So may binisita akong website and nakita ko yung ad na ito. Pangatlong beses ko na ito nakita sa iba't ibang website pa kaya na-curious na ako sa pang huli. And dun ko nga nakita at masasabi na scam nga itong "trading bot" service na ito na galing sa Bitcoin Lifestyle. Paano ko masasabing scam kung wala pang reports na may nabiktima sila? Kung ngayon wala pa nawawalan ng pera pero hindi yun ang basehan para masabi kung legit ba or scam yung serbisyo na binibigay nila.
Ito ang aking basehan kung paano ko sila nasabing scam na serbisyo.
1. Fake Testimonial ArticlesAng mga HYIP sites para ma-promote nila yung kanilang website is gumagawa sila ng fake articles about their users kung paano sila kumita. Itong screenshot na ito ay nagmula dun sa ad na clinick ko. Unang una palang misleading na yung article, sabi "How to get rich with Bitcoin
without Buying" pero dun sa article nila mayroon na 12680₱ na nakalagay which is around 250$ and yun yung minimum investment nila.
Ito naman yung kay Gordon Ramsay article nila about him earning Bitcoin through their trading bot. Pero madali mong masasabing peke ito dahil sa original na
Youtube video kung saan kinuha yung mga pictures sa kunwaring "interview" nila is hindi naman pinag-usapan yung Bitcoin Lifestyle, the video itself has nothing to talk about Bitcoin. Wala ka din makikitang verified feedback kay Gordon Ramsay sa mga official accounts nya about him using Bitcoin Lifestyle.
2. Fake Celebrity EndorsementBukod kay Gordon Ramsay ibang sikat na milyonaryo din yung ginagamit nila yung Pangalan. Sila Bill Gates, Richard Branson, at chaka si Zuckerberg. We all know Bill Gates has negative views towards Bitcoin and biglang may ganito syang account? Branson way back before this site happened already
warned a lot of people na ginagamit yung pangalan nya on fake ads to promote the service.
3. Bitcoin Trading Bot na Hindi tumatanggap ng Bitcoin?This site only accepts credit card payments. Hindi ba kayo nagtataka kung paano ang isang crypto-related investment ay hindi nag-accept ng Bitcoin para sa kanilang Bitcoin trading bot? Obviously yung ganito red flag na kaagad kasi aanihin nila ang Fiat currency or credit mo para makapag start ka sa automatic trading nila. It is already a tell-tale sign na hindi sila nagtre-trade talaga dahil wala naman talagang trading na nagaganap, all you just see is your money "growing"
Tandaan hindi kailangan may mabiktima pa para masabing scam ang isang website/serbisyo. Nandyan na ang red flags sa harapan mo kailangan mo lang maging mapag-matyag at hindi madaling maloko sa ganitong easy way of earning type of scheme. Yung pera mang kung sakaling kikitain mo ay hindi dahil sa trading kung hindi dun sa pera na rini-recycle nila from new entries. Kung matatandaan niyo ganito din yung stilo ng Bitcoin Revolution nung unang sumikat and hindi ako masusurpresa kung isang tao lang nagpapatakbo nito.