BABALA: HACKERS TARGET ANDROID PHONES FOR MINING THROUGH APPS
Base sa isang article ng
Rappler, may nauuso nang trend ngayon ang mga
hackers pagdating sa
cryptocurrency mining, at ito ay gamit ang
APPS galing sa playstore.
Ang tawag nila dito ngayon ay "
CRYPTOJACKING"
Dahil sa cryptojacking,
babagal ang phone at mabilis maubos ang battery ng mga biktima nang hindi nila nalalaman ang dahilan. Ang mas malala pa, maaari itong magdulot ng
tuluyang pagkasira ng inyong mga smartphone. Base sa isang security researcher at expert na si David Emm, isang taon pa lamang nauuuso ang trend na ito.
BAKIT ANDROID?Sabi ng mga experts,
mas tinatarget ng mga hackers ang mga phones na umaandar gamit ang Google's Android OS dahil mas vulnerable ito kesa sa mga Apple products.
Ito raw ay dahil mas may control ang Apple sa kung anong mga apps ang pwedeng ma-install sa kanilang mga devices dahil may sarili silang app store, habang sa Android naman ay mas madaling maglagay ng apps sa Google playstore.
Paano nga ba nila ginagawa ito? Ayon kay Emm, gumagawa ang mga hacker ng mga mukhang kaaya-aya na apps at mga laro para itago ang masamang balak; kumbaga ay ito ang
Trojan Horse ng cyberworld, ika nga niya.
Once na ma-download ito ng user, automatic na magi-install ng malware ang app sa device ng user, mapa-smartphone o computer man. Itong malware na ito ang gagamit ng CPU ng device ng user para sa pagma-mine ng cryptocurrency.
ANONG MAAARING GAWIN LABAN DITO?1. I-update lagi ang iyong android phone sa latest na OS na available, 'wag nang patagalin pa.
2. Mag-install ng mga trusted na antivirus softwares, tulad ng: Avast, Norton, Kaspersky. (Kung may nais kayong idagdag, mas maganda)
3. Wag magdownload ng apps galing sa mga unofficial sources. In short, magresearch muna tungkol sa developer ng app na gusto mong i-install.
4. Maghanap ng mga misspellings, typos, at wrong grammar sa mga apps na balak niyong i-download. Dito niyo malalaman ang credibility ng isang app.
5. Magbasa ng reviews, at lalo pang dapat niyo hanapin ay ang mga negative reviews. Kapag may review na nagpapabagal ito ng phone at nanguubos ng battery, magtaka na kayo at baka app for cryptojacking ito.
Hanggang ngayon ay hirap tukuyin ng mga expert kung anong mga app ang nagki-crytptojack, pero isa sa mga apps na ito ang
Bug Smasher, na sa kasamaang palad ay nadownload na ng mahigit 5 milyong tao.
Kaya mag-ingat tayo mga kapatid, baka tayo ang sunod na mabiktima nito. Ayun lamang, maraming salamat sa pagbabasa!!!
PARA SA KARAGDAGANG KAALAMAN, BASAHIN ANG MGA ITO:
https://www.rappler.com/technology/news/210156-cryptojacking-hackers-target-android-smartphones?utm_term=Autofeed&utm_campaign=Echobox&utm_medium=Social&utm_source=Twitter#Echobox=1534955003https://www.techrepublic.com/article/cryptojacking-apps-invade-google-play-store-with-one-even-hitting-more-than-100k-downloads/