Author

Topic: Bakit ang KYC ay lubhang nakakatakot at walang silbi (hindi maaasahan) (Read 747 times)

sr. member
Activity: 700
Merit: 254
Hindi kasi ligtas ang kyc kasi maari ni lang gamitin ang mga info natin sa kalokohan lalo na ito ay pribado. Pero isang beses nagawa ko rin yan pero may saakin d ko ikakaila. Need lang kasi gawin kaya napilitan ako pero nung sumunod na d ko na ako nag pasa NG kyc for May protekyon din.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Not to encourage everyone, pero sa akin, sa kyc related issue ay ibang id ginagamit ko, I mean edited from my original id, I change my address at name dun since may alam ako sa photoshop. Why? Kase alam ko galawan sa crypto websites related sa pag bibigay ng personal data, nakakatakot, minsan yan binibenta, yet wala pa ako sinalihan na ico or bounty na need ng kyc since alam ko wala ako mapapala dyan, never din ako sumali sa airdrop na need ng kyc kahit alam ko safe yung data ko.
Ginagawa ko lang yan pag sa mga exchanges and to any crypto related sites na walang video call or whatsoever, except sa coins, legit info binigay ko dun.
Parehas tayo bossing. Sa coins lang din ako nagpasa ng KYC kasi nga regulated sila ng bangko sentral kaya kung meron man silang gawing kalokohan sa mga info natin, covered tayo ng batas at pwede silang maparusahan ayon sa ginawa nila. Wala na din akong ibang pinagpasahan ng ID ko kasi masyado ngang dumami yung mga nanghihingi ng KYC kahit sa ibang mga casino nga nanghihingi na pag nagdeposit ka ng malaki tapos hindi mo rin lang gagamitin kasi withdraw agad.
copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
Not to encourage everyone, pero sa akin, sa kyc related issue ay ibang id ginagamit ko, I mean edited from my original id, I change my address at name dun since may alam ako sa photoshop. Why? Kase alam ko galawan sa crypto websites related sa pag bibigay ng personal data, nakakatakot, minsan yan binibenta, yet wala pa ako sinalihan na ico or bounty na need ng kyc since alam ko wala ako mapapala dyan, never din ako sumali sa airdrop na need ng kyc kahit alam ko safe yung data ko.
Ginagawa ko lang yan pag sa mga exchanges and to any crypto related sites na walang video call or whatsoever, except sa coins, legit info binigay ko dun.
full member
Activity: 519
Merit: 101
Hangga't maaari gusto ko sanang iwasan ang kyc kasi ayaw ko din na magbibigay ako ng mga personal information ko. Syempre hindi na nga natin hawak ang kung ano mang gawin nila at hindi rin natin sila kilala kaya hindi natin alam ku g mapagkakatiwalaan ba talaga sila. Pero dahil may mga project na magaganda, malalaki ang possibleng sahurin kahit na madami man ang sumali, napipilitan akong mapasali.
sr. member
Activity: 1148
Merit: 251
Nakakabahala ang ganito na ang iba ay nirerequire magsubmit ng KYC. Sympre sa atin ay takot manakawan ng pagkakilanlan at gamitin ang sariling dokumento sa masamang paraan. Like sa ibang campaign para makuha ang reward mo sa pagsali ay kailangan magsubmit ng kyc pero after na ng distribution wala ka naman natanggap na kahit ano. Isa ito sa kailangan pagtuunan pansin na maging maingat din tayo pag submit ng dokumento.
sr. member
Activity: 966
Merit: 274
Sa aking palagay, hindi naman sa walang silbi ang kyc o nakakatakot magsubmit dito. Ang dahilan lang naman kung bakit maraming tao ang may ayaw nito dahil takot sila makuhanan ng kanilang sariling impormasyon at magamit sa mga masamang bagay o gawain. Pero sa totoo lang may silbi talaga ang KYC dahil isa rin itong magandang ipatupad sa isang project upang maiwasan ang multiple accounts.
sr. member
Activity: 540
Merit: 252
Paano kaya yung sa binance sir dabs? if di ako nagkakamali diba na hack yun nung 2019 ? nag kyc kasi ako dun safe parin kaya ? di naman kalakihan ang puhunan ko dun pero syempre sayang parin kasi pinaghirapan ko yun.
Lahat naman may risk Lalo na dito sa crypto currency  dahil internet ito at maraming hackers kaya naman kung medyo mahina ang security ng website para I secure ang ating mga identity e yari mga credentials natin.  Sa pahunan mo naman kung hindi ka nag tratrade mas mabuti na full out muna at store mo sa Wallet na hawak mo ang private keys.
newbie
Activity: 38
Merit: 0
Ako ay newbie pero madalas ko n rin syang mbasa sa mga articles, magilig kasi ako magbasa lalo n at sumali ako sa ganitong forum. Di ko alam kung dahilan lang nila ang KYC para daw di magkaroon ng multiple account sa pagsali sa mga project pero i think di n ito kailangan.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Isa pa, remember na balak ko gumawa ng own coin naten? For the airdrop, I would probably require Philippine IDs, like banks do. Eh, otherwise maraming taga ibang bansa ang mag apply para lang sa libreng coins (or maski may bayad) ... I don't really know any other way to limit it unless one can prove residency or citizenship at ang pinakamadali is to request for ID or passport, with greater weight on those who send passports rather than mere SSS ID or LTO driver's licenses.
full member
Activity: 2590
Merit: 228
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..
Dummy emails para sa mga ICO, Airdrops at iba pang bounty na ngangailngan ng email para sa makasali.

Sa pag gamit naman ng KYC pwede naman basta sa sigurado lang. Lalo na't mahihirapan magkaroon ng legitimong transaction kung hindi tayo magpapasa ng KYC sa mga platapormang sumusunod din sa batas.

Katulad nalang ng coins.ph kaya naman kung kina kailangan na gumamit ng KYC gamitin lamang ito sa tamang paraan at iwasan ang mga

  • Airdrops (Required KYC)
  • Not reputable platforms (exchanges, wallet etc)
ang problema lang ay may mga Bounty na sa una walang KYC requirements pero kugn kelan malapit na ang release or payment biglang magbabago ang rules at sasabihing kailangan na ng KYC thinking na wala pa namang assurance ang tokens kung magkaka value or mapapakinabangan ba talaga so mahirap pa ding mag assume regarding kung kelan at paano mag ingat sa mga nanghihinge ng kyc.
full member
Activity: 1339
Merit: 157
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Risky naman talaga sa identity theft ang mag under go ng KYC process even Binance has an issue about KYC leakage sa system nila.
Sadyang napaka risktaker lang talaga ng mga taga Crypto. Sana makahanap ng ibang way aside from KYC  ang mga projects to solve multiple entries.
Tama ka. Hindi masyado makakatulong pagdating sa security ng account mo. Hindi nababagay ang KYC sa Cryptocurrency unless may koneksyon sya sa mga Banko at Gobyerno na kailangan talaga ng KYC. Kung indi naman talaga kailangan para saan pa nila ito gagamitin. Kung sa bounty naman nung una naman okay kahit walang KYC. Kung local siguro mas may take advantage si KYC kasi mas madali natin malalaman kung totoo at madali habulin kung sakaling lokohin tayo.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..
Dummy emails para sa mga ICO, Airdrops at iba pang bounty na ngangailngan ng email para sa makasali.

Sa pag gamit naman ng KYC pwede naman basta sa sigurado lang. Lalo na't mahihirapan magkaroon ng legitimong transaction kung hindi tayo magpapasa ng KYC sa mga platapormang sumusunod din sa batas.

Katulad nalang ng coins.ph kaya naman kung kina kailangan na gumamit ng KYC gamitin lamang ito sa tamang paraan at iwasan ang mga

  • Airdrops (Required KYC)
  • Not reputable platforms (exchanges, wallet etc)
full member
Activity: 612
Merit: 102
Risky naman talaga sa identity theft ang mag under go ng KYC process even Binance has an issue about KYC leakage sa system nila.
Sadyang napaka risktaker lang talaga ng mga taga Crypto. Sana makahanap ng ibang way aside from KYC  ang mga projects to solve multiple entries.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Sa akin lang naman maganda rin may KYC pero doon lang ating pinagka tiwalaan katulad ng sa sinabi niyo dito sa thread na ito na isa na sample ang coins.ph sobrang tiwala tayo kaya ano man hiningi nila ginamapanan talaga natin. Pero iwan ko lang sa ibang sites na nanghihingi ng KYC Im sure matatakot talaga tayo kasi di natin alam kung saan hahantong ang binigay na KYC natin.
Kung ang pagpapasahan mo ng mga details mo ay talagang trusted doon ka lang makakampante eh paano kung nagresgiter ka sa isang project investment at nagpasa ka ng kyc tapos scam pala baka mamaya gamitin nila ang Identity ng taong nagpasa sa pangogoyo ng tao at madamay ka pa sa gulo nila.

Ang KYC ay maganda ngunit pero mas maganda talaga kung wala dahil kaya nga ako nandito sa bitcoin community dahil isa sa pinakagusto ko ay secure ang identity ko.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
If you gave Binance your KYC info, expect that info to eventually get out into the wild one day. Ganun talaga. Hopefully, no one can really do anything with them, but hassle kasi if your identity is stolen and used somewhere else.
True sir dabs may tendency talaga na ganun ang mangyari kapag nag comply ka sa kyc requirement nila. Para sakin ok lang naman hindi mag kyc sa exchanges kung hindi naman kalakihan yung transactions mo sa kanila, malaki pa rin ang 2 btc maximum withdrawal. Sa coins.ph lang ako nag kyc hanggang level 3 para lang tumaas ang account limits ko pero parang mababalewala kasi sobrang higpit na nila ngayon at limited na lang ang pwede ko i cash out.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
Sa akin lang naman maganda rin may KYC pero doon lang ating pinagka tiwalaan katulad ng sa sinabi niyo dito sa thread na ito na isa na sample ang coins.ph sobrang tiwala tayo kaya ano man hiningi nila ginamapanan talaga natin. Pero iwan ko lang sa ibang sites na nanghihingi ng KYC Im sure matatakot talaga tayo kasi di natin alam kung saan hahantong ang binigay na KYC natin.
Mandatory rin kasi kaya wala kang option if hindi mo ibibigay yung info na kailangan nila, hindi mo rin magagamit yung account mo, lalo na if malaki ung amount na ginagamit mo sa mga transactions na ginagawa mo sa site nila. Kahit sabihin mo pang against ka sa KYC pero kung ganito ung sitwasyon Wala ka rin magagawa kungdi sumunod na Lang.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
Sa akin lang naman maganda rin may KYC pero doon lang ating pinagka tiwalaan katulad ng sa sinabi niyo dito sa thread na ito na isa na sample ang coins.ph sobrang tiwala tayo kaya ano man hiningi nila ginamapanan talaga natin. Pero iwan ko lang sa ibang sites na nanghihingi ng KYC Im sure matatakot talaga tayo kasi di natin alam kung saan hahantong ang binigay na KYC natin.
Sa trusted lang dapat natin ibigay ang ang ating KYC.  Meron nga ako nakikitang ibang crypto currency hunters or bounty hunters na nag eefort pa talagang kumuha ng Documents para isali sa mga Airdrop campaigns " parang pinagbili narin nila ang ang kanilang pagkatao sa kakarampot na halaga"

Di natin sila mapipigilan pero mapapayuhan naman natin sila.
sr. member
Activity: 1414
Merit: 260
Sa akin lang naman maganda rin may KYC pero doon lang ating pinagka tiwalaan katulad ng sa sinabi niyo dito sa thread na ito na isa na sample ang coins.ph sobrang tiwala tayo kaya ano man hiningi nila ginamapanan talaga natin. Pero iwan ko lang sa ibang sites na nanghihingi ng KYC Im sure matatakot talaga tayo kasi di natin alam kung saan hahantong ang binigay na KYC natin.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
If you gave Binance your KYC info, expect that info to eventually get out into the wild one day. Ganun talaga. Hopefully, no one can really do anything with them, but hassle kasi if your identity is stolen and used somewhere else.
member
Activity: 420
Merit: 28
Depende din kasi sa kumpanya na humihingi ng impormasyon mo.

Kung ang banko nga, nananakawan ng data, paano pa kaya ang mga maliliit ng exchanges, hindi mo alam kung papano nila ni secure o itago ang mga KYC information naten.

Kaya, pag hindi kailangan, minsan, avoid na lang. Hassle na, baka m broadcast pa yung info mo pag na hack yung exchange o website o whatever.
Paano kaya yung sa binance sir dabs? if di ako nagkakamali diba na hack yun nung 2019 ? nag kyc kasi ako dun safe parin kaya ? di naman kalakihan ang puhunan ko dun pero syempre sayang parin kasi pinaghirapan ko yun.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Kung titignang Mabuti masmaganda naman talaga ang mayroong KYC dahil makakaiwas ito sa mga hacking or kapag mayroong issues sa system kapag may nagkamaling transactions maaaring malaman kung sino ang mayroong nanakaw na pera or kapag nagkaproblema din. Pero ang pinaka problema lang naman kase dito ay ang company dahil madalas ay hindi sila trusted pagdating sa mga ganitong bagay nakakatakot dahil ang mga information naten or ang id naten peding magamit sa mga ilegal na bagay baka hindi naten alam mayrutang na pala tayo sa panahon ngayon isang id lang makakapagloan kana sa mga applications.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Depende din kasi sa kumpanya na humihingi ng impormasyon mo.

Kung ang banko nga, nananakawan ng data, paano pa kaya ang mga maliliit ng exchanges, hindi mo alam kung papano nila ni secure o itago ang mga KYC information naten.

Kaya, pag hindi kailangan, minsan, avoid na lang. Hassle na, baka m broadcast pa yung info mo pag na hack yung exchange o website o whatever.
sr. member
Activity: 910
Merit: 261
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Dati gusto kong mag submit ng KYC dahil sure ball naman na maganda ang price pero nung matapos ang bull run, pa pinili ko ng hindi mag KYC.
Actually meron pa rin akong bounty now na nag pa KYC ulit, pero hindi ko na pinasin dahil sa compute ko, hindi naman umaabot ang reward ng 3000php.
Ganyan din pakiramdam ko noong 2017, kapag may KYC ang isang bounty campaign nagsusubmit ako kaagad dahil worth it naman at nakukuha ko kaagad ang reward. Pero ngayon, halos hindi ko na pinagkakatiwalaan ang may mga KYC na bounty campaign dahil karamihan ngayon ay scam at hindi nagiging successful kaya hindi na rin ako sumasali sa bounty.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
Dati gusto kong mag submit ng KYC dahil sure ball naman na maganda ang price pero nung matapos ang bull run, pa pinili ko ng hindi mag KYC.
Actually meron pa rin akong bounty now na nag pa KYC ulit, pero hindi ko na pinasin dahil sa compute ko, hindi naman umaabot ang reward ng 3000php.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Ang KYC dapat ay hindi basta basta binibigay kung hininge ito sayo. Kung hindi masyadong kilala yung project/website or bigla ka nalang na KYC-trap I prefer not too submit my personal information to those kinds of projects and services, since dun palang magkaka-lokohan na.
Well, as for the others na matuturing na Bounty Hunters, may mga New Companies na nagrerequire nitong KYC before joininng their ICO or IEO, so as a bounty hunter na talaga nga naman...dugong martyr na din halos kakabounty, eh sadyang ig-grab nila ito. Besides alam naman nating lahat na karamihan sa kanila sanay na sa mga scam companies and shitcoins. Kaya karamihan dyan kung makikita mo ang wallet puno ng Shitcoins.

Kaya madami din ang nagkalat na mga fake Companies dahil sa mga Identities na nakukuha nila then gagawan na lang ng Background at pagmumuhkaing Legit.
Kakalungkot lang isipin sa mga nagdaang taon nakapag sumbit ako ng kyc sa mga fake projects na mituturing na sinalihan ko, dahil kadalasan sa mga ito ay walang magandang naibigay sa akin. Tingin ko rin panganib ang dulot neto sa aking identity, kasi nakapag provide ako ng kyc details ko na nadun ang personal na impormasyon sa aking sarili.
Sana nga lang hindi gawing background yung pic ko sa ibang projects na magdadatingan ngayung taon, kapag may posibleng darating lalo na kung tuloy ang bullrun sa 2020.

Sakin,... actually hindi sya nakakalungkot... nakakabwisit isipin, matapos mong gawin ung mga pjnapagawa nila, fill up ng form dito, sagot ng survey doon, pasa n KYC tapos syete peken proyekto pala. Wasted effort talaga, kaya kahit gusto ko humawak ng iba pang coins wag na lang din siguro, maliban na lang kung may project ng mga Manager dito katulad dati ni yahoo yung ALAX at Shopcoin(not sure basta bounty din)
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Actually may silbi naman  ang KYC depende sa company at pag gagamitan nito. Tulad nalang sa mga wallets na gamit natin, lalo na si coins ph malaking tulong si kyc dahil ang dami ding scammer na pinoy na gumagamit ng verified coinsph accounts at dun madali matrace yung tao kung hahabulin siya ng na scam niya. Magiging wala lang silbi ang KYC sa mga tulad din ng sinabi mo, mga ico/bounty yan ang pinakadelikadong gawin sa crypto world. Alam natin na talamak ang bentahan ng informations sa deep web kaya wag basta basta mag KYC. Kaya ako auto pass ako sa mga bounty na may KYC.
May mga verified accounts den sa coins.ph kahit na hinde naman talaga sila ang totoong gumagamit nito. Nakakita ako dati sa facebook na nagbabayad ng tao para lang magregister sa coins.ph at syempre ang purpose nun is mangloko ng tao. Nakakatakot ang KYC kase hinde mo alam kung kelan ka maeepektuhan nito at kung anong mga accounts mo ang maaring mahack. Pass den talaga ako sa mga KYC bounties, lalo na kapag baguhan at bago lang den ang campaign manager.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
Actually may silbi naman  ang KYC depende sa company at pag gagamitan nito. Tulad nalang sa mga wallets na gamit natin, lalo na si coins ph malaking tulong si kyc dahil ang dami ding scammer na pinoy na gumagamit ng verified coinsph accounts at dun madali matrace yung tao kung hahabulin siya ng na scam niya. Magiging wala lang silbi ang KYC sa mga tulad din ng sinabi mo, mga ico/bounty yan ang pinakadelikadong gawin sa crypto world. Alam natin na talamak ang bentahan ng informations sa deep web kaya wag basta basta mag KYC. Kaya ako auto pass ako sa mga bounty na may KYC.
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
KYC (Know Your Customer) service. Maari kasi nila itong gamitin sa mga ilegal na transaksyon. It can be data selling, identity thief, etc. At ayaw nating mangyari yun. Though yung iba naman ay sincere for proposing KYC but it is really hard to trust here in virtual world. Maging maingat nalang tayo sa mga pag fill up ng personal info at pagpasa ng KYC. Baka magising nalang tayo isang araw na may gumagamit na ng ating personal profile.
Nakakatakot talaga ang KYC sa cryptoworld pero I doubt na dito lang dapat tayo maalarma kase banks are also collecting are personal datas, and other institutions collecting it legally di naten alam kung hanggang saan lang ito pero dapat talaga tayo magingat. Online accounts are prone talaga sa mga scammers at hackers, wag talaga maging kampante kase ang KYC ngayon ay madali naren maging fake.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
Ang KYC dapat ay hindi basta basta binibigay kung hininge ito sayo. Kung hindi masyadong kilala yung project/website or bigla ka nalang na KYC-trap I prefer not too submit my personal information to those kinds of projects and services, since dun palang magkaka-lokohan na.
Well, as for the others na matuturing na Bounty Hunters, may mga New Companies na nagrerequire nitong KYC before joininng their ICO or IEO, so as a bounty hunter na talaga nga naman...dugong martyr na din halos kakabounty, eh sadyang ig-grab nila ito. Besides alam naman nating lahat na karamihan sa kanila sanay na sa mga scam companies and shitcoins. Kaya karamihan dyan kung makikita mo ang wallet puno ng Shitcoins.

Kaya madami din ang nagkalat na mga fake Companies dahil sa mga Identities na nakukuha nila then gagawan na lang ng Background at pagmumuhkaing Legit.
Kakalungkot lang isipin sa mga nagdaang taon nakapag sumbit ako ng kyc sa mga fake projects na mituturing na sinalihan ko, dahil kadalasan sa mga ito ay walang magandang naibigay sa akin. Tingin ko rin panganib ang dulot neto sa aking identity, kasi nakapag provide ako ng kyc details ko na nadun ang personal na impormasyon sa aking sarili.
Sana nga lang hindi gawing background yung pic ko sa ibang projects na magdadatingan ngayung taon, kapag may posibleng darating lalo na kung tuloy ang bullrun sa 2020.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Ang KYC dapat ay hindi basta basta binibigay kung hininge ito sayo. Kung hindi masyadong kilala yung project/website or bigla ka nalang na KYC-trap I prefer not too submit my personal information to those kinds of projects and services, since dun palang magkaka-lokohan na.
Well, as for the others na matuturing na Bounty Hunters, may mga New Companies na nagrerequire nitong KYC before joininng their ICO or IEO, so as a bounty hunter na talaga nga naman...dugong martyr na din halos kakabounty, eh sadyang ig-grab nila ito. Besides alam naman nating lahat na karamihan sa kanila sanay na sa mga scam companies and shitcoins. Kaya karamihan dyan kung makikita mo ang wallet puno ng Shitcoins.

Kaya madami din ang nagkalat na mga fake Companies dahil sa mga Identities na nakukuha nila then gagawan na lang ng Background at pagmumuhkaing Legit.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
KYC (Know Your Customer) service. Maari kasi nila itong gamitin sa mga ilegal na transaksyon. It can be data selling, identity thief, etc. At ayaw nating mangyari yun. Though yung iba naman ay sincere for proposing KYC but it is really hard to trust here in virtual world. Maging maingat nalang tayo sa mga pag fill up ng personal info at pagpasa ng KYC. Baka magising nalang tayo isang araw na may gumagamit na ng ating personal profile.

Nakapag-post na ako dun sa original thread na ito and tama ka naman sa mga sinasabi mo. Ang KYC dapat ay hindi basta basta binibigay kung hininge ito sayo. Kung hindi masyadong kilala yung project/website or bigla ka nalang na KYC-trap I prefer not too submit my personal information to those kinds of projects and services, since dun palang magkaka-lokohan na. On reputable websites or mga kilalang websites wag din tayong masyadong pabaya, do some little research about their website if nagkaroon na ba ng data leaks, privacy issues, or anything KYC related na magiging masama sayo, hanap kalang ng mga sensyales kung mapagkakatiwalaan mo yung website/service o hindi.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
KYC (Know Your Customer) service. Maari kasi nila itong gamitin sa mga ilegal na transaksyon. It can be data selling, identity thief, etc. At ayaw nating mangyari yun. Though yung iba naman ay sincere for proposing KYC but it is really hard to trust here in virtual world. Maging maingat nalang tayo sa mga pag fill up ng personal info at pagpasa ng KYC. Baka magising nalang tayo isang araw na may gumagamit na ng ating personal profile.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 281
Wala tayong idea kung saan nga ba napupuntabyung mga inuupload nating mga IDs para sa KYC verification, dati pa lang ay umiiwas na ako sa pagsali sa mga campaigns na nirerequired ang KYC verification dahil nakakasalalay dito yung kaligtasan ng aking sarili. Mahirap na kapag binebenta pala yung mga identities natin sa internet. Kung gusto mo talagang ma guarantee na maging safety ang iyong identity then umiwas sa mga campaigns or projects na nirerequired ang iyong ID verification.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Oo dapat iba-iba talaga ang mga passwords at email address na gamitin...isa ito sa mga basic na bagay na ating dapat tandaan kung involved tayo sa online type of endeavors or business lalo na sa cryptocurrency. Mahirap talaga ang security sa ganitong industriya kaya dapat sunod tayo sa mga dapat na gawin o alituntunin.
Pinakamagandang gawin ay gumamit ng password manager katulad ng Dashlane. Kung gusto niyo matutunan yung mga ganitong bagay, pwede niyo ako i-PM.



Totoo, hindi ka dapat nagsesend copy ng mga proof of identity mo kasi once na makuha nila yan wala kang magagawa kasi magkakaroon din sila ng access sayo. Pwede ka nilang gamitin as a material for scamming. Yung ibang exchanges na legit at malaking volume, doon mo lang dapat pinagkakatiwala ang identity mo dahil sila tried and tested na sa ganyang mga transactions kaya yung KYC nila ay secured at assured.
Actually, wala naan problema para sakin mag submit ng KYC sa mga kakilalang exchanges. Ang problem lang is yung kung pano sila ang nahack at nakuha ang information mo? Ibang kaso naman ata yun. YUn lang ang magiging challenge sa atin eh. It's either gumamit ng ibang exchange o hindi.



Eto ang dahilan kung bakit ayaw ko sa KYC simula noon,
Dahil hindi nmn tlga natin alam kung anu ang kanilang gagawin sa ating mga personal na impormasyon,
Hindi din natin alam kung sila ay tunay na mapagkakatiwalaan.
Mali naman sabihin na hindi nila alam ang gagawin. Nakalimutan mo ata ang purpose ng KYC. Ang isang purpose nito ay para mmaiwasan ang money laundering. Pero hindi ito gaano kaepektibo sapagkat ang ating pagkakakilanlan ay pwedeng magamit sa maling bagay.


newbie
Activity: 154
Merit: 0
Huwag iugnay ang lahat ng mga crypto sa mga sentralisadong palitan na scammy na ito. Ang Bitcoin ay hindi kailanman nakayuko sa sinuman - ito ay tulad ng desentralisado at lumalaban sa censorship tulad noong una. Ito ay ang mga sentralisadong palitan na nagbebenta ng mga patakaran ng Bitcoin at ibinebenta ang mga ito sa kanilang mga customer, ipinatupad ang mga nakakatawa na KYC na pag-angkin na ito, at napagpasyahan kung ano ang magagawa ng kanilang mga customer at hindi maaaring gastusin ang kanilang Bitcoin.

Kung hindi mo gusto ang mga patakarang ito at regulasyon (at talagang hindi mo dapat), itigil ang paggamit ng mga palitan na ginagawang epektibo. Kung ang lahat ay tumigil sa pagbibigay ng kanilang negosyo sa mga scammy palitan na ito, ang ganitong uri ng pag-uugali ay hihinto nang mabilis. Ganap na bumili, magbenta, mangalakal, gumastos at gumamit ng Bitcoin nang hindi hawakan ang isa sa mga sentralisadong palitan na ito o nang walang pagkakaroon ng iyong mga dokumento sa KYC sa isang serbisyo.
sr. member
Activity: 854
Merit: 251
★777Coin.com★ Fun BTC Casino!
Eto ang dahilan kung bakit ayaw ko sa KYC simula noon,
Dahil hindi nmn tlga natin alam kung anu ang kanilang gagawin sa ating mga personal na impormasyon,
Hindi din natin alam kung sila ay tunay na mapagkakatiwalaan.
newbie
Activity: 16
Merit: 1
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..

Oo dapat iba-iba talaga ang mga passwords at email address na gamitin...isa ito sa mga basic na bagay na ating dapat tandaan kung involved tayo sa online type of endeavors or business lalo na sa cryptocurrency. Mahirap talaga ang security sa ganitong industriya kaya dapat sunod tayo sa mga dapat na gawin o alituntunin.

Oo based on my experience Kasi Kaya ganun na gingawa ko hnggang sat Hindi ko na maalala mga password ko😂Kasi paiba iba din kaloka😂😂
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
As much as possible huwag nalang talaga tayong sasali sa mga ICO/IEO's, Airdrop or any token sales that required KYC because they are not capable to handle and keep our personal identities safe. Although in other aspects KYC is had an advantage, I think it has no make sense to submit KYC TO those companies that we already trusted or had build reputation and operate over a year of existence.
Ito ang mali ko noong nagsisimula pa lang ako at wala pang stable na income dito. I joined a bounty campaign and I see that it attracted many investors and in their token sale, they have reached their hard cap in a matter of weeks only. Kami namang mga bounty hunters para makuha namin ung reward namin, need naming magpasa ng KYC. Ito na ung mistake ko. Nagpasa ako ng personal documents ko not knowing that there will be possible risks if gagawin ko un. So far, wala pa naman akong nararanasan na problema pero sana di makaapekto un sa akin.

Pagkatapos nito, di na ako nagsend ng personal information ko sa kahit anong site, ICO/IEO, bounty campaigns or anything. Natauhan na ako at maraming nagsasabi na may masamang maidudulot ang pagsend ng personal information sa mga taong di mo naman kakilala.

Nasa atin pa rin ang huling decision to avoid those scammers, always remember the DYOR.
This is the best advice to avoid being scammed. DYOR and ask with other people regarding a certain project. Walang masama sa pagtatanong sa ibang tao if alam mong alam nila un.

Sa mga newbies jan, wag nyong gawin ung mistake ko na nagsend ng personal information ko sa mga taong di ko kakilala.
sr. member
Activity: 1120
Merit: 272
First 100% Liquid Stablecoin Backed by Gold
snip-
Iwasan ang KYC sa lahat ng bagay:

  • walang KYC para sa altcoin / shitcoin bounties o altcoin/ shitcoin airdrops kungsan ang mga mayari ay may chansang mang scam.
  • walang KYC para sa kadudadudang palitan, kung san ang may ari may chansang ma scam
  • walang KYC para sa mababang palitan ng pera at hindi sulit sa panganib (ito ay maharil kasama ang lahat na pero hindi nito kalakip ang pagyaman mo)
This.
Tend to agree about this matter. Once a company/projects that didn't build a reputation yet, you can't trust them by submitting a copy of any one of the following documents as proof of identity. As much as possible huwag nalang talaga tayong sasali sa mga ICO/IEO's, Airdrop or any token sales that required KYC because they are not capable to handle and keep our personal identities safe. Although in other aspects KYC is had an advantage
Yep, sobrang nakakatakot din kasi mag bigay ng details mo into unknown persons or system kasi I always believed that no system is safe, New companies is struggling to collect KYC info from their users because not everyone is willing to submit their info’s. Sa tingin ko new companies conducting KYC should build up their trust into the community first kasi walang gusto mag try ng KYC without assuring to have a good security on the company where they submitted.

Madami na din kasing issue na nagbebentahan ng id to other persons from companies that has been hacked, A built up company like binance surely have a good security. Parang coins.ph lang din. We need to use their services as well kaya we submitted KYC to them.

Hindi porket KYC ay guaranteed na maaasahan kaagad, di nyo ba alam na karamihan sa mga nasscam ay dahil sa KYC na yan? Lahat ng account informations mo ay sayo lang dapat at hindi mo ibabahagi kahit na sino. Totoo, hindi ka dapat nagsesend copy ng mga proof of identity mo kasi once na makuha nila yan wala kang magagawa kasi magkakaroon din sila ng access sayo. Pwede ka nilang gamitin as a material for scamming. Yung ibang exchanges na legit at malaking volume, doon mo lang dapat pinagkakatiwala ang identity mo dahil sila tried and tested na sa ganyang mga transactions kaya yung KYC nila ay secured at assured.
sr. member
Activity: 924
Merit: 275
Medyo nakakatakot nga ang KYC lalo na sa mga companyang nanghihingi ng mga impormasyong hindi naman talaga kailangan. Kaya never talaga akong nag-submit ng KYC ko kahit saang ICO man or exchange maliban sa coins.ph. Sobrang dami kong gustong salihan na mga bounty at although ang iba ay successful, iwas talaga ako pag-dating sa KYC.

Good information ito para sa mga newbies na nagbabalak mag-submit ng impormasyon sa mga bounties or ICO na sasalihan nila kasi hindi natin alam kung saan ba talaga nila ginagamit ang mga identity natin lalo't anonymous ang mga kukuha nito. It's better safe than sorry.
Hinde na akong sasali sa mga projects na nirerequire ang KYC kasi natatakot na ako baka ma nakaw din yung mga impormasyon ko. Ang dami ng nagsilabasan na issue about sa stolen private information kung saan ibinebenta daw sa dark web. Simula nung nabasa ko yun at nakita kong may proof, medyo kinabahan ako kasi nag participate ako sa mga KYC na sinalihan kong bounties dati. Gusto kong maging safe and identity ko kaya naman iniwasan ko na ang mga projects na nirerequired ang KYC.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..
Ganyan naman talaga ang nararapat na gawin dahil may chance na kapag kaparrhas yung email address at password mo sa mga wallet at sa mga niregister mo sa ibang investment tapos scammer at hacker mga andoom ay maaari yung details mo ay nakuha na nila . Kaya ako dati iba yung email for investing, gambling and wallet and even sa tunay na account ko social media para walang maganap na hindi maganda pati password iba iba talaga para manatiling safe ako mula sa kanila.

About sa KYC naman ay hindi ako pabor diyan simula nung dati pa dahil bilang crypto investor at user siyempre mas maganda na maging anonymous ako kaya nga ako nagbitcoin dahil gusto ko na nakatago ang real Idenity ko tapos ganyan pala mangyayari.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..

Oo dapat iba-iba talaga ang mga passwords at email address na gamitin...isa ito sa mga basic na bagay na ating dapat tandaan kung involved tayo sa online type of endeavors or business lalo na sa cryptocurrency. Mahirap talaga ang security sa ganitong industriya kaya dapat sunod tayo sa mga dapat na gawin o alituntunin.

Ginagawa kuna dati pa at hanggang ngayon, iba ang email ko sa exchange,bounty,personal wallet at airdrop/giveaways para safe talaga kasi kapag isang wallet lang gamit mo ay Malaki ang tyansa mo ma hack at naranasan kuna un sa fake airdrops at buti nalang at kunti nalang ang lamang ng wallet na un dahil nakapag benta na ng kita sa bounty.

At dapat din mag activate ng 2fa bilang security measures sa lahat ng account natin.
member
Activity: 532
Merit: 41
https://emirex.com
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..

Oo dapat iba-iba talaga ang mga passwords at email address na gamitin...isa ito sa mga basic na bagay na ating dapat tandaan kung involved tayo sa online type of endeavors or business lalo na sa cryptocurrency. Mahirap talaga ang security sa ganitong industriya kaya dapat sunod tayo sa mga dapat na gawin o alituntunin.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..

Mas mainam kung hindi gumamit ng email address pag mahalagang wallet ang pinag uusapan. Kasi kung gumagamit ka ng email sa wallet, chances are, most likely custodial wallet ang gamit mo.
newbie
Activity: 16
Merit: 1
Siguro mas mainam na iwasan ang paggamit ng email address na ginagamit sa mga ico at dapat iba din ang email address sa mga mahalagang wallet..at syempre ang password mo at Wala sa identity mo Kung saan nakaindikit sa I'd mo ..para maiwasan ang hack problem..
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Satingin ko kaya ganyan ang sinasabi ng karamihan ng mga users kasi never pang na hack ang system ng coins.ph?
As far as I know so far hindi pa. At least wala pang disclosed hacking incident from Coins.ph.

Pero kahit na hindi masyadong secure ang coins.ph, dyan lang talaga ako mag papasa ng KYC kasi isa itong malaking way para makapasok sa mundo ng cryptocurrency at tyaka narin pwede gawing business dito sa lugar ko  Grin
Reasonable naman na mag submit ng KYC sa Coins.ph dahil so far ito lang easy choice natin.

Concerning security, I think secure naman siguro ang Coins.ph, pero kahit gaano ka secure ang isang systema, kung maraming nagbabalak at nagsusubok na maghack sa isang custodial exchange, hindi impossibleng maging successful sila sa paghack kahit sabihin nating malabong mangyari.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
I'm pretty sure heavily regulated ang Coins.ph(sa laki ba naman nito ngayon) na almost impossible na maging scam to(unless na gumawa sila ng galawang QuadrigaCX). Coins.ph getting hacked? Ibang usapan naman un. Vulnerable talaga LAHAT ng custodial exchanges kaya laging sinasaksak sa mga baga ng mga tao dito na gumamit ng hardware wallet.
Kahit ilang beses ka pa paulit ulit na sabihan mga tao, meron talagang magiisip na. "Okay lang yan, trusted yan, bakit pa ko gagastos para sa hardware wallet?". Or kahit sariling way ng security like yung mga old laptops or something, basta magawan ng paraan. Importante lang ay sa atin talaga yung wallet.

Yep. For some reason sobrang common parin ung linyang "safe/secure naman ang coins.ph" kahit historically karamihan ng exchanges, kahit ung mga exchanges na malayong malayong mas malaki pa sa Coins.ph e vulnerable sa hacks. MtGox, Bitfinex, etc.

Para sa mga hindi parin nakokombinseng magwithdraw ng holdings sa coins.ph: https://cryptosec.info/exchange-hacks/

Satingin ko kaya ganyan ang sinasabi ng karamihan ng mga users kasi never pang na hack ang system ng coins.ph? Hindi ako masyadong pamilyar sa history ng coins.ph simula nung sumali ako around 2017, pero sa experience ko, hindi pa ako nakakatunog na nahack sila since nung pag-sali ko. Ang natutunugan ko lang is yung mga users na nahack kasi dahil narin sa kanilang kapabayaan sa seguridad.

Hindi ako masyadong aware kaya paki inform nalang Grin

Pero kahit na hindi masyadong secure ang coins.ph, dyan lang talaga ako mag papasa ng KYC kasi isa itong malaking way para makapasok sa mundo ng cryptocurrency at tyaka narin pwede gawing business dito sa lugar ko  Grin
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯

Kadalasan naman satin dito is di talaga nag hohold ng alt's at diretso benta at withdraw lang gamit sa kanila especially pag gamit nila ang coins.ph at tsaka regulated naman sya ng bsp kaya sa tingin ko ok lng din but hindi ibig sabihin nito maging kampante tayo kasi base sa mga kaganapan nung nakaraang maaari paring ma hack ang coins.ph at ang magagawa lang natin dito is doblehin parin ang pag iingat. Pero Kung sa ibang platform ka nag execute ng KYC mo is mangamba kana kasi di natin Alam Kung safe ba talaga sila totally kahit na kilala pa sila na platform.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
I'm pretty sure heavily regulated ang Coins.ph(sa laki ba naman nito ngayon) na almost impossible na maging scam to(unless na gumawa sila ng galawang QuadrigaCX). Coins.ph getting hacked? Ibang usapan naman un. Vulnerable talaga LAHAT ng custodial exchanges kaya laging sinasaksak sa mga baga ng mga tao dito na gumamit ng hardware wallet.
Kahit ilang beses ka pa paulit ulit na sabihan mga tao, meron talagang magiisip na. "Okay lang yan, trusted yan, bakit pa ko gagastos para sa hardware wallet?". Or kahit sariling way ng security like yung mga old laptops or something, basta magawan ng paraan. Importante lang ay sa atin talaga yung wallet.

Yep. For some reason sobrang common parin ung linyang "safe/secure naman ang coins.ph" kahit historically karamihan ng exchanges, kahit ung mga exchanges na malayong malayong mas malaki pa sa Coins.ph e vulnerable sa hacks. MtGox, Bitfinex, etc.

Para sa mga hindi parin nakokombinseng magwithdraw ng holdings sa coins.ph: https://cryptosec.info/exchange-hacks/
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Nasa atin pa rin ang huling decision to avoid those scammers, always remember the DYOR.
It's always been that way. Ang mahirap kasi sa atin ay basta bigay lang ng mga impormasyon na dapat sa atin lamang. Mamimili ka lang naman sa dalawang choices eh.
  • You continue to use their services and provide your KYC requirements
  • Go find another provider that doesn't require KYC



Isang halimbawa lang yan ng mga dating hacks at posibleng naibenta na ang mga data sa darkweb o sa ngayon baka ginagamit na ng mga cyber criminals.
Imagine mo, isa pa lang yan sa mga dami daming nangyari and it could be related to KYC or not, but as long as na hack ka, it already compromises yourself.



I'm pretty sure heavily regulated ang Coins.ph(sa laki ba naman nito ngayon) na almost impossible na maging scam to(unless na gumawa sila ng galawang QuadrigaCX). Coins.ph getting hacked? Ibang usapan naman un. Vulnerable talaga LAHAT ng custodial exchanges kaya laging sinasaksak sa mga baga ng mga tao dito na gumamit ng hardware wallet.
Kahit ilang beses ka pa paulit ulit na sabihan mga tao, meron talagang magiisip na. "Okay lang yan, trusted yan, bakit pa ko gagastos para sa hardware wallet?". Or kahit sariling way ng security like yung mga old laptops or something, basta magawan ng paraan. Importante lang ay sa atin talaga yung wallet.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
May mga bagay na hindi maganda sa KYC lalo na kung naeexpose yung identity mo sa company nila at baka kasi mamamaya ay gumawa sila ng kalokohan .
Hence kailangan nating maging sobrang mapili sa pinag susubmittan natin ng information natin; pag ung tipong kailangan na kailangan talaga gaya ng example na to concerning Coins.ph. Unfortunately walang PH traders sa Bisq kaya di natin matatake advantage ung non-custodial service na un.

Alam natin na trusted ang coins.ph pero lahat ng mga naging scam ay naging legit nung una at yan ang yan ang ayaw kong mangyari. Wala naman tayong choice kung hindi sumunod dahil hindi natin magagamit service nila.
I'm pretty sure heavily regulated ang Coins.ph(sa laki ba naman nito ngayon) na almost impossible na maging scam to(unless na gumawa sila ng galawang QuadrigaCX). Coins.ph getting hacked? Ibang usapan naman un. Vulnerable talaga LAHAT ng custodial exchanges kaya laging sinasaksak sa mga baga ng mga tao dito na gumamit ng hardware wallet.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Medyo nakakatakot nga ang KYC lalo na sa mga companyang nanghihingi ng mga impormasyong hindi naman talaga kailangan. Kaya never talaga akong nag-submit ng KYC ko kahit saang ICO man or exchange maliban sa coins.ph. Sobrang dami kong gustong salihan na mga bounty at although ang iba ay successful, iwas talaga ako pag-dating sa KYC.

Good information ito para sa mga newbies na nagbabalak mag-submit ng impormasyon sa mga bounties or ICO na sasalihan nila kasi hindi natin alam kung saan ba talaga nila ginagamit ang mga identity natin lalo't anonymous ang mga kukuha nito. It's better safe than sorry.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
May magandang dulot lang ito sa sadyang may pag gagamitan.
Let us make Coins.ph as an example.
May KYC yan at madaming documents na hinihingi.
Indeed, isa sa magandang halimbawa ang coins.ph wallet. Ang pag comply sa kyc ay may mabuting maidudulot sa mga users especially kapag nagka problema ang ating account.

Depende kasi yan kung san ka mag comply ng kyc kung ICO o bounties ang nagre require na mag undergo ka ng kyc para makuha yung rewards na pinaghirapan mo ng ilang buwan eh magkaron tayo ng doubt kasi possible na ma compromise yung personal details mo. Kahit reputed exchanges hindi ako basta basta nagpapasa kung hindi naman talaga kailangan.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Nakakatokt ang KYC oo, pero walang silbi?  depende siguro.   Halimbawa, coins.ph,  nagkaroon tayo ng problema sa ating CP na ginagamit natin for 2fa sa coins.ph.  Hindi naman natin mareretrieve ang ating account kung hindi tayo magundergo ng KYC to prove na  ang account na iyon ay atin.  May mga bagay na importante ang magundergo ng KYC at lahat ng legal process ay nangangailangan nyan.  So in general it is not that useless or hindi tama na sabihing ang KYC ay walang silbi.  It is another form of security para sa ating personal account para hindi maaccess ng ibang tao at once na magkaroon ng sigalot, ito ang magpapatunay na sa atin ang account na iyon. 

Ingat lang sa mga bounties na nagrerequire ng KYC.


May mga bagay na hindi maganda sa KYC lalo na kung naeexpose yung identity mo sa company nila at baka kasi mamamaya ay gumawa sila ng kalokohan . Alam natin na trusted ang coins.ph pero lahat ng mga naging scam ay naging legit nung una at yan ang yan ang ayaw kong mangyari. Wala naman tayong choice kung hindi sumunod dahil hindi natin magagamit service nila.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Nakakatokt ang KYC oo, pero walang silbi?  depende siguro.   Halimbawa, coins.ph,  nagkaroon tayo ng problema sa ating CP na ginagamit natin for 2fa sa coins.ph.  Hindi naman natin mareretrieve ang ating account kung hindi tayo magundergo ng KYC to prove na  ang account na iyon ay atin.  May mga bagay na importante ang magundergo ng KYC at lahat ng legal process ay nangangailangan nyan.  So in general it is not that useless or hindi tama na sabihing ang KYC ay walang silbi.  It is another form of security para sa ating personal account para hindi maaccess ng ibang tao at once na magkaroon ng sigalot, ito ang magpapatunay na sa atin ang account na iyon. 

Ingat lang sa mga bounties na nagrerequire ng KYC.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Heto isang example: Credit reference agency Equifax fined for security breach.

Quote
The Information Commissioner’s Office (ICO) issued Equifax Ltd with a £500,000 fine for failing to protect the personal information of up to 15 million UK citizens during a cyber attack in 2017.

The incident, which happened between 13 May and 30 July 2017 in the US, affected 146 million customers globally.

The ICO investigation found that, although the information systems in the US were compromised, Equifax Ltd was responsible for the personal information of its UK customers. The UK arm of the company failed to take appropriate steps to ensure its American parent Equifax Inc, which was processing the data on its behalf, was protecting the information.

Isang halimbawa lang yan ng mga dating hacks at posibleng naibenta na ang mga data sa darkweb o sa ngayon baka ginagamit na ng mga cyber criminals.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
snip-
Iwasan ang KYC sa lahat ng bagay:

  • walang KYC para sa altcoin / shitcoin bounties o altcoin/ shitcoin airdrops kungsan ang mga mayari ay may chansang mang scam.
  • walang KYC para sa kadudadudang palitan, kung san ang may ari may chansang ma scam
  • walang KYC para sa mababang palitan ng pera at hindi sulit sa panganib (ito ay maharil kasama ang lahat na pero hindi nito kalakip ang pagyaman mo)
This.
Tend to agree about this matter. Once a company/projects that didn't build a reputation yet, you can't trust them by submitting a copy of any one of the following documents as proof of identity. As much as possible huwag nalang talaga tayong sasali sa mga ICO/IEO's, Airdrop or any token sales that required KYC because they are not capable to handle and keep our personal identities safe. Although in other aspects KYC is had an advantage
Yep, sobrang nakakatakot din kasi mag bigay ng details mo into unknown persons or system kasi I always believed that no system is safe, New companies is struggling to collect KYC info from their users because not everyone is willing to submit their info’s. Sa tingin ko new companies conducting KYC should build up their trust into the community first kasi walang gusto mag try ng KYC without assuring to have a good security on the company where they submitted.

Madami na din kasing issue na nagbebentahan ng id to other persons from companies that has been hacked, A built up company like binance surely have a good security. Parang coins.ph lang din. We need to use their services as well kaya we submitted KYC to them.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1234
snip-
Iwasan ang KYC sa lahat ng bagay:

  • walang KYC para sa altcoin / shitcoin bounties o altcoin/ shitcoin airdrops kungsan ang mga mayari ay may chansang mang scam.
  • walang KYC para sa kadudadudang palitan, kung san ang may ari may chansang ma scam
  • walang KYC para sa mababang palitan ng pera at hindi sulit sa panganib (ito ay maharil kasama ang lahat na pero hindi nito kalakip ang pagyaman mo)
This.
Tend to agree about this matter. Once a company/projects that didn't build a reputation yet, you can't trust them by submitting a copy of any one of the following documents as proof of identity. As much as possible huwag nalang talaga tayong sasali sa mga ICO/IEO's, Airdrop or any token sales that required KYC because they are not capable to handle and keep our personal identities safe. Although in other aspects KYC is had an advantage, I think it has no make sense to submit KYC TO those companies that we already trusted or had build reputation and operate over a year of existence. Tulad nalang ng country of China they are not allowed to take part in any ICOs/IEO's, also Indonesia and the US as well. They know that usually, they are asking KYC/AML verification.

It's a very informative thread, sa mga pahayag mo ay nagnanais na ang KYC is not necessary but IMO, there are pros and cons in having KYC. It can also reduce money laundering and also stopping scammers from maliciously taking part in ICOs when it comes airdrop that they might abuse. Kung wala naman sigurong KYC kumakalat din ang mga abusers maliban sa scammers when it comes ICO's/IEO's participating.

Nasa atin pa rin ang huling decision to avoid those scammers, always remember the DYOR.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
May magandang dulot lang ito sa sadyang may pag gagamitan.
Let us make Coins.ph as an example.
May KYC yan at madaming documents na hinihingi.

Pero ang nakapagtataka ay kapag ang isang ICO ang hiningi ang sobrang daming inpormasyon tungkol sa iyo.
Para saan?
Nabasa ko noon na ito ay sa kadahilanang hinihingan sila ng gobyerno ng kanilang bansa ng listahan ng mga pagbibigyan ng coins or token.
Medyo malalim na kaya hindi na ko naghukay pa.
Sumang-ayon ako sa KYC nila para lamang makuha ang token ko na sa huli ay parang basura lang ang value.  Grin
Sayang effort.
jr. member
Activity: 46
Merit: 3
Lubhang nakakabahala pag ang KYC ay isinagawa ng mga ICO/Airdrops/Start-ups kung saan hindi tayo sigurado kung ligtas ba ang ating ibibigay na mga impormasyon, kahit ang isa sa pinakasikat na exchange ay nahack at na exploit ang mga identity ng mga user (Follow this Link). Kahit ang mga kompanyang lehitimo ay nanganganib ring maisangkalan ang ating identity paano pa kaya iyong mga bagong start-up. Nakakalungkot ding isipin sa kadahilanang pagsunod raw sa sinasabi nilang regulations ay kailangan nilang gawin ang mga ganuon klaseng requirements.

Sa pagpapatupad sa pansariling kaligtasan, halos lahat ng crypto related projects, luma man o bago ay nararapat nating iwasan sa kadahilanang ang panganib na maaari nitong maidulot para sa atin at sa ating pamilya ay di hamak na mas malubha at hindi matutumbasan ng pera.
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
Ito ay isang pagsasalin ng post ni 1miau  Bakit ang KYC ay lubhang nakakatakot at walang silbi(walang kwenta, hindi maasahan) Salamat sa mga impormasyon na ipinahayag mo, 1miau!




Lahat tayo ay takot mawalan o manakawan ng pera sa kadahilanan ng ating sariling pagkakamali o di kaya mali na desisyon sa pagbili, pagbenta ng coins or di kaya maling panahon pakikipagpalitan. Lahat ng diskusyon ay pinagaaralan dito. Pero pagdating sa pagkalugi, ikaw mismo ay dapat sensitibo na meron pang mas malaking pera na pwedeng mawala. Dahil dito, ang nais natin ay protektahan ang ating sariling kredensyal. Ang pag protekta sa sariling kredensyal ay maihahalintulad natin sa pag protekta sa ating pera. Samakatuwid, ang pera ay napapalitan. Ang pagkawala ng isang pera ay isang kawalan. Subalit, pag ang kredensyal ng isang tao ay nanakaw, samalamang wala na tayong magagawa para mabawi ito.

Ito ang simula ng bagong yugto ng problema. Isa sa pinakamabisang paraan para protektahan ang pagnanakaw ng sariling pagkakilanlan ay ang pagkakaintindi sa maling pagkaunawa sa KYC. Ang ilang  crypto services ay nirerekomenda ang kanilang mga users na mag sagawa ng tinatawag na “KYC”. Ang ibig sabihin ng KYC sa salitang ingles ay “know you customer” at ang kanilang mga myembro ay kailangang magpadala ng personal na data sa ibang pribadong kumpanya o samahan. Ito ang nagiging problema sa ibang kumpanya na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pag gamit ng kanilang serbisyo kahit ilang daang dolyar lang ang iyong bibilhin sa kanilang produkto.

Ang opisyal na layunin ng KYC ay maiwasan ang laundering ng pera (known as AML, anti-money laundering) at pag financing ng mga terorista. Mahigpit ang KYC at AML at ito ay ipinakilala ng US pagtapos ng 9/11 at maraming bansa ang sumusunod sa SEC para itaguyod ang KYC bilang patakaran. Ang AML ay dati nang nakatalaga pero ito ay para lamang sa mga institusyon at malalaking halaga ng pera. Ang usual na mga konsyumer ay apektado lamang pagtapos ipakilala ang mga pagbabawal ni SEC. Sa unang tingin, ang KYC ay magandang solusyon para sa pag tigil ng mga aktibidad ng criminal. Sa kasamaang palad, ito ay iba sa reyalidad. KYC sa crypto ay halos hindi nakakatulong para maiwasan ang money laundering o di kaya bawasan ang mga aktibidad ng mga criminal. Hindi rin ito nakakatulong para puksain ang financing ng terorista. Kahalip ng KYC ang panganib sa ating privacy at hinihikayat nila ang mga criminal para gumawa ng masasamang bagay( kagaya ng KYC scam, pagnakaw ng pagkakakilanlan at iba pa).



Ang KYC ay nanghihikayat ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan

Pag ang isang tao ay sumailalim KYC, sila ay sapilitang namimigay ng bahagi ng ating pagkakilanlan sa ibang tao (kagaya ng pakikipagpalitan, ICO, etc). Pagtapos nito, wala na silang control sa mga proseso at mga ating sensitibong data ay di hamak na nakalantad. Kung may mga bagay na hack, ang mga apektadong indbidual ay walang magagawa rito.

Lahat ng may kaugnayan sa kanilang pasariling kaligtasan ay hindi nag hahayad ng sariling impormasyon na kaugnay para sa KYC ay hindi kasama sa kahalip na serbisyo.

Ito ay manilaw na hindi maiiwasan na may kalakip na panganib sa walang alinlangang pagbigay ng personal na data sa mga hindi kilalang tao. Walang garantiya na ligtas ang ating personal na data kahit sa mga malalaking kompanya kahit ito ay may matataas na seguridad.

Sa lahat ng may kaugnayan sa mundo ng digital, kumpanya at mga organisasyon na nangongolekta ng KYC ay hindi ligtas sa mga hack. Nakita na natin na kahit ang mga malalaking kumpanya kagaya ng Binance ay na-hack. Ang mga hacker ay may kakayahang manguha ng data na may kaugnayan sa KYC.

Ito ay iilan lamang sa mga halimbawa na naiulat. Samakatuwid ito ay maliit na kakayahayan ng mga KYC hackers na hindi naihahayag sa publiko ng tama, dahil ito ang ikakasira ng mga negosyo ng palitan at ito ay makakaapekto sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa KYC. Ito ay hindi na nakakagulat, ang mga propesyonal na hacker ay gumagawa na ng paraan para makuha ang mga personal at pribadong data para sa KYC.

Ito ay humahantong sa panibagong problema: sa pagpapatupad ng KYC sa pangkalahatan, ang mga personal na dokumento ay nagiging bukas sa black market at sila ay nananatiling buhay para sa malalaking insentibo sa pagkuha o pag nakaw ng ating pagkakakilanlan. Ito ay hindi mapigilan at ito ay malaking iligal na kalakal para sa iilan kung hindi maipapatupad ang KYC. Sa lahat ng gumagamit at sapilitang gumagawa ng KYC sa kahit anong pagpapatupad ay mayroong kalakip na panganib sa kanilang mga personal na data na nauwi sa pagbebenta sa black market. Dahil dito, isang malaking hakbang para sa mga criminal na bumili ng “ïdentity packages” kalakip ng mga hack sa black market na naglalaman ng mga data na ginagamit nila sa para sa pagpapangap  at para bumukas ng mga account para sa paggawa ng mga iligal na aktibidades.

Quote
Two days ago ccn.com released an article “Hacked Customer Data From World-Leading Cryptocurrency Exchanges For Sale On The Dark Web?” where on the darknet market called “Dread,” a vendor going by “ExploitDOT” is attempting to sell user data from the know-your-customer (KYC) data top cryptocurrency exchanges ask for, required by most jurisdictions.

Today my colleague contacted the seller who offered him the price 15 USD for each document (passport or ID, proof of address, selfie photo), totaling 45 USD per one person. It is necessary to buy at least 100 KYC identities (together for 4500 USD). The seller was willing to use a trusted escrow service for a crypto transaction which means this offer may be trustworthy.
Source

Ang mga nanakaw na pagkakakilanlan ay mahalaga sa mga criminal, lalo na kung ang pagkakakilanlan ay may kalakip na ibang detalye para sa mga indibidwal. Nasa baba ang mga kasamang iilan:

  • Pangalan at piskal na address( mula sa mga dokumento o bayarin)
  • Government-ID, pasaporte o di kaya mga litrato
  • Biometric data(fingerprint, face o di kaya iris-scan)
  • Ibat ibang data mula sa mga bayarin, pinagkukuhaan ng yaman, trabaho o di kaya account sa banko
  • Password o di kayang mga gamit na e-mail address
  • Gamit na crypto address kasama ang mga deposito/binawi( pagkakahalintulad ng ibang address via blockchain research)

Ang mga criminal ay pwedeng gamitin ang iyong data sa ibat ibang paraan:

  • Ito ay pwedeng gamitin para makagawa ng mga kriminal na gawain kagaya ng pagpapangap sa isang tao na nahack at pag bukas ng account gamit ang kanilang pangalan sapag gawa ng iligal na mga Gawain.

  • Ang mga kriminal ay kayang gumamit ng iilang data sapag –access ng ibang account ng taong nahack:
    • Pag reset ng password gamit e-mail address
    • Pag reset ng account gamit ay biometric data
    • Pag subok napag hack sa ibang sites gamit ang parehas na password

  • Isa sa pinakamalalang aspeto nito ay ang posibilidad napag kolekta ng mga kriminal ng sapat na impormasyon para sa tao para makalakip ng pagkakakitaan:
    • Pisikal na address ng biktima(makukuha mula sa mga personal na dokumento)
    • Impormasyon ukol sa yaman(makukuha mula sa transakyon ng pag deposit o pag withdraw sa account ng linked crypto address o di kaya dokumento kagaya ng pinagpapakitaan, pinagkakakuhaan ng pera o iba pa.
    Ito marahil ang mga mga kailangan na sapat na detalye para pag aralan ang natipuhang bikitma para sa posibleng pagnanakaw. Kahit ang mga kawatan na nakadestino sa ibang bansa ay kaya nilang mag benta ng impormasyon ukol sa “promising robbery targets”sa kapwa nila kriminal na nakadestino sa kaparehas na bansa ng biktima.

  • Sa ibang salita, ang kriminal ay may kakayahan kung pano kumulekta at mag halintulad ng mga data sa ibang na hack na data para gumawa ng mas mabisang talata ng data para ibenta.



Ang KYC ay nanghihikayat na mang iskam

Karagdagan sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan, ang KYC ay nag aalok ng kita para sa mga iskamer. Dahil dito, kasalukuyang tumataas ang pag scam na tinatawag na “KYC scams” ang mga halimbawa ay nasaibaba:

  • Ang mga gumagamit at nag dedeposito ng crypto sa serbisyo na hindi nagngangailangan ng KYC.
  • Matapos ang sapat na bilang ng taong nakapagdeposit, ang site ay mag aanunsyo na ang KYC ay kakailanganin at ang lahat ng pondo any naka tigil.
  • Ang site ay mangbblackmail ng mga tao para gumawa sila ng KYC. Kapag ang gumagamit ay hindi sumangayon, ang kanilang crypto ay maglalaho, aagawin o di kaya ipagpapalit. Kung ang pagpalit e iskam, sila ay may kakayahan na magkaruon ng mas mahalagang dokumento para sa kanilang kustomer  na pwede nilang ibenta o di kaya gamitin para sa pansarilign motibo.
  • Ang mga gumagamit ay walang chansa na depensahan and sarili nila.

Parehas ng istratehiya ang ginagamit ng bounties at altcoin bounties mula sa shitcoin ICOs. Dahil dito importante tayo na maging maalam sa KYC scam. Nangyayari ito madalas sa mga hindi kilalang palitan or shitcoin bounties. Ito ay nirerekomenda lamang sa mga katiwatiwala, malalaking palitan na hindi kayang mawalan ng kredebilidad sapag sagawa ng KYC scam.

Hindi dapat ginagawa ng mga gumagamit ang paggawa ng KYC para sa mga KYC skamer. Ang mga respetadong palitan ang madalas na gumagamit ng terms at kundisyon para sa mga user na nag deposito ng salapi at nagbibigay ng abiso sa mga miyembro habang pwde pa sila mag withdraw ng pondo at mag bawas ng limitasyon. Sa paraang ito, ang mga miyembro ay may chansa na mag withdraw ng kanilang crypto currencies na hindi na iiskam.



Tinutulungan ng KYC ang mga iskamer na hindi matiktikan

Ang KYC ay pinapahalagahan ng lahat ng aspeto ng mga iskamer dahil ang mga kriminal ay may kakayahang manatiling nakatago at mag tuloy ng kanilang iligal na aktibidad sa pag gamit ng mga na hack o di kaya na nakaw na pagkakakilanlan. Pag malaking pera na ang usapan, wala ng makakapigil sakanila:

  • Mayroong malaking imbakan ng mga pagkakakilanlan sa black market na pwedeng gamitin, karamihan ay sa ibang KYC na host o di kaya na hack ng mga iskamer. Kung mas kumpleto ang data, mas Malaki ang presyo nito. Para makapasa ng KYC, ang mga kriminal ay kumukuha ng naayon na data records sa black market.
  • Karagdagan nito, ang mga skamer ay gumagamit din ng ICO sa sarili nila o di kaya mag setup ng iskam kapalit ng request sa KYC. Kaya nilang mag tancha ng mga data na kailangan base sa plano nilang gawin dito. Ito ay possible sa mga kriminal para makakuha ng tiyak na KYC data para sa piling ICO o palitan.

May mga sabi-sabi, na ang iilang experto ay nag babalak na magpatupad ng mas sobrang KYC para gumawa ng crypto service para irequire sa mga kustomer, kasama dito ang pagpasa ng mga dekalidad na data kagaya ng biometrics. Kalakip nito ay ang palaisipan na pagiging mali sa kadahilanan na panganib na dulot sa ating mga user:

  • Biometric data(finger print, muka o iris scan) ito ay pwedeng gamitin at nakawin ng mga kriminal. Ang epekto nito ang pagkasira ng mga sensitibong data na pwedeng isiwalat.
  • Ang mataas na kalidad ng mga naipasa na data ay mas mainam para sa mga hacker na makakuha ng mas tumpak at mahahalagang impormasyon. Ang chansa nila na manghack ay mas mataas at madali para gamitin ang personalidad ng iba.
  • Ang mga kriiminal ay nag nagtatahi ng mga data para makabuo ng mas detalyadong data na nakukuha nila sa dating KYC records. Ang pagsasagawa ng paulit-ulit na video identification kagaya ng "deep-fake videos"ay umuusbong. Ang pagsasagawa ng mga realistic mask ay mahirap ihalintulad sa mga totoong tao na ginagamit din nila para makapang loko. Ang mga gawaing ito ay naprisinta na sa 2018 35c3 sa Leipzig, dito ay nakumpirma na ang mga video identification ay paulitulit na isinasagawa.

    Ang mga istilong ito ay nakikita sa unang mga hakbang at ang mga resulta ay hindi perpekto, pero ang layunin ay posible. Ang tingin nila sa paglaki ng KYC at nakikita nila sa paraang pagpapatupad ng mga insentibo sa mga skamer para magsagawa ng mga mas nakaayaayang dahilan para makakuha ng KYC sa mas epektibong paraan.

    Dahil dito, konting kriminal lang ang kailangan: ang kailangan lamang ay yung may kakayaang mag berikipa ng mga accounts kasama ng nakalap na data. Itong serbisyo nato ay pwedeng maibenta sa mga iba pang criminal sa darknet. Sa kadahilanang ito, nagigingimposible ang pagpapahina ng proseso ng KYC.


Samakatuwid, pag ang KYC ay dinisenyo para pigilan ang mga kriminal para masagawa ang kanilang trabaho, ito ay hindi umubra. Malaki ang posibilidad na milyon na KYC data sets ang nasa black market, dahil dito ang numero ng pagpapalaganap ng KYC ay mas tumataas araw araw.

Sa pagusbong ng mga ibat ibang pamamaraan ng pagmamanipula sa mga online na KYC, ang mga kriminal ay nasa tamang posisyon para mag berikipa ng mga account at ibenta ito ng mas malaking halaga sa ibang kriminal. Sa madaling salita, kaya nilang mag hack ng mga account na napatunayan na at ibenta ito.

Sa madaling salita, ang mga kriminal ay may masamang mithiin at pwedeng pagpilian kung san pwede ibenta ang KYC sa epektibong paraan.



Konklusyon: Ang KYC ay hindi epektibo

Ang pangunahing resulta ng pagsusuri ay maliwanag. Ang KYC ay hindi epektibo bagkos ito ay humihikayat na dapat iwasan. Ang KYC ay gumagawa ng mga bagong modus (pagpapalit ng mga impormasyon sa ibang user) at nanghihikayat pa lalo ng na gumawa ng krimen (ang mga kriminal ay hindi na dedetect sa kadahilanang na paggamit nila sa mga impormasyon ng ibang tao). Ito ay isang maliwanag na panganib sa privacy at seguridad ng mga customer.

Dahil dito, ang pag papalaganap ng epektibong KYC sa crypto ay inaasahang lamang lang sa teorya. Ang komunidad ay dapat na maging may alam na hindi lang epektibo ang KYC kundi ito din ay isang banta at nanghihikayat ng krimen. Dahil dito, ang mga dokumento sa KYC ay nabebenta ng iligal sa web o di kaya napepeke ng artificial intelligence. Ang KYC ay walang kahit anong napatunayan sa dapat nitong isagawa.

Samakatuwid, ang KYC ay nanghihikayat ng scam at krimen kasama na dito ang pagpapalaganap ng ating privacy at kaligtasan sa pamamagitan ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Ito ay mapanganib sa mga tao na sapilitang pagsali sa KYC check: madaming personal na dokumento ang nakokoleta ng mga kriminal, at sila ay magpapatuloy sa paggawa ng masama at ito ay aabot sa antas na hindi natin inaasahan.



Pano manatiling protektado sa KYC?

Magingat at mag sagawa ng pagsusuri kung ang serbisyo ay sulit sa panganib ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, kasama na dito ang lahat ng mga negatibong kahihinatnan. Maging alisto rin sa mga address na nililink saiyong personal na account. Ang pag link ng iyong pagkakakilanlan sa bitcoin/ altcoin adresss ay hindi na maibabalik.

Nirerekomenda rin na gumamit ng mga mapagkakatiwalaang serbisyo kagaya ng KYC P2P exchanges o di kaya pwede itong ipalit sa forum gamit ang isang trusted escrow.

Iwasan ang KYC sa lahat ng bagay:

  • walang KYC para sa altcoin / shitcoin bounties o altcoin/ shitcoin airdrops kungsan ang mga mayari ay may chansang mang scam.
  • walang KYC para sa kadudadudang palitan, kung san ang may ari may chansang ma scam
  • walang KYC para sa mababang palitan ng pera at hindi sulit sa panganib (ito ay maharil kasama ang lahat na pero hindi nito kalakip ang pagyaman mo)

Importante na maituro ang mga panganib na KYC sa mainam na pamamaraan. Matapos ang lahat, bilang na lamang ang oras bago malantad ang KYC scandal sa publiko at kung gaano ito kapanganib. Sa kasamaang palad, huli na ang lahat kung mangyayari ito, ang mali ay hindi na mababawing muli. Ang mga sumusunod an link ay makikita sa susunod na teksto, bukas ito sa lahat ng user at provider para palaganapin ang kaalaman sa KYC.

Sa madaling salita, ang mga provider na umaabuso ng seguridad ng mga tao ay dapat maging maalam sa kanilang iresponsibilidad na gawain.

Inirerekomenda na gamitin ang mga provider na hindi kailangan ng KYC. Ito ay hindi lamang para maprotektahan ang sarili natin, bagkos ito ay pag suporta sa mga provider para maprotektahan ang kanilang customer.

Huling habilin: Isinulat ko itong tekstong ito simula ng 2019. Kasama narin ng pag simula ko sa pag buod ng mga katotohanan, maraming impormasyon ang naka lahad sa internet na nag aanalisa ng mga problema ng KYC kasama ang mga detalye. Ang mga puntos na nagawa ko ay hindi lamang nag kukumpirma sa pagbasa ng mga article, bagkos ito ay totoo. Minamaliit natin ang panganib na kasama ng KYC kahit hindi naman ito nakakatulong satin. Ang teknolohiya at ang criminal market para sa KYC ay mas mataas at nakakatakot kesa saking inaakala. Natuklasan ng mga kriminal na manloloko ang KYC para sakanilang sariling ikauunlad para gumawa ng mga bagong estratehiya para gumawa ng krimen (kagaya ng KYC scam), para gumawa ng palitan ng pagkakakilanlan at para gumawa ng krimen na hindi nahuhuli gamit ang pagkakakilanlan ng inosenteng tao. Magiging mabisa ito para sa seguridad at pag protekta ng pribadong mga data para maiwasan ang krimen kung magiging maalam ang mga tao na hindi solusyon ang KYC, bagkos ito ay panganib sa mga inosenteng user.

Parating alalahanin:

Ang ating mundo ngayon na nababalot ng teknolohiya ay hindi simple kagaya ng paniniwala ng iba. Ang gumagamit ng crypto o internet ay maaring magkamali. Pero ang simleng pagkakamali ay maglalagay sa alanganin.
Ang mga scammer ay matatatalino, nag tatago ng bakas sa mga kanilang aktibidades at umaabuso sa maling ideya. Isa sa maling pagkakaintindi sa KYC ay ang sentraladong serbisyo, dito ay mas madali itong maipuntirya o ma-bypass.
Kung tayo ay pangkaraniwang user lamang, wala tayong pakiilam sa ating privacy. Wag nating baliwalain ang mga kriminal sa web, maari tayong puntiryahin agad agad. Ang ibig sabihin ng privacy ay proteksyon sa mga scammer at lahat tayo ay may karapatan nito. Ang privacy ay hindi krimen, ito ang ating proteksyon sa web laban sa mga kriminal at ito ay ating pribilehiyo.

Maging bukas sa pag kalat nitong artikulo o di kaya isalin ito sa inyong local na wika (pwede ka rin mag padala ng mensahe para maiwasan ang dobleng transakyon). Madaming maling impormansyon at adhikain na hindi naman kunektado sa KYC pero ang mga tao ay tumitingin sa detalye at ito ay tumutulong sa madaming krimen at scam.




Iba pang artikulo para sa kaalaman tungkol sa panganib ng KYC:

https://medium.com/@wilderko/how-does-kyc-aml-pose-a-serious-threat-to-your-privacy-and-should-not-be-used-at-all-88f7acd3f3b

https://medium.com/mycrypto/be-careful-with-your-kyc-documents-978ab532f2be

https://blog.goodaudience.com/the-unseen-danger-of-kyc-e3e1c4448eee
Jump to: