Akda ni:
GazetaBitcoinOrihinal na paksa:
Why reputation is essential on the free market
Maraming mga user ang dumadating sa forum na ito para sa mga aktibidad sa pangangalakal. At ang mga paninda ay iba-iba - mga pisikal goods, digital goods, palitan ng cryptocurrency, subasta, mga collectible, kagamitan sa computer, kagamitan sa pagmimina at iba pa.
Ang forum ay gumaganap bilang isang libreng merkado at ang magandang reputasyon ay mahalaga para sa matagumpay na mga pakikitungo. Gaya ng
sinabi ni Tim May mahigit 30 taon na ang nakararaan, "
Ang mga reputasyon ay magiging sentro ng kahalagahan, napakahalaga sa mga pakikitungo kaysa sa mga rating ng kredito ngayon".
Sa BitcoinTalk, ang reputasyon sa pangangalakal ay kinakatawan ng "
Merkado ng Tiwala", na isang puntos na nagpapakita ng iyong positibo, neutral at negatibong feedback. Kung ang isang mangangalakal ay may mas malaking positibong puntos ng tiwala, nangangahulugan ito na siya ay
talagang mapagkakatiwalaan. Ganun din ang kabaligtaran: kung ang isang negosyante ay may kaugnay na negatibong tiwala, dapat siyang iwasan.
Ang sistema ay mas kumplikado kaysa doon, ngunit hindi ito ang punto ng paksa. Gayunpaman, dalawang mahalagang aspeto ang kailangang banggitin:
- para sa negatibong feedback ng tiwala, sa forum na ito ay mayroon ding "
Sistema ng Flag" na magagamit para sa mas detalyadong paliwanag tungkol sa pagiging hindi mapagkakatiwalaan ng isang mangangalakal.
- bagama't ang sistema ng tiwala ay idinisenyo para sa mga aktibidad sa pangangalakal, ang mga miyembro ng forum ay may posibilidad na magbigay din ng feedback batay sa kanilang mga personal na opinyon tungkol sa iba, kaya naiimpluwensyahan ang puntos ng tiwala. Kaya, ang mga user na interesado sa pakikipagkalakalan sa isang tao ay kailangang basahin nang mabuti ang lahat ng feedback tungkol sa kani-kanilang tao upang magkaroon ng malinaw na impresyon tungkol sa kung sino ang gusto nilang makipagkalakalan.
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang paksa ay hindi tungkol sa trust/flag system, ngunit tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na reputasyon. Kung mas malaki ang reputasyon, mas malaki din pagkakataon ng isang user na magkaroon ng isang transaksyon. Ganun din ang kabaligtaran:
ang isang pagtatangka ng scam o isang paglabag sa isang kontrata ay maaaring makasira ng isang reputasyon.Sa pangkalahatan, ang mga taong sangkot sa pangangalakal - hindi mahalaga kung sila ba ay mga nagbebenta o mamimili - ay naghahanap ng maayos at matagumpay na mga pangangalakal. At ang pangkalahatang ideya ay kung ang isang tao ay may magandang rekomendasyon (sa kasong ito - mga feedback), may mababang tsansa na ma-scam. Iyon ang dahilan kung bakit, ang isang mangangalakal na gustong magbenta ng isang produkto ay magiging interesado sa isang mamimili na may magagandang feedback (at mayroon ding magandang puntos ng tiwala), na nagsasabi na siya ay nagbabayad nang mabilis (halimbawa). Ang isang mangangalakal na gustong bumili ay interesado sa isang nagbebenta na may magagandang feedback na nagsasabi na ipinadala niya ang produkto ayon sa kanilang napagkasunduan, mabilis na pagdating ng kanilang produkto, nasa mabuting kalagayan, walang pinsala at iba pa.
Ang isa pang problema na madalas na nangyayari ay ang mga sumusunod: sa pangkalahatan, kung ang mga partido ay walang (parehong) magandang reputasyon, ang sumusunod na tanong ay itatanong: "sino ang unang nagpadala (ang pera / ang kalakal)?". Karaniwan, hinihiling ng isang may reputasyon na magpadala muna ang isa, dahil hindi niya napapatunayan ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan. Kung ang isa ay hindi handang makipagsapalaran at magpadala muna, ang deal ay hindi matutuloy (hindi kailangan sabihin kung paano napupunta sa sitwasyong ito kapag mayroong dalawang partido na parehong may masamang reputasyon). Ang problemang ito ay may mas mababang tsansa na mangyari kung mayroong ipinahiwatig na dalawang partido na may parehong magandang reputasyon - sa kasong ito, malamang, wala sa kanila ang mag-iisip na magpadala muna.
Ang Reputasyon ay tumutukoy satin bilang mga indibidwal sa lipunan at bilang resulta, sa mga aktibidad sa pangangalakal.Ang mga tapat na tao at mangangalakal ay dapat na maging interesado sa pagpapatunay ng kanilang pagiging mapagkakatiwalaan sa libreng merkado, sa gayon ay magiging madali, maayos at matagumpay na makipagtransaksyon sa kanilang mga paninda.
Gayunpaman, kung ang kani-kanilang mangangalakal ay isang bagong miyembro dito, dapat siyang magsagawa ng ilang mga hakbang, upang makakuha ng tiwala mula sa iba sa mga aktibidad sa pangangalakal.
Ang reputasyon ay hindi mabubuo sa magdamag, o sa isang buwan. Ito ay gugugol ng panahon upang makabuo ng isang matibay na reputasyon o para sa iyong (user)name na makilala ng iba at makita bilang "
mapagkakatiwalaan". Ngunit kapag ang isang negosyante ay nakamit ang isang magandang reputasyon, ang kanyang reputasyon ay
nagpapatunay sa pagiging isang mapagkakatiwalaang merchandiser.
Mayroong ilang mga paraan para sa pagsisimula ng isang karera sa pangangalakal sa libreng merkado. Siguro ang isang bagong miyembro ay maaaring magsimula, bilang isang nagbebenta, sa pagpapadala muna ng kanyang kalakal at maghintay ng pera pagkatapos. O, kung siya ay isang mamimili, maaari siyang magpadala muna ng pera at maghintay na maipadala ang kalakal pagkatapos. Ngunit dapat niyang maingat na piliin ang kabilang partido at tiyakin na ang partido ay isang taong may mabuting reputasyon, upang mabawasan ang panganib na ma-scam. Kung matagumpay ang pangangalakal, dapat itong sundan ng isa pa at sa tamang panahon, sa madaling hakbang na ito, ang karera sa pangangalakal at ang mabuting reputasyon ay nabubuo.
Bilang pagtatapos, ang BitcoinTalk ay mas kumplikado pagdating sa pangangalakal. Bukod sa puntos ng tiwala at mga feedback, maaari ding isaalang-alang ng isang mangangalakal ang ranggo at mga merito na nakuha ng kabilang partido. Hindi upang tingnan lamang ang ranggo / merito, kundi gamitin ang mga ito sa kabuuan, kasama ang puntos ng tiwala. Kung ang isang gumagamit ay may mataas na ranggo, o siya ay nakakuha ng maraming mga merito sa nakaraan, ito ay
dapat na mga palatandaan ng isang tao na may mabuting hangarin. Pero ito ay hindi palaging totoo. Ngunit ang mga aspetong ito kasama ng isang matibay na positibong puntos ng tiwala ay nagpapakita ng pangkalahatang larawan ng isang tao na
mas malabong manloko.Dapat gawin ng lahat ang kanilang nararapat na pagsusumikap.
Ngunit tandaan na upang maging mapagkakatiwalaan, dapat kang magkaroon ng magandang reputasyon. At sa pagkakaroon ng magandang reputasyon dapat mong patunayan (maraming beses) na iginagalang mo ang iyong mga kasunduan.