naisip ko lang din, pwede siguro natin i-konsidera yung popularity ng bitcoin kada-halving. Before 2017 ATH, hindi pa siya masyadong pinapansin ng mga financial institutions at government authorities. Ngayon, kabi-kabilaang attempt na para i-regulate o kaya i-ban. Malamang magkakaroon pa din ng bagong ATH pagdating o pagkatapos ng susunod na halving pero ang pagkakaiba ngayon, mas marami ng "players" ang makakaapekto sa kung gaano kataas ang presyo.
Posibleng maging isang "factor" ito kung hanggang hanggang saan aabutin ang new all time high natin.
[.. snip ..]
Edited: Salamat.
Isinama ko na as reference. Salamat.
Sa palagay ko kumukuha muna ng momentum ang market patungong halving, kaya months before tumataas na presyo ni Bitcoin. Marami rin kasing mga speculation na naglalabasan at lahat ng ito ay nakakapaghype sa presyo ni Bitcoin, then dadagdagan pa ng FOMO kaya mas lalong tataas. Hindi lang kasi future events ang tinitingnan ng mga investors, tinitingnan din nila ang history ng prior event before and after. So pagdating ng halving magkakaroon ng bentahan yan mga ilang araw then mararamdaman yung pagbawas ng supply kaya nagkakaroon ulit ng pagtaas ng ilang buwan (post halving effect).
Medyo matagal tagal pa talaga ang halving kaya marami pang mga corrections sa susunod na mga buwan. Pero baka nakita na rin natin ang lowest low pre-halving na $3000.00 pero hindi pa tayo sigurado kung ano ang pinakamakataas na presyo pre-halving, sa ngayon eh $13000.00.
Yup napakahalaga ng history sa buhay ng isang traders/investors kaya sa papadating na bitcoin halving ay napakalaki ng tyansa na muling magbalik ang kagandahan ng merkado. At napakalaki ng psychology effect nitong bitcoin halving sa mga tao dahil awtomatikong naiisip nila na darating na ang bull market dahil may bitcoin halving na magaganap.
Napakahalaga lalo na sa hindi pa naka experience ng bull run nung 2017. Kaya yun din ang intensyon ko kaya ginawa ko ang thread para makita ng mga bago yung posibleng maganap o magaganap na positibong epekto ng bitcoin halving.
Gumaganda talaga ang presyo nito kapag papalapit n ang bitcoin halving, pero during nang bitcoin halving minsan talaga ay walang nangyayari o pagtapos yan ang mga aking napuna bukod dito. At sana rin ay sa susunod na halving ay makitaan natin siya ng pagtaas kahit na tpaos na ang halving o nagaganap pa lang ito para naman maging maganda ang kikitain natin next year.
Ganun yata talaga ang cycle ng market ng bitcoin. Kaya mas maganda na talagang maging handa tayo bago mag halving. Ipon ipon kahit kaunti unti para kung saka sakaling magtugma ang mga haka haka at prediksyon base sa graph ng mga nagdaang bitcoin halving makakasama na tayo sa pag-angat nito dahil malaki ang tsansa ng lahat na kumita ng malaki.