Bago ko simulan, pagbati muna sayo kabayan dahil birthday mo ngayon.
Achievements: Isa sa mga greatest achievement ko ngayong taon ay ang pagiging Sr. Member ko dito sa ating forum. Indikasyon ito ng pagiging aktibo at paglikha ng mga topic na nakatutulong sa ating mga kababayan. Dagdag pa dito, isang achievement ko na rin siguro na magkaroon ng stable weekly income.
Failures: Well, kaakibat ng weekly income, nanjan din yung temptation ko sa pag withdraw ng Bitcoins, at isa sa mga failures ko ay ang pag bebenta ng BTC dahil nag papanic ako sa price nito. Alam ko di naman ito maiiwasan dahil kung meron tayong investment, natatakot tayong malugi.
Lessons: Una, pinagtibay ko yung tiwala ko sa BTC, nag Hold ako ng matagal kahit na pabago bago ang nakaka tempt mag sell, sa panahon ngayon, nakikita ko yung profit ko dahil to the moon nanaman ang BTC.
Medyo wala pa tayo sa mid year kaya kakaunti pa lamang yung mga nasshare ko, dagdag pa yung EQC, nga pala, achievement ko na din siguro makatulong sa bansa sa pamamamagitan ng website ko na to,
covidawareness.live/tracker.html. Since IT student naman ako at wala mapagkaabalahan, nag aaral nalang ako gumawa ng website at systems.
Another lesson siguro, ay imaximize natin yung time natin ngayong wala tayong kakayanang lumabas ng bahay, why not mag study nalang sa bahay at huwag na lumbas para hindi na makadagdag sa cases ng COVID sa bansa.
Happy Birthday ulit kabayan.