Author

Topic: ATTENTION INVESTORS. Beware of Scams (Read 265 times)

jr. member
Activity: 87
Merit: 1
Translator
September 22, 2018, 02:34:43 AM
#16
Kaya madaming scam na ganyan because madami din kasing nagpapaloko. Yung ibang pinoy kasi pag nakakita lang ng income, gusto agad pasukin without researching. Oo lang ng oo pero hindi pinag aaraln kung ano ung papasukin. Kahit talamak na yung pyramiding scam eh patuloy pading naloloko yung iba nating kababayan.

Simula nung nagsurge ang price ng bitcoin last year, ginamit na din ng mga scammers yun para makapangloko ng kapwa nila.

Simple lang naman ang pang prevent sa scams e. RESEARCH. konting click konting basa lang.

Ika nga nila, walang manloloko kung walang magpapaloko
full member
Activity: 680
Merit: 103
September 21, 2018, 08:48:59 PM
#15
Yang mga ganyan gawain mismo ang dahilan kaya tuloy scam tuloy ang tingin ng ilan nating kababayan sa bitcoin at cryptocurrencies, hindi nila alam na ginagamit lang pala ng iilan ang pangalan nito para sa kanilang maasasamang gawain, dapat mapaalam sa mga investorsat mga balak palang mag invest na scam yang mga online web site na yan para hindi na sila maka pang biktima pa ng mga inosenteng mamumuhunan, at tsaka asan na ang gobyerno sa usaping ito may ginagaga na ba sila, yung sec nasilip na ba yan, sana tingnan na nila yan sa lalong madaling panahon upang mapigilan yan silang mga manloloko at scammers na yan.
member
Activity: 280
Merit: 60
September 04, 2018, 06:13:24 AM
#14
Hindi pa din kasi nadadala tong iba eh hindi naman manloloko yang mga yan kung wala naman mag papaloko. Sabagay underground naman kasi talaga ang crypto at madami pa talagang kababayan natin na wala pang ideya kung ano ito. Sa mabulaklak na eksplenasyon may mga kababayan talaga tayong maloloko. High tech din talaga ang mga manloloko pati industriya na to ginawa pa ng dahilan para makapang lamang.
newbie
Activity: 12
Merit: 0
September 04, 2018, 12:35:51 AM
#13
muntik narin ako na scammm ... nyan mga akala`in mo mag babayad na ng acct. for just 600 .. may acct. kana tapos may weekly PAY  kana daw !! kaya sabagay . madami mga kababayan natin na na scamm dahil na sisilaw sila sa ganyang mga bagay
hero member
Activity: 1176
Merit: 509
September 01, 2018, 10:04:32 AM
#12
Nagtataka ako sa ibang mga Pinoy. Alam na naman nila na madami na ang nagkalat na SCAMPANY ngayon pero bakit madami pa din ang naiiscam? Yung iba kasi kapag sinabing may risks sa investment takot na agad sila maginvest. Kapag sinabing risk-free at kikita sila ng malaki, doon sila nagiinvest! Alam naman nila na walang investment na walang risk at wala ding investment na maglalagay ka ng maliit na puhunan pero kikita ka ng malaki!
newbie
Activity: 70
Merit: 0
August 31, 2018, 02:04:07 AM
#11
yes tama ka diyan bro madaming pinoy ngayon ang mga sumasali sa mga investment na kung saan ay scam minsan kapwa pinoy din ang nangloloko sa kapwa pinoy kaya minsan wala ng  nagtitiwala sa mga pinoy dahil nga sa mga ganyang klase ng tao



hero member
Activity: 3024
Merit: 629
August 30, 2018, 11:25:26 PM
#10
Kalimitan ng kumakagat sa mga ganyan baguhan lang wala masyado alam tungkol sa legit investment sa crypto at naghahanap ng easy money. Marami akong group sa fb at usually mga referrals at scam offer nakikita ko, sa panahon kasi ngayon mag post ka lang sa group na marami kang hawak na pera o mamahaling gamit na nabili sa pamamagitan ng business na ino offer mo sigurado yan asahan mo yung mga comment ngpapaturo kung pano. Ang mahirap lang kung wala ka alam mabibiktima ka talaga, kaya sa mga kababayan natin na gusto kumita sa crypto unahin muna natin i educate yung sarili natin bago tayo magsimula humanap ng opportunity para mgka income dahil mas mabuti yung may alam para iwas scam.
newbie
Activity: 52
Merit: 0
August 30, 2018, 11:11:14 PM
#9
Nakaranas na den ako ma scam ngayong month lang dahil sa isang advertisement nang isang Hyip na site my video cla sa youtube na may Mining facilities sila sa Europe malaki ang balik almost 60% sa na invest kya marami kaming na enganyo dito sa Probensya. hindi man lang ako naka withdraw nang isang bisis kya ngayon ayaw ko na talaga sa mga easy money scheme or HYIP nayan. Cry     
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355
August 30, 2018, 02:30:55 AM
#8
Ayan ng pangit sa ugali ng pilipino, basta usapang kikita ka ng malaki, papatusin agad kahit di alam yung background nung platforms. If you want to invest on something, mas better na magtanong sa kilalang investor kung ano yung irerecommend nilang platform or ask here in the forum for some advices to know kung pano malaman kung scam ba si ganton platform.

Noon at hanggang ngayon walang pinagbago marami pa rin ang nadadala sa perang madalian ang iba nga dyan eh alam nila na scam ang pinapasok nila pero nang-eenganyo pa rin ng iba na sumabay sa pagpasok basta ba nasa ibaba sa kanilang referrals link sa pag sign-up...walang pakialam na madungisan ang kanilang pangalan o reputasyon dahil sa pagsali sa mga ponzi types of programs. Pero gusto ko ring i-point out na hindi lamang ang mga Pinoy ang mahilig sa ganitong mga scams pati na rin ang nasa ibang bansa...karamihan nga ang gumawa ng mga ganitong mga programa eh naka base sa labas ng bansa kaya wala yan sa lahi...nasa mindset yan o paniniwala. Itigil na sana antin ang pagsali mga onpal programs o yung madalian ang resulta kasi di talaga yan mag-last at kawawa yung mga nasa huli ang pagsali di sila makakabawi. Sa ngayon ang mga scams na to ay ginagamit na ang cryptocurrency at lalong napasama sa mata ng iba ang cryptocurrency...tulungan natin ang paglinis sa merkado wag tayong sumali ng basta basta at maging biktima.
jr. member
Activity: 149
Merit: 1
August 30, 2018, 12:34:35 AM
#7
Yes andami na talagang pilipino ang na iinvolve sa crypto sadly mali ang kanilang pinapasukan at sumasali sa mga investment scam na ang pangako sakanila ay kikita ng malaki na mali dahil wala naman talaga kasiguraduhan sa crypto and napaka risky ng crypto at walang assurance sa pag iinvest dito, ang dami ngayong pilipino kahit kapwa pilipino niloloko kumita lang ng pera naway magkaroon pa ng mga pag aaral ukol sa crypto ang ating gobyerno.
member
Activity: 106
Merit: 28
August 29, 2018, 11:13:44 PM
#6
Ang madalas na nagtatanong ng "How?" ay mga kasabwat o di kaya ay sila yun mahilig sumali sa mga easy money scheme or HYIP kahit alam nila na ito ay scam at karamihan dyan na nag rerefer ay hindi naman nag iinvest nang eenganyo lang sa mga investor para kumita sa commission.
newbie
Activity: 126
Merit: 0
August 29, 2018, 11:02:24 PM
#5
Madalas ko itong makita lalo na sa pag fafacebook. Kalat ngayon ang mga ganyang klaseng scam kung saan kikita ka ng malaki sa pag rerefer, or pag kikita ng malaki sa maliit na halaga lang na investment. at tayong mga pilipino naman ay agad agad nagtitiwala sa mga ganitong paraan ng pag sscam.Kaya dapat lagi tayong alerto.Dapat alamin mo muna ang bawat detalye at ang mga humahawak ng iyong papasukan para maiwasan maiscam
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
August 28, 2018, 09:29:13 PM
#4
Salamat sa paalala pero di talaga maiwasan ganyan lalo sa wala kamuwang muwang sa crypto at mga hindi techies na bago sa kalakalan. Hinahalo bitcoin na sa ponzi need natin i educate din sila gaya sa adhikain ng coinrunners at bilibit.
jr. member
Activity: 462
Merit: 1
August 28, 2018, 09:03:15 PM
#3
Marami talaga ngayon nag kalat na scam sa pilipinas lalo na nung simikat ang bitcoin at crypto dito sa ating bansa. Maraming nahumaling sumali sa kung saan saan na investment hyip tas ayon sa una kumikita tas sa huli itatakbo mga pera. Yung iba wala paring pagbabago sali parin ng sali kasi nga daw pag nauna ka kikita ka edi kawawa yung mga nahuling sumali mananakawan lang sila. Dapat pag ganyan iwasan nyo nalang mag sali ng mag sali or wag na kayo mag pasali kung sasali man kayo sa mga ganyan. Pero ang magandang gawin sana wag nalang sumali para mag sara agad agad yang mga ganyan.
jr. member
Activity: 180
Merit: 4
August 28, 2018, 06:56:54 AM
#2
Ayan ng pangit sa ugali ng pilipino, basta usapang kikita ka ng malaki, papatusin agad kahit di alam yung background nung platforms. If you want to invest on something, mas better na magtanong sa kilalang investor kung ano yung irerecommend nilang platform or ask here in the forum for some advices to know kung pano malaman kung scam ba si ganton platform.
jr. member
Activity: 102
Merit: 3
August 28, 2018, 04:18:38 AM
#1
Filipino Financial Facebook Groups are filled with posts, referral links, advertisements, and invitations on scam platforms like Ethonline and BTConline. What's worse is that nobody seems to notice nor care that they are scams. Scam posts usually get a lot of comments with members asking "How?"

This needs to stop if we are to take advantage of the powerful and life-changing technology known as crypto. We need to learn which is legit and which is a scam


https://youtu.be/TdLrxfgAoDk
Jump to: