Magandang gabi po, baguhan lang po ako sa bitcoin at ako po nagbabalak mag trade. Ano po maipapayo ninyo na maganda at katiwa-tiwalang local website para mag trade?
Tips tricks welcome po. Salamat
Welcome, kabayan!
As far as the numbers are concerned, meron na daw po tayong 10 BSP-registered exchanges sa Pinas. Iisa lang ang ginagamit ko: Coins Pro, an affiliate of coins.ph. Pero to be honest ayoko doon for many reasons-- limitado ang traded pairs, mababa ang volume, delayed ang deposit and withdrawal processes, delayed din yung updating ng prices vs global average, and a few more. Let us hear from the rest of the locals here about their feedback on the local trading sites.
Pero if I were you, hindi na ako maghahanap ng "katiwa-tiwalang local website para mag trade." Try creating a single account on any of the following trading platforms: Bittrex (old-school ako
), Binance, KuCoin, OKEx, HitBTC, Livecoin, etc. Try using your account to explore the different buttons and tools. At the same time dapat nagbabasa ka rin ng mga articles regarding crypto trading, nanonood ng video tungkol dito, at nagtatanong-tanong sa mga may alam na.
Ang tinitingnan ng karamihan ay dapat mataas ang volume, marami ang available pairs for trading, user-friendly, wala masyadong negative review or feedback, at kung maaari hindi kumplikado ang KYC o kaya ay mataas ang limit sa unverified account.
Marami pa ang magbibigay ng tip sa'yo dito. Magtanong ka lang. Good luck!