Author

Topic: Bitcoin ETF sa Pilipinas, Possible kaya? (Read 247 times)

copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 17, 2021, 10:53:02 AM
#21
~

Not directly sa crypto yung research per kinuquestion nya yung fund para sa corn research ng DA dahil malaki daw para sa research lang. Ito yung YouTube link ng actual speech nya https://youtu.be/gym1_ZR6z10
Spoken like a true Company CEO Grin May naalala tuloy akong tao dahil sa speech niya. Dito applicable yung pwede pero depende na kataga. Hindi ako pamilyar sa R&D cost para sa mga agricultural products o pati ng ibang industriya pero hindi naman siguro papalo ng over Php 100 Million budget kung para sa crypto at ETF.

Tutal may mga personal interest naman mga mambabatas natin, naisip ko lang tuloy na kung meron man grupo na magsusulong talaga neto ay dapat mapatunayan muna na useful nga ang blockchain tech sa mga mga malalaking indutriya kagaya real estate Wink

Agree ako dito. Sana makapag focus tayo sa Blockchain tapos sunod nlng yung mga cryptocurrency specifics, Ang tingin kasi ng karamihan especially yung mga conservative old skul investors ay scam o di kaya napaka risky kaya hindi nabibigyang importansya kung gaano ka useful ang blockchain kung iaapply sa system natin especially sa government.

OK din Kung gagamitin ang blockchain para sa mga government project. Like bidding, material cost at yung mga related sa disbursement for transparency purposes para kita ng tao kung saan na pupunta yung pera dahil sa blockchain record.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
November 13, 2021, 02:44:07 AM
#20
~

Not directly sa crypto yung research per kinuquestion nya yung fund para sa corn research ng DA dahil malaki daw para sa research lang. Ito yung YouTube link ng actual speech nya https://youtu.be/gym1_ZR6z10
Spoken like a true Company CEO Grin May naalala tuloy akong tao dahil sa speech niya. Dito applicable yung pwede pero depende na kataga. Hindi ako pamilyar sa R&D cost para sa mga agricultural products o pati ng ibang industriya pero hindi naman siguro papalo ng over Php 100 Million budget kung para sa crypto at ETF.

Tutal may mga personal interest naman mga mambabatas natin, naisip ko lang tuloy na kung meron man grupo na magsusulong talaga neto ay dapat mapatunayan muna na useful nga ang blockchain tech sa mga mga malalaking indutriya kagaya real estate Wink
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
November 12, 2021, 06:35:49 PM
#19
Legit talaga yung source pati yung news pero tungkol yan sa ETF ng US which is Proshares na trading na talaga ngayon. Sa Pagkakaalam ko wala pang say ang SEC natin sa mga ganitong usapan dahil pa natin kaya harapin yung risk dahil bago lang ito at proven na very risky dahil sa volatility. Waiting game lng lagi tayo na mag adopt yung karamihan ng bansa bago tayo as usual without effort on doing our own research and experiment.  Cheesy
Legit na legit talaga yung ProShares kasi open na talaga yung pag trade sa ETF nila for $40/shares pero hindi naman sa 'Pinas yan, if possible baka merong mga Pinoy na investors pa nga ang mag invest doon mismo sa US especially if resident sila doon. No wonder, kasi sa larangan ng ekonomiya we always tend to copy or share the same trajectory sa ibang bansa kaya sa larangan ng ETF ito yung pinakamabisang magagawa ng Pilipinas.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 12, 2021, 11:56:29 AM
#18
~ kagaya nalang noong research budget na tinutulan ni Cynthia Villar dahil aksaya lang daw ng pondo dahil wala naman daw tayong napapala.
May article ka ba para dito? Sinusubukan ko buksan website pero lumalabas na offline Roll Eyes May nakita nga akong bills dati na layunin pag-aralan ang Digital Assets (kabilang na ang crypto) pero hindi ko nabalitaan na pinatay na pala ito.


Not directly sa crypto yung research per kinuquestion nya yung fund para sa corn research ng DA dahil malaki daw para sa research lang. Ito yung YouTube link ng actual speech nya https://youtu.be/gym1_ZR6z10

Legit naman yung source ng news pero most likely they are still working with the license on SEC since there's no big announcement yet with regards to this one pero hopefully magkaroon tayo nito kase marame ang maaatract na investors because of this especially big companies, so for sure darating tayo dito sa ganitong sitwasyon, pero for now let's just wait for announcement and hopefully may magopen ng ganitong option para sa mga Pinoy.

Legit talaga yung source pati yung news pero tungkol yan sa ETF ng US which is Proshares na trading na talaga ngayon. Sa Pagkakaalam ko wala pang say ang SEC natin sa mga ganitong usapan dahil pa natin kaya harapin yung risk dahil bago lang ito at proven na very risky dahil sa volatility. Waiting game lng lagi tayo na mag adopt yung karamihan ng bansa bago tayo as usual without effort on doing our own research and experiment.  Cheesy
full member
Activity: 2086
Merit: 193
November 11, 2021, 04:49:11 PM
#17
Tanong lang @Coin_trader na medyo off topic pero parang sariling image yung ginamit sa OP, tama ba ako? Well, if not I don't mind or possibly na link mo nalang.



Para sa akin malabong-malabo na mangyari sa kasalukuyan o sa along madaling panahon kahit ata dekada hindi ko pa makikita na magkaroon ng ETF sa 'Pinas unless regulated na yung crypto ng gobyerno which is malabo pa rin as general. At least pag aralan muna yung mga naunang bansa na nagkaroon ng ETF para at least may alam na kung sakali mang papasok tayo para rito.

May nabasa ako parang ito na ung Bitcoin ETF dito sa Pinas, The first bitcoin ETF finally begins trading. Paki check na lang mga kabayan di ko kasi kabisado kung ano 'yang ETF na yan. Smiley
Legit naman yung source ng news pero most likely they are still working with the license on SEC since there's no big announcement yet with regards to this one pero hopefully magkaroon tayo nito kase marame ang maaatract na investors because of this especially big companies, so for sure darating tayo dito sa ganitong sitwasyon, pero for now let's just wait for announcement and hopefully may magopen ng ganitong option para sa mga Pinoy.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
November 10, 2021, 11:42:10 PM
#16
~ kagaya nalang noong research budget na tinutulan ni Cynthia Villar dahil aksaya lang daw ng pondo dahil wala naman daw tayong napapala.
May article ka ba para dito? Sinusubukan ko buksan website pero lumalabas na offline Roll Eyes May nakita nga akong bills dati na layunin pag-aralan ang Digital Assets (kabilang na ang crypto) pero hindi ko nabalitaan na pinatay na pala ito.


~

May nabasa ako parang ito na ung Bitcoin ETF dito sa Pinas, The first bitcoin ETF finally begins trading.
Coverage ng CNN Philippnes pero sa US yan hindi dito sa Pinas.Sobrang tindi naman natin kung naunanhan pa nating mga ibang developed na bansa pagdating sa ETF Grin

Paki check na lang mga kabayan di ko kasi kabisado kung ano 'yang ETF na yan. Smiley
Mukhang pinasimple na sa OP yung paliwanag sa ETF. Balik-balikan mo lang para mas maintindihan.

sr. member
Activity: 966
Merit: 275
November 10, 2021, 08:08:16 PM
#15
Tanong lang @Coin_trader na medyo off topic pero parang sariling image yung ginamit sa OP, tama ba ako? Well, if not I don't mind or possibly na link mo nalang.



Para sa akin malabong-malabo na mangyari sa kasalukuyan o sa along madaling panahon kahit ata dekada hindi ko pa makikita na magkaroon ng ETF sa 'Pinas unless regulated na yung crypto ng gobyerno which is malabo pa rin as general. At least pag aralan muna yung mga naunang bansa na nagkaroon ng ETF para at least may alam na kung sakali mang papasok tayo para rito.

May nabasa ako parang ito na ung Bitcoin ETF dito sa Pinas, The first bitcoin ETF finally begins trading. Paki check na lang mga kabayan di ko kasi kabisado kung ano 'yang ETF na yan. Smiley
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
November 10, 2021, 07:07:28 PM
#14
Para sa akin posible naman. Lalo na ngayon na dumarami na din naman ang mga financial literate na mga kababayan natin at unti unti ng nabubuksan ang isipan sa mga investments lalo na sa bitcoin. Magandang paraan 'to para magkaroon ng panibagong investment ang mga kababayan natin na di iniisip yung mga normal na cons na alam ng karamihang hindi naman nag iinvest sa bitcoin. Tulad nga ng scam, hack, fraud at iba pang mga negativities na kaya hindi na sila nag invest sa market. Kaso, di natin alam kung ayos ba sa SEC ang bitcoin ETF kasi kung sa ibang bansa, halos ilang taon bago merong naaprubahan.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
November 09, 2021, 05:26:39 AM
#13
Ginamit yang image sa news.Bitcoin.com article tungkol sa paghihigpit ng batas para sa mga lalabag sa batas na tungkol sa cryptocurrency. Naka link yung original article sa picture kahit pindutin mo nalang yung image para direkta mong mapuntahan yung image o download mo dito https://i.imgur.com/7LpV9kG.jpg.
Salamat sa explanation, akala ko kasi galing sayo. Hirap ng sa mobile lang kasi hindi ma-hover yung mismong image akala ko walang link. Thanks!

Sa tingin ko kailangan pa ng Pilipinas na makabangon muna at malinis yung pulpulitiko na nananatili at patuloy na nasa posisyon kahit na wala naman mabuting naidudulot yung mga ginagawa nya.
Mga politikong ginawa nalang hanap-buhay ang posisyon at paulit-ulit nalang na nasa pwesto o di naman mag-iiba lang ng posisyon pero wala namang pagbabagong natatamasa ang masa sa kanila. Sa tingin ko, hindi pa napapanahon ang ETF kasi sa US nga mismo sa dami ng ETF proposal na isinumite Ilan palang ang naaprubahan hanggang ngayon.

I'm not saying na magfocus tayo sa crypto dahil malaki ang opportunity rito pero meron parin tayong kinakaharap na mga problema maliban rito at kung mag stay ang mga politikong ito na kung hindi man gumawa nalang ng batas na halos paulit-ulit nalang ay ginagawa nalang itong negosyo. Dapat talagang malinis muna yung mga tra-po.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 08, 2021, 08:02:40 AM
#12
Tanong lang @Coin_trader na medyo off topic pero parang sariling image yung ginamit sa OP, tama ba ako? Well, if not I don't mind or possibly na link mo nalang.

Ginamit yang image sa news.Bitcoin.com article tungkol sa paghihigpit ng batas para sa mga lalabag sa batas na tungkol sa cryptocurrency. Naka link yung original article sa picture kahit pindutin mo nalang yung image para direkta mong mapuntahan yung image o download mo dito https://i.imgur.com/7LpV9kG.jpg.


Para sa akin malabong-malabo na mangyari sa kasalukuyan o sa along madaling panahon kahit ata dekada hindi ko pa makikita na magkaroon ng ETF sa 'Pinas unless regulated na yung crypto ng gobyerno which is malabo pa rin as general. At least pag aralan muna yung mga naunang bansa na nagkaroon ng ETF para at least may alam na kung sakali mang papasok tayo para rito.

Agree dito. Hindi din pati uubra ito sa kasalukayang kalagayan ng tatlong sangay ng pamahalaan. Siguro kung makakalusot man sa kongreso, Mahaharang agad ito ng senado dahil madaming pabibo na pulitiko ang kasalukuyang hindi gusto ng mga ganitong suggestion kagaya nalang noong research budget na tinutulan ni Cynthia Villar dahil aksaya lang daw ng pondo dahil wala naman daw tayong napapala. Sa tingin ko kailangan pa ng Pilipinas na makabangon muna at malinis yung pulpulitiko na nananatili at patuloy na nasa posisyon kahit na wala naman mabuting naidudulot yung mga ginagawa nya.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
November 06, 2021, 01:05:14 AM
#11
Tanong lang @Coin_trader na medyo off topic pero parang sariling image yung ginamit sa OP, tama ba ako? Well, if not I don't mind or possibly na link mo nalang.



Para sa akin malabong-malabo na mangyari sa kasalukuyan o sa along madaling panahon kahit ata dekada hindi ko pa makikita na magkaroon ng ETF sa 'Pinas unless regulated na yung crypto ng gobyerno which is malabo pa rin as general. At least pag aralan muna yung mga naunang bansa na nagkaroon ng ETF para at least may alam na kung sakali mang papasok tayo para rito.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
November 05, 2021, 05:46:08 PM
#10
Maganda nga sana kung magkakaroon man ng ganyan sistema ang gobyerno para kahit papaano may makukulimbat sila na buwis sa mga naglalakihang mga investors sa Pilipinas , kung bibigyan talaga nila ng pansin yan ay dapat matagal na nilang pinatupad. Para sa akin may posibilidad na mangyari ito. Maraming investor malaking pera makukuha ng bansa dagdag pa yung seguridad ng mga ininvest nila.

Pinapagaralan pa ng Gobyerno ang tungkol sa Bitcoin , minsan narin na mention ang Bitcoin sa mga news at halos karamihan ay mga negatibo na nakasira sa pangalan nito. Tungkol naman sa ETF siguradong mangyayari yan kaso nga syempre mabagal tayo una muna sila. Gagaya rin ang bansa pag marami ng tumangkilik na bansa sa Bitcoin.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 05, 2021, 03:51:29 AM
#9
Kapag marami ng bansa ang may ETF o hype na sa ibang bansa ang benfifs or tulong nito sa kanila panigurado saka pa lamang may mag-iisip na magapply atin ng ganito. Kung sa pag-apruba naman ng SEC depende pa ito sa pamunuan kung gaano nila aaralin ito o kung magkakaroon ng chance na may mas bata or kabataan na mamumuno sa SEC or part ng SEC na may kaalaman sa crypto magiging posible ang pag apruba ng SEC sa mga kumpanya na nanaiising mamuhunan sa ganitong investment. Sa panahon ngayon mas aware na ang tao sa pagiinvest at pagtry ng stocks or mutual funds, kumpara sa mga matatanda noon na sa bangko lang umaasa at hindi nagririsk ng pera sa investment. Sa ngayong patok ang axie sa bansa madami dami na ang nakakaalam sa crypto tatangkilikin ito o gagamitin ng mga Pilipino lalo’t kinakailangan lang ng tamang ads or pagpapaliwanag ng benefits nito.

Well knowing naman kung ano talaga ang galawan ng Gobyerno natin. Lagi tayong takot na mag explore at lagi lang umaasa sa result ng ibang bansa. Takot kasi ang Gobyerno natin mag explore at the same time ay walang pondo sa mga research dahil nga hinaharang na agad sa Congress or senate kung sakali mang may magpropose ng research tungkol sa mga bagong bagay na pwede natin ikaunlad. Puro kontrahan at papogi kasi lagi ang political system natin kaya napaka bagal ng pag asenso.

Alam ko na naka observe din naman ang SEC tungkol sa nangyayari sa Bitcoin ETF. Ang problema lang ay naghihintay din sila ng magiging resulta nito sa US bago gayahin sa atin. Same with vaccine, safety protocol and etc na lagi tayong huli sa lahat. Sa chismis lng mga marites laging first ang mga pinoy.  Grin
hero member
Activity: 1288
Merit: 564
Bitcoin makes the world go 🔃
November 04, 2021, 11:30:33 AM
#8
Kapag marami ng bansa ang may ETF o hype na sa ibang bansa ang benfifs or tulong nito sa kanila panigurado saka pa lamang may mag-iisip na magapply atin ng ganito. Kung sa pag-apruba naman ng SEC depende pa ito sa pamunuan kung gaano nila aaralin ito o kung magkakaroon ng chance na may mas bata or kabataan na mamumuno sa SEC or part ng SEC na may kaalaman sa crypto magiging posible ang pag apruba ng SEC sa mga kumpanya na nanaiising mamuhunan sa ganitong investment. Sa panahon ngayon mas aware na ang tao sa pagiinvest at pagtry ng stocks or mutual funds, kumpara sa mga matatanda noon na sa bangko lang umaasa at hindi nagririsk ng pera sa investment. Sa ngayong patok ang axie sa bansa madami dami na ang nakakaalam sa crypto tatangkilikin ito o gagamitin ng mga Pilipino lalo’t kinakailangan lang ng tamang ads or pagpapaliwanag ng benefits nito.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 04, 2021, 09:12:39 AM
#7

And yes, not to mention na mas ok na humawak ng bitcoin gamit ang non-custodial wallet. Para kahit kung mawala man ang Coins.ph(though malabo) e hindi ka affected.

Mejo OT lang since nabasa ko yung mas better mag hold ng Bitcoin, karaniwan kasi gusto ng mga newbie crypto user na mag buy and sell lang lagi every price movement ng Bitcoin compared Kung mag hold kaya doubted ako na magiging kuntento sila na mag hold sa non-custodial wallet. Madami ako binigyan ng Bitcoin dati noong 2017 at sinabi ko sa knila na ihold lng sa electrum wallet nila pero at the end, Binenta din nila since tinuruan ko sila gumamit ng Binance Exchange na dapat napaka lacking halaga na kung naghold sila.

Knowing the Philippines kung saan sobrang small minority ang investors in general, mejo unlikely na magkaroon tayo. Kompared sa U.S. kung saan very common na may invested assets ang isang tao.

Agree dito, Sobrang baba din tlaga ng expectation ko n may maglakas ng loob na magpasa ng ETF sa atin base sa image ng Bitcoin sa bansa natin dahil sa mga scam scheme na naglipana noong panahon ng unang pagputok ng Bitcoin sa pinas.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
November 03, 2021, 11:32:08 AM
#6
Knowing the Philippines kung saan sobrang small minority ang investors in general, mejo unlikely na magkaroon tayo. Kompared sa U.S. kung saan very common na may invested assets ang isang tao.

And yes, not to mention na mas ok na humawak ng bitcoin gamit ang non-custodial wallet. Para kahit kung mawala man ang Coins.ph(though malabo) e hindi ka affected.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 03, 2021, 09:14:11 AM
#5
Mukhang wala pa talaga kumpanyang mag-push nyan dito sa bansa. Apart from UnionBank and its arms, wala pa masyado institutional adoption ang crypto sa Pinas. Mangyayari niyan malamang ay sunod sa uso ulit ang Pinas kapag naaprubahan na sa US.

Napanaood ko din interview ng CEO ng PDAX (isang BSP regulated exchange) at tingin nga niya na mas makakabuti para sa mga retail investors na bumili ng actual bitcoin kesa sa ETF. Ayon sa kaniya, may sapat naman na protection dito sa bansa (video)

Salamat sa pag share ng video link kabayan! Napaka informative at on point ng explanation ng CEO ng PDAX tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bitcoin ETF sa US. Agree ako sa kanya na mas safe bumili sa ngayon sa mga exchange dahil futures ETF palang inooffer ng SEC pareho ng point nya since regulated naman at some point yung PDAX exchange sa SEC at syempre may konting bayas yung opinion nya tungkol sa topic na yan dahil nga owner sya mismo ng Exchange. Pero may point talaga ang lahat ng sinabi nya at agree ako doon.


Kung magkakaroon ng Bitcoin ETF, Maraming mga Pilipino ang mag kakainterest sa Bitcoin dahil protektado at
Hindi pa rin safe ang mga documents natin sa mga traditional platforms or exchanges dahil pwede pa rin mahack ang mga yun [false sense of security]!

Sorry sa confusion, Ang nais ko lang talaga iemphasized sa statement above ay yung feeling comfortable sila sa safety nila dahil nasa custody sila ng SEC, Kung sakali mang ma hack yung system atleast cover sila ng government security. Karamihan kasi ng mga traditional investor or yung mga nakakatatanda ay gusto lagi sa mga proven na broker bumili ng stocks or assets kesa mag risk pa sila sa mga new centralized exchange na bago lang sa kanila. May mga tita at tito kasi ako na professional na ayaw maginvest sa crypto dahil ayaw nila magsubmit ng ID or magdeposit sa mga international exchange dahil wala daw itong physical office para sa complaints kung sakali mang magkaproblema.



Waiting for more healty reply para lahat tayong mga pinoy ay maging aware at inform kung ano nga ba talaga itong big event na nangyari at mangyayari sa Bitcoin future.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
November 03, 2021, 04:59:06 AM
#4
Possible kaya na mag approve ang SEC ng Pilipinas kung sakali man na may kumpanya na maglakas loob na magsumite ng kanilang applikasyon ukol dito?
Sa tingin ko pareho siguro ang outcome dun sa mga naunang BTCitcoin ETFs na nareject sa US [di ako familiar sa mga requirements nila pero I have a strong feeling na it'd take a few more years bago nilang iapprove ang mga ganyan ETF sa Pinas (assuming na may mag submit)].

Kung magkakaroon ng Bitcoin ETF, Maraming mga Pilipino ang mag kakainterest sa Bitcoin dahil protektado at
Hindi pa rin safe ang mga documents natin sa mga traditional platforms or exchanges dahil pwede pa rin mahack ang mga yun [false sense of security]!
newbie
Activity: 20
Merit: 1
November 03, 2021, 04:47:53 AM
#3
Kinda through though, I live in Makati and it was the first time I saw an ATM for crypto. It was nice to see pero I doubt that it'll be mainstream and institutionalized here in the Philippines for quite some time.

Axie might help with making crypto more relevant, pero it's expected na major banks are holding back to see and observe. Risky and volatile pa kasi ang stereotype with crypto.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
November 03, 2021, 03:37:20 AM
#2
Mukhang wala pa talaga kumpanyang mag-push nyan dito sa bansa. Apart from UnionBank and its arms, wala pa masyado institutional adoption ang crypto sa Pinas. Mangyayari niyan malamang ay sunod sa uso ulit ang Pinas kapag naaprubahan na sa US.

Napanaood ko din interview ng CEO ng PDAX (isang BSP regulated exchange) at tingin nga niya na mas makakabuti para sa mga retail investors na bumili ng actual bitcoin kesa sa ETF. Ayon sa kaniya, may sapat naman na protection dito sa bansa (video)
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
November 03, 2021, 12:09:24 AM
#1


Ano nga ba ang Bitcoin ETF?

Ang Bitcoin ETF ay nagpapahintulot sa mga investors na bumili ng ETF na hindi kailangan mag trade ng direkta ng Bitcoin sa pamamagitan ng paggaya nito sa presyo ng Bitcoin. Sa madaling salita, Virtual representation lamang ito ng Bitcoin na may kaparehong halaga kagaya na lang ng Bitcoin na binebenta noon ng Paypal.


Bakit nga ba hindi na lang bumili ng direkta ng Bitcoin
Alam nating lahat kung gaano kadelikado gumawa at gumamit ng mga CEX(Centralized Exchange) dahil hindi nmn talaga sila regulated at wala tayong habol kung sakali man na maglaho silang bigla dahil hindi sakop ng batas ng Pilipinas ang kompanya nila. Sa BitcoinETF malilimitahan ang mga ganitong panganib dahil may lisensya at regulated ng SEC ang mga broker na mag ooffer nito. Kaya walang pangamba ang mga investors sa mga holdings nila dahil una sa lahat hindi ito tunay na Bitcoin at pangalawa ay protektado sila ng batas.






Possible kaya na mag approve ang SEC ng Pilipinas kung sakali man na may kumpanya na maglakas loob na magsumite ng kanilang applikasyon ukol dito? Kung iisipin natin mabuti, Madami ang matutulungan nito dahil madami ng mga Pinoy ang nagiinvest sa crytocurrency at karamihan ay nabibiktima ng mga scammer at fake exchange. Idagdag pa dito yung mga KYC verification na hindi natin alam kung talagang protektado ito sa mga kamay ng mga online hacker na nagbebenta ng mga ito sa online. Kung magkakaroon ng Bitcoin ETF, Maraming mga Pilipino ang mag kakainterest sa Bitcoin dahil protektado at wala ng pangamba na baka tumakbo yung mga exchange na ginagamit nila.

Ano ang opinyon nyo mga kabayan?



Buong detalye ukol sa Bitcoin ETF: https://www.investopedia.com/investing/bitcoin-etfs-explained/

Jump to: