Basic Tutorial sa TRENDLINE: https://bitcointalksearch.org/topic/--5484859
Magandang araw sa mga kababayan ko dito, itong gagawin ko na topic ay ginawan ko muna ng pagreresearch dito sa ating lokal para naman hindi paulit-ulit yung paksa na ating gagawin at napansin ko naman na wala pang nagbigay ng detalye ng pagtuturo tungkol sa basic study ng pagbabasa ng chart, para malaman naman nung iba dito sa atin kung pataas ba ang price o pababa ba ito. Ano nga ba ang candlestick? Indicators at timeframe? ito ang pag-aaralan natin today. Tara! samahan nyo ako mga kapatid kung kababayan sa paksang ito.
Kung gagamit kayo ng chart, I suggest na gamitin ninyo ang
https://www.tradingview.com/chart/OVK94s85/?symbol=SEE+ON+SUPERCHARTS para mas madali kayong makasunod sa sinasabi ko na tutorial.
Ngayon magsimula na tayo, kung titignan ang chart sa larawan na binigay ko, makikita nyo na merong Green at Red na kulay yan yung tinatawag na Candlestick.
Yung green ang ibig sabihin nyan ay "Bullish" bakit ito tinawag na ganito? dahil ang bull kapag umatake yan ang pagsuwag nyan ng kanyang sungay ay laging pataas. Yung Red ay "Bearish" tinawag naman ito na ganito dahil ang Bear o Oso kapag umatake naman ng pagkalmot ay laging pababa, so gamitin nio nalang yung imahinasyon nio pagdating sa atake ng bull at bear para makuha nio ang ibig kung sabihin, basta ito yung basic na paliwanag dyan.
Ang bawat candlestick dyan sa larawan na nakikita ninyo ay nagrerepresent yan ng timeframe, depende nalang yan kung anong gusto nyo na pagitan. Dyan sa larawan na binigay ko ay kada 2hrs ay magkakaroon ng panibagong candlestick or sa bawat 2 hrs na lilipas ay magpapalit ito ng candlestick, so kung 4hrs ang TF na pipiliin mo ay every 4 hrs naman ito magpapalit ng candle or kung 1 day TF naman ang pipiliin mo ay daily timeframe or 24hrs ay kada lilipas ang bawat araw magpapalit ng candle, so ganito nagwoworks ang timeframe, ganun lang kasimple yun maintindihan.
Ipagpalagay natin na matatapos na yung 2 hrs timeframe nya at lilikha na ito ng panibagong candle at ang lumabas ay bullish o Green, ibig sabihin magsisimula siya sa ibaba yung open price nya, ngayon sa sa loob ng 2 hrs gagalaw ang price nya ng pataas at pababa sa linya na binuo nya, at kapag narating na ulit yung 2hrs or nahit na nya, ang mangyayari nyan ay magkoclose na ito ng candle gaya ng nakikita nio na image sa ibaba kapag bullish ang lumabas na candle.
Ngayon kapag sa Bearish naman ay sa taas magsisimula ang open price nito, then within 2 hrs timeframe ay gagalaw ulit ng taas baba yung price nya within the body or pwede rin lumampas sa body at yung sobra ay yung Wick na dinaanan at magsasarado naman ang price nito sa baba ng body, tulad ng nasa larawan sa ibaba,
Para hindi kayo malito o maoverwhelm agad, tuturuan ko muna kayo ng basic strategy ng wala muna kayong idadrawing sa chart para hindi kayo malito at ito yung mga tinatawag nating Indicator, ito yung ginagamit ng mga traders para matukoy nila kung taas ba o baba yung price ng isang coin o bitcoin. Since nasa trading view tayo iclick nio sa itaas yung indicators gaya ng nakikita ninyo sa larawan sa ibaba.
Ang criteria lang natin dito para MA o moving average ay everytime na ang price ay nasa itaas ng moving average dun tayo magbabuy, dahil ang concept natin palagi ay buy low sell high. Ibig sabihin hihintayin natin na magclose yung price sa ibabaw ng "Moving Average". Gaya ng nakikita ninyo sa larawan sa ibaba, na kung saan kung nasa itaas yung candlestick ng line o MA sa itaas tayo magsesell naman. Ganito lang kasimple gumamit ng indicators. Baligtad naman sa paibaba na kung saan nagclosed ang candle sa ilalim ng moving average. Kapag nasanay ka ng gumamit ng indicators ay for sure kahit papaano ay pwede ka ng makakuha ng profit sa crypto trading, dahil isa lang ito sa mga indicators na ginagamit para makakuha tayo ng profit sa crypto space.
Sana nakatulong ito kahit papaano sa iba, magandang araw....
Referrence:
What is candlestick?
https://www.investopedia.com/terms/c/candlestick.aspWhat is Timeframe?
https://fbs.com/analytics/guidebooks/timeframes-331What is Moving average?
https://www.lcx.com/moving-average-ma-in-crypto-trading-explained/