OO dude na lessen na nga, pero itong tolonges na ito hindi parin tumitigil nang panggogoyo sa mga inosente sa crypto space. Puro panghahype parin yung alam na gawin at ayan meron na naman siyang binahagi na kinasira na naman ng kumag na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=vsWd8ZQ1U50Tapos meron pa yang video na dahil nagpump si bitcoin ay feeling expert na naman ang tolonges, kawawa mga nauuto nitong ungas na ito, pagnakikita ko ito nabubwisit na ako, hindi nga ako nanunuod sa youtube account nyan kaya lang napanuod ko naman sa channel ni Atty. libayan.
Marami talaga na mga taong nagmula sa mga Ponzi Scheme like binary, one liner, at mga scam na HYIP (High Yield Investment Program) ang kumakagat sa mga short term scam company. Hindi talaga nadadala ang mga taong binabanggit ko dahil nakatatak na sa isip nila na paunahan na lang, di bale ng malugi ang huli basta sila kumita. Since sure ako marami dun sa mga nauunang sumupurta sa mga ganitong influencer ay kumita ng malaki dahil nauna sila. Kaya kahit na tayong mga nakakaalam na scam ang pinopromote ng isang influencer at pagbawalan natin sila, patuloy pa rin silang papasok sa mga investment na pinopromote ng katulad ni Marvin Favis.
Minsan dapat sisihin din iyong mga taong sumusuporta sa mga ganitong klaseng influencer, hindi sila natututo tapos kapag nascam sila magrereklamo.
Katulad ng nasabi ng karamihan walang masyadong epekto sa bansa natin.
Baka sa mga trader at holder lang talaga, siyempre, kung iba talagang tiba tiba lalo na long term holder kung nagbenta sila near top at nag take ng profits. Pero hindi naman din to makaka apekto sa buong bansa natin nga at hindi naman madami ang nasa Bitcoin or crypto.
Pero sa tin, syempre tuwang tuwa tayo hehehe, bagama't hindi namang opisyal na naka tungtong sa $100k, halos ganun na rin. For sure, sa community natin eh may nagbenta rin kahit paano, kurot kurot lang para maramdaman ang profits, hehehe. Then continue lang na mga save ng Bitcoin para next year dahil sa inaasang malaking bull run na magaganap.
Hindi kasi nagtake advantage ang bansa natin habang bagsak ang presyo ng Bitcoin, puro pamumulitika at palakasan ang nangyayari, mantakin mo ba namang pag-initan ang Binance, eh nagaapply ang Binance ng license sa bansa natin, tapos pinagpaliban pa ang pag-apruba ng mga nag-aaply ng VASP ng ilang taon. Kalokohan talaga ng mga nakaupo sa gobyerno.