Maramingn cases akong nababasa ngayon sa Gcash. For sure maraming gumagamit ng Gcash dito since nagagamit siya para makawithdraw from coins.ph.
According dito sa news in Bitpinas may 3 suspects ang nagpapanggap na empleyado ng Gcash, Grab, Lalamove, or Mr. Speedy.
And then kukumbinsihin nila ang mga users na ang kanilang account ay nacompromised na at magooffer ang mga ito upang ayusin ang account ng mga user.
From that hihingi na sila ng mga personal information sa user like :
Personal Details:
Account Number:
Mobile Personal Identification Number (MPIN):
One Time Password (OTP):
Authentication Code:
Birthday:
Email address:
Tumulong ang Gcash upang mahanap ang tatlong suspects sa pagsasagawa ng imbestigasyon at pagreport neto sa NBI.
Source:
https://bitpinas.com/news/nbi-gcash-charge-3-suspects-cybercrime-estafa/
Customer is a scammer that is faking the received message from GCASH, pareho lang ang ginamit na number which is 288 2 but still 2882 is the legitimate number of Gcash.
And sinasabay nila ito sa Maintenance para magkaroon ng reason na baka nagkaproblema lang ang system dahil na rin maintenance.(Maaarin ding hindi sinasabay dahil tinetext din nila ang Advisory)
Source:
https://web.facebook.com/manelbuenafe/posts/10224551122784771?comment_id=683638509080955¬if_id=1589992523955592¬if_t=comment_mention
Sunod sunod na ang mga nababalitaan ko patungkol sa bug and errors ng gcash and kasama na dito ay ang itinuturing na "scam" ng mga users dahil sa pag kawala ng kanilang funds. Nasabi na ni OP ang isa sa mga transfering ng funds. Sa pag babasa ko ng ibat-ibang artikulo at mga post sa facebook page ang ilan sa kanila ay ginagamit ang kanilang gcash for online payment at ito ay ang mga
hinihinalang dahilan kung bakit biglang may aktibidad sa kanilang account patungkol dito. Sa pag babasa ko ay madalas nag re-report ang mga user sa kanilang gcash twitter ayon sa nabasa ko sa reddit
https://www.reddit.com/r/phinvest/comments/ew1ew4/gcash_twitter_scams/
May isang babae ang nag transfer ng kaniyang funds sa kanyang bank account dahil may issue ang gcash sa mga nag daang araw ay natagalan ang transfering nito at dali-dali siyang nag message sa gcash twitter at may taong nakakita doon at nag panggap na taga gcash sya at service assistance at nag tiwala ang babae at ibinigay ang kaniyang PIN kung saan naging dahilan kung bakit siya na scam.
Naranasan ko din ang glitch na ito nung sinubukan ko mag lipat ng pera patungong gcash to coins kung saan inabot ng ilang araw bago ko na recieve ang pera ko, mas mainam padin maging updated tayo about sa maintenance ng mga e-wallet natin upang di sumabay sa transactions iwas abala nadin sa atin.
Patuloy nag nag papaalala ang gcash patungkol sa ganitong mga i-scam. Hindi talaga natin maiiwasan ang mga taong mabilis kabahan at mataranta lalo na kung malaking pera ang pinag uusapan.