Medyo accurate naman yon kase ang bitcoin ay isang form of currency, tulad ng dollar, peso, etc., and any promise of money (in the form of bitcoin na pwdeng i-convert sa peso o dollar) ay pwdeng maka-engganyo sa iba para sumali sa isang "investment program" na yun pala ay isang scam (regardless kung dollar, peso, or bitcoin ang perang pang-engganyo nila).
Sana lang mas dinagdagan pa ng Failon Ngayon ang pagkukwento tungkol sa bitcon. Yung mga importante kaseng aspeto ng bitcoin-- yung advantages nya over fiat currencies, benefits nya sa mga OFWs natin or work-at-home moms, yung revolutionary technology behind it-- yan pa ang hindi nila masyadong ni-discuss, so nakaka-dismaya ang presentation nila kagabi.