Author

Topic: Aub bank, pag-ibig fund atm mabilis ang transaction galing coins.ph (Read 169 times)

sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Dinownload ko na kahapon yung app na Hello Pag-ibig pero kailangan pala meron ka ng loyalty card plus at dapat merong at least 1 month contribution sa loob ng huling anim na buwan sa pag apply nito at may bayad na 125 pesos.

Hindi ko lang alam kung iba pa ito sa dating loyalty card ng Pag-ibig na meron na dapat ako or iisa lang?

Kung matagal kana na myembro ng pag-ibig kabayan ay hindi na kinailangam ang 1 month contribution dahil kasama na yan sa deductions mo kapag may trabaho ka. Kung wala naman ay, personal mo itong lalakarin upang ma comply mo ang kailangang gagawin upang magkaroon ka ng card na ito.
Yung dating card ay ok din naman kaso, iba itong bagong card kasi ito ay iyong ATM at kompleto na ito kasi para nang identification card dahil may id picture mo mismo naka printa. Dapat meron ka talaga nito dahil magkaiba sila sa dati.
Paki tingnan ang link na ito sa karagdagang impormasyon: https://www.aub.com.ph/hellopagibig
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Dinownload ko na kahapon yung app na Hello Pag-ibig pero kailangan pala meron ka ng loyalty card plus at dapat merong at least 1 month contribution sa loob ng huling anim na buwan sa pag apply nito at may bayad na 125 pesos.

Hindi ko lang alam kung iba pa ito sa dating loyalty card ng Pag-ibig na meron na dapat ako or iisa lang?
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Actually kapag kukuha ka ng Loyalty card nakadipende kung anong card ang available, hinde kase laging AUB bank ang option, meron den kasing Unionbank and di ka naman makakapili kase sa Pag-ibig site ikaw mag oopen.

Ang nakuha ko ay Unionbank na Loyalty card which I think is ok den naman, di ko pa na try ang AUB pero mukang maganda naman. Maganda ang Loyalty card system ngayon, malaki ren ang mga discount nito sa mga fastfood chain.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Ngayon lang ba ito 2021? Meron kasi akong loyalty card den sa Pag-ibig kaso di ko na rin nakuha at naging busy sa offline business last 2 years kaya di ko na rin nakuha pwede ba malaman sa website nila kung eligible ka sa ganyang card or dapat may regular na hulog? na stop den kasi ako sa Pag-big.  
Same tayo, nag message na rin sakin dati ang Pag-ibig na pwede ko ng kunin sa kanila yung loyalty card ko kaso hindi ko pa nagawa hanggang ngayon, ilang taon na ang nakalipas. Siguro kaya dahil hindi na ako nag kainteres na kunin dahil sa hindi ko na rin napag patuloy yung paghulog ng contribution ko.

Mukhang maganda rin nga itong alternative lalo na kapag nagka aberya ka sa ibang bank account o ATM mo. At instapay din ang gamit nila, hindi tulad ng ibang bank gaya ng ING na pesonet lang.

Salamat sa pag share nito OP, check ko yung mobile app nila.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Ngayon lang ba ito 2021? Meron kasi akong loyalty card den sa Pag-ibig kaso di ko na rin nakuha at naging busy sa offline business last 2 years kaya di ko na rin nakuha pwede ba malaman sa website nila kung eligible ka sa ganyang card or dapat may regular na hulog? na stop den kasi ako sa Pag-big. 
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Mukhang maganda OP ah... ma try nga ito, may record naman ako sa PAG-IBIG although hindi na ako active na naghuhulog ngayon. Pag ka sign up online, madali lang bang mareceive ang card? gaya ba ito ng GCASH na ipapadala nalang sayo ang card pag na approve ang online application mo?

Thanks for sharing kabayan, feedback rin ako dito kung makakakuha ba ako.

Kabayan ngayun ko lang nabasa ang kumento mo dito sa forum medyo abala sa ibang topic kasi eh. Madali lang mag sign up ng app kasi available lang ito sa playstore, hindi na ganun ka hassle na hahanap kapa ng atm machine ng aub upang mag change pin. Gamit ang app pwede mo ma control ang pin ng iyong atm card, kaya safe ito kapag may magnanakaw neto pwede mong e block agad.

@Oasisman kabayan, tungkol sa InstaPay hindi lahat ng bank available ito dahil meron din akong bpi kaso mas mahal ang fee aabot hanggang 20php at halos isang araw aabot ang pera mo sa iyong account.
Depende sa bangko na iyong papadalhan doon mo malalaman kung InstaPay ay applicable.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Bakit ka nga pala naglagay ng pondo from coins.ph to cashcard? Do you mean as a wallet na sya? Kasi sa pagkaalam ko iyong cash card is para sa mas convenient na pagtanggap ng loans. Iyong usual kasi is, bibigyan ng check tapos ikaw mismo magpapalit sa bangko. Then sa iba naman, icrecredit sa bank account. Mas ok pala yan convenient although di naman ako nag-loloan hehe. Ok rin alternative if acting as a wallet na sya. Di ko sya makita sa CO options ng coins.ph, anong name?

Ang kagandahan ng atm na ito ay naka kyc na sya dahil mayroon syang nakalagay na mukha at pangalan mo mismo sa card na pag-aari mo.

Lahat ng ATM holder, naka KYC bro. And for ATM lang talaga, pangit yang may nakalagay na mukha. Ang purpose talaga nyan is ID sya pero ginawa ring cash card para di na rin siguro hassle na magkaroon pa ng isang separate card.

Bukod pa dito ay, nag transact ako gamit ang coins.ph at mabilis lang gamit ang InstaPay fee na 10 php, at sa promise na within 10 minutes ay pumasok na agad sa balance ko ang pera na pinadala ko ng mas maaga.

Wala kinalaman iyong card pero pag Instapay, mabilis talaga ang transaction kahit saan.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Pag ibig funds pa lang ba ang updated acceptance nito lods? hindi paba pasok ang SSS at Philhealth ?

but maganda to masubukan nga  since constant naman ako nagbabayad ng pag ibig contribution ko and sa loan update ko.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
Ayos yan basta't may app na makikita mong pumasok talaga yung inilagay mo sa bank account mo from coins.ph.
Ganyan din ginagawa ko bank transfer kaso PNB ginagamit ko at may app din sila na pwede mong tingnan kong pumasok ba talaga ang transaction mo or hindi.
Yung instapay ay talagang instant yan at hindi kana mag aantay ng 10 minutes.

Ang kalamangan lang ng PAGIBIG loyalty card ay magagamit mo sya bilang primary valid ID, government issued ID kasi yan eh.
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Mukhang maganda OP ah... ma try nga ito, may record naman ako sa PAG-IBIG although hindi na ako active na naghuhulog ngayon. Pag ka sign up online, madali lang bang mareceive ang card? gaya ba ito ng GCASH na ipapadala nalang sayo ang card pag na approve ang online application mo?

Thanks for sharing kabayan, feedback rin ako dito kung makakakuha ba ako.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Gusto ko lang ibahagi sa inyo dito ang bagong atm na ginagamit ng Pag-ibig fund na associated sya sa AUB, Asia United bank. Ang kagandahan ng atm na ito ay naka kyc na sya dahil mayroon syang nakalagay na mukha at pangalan mo mismo sa card na pag-aari mo.
Bukod pa dito ay, nag transact ako gamit ang coins.ph at mabilis lang gamit ang InstaPay fee na 10 php, at sa promise na within 10 minutes ay pumasok na agad sa balance ko ang pera na pinadala ko ng mas maaga.
Ang atm na ito ay merong hello pag-ibig app galing sa playstore, recommended ko ito dahil legit ito lalo na kailangan natin sa panahon na ito dahil halos lahat ng transactions may kyc.

Eto ang screenshot ng Hello Pag-ibig app atm,


Jump to: