Kakabasa ko lang ngayon sa isang article[1] ng BitPinas ang isang programang makakahikayat sa mga old players ng Axie Infinity. Ang programang ito ay tinawag na Play to Airdrop kung saan may mga task na gagawin ang mga players para makakuha ng share sa weekly airdrop na 10k AXS.
Heto ang mga available na bounty at mga kinakailangan.
- Pray to Atia : Makaka earn ng 15 points sa pamamagitan ng pag sign in at pagpray kay Atia, ito ay madali lang gawin at walang ibang requirement
- Roll a Pouch : Itong task na ito ay makakapagbigay ng 30 points at kinakailangang ang player ay magroll ng Lucky Pouch o Premium Pouch sa Garuda Shrine Shop, nangangailangan ito ng collectible Axie
- Win PvP in Axie Classic battle: Kapag nakumpleto ang task na ito ay makakakuha ng 35 points, mandatory na na iverify ang result sa Bounty Board
- Win PvP in Axie Origins : Makakakuha ng 35 points kapag nakumpleto ito.
Naniniwala ang Sky Mavis Growth Lead na si Nix Eniego na maaring maging kaakit akit ang programang ito upang muling maisipang maglaro ng mga dating player ng Axie Infinity na huminto na. Heto ang isang Tweet ni Nix Eniego tungkol sa programang Play to Airdrop:
Sa tingin ko isa itong magandang step ang Axie Infinity developer para makuhang muli ang pansin ng mga nagsihintong player. Masasabi ko rin na hindi rin gaanong matrabaho ang mga requirement para makibahagi sa lingguhang airdrop na 10k AXS ang tanging tanong na lang dito ay magkano kaya ang magiging share ng bawat account na magpaparticipate sa ganiton airdrop. Ayon sa online statistics as of today ang bilang ng player ng Axie infinity ay:
So getting the calculation assuming na ang lahat ng player na active ay magpaparticipate at gagawin ang lahat ng task, ay magkakaroon sila ng
10,000 AXS / 358,861 = 0.02 AXS per player
Sa halagang $6.83 (ayon sa current price sa coingecko) per AXS ang bawat player ay makakakuha ng
0.02 AXS x $6.83 per AXS = $0.19 cents o katumbas na Php10 per week (7 days of task grinding)
Maaring tumaas o bumaba ang calculation depende sa dami ng maglalaro at paggalaw ng presyo ng AXS sa merkado. In average of 358,861 na magpapaticipate na player ang isang linggong pagparticipate sa Airdrop ay makakakuha lamang ng Php10. Para sa akin ay hindi siya kaakit akit dahil unless nageenjoy ang isang player sa paglalaro ng Axie Infinity.
Para sa inyo bilang old players na huminto na sa Axie infinity, kaaya-aya ba sa inyo ang nabanggit na programa para muli kayong bumalik at maglaro ng Axie Infinity?
[1]
https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/axie-infinity-play-to-airdrop/