---
Saan kayo mas comfortable ilagay ang crypto earnings nyo. Ako kasi dayi sa Bitcoin talaga pero ngayon mataas ang price ay napipilitan ako maglagay sa stablecoin since sobrang volatile ng Bitcoin market na pwede ako mag lose ng malaki while yung gain medyo maliit lang since malapit pa ang price sa ATH.
Depende sa situation ng market.
Kung kagaya ngayon na nasa bull run season tayo, mas maganda na ilagay ito sa Bitcoin o kaya sa Ethereum para sa capital appreciation na rin. Kung tumaas ang Bitcoin, kasama na ang holdings mo at mas maganda yun kaysa naman sa naghohold ka ng stablecoins na hindi umaangat o bumababa ang price. Walang capital appreciation.
Ngayon kung nasa bear market season tayo, mas maganda na ilagay natin sa stablecoins hanggat maaari kung hindi nyo gusto iconvert into fiat currency. Sa ganitong paraan, mas safe ka sa mga pagbagsak ng mga coins dahil tulad ng sinabi ko, hindi naman gumagalaw ang price ng stable coins. Gagawin ko ito kung gusto kong ipreserve ung pera ko para marami pa rin akong mabili na cryptocurrencies kung sakaling matapos na ang bear market season at mag transition na tayo sa accumulation phase.