Personally, lampas na ako sa point na magpapanic ako at benta ko lahat ng holdings ko. At this point, willing na ako na mag-take risks. Sa tinging ko pa nga, it is a good time to buy more cryptocurrencies because of the dip.
Kayo ba nagpapanic? May plan ba kayo to buy more cryptos during this dip?
Di ko alam if saan ko nabasa tong quote na ito or di ko alam if quote nga talaga ito pero parang ganito ung sinabi.
"Those people who are taking the risks are the ones who are taking the most rewards."
Panic?? Wala sa vocabulary ko ang word na yan simula noon pa. Nagstart ako sa crypto 2017 and nakita ko sa mata ko ang 2018 year of hell. Nakita ko rin na bumagsak ang Bitcoin ng almost 50% sa loob ng dalawang araw lang noong March 2020 noong naideclare na pandemic ang buong mundo. That time nagsisisi ako ng sobra dahil hindi ako nakabili ng Bitcoins. If nakabili lang ako kahit 5,000 worth of BTC lang, sa loob ng ilang buwan naka x9 or x10 na ako sana.
Sa mga investors jan na nagpapanic, wag kayong magpanic dahil walang maidudulot na maganda ang pagpapanic. Ang maibibigay lang nyan sa inyo ay pagsisisi sa huli dahil binenta nyo ng talo kayo tapos pag nakita nyong tumaas na magsisisi kayo. Itong recent drop ay isang opportunity na para makakuha ng short term profit o if long term holder ka, pwede kang bumili sa mas murang halaga.
Ito ang quote ko para sa sarili ko. Negativities = Opportunities
. Sana kayo din