but thanks nga kay kabayan dahil mas detalyado at madaling sundin ang ginawa nyang thread, ma try nga agad to .
Tama yun na same exchange lang siya working dahil ang pangunahing hinihingi sa pagsesendan ng pera sa Pay ay ang binanceID at valid email ng binance user. Malaking tulong ito kasi hindi na kailangan magsend through withdrawal na nakakakonsumo pa ng withdrawal fee. Wala nang magtatalo kung sino ang sasagot ng withdrawal fee between receiver and sender sa ganitong sitwasyon.
Tama, Maganda nga dito sa forum na may ganito kasi halos lahat tayo natututo at nagkakaroon ng idea lalo na sa mga bagong labas na info at balita about sa crypto. Maganda itong binance funding kasi wala na talagang fee kapag nag sesend, kaso nga lang parang limited time nalang natin sya magagamit dahil alam naman natin kung anong issue ng binance ngayon sa bansa, Hopefully maayos na before this year ends para hindi na magkaroon ng malaking adjustments yung mga user at magamit pa natin ng matagal itong binance funding feature.