Author

Topic: Binance-Tirlu Trading (Read 103 times)

sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
November 29, 2023, 09:59:40 PM
#9
~
That's the typical mindset ng karamihan sa mga pinoy. Alam natin sa sarili natin na too good to be true ang inooffer, pero iisipin na maganda pasukan. Palaging umaasa sa chance na magkaroon ng profit kahit alam ang risk na haharapin. Ang malaking katanungan natin kasi dito ay paano mo masasabi kung kelan sila magiging scam at paano mo ggawing maging maingat ang sarili mo kung hindi mo hawak ang funds mo. Walang maingat sa pagpasok sa obvious scam, walang way para maiwasan kung ikaw mismo ang lalapit dito. Mas mabuting wag pasukin ang ganitong klaseng scheme para walang pagsisihan sa huli. Laging tandaan na huwag magpapasilaw sa malaking pera o sa interest na pinapakita nila dahil imbis na kumita ka, mawawalan ka lang.
Basta ako kumita ako bago mag-rugpull yung TuneGaGa tulad ng mga kakilala ko so ang point ko is hindi yan sila basta basta gagawa lang ng scam, magpapalawak yan sila ng user base at bago pa lang ata sila, hindi pa ganun kadami yung nagpapasok ng crypto sa kanila pero siyempre mas maganda pa din na huwag na nga lang subukan. I mean ako kaya ko subukan kasi hindi naman ganun kalaki yung ilalapag ko kung sakaling itry ko, kuha ko naman yung concern mo pero hindi ko naman sinabi na magstay sa pag-invest sa scam na ito, sayang din yung makukuha mo sa mga scammer na to kung sakali pero sakin lang naman yun.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
November 29, 2023, 09:28:17 PM
#8
Never ko narinig yan at masyadong too good to be true nga. Kapag mga ganyang offer ay parang mas maganda na iignore mo nalang. Kung effective kasi yan, mas maganda na gawin niya nalang sa sarili niya kung gumagana naman talaga at siya nalang mismo makinabang muna. Sa dami ng mga scam ngayon, ingat tayo sa mga inooffer sa atin. Pero kung nag iinsist ka naman at gusto mo itry, pera mo naman isasalang mo diyan at kung afford mong mawala yun. Mas ok talaga sa mga ganitong scheme na iwasan nalang at iwarn mo nalang ibang tao sa grupo na yan kung may kakilala ka.
Ako lang ba o parang maganda pasukan to kahit alam na too good to be true kasi kakadiscover pa lang naman sa scam na ito kaya may chance pa na pwede kang magprofit sa kanila bago sila magsimula magscam pero siyempre ingat talaga kung gagawin mo to o di naman kaya ay huwag mo nalang gawin at ignore na nga lang talaga o hindi naman kaya ay iremind mo yung mga kakilala mo regarding sa scam na ito in case na hindi pa nila ito naririnig, mabuti ng may warning na sila bago pa sila makapasok tapos hindi na makalabas kasi nahumaling na sila.
That's the typical mindset ng karamihan sa mga pinoy. Alam natin sa sarili natin na too good to be true ang inooffer, pero iisipin na maganda pasukan. Palaging umaasa sa chance na magkaroon ng profit kahit alam ang risk na haharapin. Ang malaking katanungan natin kasi dito ay paano mo masasabi kung kelan sila magiging scam at paano mo ggawing maging maingat ang sarili mo kung hindi mo hawak ang funds mo. Walang maingat sa pagpasok sa obvious scam, walang way para maiwasan kung ikaw mismo ang lalapit dito. Mas mabuting wag pasukin ang ganitong klaseng scheme para walang pagsisihan sa huli. Laging tandaan na huwag magpapasilaw sa malaking pera o sa interest na pinapakita nila dahil imbis na kumita ka, mawawalan ka lang.
sr. member
Activity: 1666
Merit: 426
November 29, 2023, 09:21:49 PM
#7
Never ko narinig yan at masyadong too good to be true nga. Kapag mga ganyang offer ay parang mas maganda na iignore mo nalang. Kung effective kasi yan, mas maganda na gawin niya nalang sa sarili niya kung gumagana naman talaga at siya nalang mismo makinabang muna. Sa dami ng mga scam ngayon, ingat tayo sa mga inooffer sa atin. Pero kung nag iinsist ka naman at gusto mo itry, pera mo naman isasalang mo diyan at kung afford mong mawala yun. Mas ok talaga sa mga ganitong scheme na iwasan nalang at iwarn mo nalang ibang tao sa grupo na yan kung may kakilala ka.
Ako lang ba o parang maganda pasukan to kahit alam na too good to be true kasi kakadiscover pa lang naman sa scam na ito kaya may chance pa na pwede kang magprofit sa kanila bago sila magsimula magscam pero siyempre ingat talaga kung gagawin mo to o di naman kaya ay huwag mo nalang gawin at ignore na nga lang talaga o hindi naman kaya ay iremind mo yung mga kakilala mo regarding sa scam na ito in case na hindi pa nila ito naririnig, mabuti ng may warning na sila bago pa sila makapasok tapos hindi na makalabas kasi nahumaling na sila.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
November 29, 2023, 07:56:58 PM
#6
Who would know kung kailan sila tatakbo, baka isang araw magsend ka ng malaking pera to trade, magulat ka nalang walang dumating sa paypal mo.
Exactly. Typical na style na pang i-scam. Sa dami ng mga scam na nagkalat ngayon dapat maingat na ang mga tao sa paglabas ng pera. Bago ako mapasok sa crypto ang dami ko ng experience na maloko dahil na rin sa pag-aakalang merong easy money. May maganda namang naidulot dahil dyan ako natuto.

Anyway, bakit kaya ina allow ni Paypal ang ganitong transaction (exchange), hindi ba ito labag sa kanilang ToS?
Most likely hindi informed ang Paypal at ginagamit lang ang platform nila para sa scheme na ito. Gaya ng paggamit ng exchanges gaya ng Binance, dahil manually ang pagsend ng Tirlu team ng USD + interest papunta sa paypal account mo. Assuming na fund transfer lang ang purpose ng pagsesend nila gamit ang Paypal. So, lumalabas na wala silang nilalabag sa ToS. Pero ang intensyon nila na makapag scam ng ibang tao, maaaring gamitin na pang report sa Paypal kung may sapat na pruweba or mapapatunayan na may naging biktima sila. Pwede i-freeze ang laman ng wallet nila.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
November 29, 2023, 07:38:27 PM
#5
FYI pala, Ang Binance ay hindi related sa Tirlu trading, baka ma-mislead sa title ang iba. Advice lang ng iba na gamitin ang Binance dahil madali mag-deposit at bumili ng LTC na ginagamit nila sa Tirlu.
Yes. Hindi sya related. Kahit anong exchange ay pwede daw gamitin. Popular kasi ang Binance kaya siguro eto ang common na ginagamit.

Who would know kung kailan sila tatakbo, baka isang araw magsend ka ng malaking pera to trade, magulat ka nalang walang dumating sa paypal mo.
Exactly. Typical na style na pang i-scam. Sa dami ng mga scam na nagkalat ngayon dapat maingat na ang mga tao sa paglabas ng pera. Bago ako mapasok sa crypto ang dami ko ng experience na maloko dahil na rin sa pag-aakalang merong easy money. May maganda namang naidulot dahil dyan ako natuto.

Anyway, bakit kaya ina allow ni Paypal ang ganitong transaction (exchange), hindi ba ito labag sa kanilang ToS?
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
November 29, 2023, 02:05:07 AM
#4
Nakita ko yang Tirlu na prinomote ng isang Youtube video content creator ng may pinanood akong tutorial nya, about tiktok affiliate ata yun if I'm not mistaken. Na curious ako kaya nagsariling saliksik ako tungkol dito. Unfortunately, tama nga yung mga nag mention sa taas na too good to be true ito. Maaaring sa simula may makukuha ka para kunin ang loob mo at kapag nag tiwala ka na sa kanila at nilakihan mo na ang pinapasok mong pera sa mga susunod sa kanila baka dun na magsimula na magkaproblema ka. Kaya iwas na rin ako sa mga ganito.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
November 29, 2023, 12:53:06 AM
#3
Too good to be true sya. Obvious scam.

FYI pala, Ang Binance ay hindi related sa Tirlu trading, baka ma-mislead sa title ang iba. Advice lang ng iba na gamitin ang Binance dahil madali mag-deposit at bumili ng LTC na ginagamit nila sa Tirlu.

So paano nga ba ang set up ng tirlu trading.
Every trade ng LTC ay makakaearn ka ng 17%.
For example
100$ worth of LTC tinrade mo sa Tirlu Trading, magiging 117$ sya in USD na ipapasok nila sa Paypal account mo.

Paano magtrade sa Tirlu.
Manually ang trade sa Tirlu trading

First, isesend mo ang fund mo, for example, $100 worth ng LTC using withdrawal papunta sa LTC address nila.

Second, once confirmed, isesend ng Tirlu team ang USD sa Paypal account mo.

Paano ko nasabing too good to be true?
1. May guaranteed return (17% every trade)
2. Walang clear explanation ng platform, trade ka kikita ka, and ano ang makukuha nila? Since sila ang nagsesend ng pondo sayo with interest, wala man lang fee or what.
3. Isesend mo ang pera mo sakanila and pending ang magiging status.

Who would know kung kailan sila tatakbo, baka isang araw magsend ka ng malaking pera to trade, magulat ka nalang walang dumating sa paypal mo.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
November 29, 2023, 12:50:54 AM
#2
Never ko narinig yan at masyadong too good to be true nga. Kapag mga ganyang offer ay parang mas maganda na iignore mo nalang. Kung effective kasi yan, mas maganda na gawin niya nalang sa sarili niya kung gumagana naman talaga at siya nalang mismo makinabang muna. Sa dami ng mga scam ngayon, ingat tayo sa mga inooffer sa atin. Pero kung nag iinsist ka naman at gusto mo itry, pera mo naman isasalang mo diyan at kung afford mong mawala yun. Mas ok talaga sa mga ganitong scheme na iwasan nalang at iwarn mo nalang ibang tao sa grupo na yan kung may kakilala ka.
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
November 28, 2023, 08:48:10 PM
#1
Hindi ko alam kung na open na itong topic dito pero ask ko na rin. Recently lang ay may nag offer sa gc namin tungkol dito. Months na nya itong ginagawa ang pag tetrade ng Litecoin sa Tirlu (pwede rin daw ang Bitcoin). Kikita ka ng 30% sa pagbenta at tru paypal ka nila babayaran. So far ay in profit na sya ng more or less 50k.

Too good to be true ba? Meron na bang nag try nito dito?
Jump to: