Minsan hindi na dn effective yung OTP kahit na pa sms kapag ang may problema na mismo ay ang security ng mga credit card provider.
Nabiktima dn ng ganitong scam ang pinsan ko recently kaya napasilip ako sa thread na ito. May OTP verification ang CC nya kahit pa sa mga e-commerce yet nagamit pa dn ng hacker para mag purchase sa international store.
Based sa explanation ng support ng Metrobank ay wala ng OTP kapag ginamit sa international purchase ang CC nila kaya nagagamit ng hacker kapag nagain na nila yung access sa CC.
Sang ayon ako sa sinabi mo kabayan kasi dapat talaga mas mahigpit kasi malamang sa malamang mas malakihan ang transaction dun at since international yun dapat mas mahigpit at hindi basta basta lalo na kung may OTP na naka setup, dapat mas mahirapan maisagawa ung request transaction.
Yun din ang maganda bago mo gamitin yung card mo meron kang additional protection kaya lang gaya ng sinabi mo mahirap pa rin kung yung site mismo and magloko dun kasi wala ka ng magagawa, yung tipong un site ang nahack malamang damay lahat talaga, magagawa mo na lang dun eh yung pag complain at pag laan ng panahon paano mo mahahabol yung perang madadale sayo.
Hindi mo kasi alam kung gaano katagal at ano un chance mo kung mababawi mo pa or hindi na yung pera mo.