Well, actually, madami ng mga kababayan natin ang nakamove on, in fact, madami akong nakitang mga centralized exchange na merong p2p sa bansa natin, hindi lang Bybit, okx at bitget yung nakita ko na may ganung features. Meron pa akong nakitang tatlo na merong p2p features na merong gcash, ,maya at seabank din.
So, itong ngyari sa Binance ay lumabas lang din yung ibang exchange na hindi lang natin napapansin na meron din pala silang mga p2p features, medyo nasa top listed lang kasi itong tatlong exchange na una kung nabanggit.
Don't get me wrong lang ah, ano ba pagkakaintindi mo sa isang established na exchange? hindi sa binabatikos ko ang Binance noh, Lahat naman ng exchange na nasa top ay nagsimula din naman yang mga yan sa wala as in hindi sila establish nung time na bago palang sila. So, ibig mo bang sabihin yung mga exchange na sumunod lang sa Binance ay hindi pa sila established para sayo?
Saka anu bang mga exchange na tinutukoy mo na madaling mahack ng mga hackers na ngayon ay wala na sa crypto industry? meron nabang nawala sa kabila ng kanilang pagkahacked sa hacker? So, lumalabas din na mas gusto mo na yung binance na kahit na napasukan ng hacker ay naresolba parin yung naging isyu dahil may napatunayan na. Matanung lang din kita, gumagamit ka ba ng Bybit? for sure sa tingin ko gumagamit ka, sa ngayon ang Bybit kasama sa top listed sa merkado, pero never pa ito nakaencounter ng hacking isyu, ngayon kung ginagamit mo ito paminsan-minsan o madalas ay bakit mo ginagamit ang Bybit eh sabi mo mas gusto mo na yung may naptunayan na kahit nahack ay naresolba parin ng binance ang isyu samantalang ang Bybit hindi pa naman nakakaranas ng hacking isyu? pakisagot nalang ng tanung ko kung kaya mong sagutin. Salamat...