Mahigpit rin naman si Coins.ph (AMLA), mas marami lang talaga siyang options.
Yung withdrawal nila is magfill up ka muna ng form which is common rin yan sa PSEI at wala naman problema dun kasi madali lang. Kailangan ng bank account kasi for now bago pa lang yung exchange diretso yata sa bank account mo yung withdrawals.
Deposit is Union Bank pa lang. Ang ganda nito kay UB is meron sila connection kay Ethereum. Means crypto friendly si UB. siya pa lang ata sa lahat ng big banks sa bansa. Mataas nga lang regular savings account nila 100k maintaining balance.
The good thing dito is parang kailangan na tanggapin ng mga kupal na bangko na legit talaga sina crypto currencies since fully documented naman ng Bangko Sentral si COEXSTAR as a trading exchange tulad ng stock market brokers ng bansa.
Si COEXSTAR mas maraming alts, so mas masaya to. Tsaka daily limit sa lvl 3 account is 5 million daily. Si CoinsPro 500k lang daily. Si COEXSTAR 20 million monthly compared sa 15 million ni CoinsPro. Meron naman unlimited limits siguro pero yung requirements parang pang institution na.
Explore ko pa sana yung exchange kasi malay naten mas lesser yung spread at mas competitive yung rates. Pero biglang nag "This page requires authentication". Kahit anong link na eclick ko yan na lumalabas. Kailangan na yata gagawa ka ng account para malaman yung mga details.
May nag open na ba dito ng account? Share naman para dagdag options.