kayo dito at kung maari huwag na kayong pumasok kahit gaano man katamis mag-salita yong magre-recruit sa inyo dahil talagang scam yan.


Ganun talaga pag wala pa masyado idea or experience sa gantong "investment" schemes. I'm sure too good to be true ang offers nung ASJ Global na yan kaya maraming pumasok na kasama mo sa trabaho, Maraming nag pasilaw sakanila at wala tayong magagawa dun lalo na kung hindi sila nakikinig sa advice mo. You did your best in giving a warning and nasasakanila padin yun if mag pull out na sila that time pero wala eh. Paulit ulit lang ang ganitong schemes ehhh halos ang naiiba lang is yung front end reason nila para kumita ang investment nila. Dun palang sa signal para sa sure profit is red flag agad.

Well, Ignorance is a bliss.
member
Activity: 1355
Merit: 67
July 12, 2022, 09:03:53 PM
#10
rinse and repeat lang ginagawa nila, magsasara at mag bubukas ng bagong scam tapos lipat sa ibang address. Dapat kasi meron ng tumututok sa mga ganito scams ilang taon ng nakalipas ang lakas parin ng ganitong uring racket ng mga scammers.
legendary
Activity: 2296
Merit: 1063
July 12, 2022, 05:17:37 PM
#9
Just for the closure of this thread, scam talaga yong ASJ Global, ang daming kasamahan ko sa trabaho ang na-biktima hahay, halatang-halata naman na scam pero tigas talaga ng ulo nila at may iba pang nagdag-dag ng kailangan investment.
let me guess, di na sila makapag withdraw? tapos sisisihin nila yung cryptocurrency sa mga nangyari sakanila. ang hirap kasi sa mga tao minsan masyadong greedy kahit napaka obvious na ng scam eh papatulan pa.

May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment), ingat kayo dito at kung maari huwag na kayong pumasok kahit gaano man katamis mag-salita yong magre-recruit sa inyo dahil talagang scam yan.
di na ko magugulat kung may ma scam din yang bagong "broker" na yan sa sobrang gulibble ng mga tao madami sila mabibiktima especially yung mga tao na gusto kumita ng mabilis.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
Undeads.com - P2E Runner Game
July 12, 2022, 09:32:13 AM
#8
Just for the closure of this thread, scam talaga yong ASJ Global, ang daming kasamahan ko sa trabaho ang na-biktima hahay, halatang-halata naman na scam pero tigas talaga ng ulo nila at may iba pang nagdag-dag ng kailangan investment.

May bago na naman na sumulpot na kapareho lang ng interface kay ASJ, yong BGI (Bullet Global Investment), ingat kayo dito at kung maari huwag na kayong pumasok kahit gaano man katamis mag-salita yong magre-recruit sa inyo dahil talagang scam yan.

legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
April 03, 2022, 12:57:02 PM
#7
Nagkausap din kami ng ibang kasamahan ko sa trabaho na hindi pa pumasok dito at sabi nya ay mae-expire daw yong domain nila later this year pero di ko lang alam kung saan yon makikita (di kasi ako masyadong technical sa ganitong mga bagay).
Yes, tama sila... You can find that information sa previous post ko [click mo lang yung link sa huling quote].

Kung totoo ito, maglalaho ba sila na parang bula?
Kahit irenew pa nila yung domain, that could happen at any time [unfortunately] at mukhang mayroon na silang back up website:

hero member
Activity: 2072
Merit: 542
Undeads.com - P2E Runner Game
April 03, 2022, 08:46:32 AM
#6
Sa website nila, they're claiming na "2009" ang establishment date nila, pero in 2021 lang naregister yung domain:


Nagkausap din kami ng ibang kasamahan ko sa trabaho na hindi pa pumasok dito at sabi nya ay mae-expire daw yong domain nila later this year pero di ko lang alam kung saan yon makikita (di kasi ako masyadong technical sa ganitong mga bagay). Kung totoo ito, maglalaho ba sila na parang bula?

Ang daming red flag OP, kaya iwas ka nalang diyan para nasa safe side ka palagi.

Kung gusto mo ng totoong trade, punta ka nalang sa Binance o sa ibang reputable trading sites.
Basta may word na "recruit", mahirap yan, parang networking lang ang datingan, kaya napakalaking posibilidad na scam yan.
Marami rami ring palang video ito sa youtube, merong nag po promote, meron ding nagsasabi na scam.

Oo, daming red flag pero hindi mo talaga sila maawat-awat dahil ang nakikita nila sa ngayon ay yong profit every night of trading lang. Yong isa na nag-invest ng 60K pesos ay magkaka-profit daw siya ng average of 3k pesos kada gabi kaya medyo bulag na sila sa mga red flag  Smiley.
hero member
Activity: 2702
Merit: 662
Play Bitcoin PVP Prediction Game
April 01, 2022, 04:37:10 PM
#5
Ang daming red flag OP, kaya iwas ka nalang diyan para nasa safe side ka palagi.

Kung gusto mo ng totoong trade, punta ka nalang sa Binance o sa ibang reputable trading sites.
Basta may word na "recruit", mahirap yan, parang networking lang ang datingan, kaya napakalaking posibilidad na scam yan.
Marami rami ring palang video ito sa youtube, merong nag po promote, meron ding nagsasabi na scam.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 27, 2022, 08:36:15 AM
#4
Basta ganitong signal sa trading, malamang scam rin ito.

May warning na rin kaya red flagged talaga ito at kailangan i avoid para di ma scam.
Siguro sa umpisa paying pa, pero sa bandang huli scam na rin ito .

Naalala ko din dati merong trading signal investment na wala daw talo, kung mali daw babayaran ka naman daw ng company, dami ring naluko noon.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
March 27, 2022, 08:06:01 AM
#3
May nagre-recruit daw sa kanila
~Snipped~
Ang red-flag lang para sa akin sa broker na ito ay yong wallet na kung saan pinapasok yong pera nila ay iisa lang ang address, pwede ba yon?
Usually, may kanya-kanyang addresses ang bawat users para madali nilang ma-identify, pero the fact na nagre-recruit sila is a clear indication na hindi sila legit!

at anong comment ninyo sa broker na ito.
Sa website nila, they're claiming na "2009" ang establishment date nila, pero in 2021 lang naregister yung domain:

legendary
Activity: 2296
Merit: 1063
March 27, 2022, 07:31:22 AM
#2
Ang red-flag lang para sa akin sa broker na ito ay yong wallet na kung saan pinapasok yong pera nila ay iisa lang ang address, pwede ba yon?
so ang systema ay pag nag bigay ng go signal yung "broker" eh mag sesend sila ng pera dun sa address na binigay sakanila?

Anyways, try ko lang na magtanong kung meron na bang nakasubok sa inyo rito at anong comment ninyo sa broker na ito.
this is my first time hearing about them. tsaka from the looks and base na rin sa scam warning na nabasa ko sa google nung nag search ako ay of it napaka suspicious ng galaw nila. if I were you bibigyan ko na ng warning yung workmates mo regarding the possible scam na mangyayari.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
Undeads.com - P2E Runner Game
March 26, 2022, 06:52:20 PM
#1
Lately lang may mga kasamahan ako sa trabaho na pumasok sa kalakarang ito. May nagre-recruit daw sa kanila para mag trading sa forex at bibigyan daw sila ng signal para sa sure profit at sa ngayon mukhang okay pa naman dahil everyday mayroon naman silang profit sa mga trades nila dahil nga sa signal daw na ibinigay.

Ang red-flag lang para sa akin sa broker na ito ay yong wallet na kung saan pinapasok yong pera nila ay iisa lang ang address, pwede ba yon?

Anyways, try ko lang na magtanong kung meron na bang nakasubok sa inyo rito at anong comment ninyo sa broker na ito.

Below is a link to the review i found online, mukhang hindi maganda mga review nila.

https://scamwarning.org/asj-forex-global-review-asjfx-co-a-dangerous-broker/
Jump to: